i did

the 1

 

Nasasamid ba talaga ang isang tao kapag paulit ulit na nababanggit ang pangalan niya? 

 

Feel ko naman hindi. Wala pa naman kasing balitang nakarating sa akin na halos mamatay na kakasamid ‘yung mga groupmates ko dati eh parati ko silang binabanggit. 

 

Sana hindi totoo. Kasi kung oo, kawawa naman si Karina. Hindi dahil palagi kong sinasabi name niya ah. Wala lang after kasi ng pa-press conference niya last week, kahit saan ako pumunta siya ang center of chismis. 

 

“Uy, tomboy pala si Karina?”

 

Actually, bi raw po siya. 

 

“Kaya pala kahit super gwapo ng mga co-star niya, hindi siya nadala. Babae pala ang hanap”

 

Hindi naman po siya sa hitsura lang nagb-base. Gwapo raw po talaga ‘yung ilan sa co-stars niya pero ang bantot daw po ng mga ugali. 

 

“Sayang naman! Ang gandang bata pa naman”

 

Bakit naman po sayang? Parang mas sayang po ‘yung oras niyo katatayo diyan sa tindahan eh wala naman po kayong binibili. 

 

“OMG! Sabi na eh! Like may vibe kasi si Karina na “for girls” only”

 

True po. 

 

“Grabe pero sino kaya ‘yung girl? Imagine break na sila 6 months ago pa raw pero nag-speak up si Karina for her. Grabe”

 

Akong nasa tabi mo, Ate. Ako po ‘yun. Kaso po ‘yung siko niyo, masakit po. 

 

“Uy, nakita niyo ‘yung sa twitter? May fan daw ni Karina na alam ‘yung identity nung ex niya”

“Ano sabi? Sino raw?”

“Walang sinabi na iba pero ang sabi lang, cute. Parang mas crush niya pa nga raw ‘yung jowa ni Karina kaysa kay Karina mismo”

“Anong jowa? Ex na!”

“Ay oo nga, ex na”

 

Edi okay po! Ex na. 

 

Sa loob ng isang linggo, literal na pinag-uusapan ng tao sa paligid ko ang unexpected relationship namin ng ex ko. Even sa work, hindi ako nakaligtas. 

 

“Okay ka lang, Win?”

“Kaya pa?”

“Rest ka kaya muna?”

 

Siguro kung pera ‘yung mga tanong nila, kaya ko na sigurong bumili ng house and lot fully paid. Ilang beses ko namang sinagot mga tanong nila na okay lang ako pero parang wala silang naririnig. 

 

Guys 6 months ago pa ‘yun oh. Move on naman kayo. 

 

“Pero seryosong tanong, Win, naka-move on ka na?,” tanong sa akin ni Heachan ng minsang tulungan ko siya sa pag-close ng shop. Blangko lang naman ang tingin ko sa padlock na nasa harap ko. 

 

“6 months ago pa nangyari lahat ‘yun, H. Literal na kalahating taon na ang nakalipas,” sagot ko sa kaniya nang nasa tapat na kami ng entrance ng LRT. 

 

Huminga naman nang malalim si Heachan bago ako hinarap. “Wala naman sa tagal ‘yan eh. Ano naman kung 6 months ago pa?” 

 

Umiwas lang naman ako ng tingin bago nauutal na nagpaalam. Hindi na ako lumingon at hindi na hinintay sagot niya sa akin at nagmamadali na akong umakyat sa station.

 

Buong gabi akong nanood ng Bluey that night. Hindi rin ako pumasok kinabukasan sa work. Naintindihan naman ni Ate Seungwan. Sabi pa nga niya ay ituloy ko na ng ilang araw. Hindi naman daw gaano matao sa shop ngayon kaya kaya na raw ni Heachan mag-isa sa counter. 

 

Tanghali rin ng araw na iyon ay nagmessage si Heachan. Meme lang naman ‘yun galing sa movie ng KathNiel pero bumuhos na naman luha ko.

 

 

Haechan (RV Pastries)

(sent a photo)

 

Haechan (RV Pastries)

matalino akong tao eh pero pagdating sayo natatanga ako

 

Haechan (RV Pastries)

engineering graduate ako eh pero pagdating sayo natatanga ako

 

Haechan (RV Pastries)

HAHAHHAHAHAHAHA

 

Haechan (RV Pastries)

pag-isipan mo sana sinabi ko sau kagabi 

 

Haechan (RV Pastries)

‘wag mo aq block ah HAHAHHAHA

 

I cried that day, as usual. Naabutan naman ako nila Giselle sa unit na humahagulgol sa isang episode ng Handy Manny kaya nandito ako ngayon sa unit ni Ryujin, may hawak na lighter. 

 

“Winter ano ka na? Hindi ka na marunong magsindi porket naging jowa mo si Katarina,” malakas na kantyaw sa akin ni Ryujin na nasa tapat ko nakaupo. 

 

We’re here ngayon sa unit ni Ryujin sa may Cubao. Binato naman siya ni Giselle ng isang unan at tumawa lang naman si Isa sa gilid ko. 

 

“Ano tawa lang tayo, Isa? Nasaan jowa mo? My God, people! Ilang buwan tayong hindi nagkita tapos hindi ka na naman nag-ambag, Giselle?,” tudyo ni Ryujin sa amin matapos makabawi sa ibinatong unan ni Giselle. 

 

Giselle, Isa, Ryujin, and Seeun. College friends ko sumingit na rin sa buhay ko. Kaklase ko si Isa at ang jowa niyang si Seeun samantalang kaklase naman ni Giselle si Ryujin. Sa lahat ng mga naging kaibigan ko noong college, sila lang talaga ‘yung ka-vibe at ang ka-humor ko. 

 

“Ffyi, sa lahat ng pambububuraot mo sa akin sa office, kulang pa ang one month sahod mo. And why ba ako pinag-iinitan mo? We have engineer dito oh,” baluktot na sabi ni Giselle. Napangiwi naman kami ni Ryujin kasi mukhang tipsy na si Giselle eh hindi pa kami nagsisimula. 

 

“Ffyi na naman daw,” Inagaw ni Ryujin kay Giselle ang isang bote ng soju bago umalis papunta sa kusina. Tumawa lang naman si Isa sa gilid ko. 

 

I looked at her pointedly. "Ikaw nga engineer dito, Engr. Isa" 

 

Licensed engineer na pareho sila Isa at Seeun. Right after kasi naman makatapos, nagtake na rin sila agad ng licensure exam. Working na sila pareho sa isang international company na sa Ortigas ang office. 

 

What if nagtake na rin ako agad ng licensure exam at pinalad na makapasa? Umiinom kaya kami ngayon sa sala ni Ryujin dahil nalaman nilang ex ako ng isang sikat na artista? 

 

If I did take the exam that day, makikilala pa kaya kita? 

 

Umiling na lang ako sa naisip at sinindihan na ang Gin na nasa harap ko. Umayos naman ng upo si Isa habang nawala naman sa sala sila Giselle at Ryujin. Ang hula ko ay nagpaalis ng tama si Giselle sa rooftop ng building. 

 

"How many seasons ng Bluey?," kaswal na tanong sa akin ni Isa matapos naming parehas na uminom ng alak. 

 

Nakangiti naman akong umiling sa kanya. 

 

"Lahat?" 

 

"Lahat," tumatawa kong sagot sa hindi makapaniwalang tanong ni Isa. Napailing na lang siya bago tumagay ulit. 

 

"Si Seeun?" 

 

"Overtime" 

 

"Seeun? Overtime? Talaga lang?" 

 

"Bakit?," tumatawang sabi ni Isa sa akin. Nakailang baso na rin kami. 

 

Ang tagal ko ring hindi nakasama sila Isa. Siguro simula noong nag-break kami ni Karina, nawalan na rin ako ng contact sa kanila. Tanging si Giselle na lang ang nakakausap ko talaga. 

 

Hindi naman na nakakagulat kasi super busy and demanding ng work nila Isa samantalang may problem na inayos si Ryujin sa kanila nitong mga nakaraang buwan. 

 

Although we do message each other sa group chat, iba pa rin talaga kapag personal. 

 

"Wala lang. I just can't believe na pwede na isama ang word na overtime sa name ni Seeun," humagalpak naman sa tawa si Isa habang tumatango sa akin. 

 

"Right? Parang kahapon lang kailangan pa nating itago bag niya para hindi siya makauwi sa dorm niya everytime na may groupwork tayo" 

 

"Bilis ng panahon… parang dati lang college lang tayo," sabi ko habang nakatulala sa kisame ni Ryujin. Natawa naman ako nang makita ang mga agiw. 

 

"Oo nga, Win. Parang dati lang AutoCAD lang pinagkakaabalahan mo tapos ngayon may ex ka na palang artista," bose ni Ryujin nang makapasok sila ni Giselle sa unit. Mukhang nawala naman na ang tama ni Giselle kasi nakakunot na naman ang noo nito. 

 

"Nagulat talaga ako noong nakita ko 'yung article. Imagine mo gulat ko sa office noong nakilala ko ang dry mong buhok–A-aray!"

 

Binato ko ng unan si Ryujin sa mukha. Agad naman siyang lumapit sa pwesto namin dala ang nakakainis niyang mukha. 

 

"Anong dry?”

 

“Dry naman talaga buhok mo! Since college pa!,” nakangisi niyang sabi bago umupo sa harap ko. Uminom naman siya ng isang shot bago ako binelatan. Napatayo naman ako bago siya dinuro. 

 

“Ano? Wala akong sinabi sa wolf cut mong gupit na hindi naman bagay sa ‘yo, Ryujin!,” parang bata kong sigaw kay Ryujin. Nakita ko naman ang pag-iba ng reaksyon nito. 

 

Kung gusto mong makaganti kay Ryujin, magsabi ka lang ng kahit ano sa buhok niya. Literal na maghahamon ng away ‘yan kapag nagsalita ka about sa hair niya. 

 

Actually bagay naman talaga sa kaniya ang wolf cut and sure akong siya na naman ang crush of the month department nila sa office pero nainis talaga ako ng slight noong sinabi niyang nakilala niya ako because of my hair na dry daw. Excuse me? Si Karina ang may alaga sa buhok ko noong mga panahong iyon kaya mas lalong nakakainsulto. 

 

Ako na mao-offend for my ex!

 

Tumayo na rin si Ryujin sa harap ko at may hinawakang unan. Hahampasin niya sana ako nang nakialam na si Isa at parehas kaming pinaayos ng upo. “Parang mga bata talaga. Akala ko ba chill hangout tayo”

 

Binelatan ko naman si Ryujin habang nagsasalita si Isa bago nang-aasar na tinuro ang buhok niyang hawak na niya ngayon. “Gusto ni Yeji mga long hair,” walang boses kong sabi kay Ryujin. Nagpumiglas naman siya sa hawak ni Giselle. 

 

“Winter,” nagbabantang tawag sa akin ni Giselle na pinapaupo na si Ryujin. Hinila rin naman ako ni Isa paupo. Ngiting tagumpay naman akong umirap kay Ryujin. 

 

Nagpatuloy ang pag-inom namin at ang kaswal na kwentuhan nila Isa at Giselle na puro update lang naman sa respective careers nila. Ganoon ang nangyari sa loob ng 30 minutes. 

 

“Musta si Yeji?,” I mouthed kay Ryujin pagkatapos kong uminom ng shot ko. Itinaas naman niya ang gitnang daliri bago umirap sa akin. 

 

“Ganda ng ex mo,” ganti naman niya sa akin. Hindi naman ako nagpatalo, “Si Lia rin, maganda. Sayang kayo talaga”

 

Mukhang doon naman napikon nang malala si Ryujin kasi hindi na niya napigilan ang sariling murahin ako nang malakas. “ you, Win!”

 

“Aww, miss ka kaya ng dalawa?”

 

“Winter”, “Ryujin”

 

Sabay na tinawag kami nila Isa. Tumawa naman ako nang malakas habang inaabot kay Ryujin ang isang shot. Padabog naman niya itong kinuha habang matalas pa rin ang tingin sa akin. Tinignan ko sila Giselle at nakitang busy sa panonood ng crime-related episode sa TV. Humarap naman ako ulit kay Ryujin bago muli siyang ngisian. I stucked my tongue out at her and casually leaned forward to more. 

 

Umirap si Ryujin bago hinarap sa akin ang phone niyang nasa Instagram profile ni Karina. Nakita ito ni Giselle kaya sinuway siya pero hindi nagpatinag si Ryujin at walang imik na nagtipa sa cellphone niya. 

 

Walang pwedeng umaway sa akin ngayong gabi, Ryujin. Kahit i-dm mo pa ‘yang idol mo hindi mo ako kaya. 

 

“Ryujin, isa!,” saway ni Giselle sa kaibigan namin. Nanatili naman akong nakaismid sa kaniya bago naghahamong ginagalaw ang aking ulo. 

 

“Dalawa”

 

“Kahit umabot ka pa ng sampu, Gi–Aray! Kanina pa kayo ah. Puro mukha ko puntirya niyo!”

 

“Pangit kasi ng buhok mo–,” tuluyan na akong tumawa nang magdabog parang bata si Ryujin. Inis niya akong tinuro gamit ang hawak niyang cellphone. 

 

“May kasalanan ka pa sa amin! ‘Wag kang tumawa diyan dahil hindi ka uuwi hangga’t ‘di namin naririnig lahat ng kwento tungkol kay Katarina Yoo!”

 

“Buong pangalan talaga, Ryujin? Pwede namang “ex mo” na lang,” tahimik kong sabi bago itinuon ang atensyon sa pag-inom. Buntong hininga naman ng tatlo ang narinig ko bago makita na pinatay na nila ang TV. 

 

Start na ng main program sa gabing ito–ang chika ko about sa ex kong sikat. 

 

“Serysoso ako na nakilala agad kita. At nagulat ako na naging jowa mo pala si Katarina,” pagbubukas ni Ryujin ng topic habang kaswal kaming umiinom. 

 

Katarina na naman. Hindi man lang Karina eh, talagang buong buo na Katarina. 

Hindi ko naman na pinuna ‘yung tawag ni Ryujin kay Karina at pinakinggan na lang siya. 

 

“Why ka naman nagulat, Ryu? Mukha bang hindi pasok sa standards nung artista si Win?,” tanong ni Giselle. Tumango naman si Isa.

 

“Hoy! Hindi naman chaka si Win ah,” defensive na sabi ni Ryujin na muntik pang mabilaukan. Tinignan ko lang naman siya nang blangko. 

 

“Wala namang nagsasabing pangit si Winter,” tawa naman ni Isa. Hinarap ko siya. “Asan ba kasi jowa mo. Ayaw kong magkwento hangga’t wala siya.”

 

Binato naman ako nila Giselle at nagreklamo. “We don’t need Seeun here!”

 

Nageeskandalo namang suminghap si Isa. “Grabe naman kayo sa baby ko?”

 

Ako naman ang nagreklamo dahil feel na feel ko ang pagiging single. 

 

Walang nagsalita sa aming apat. Patuloy lang naman sa paglalagay ng alak si Isa sa mga baso namin. Inom naman nang inom sila Giselle at Ryujin na tila ba sila ‘yung may ex na sikat. 

 

I drank my shot quietly, not having the initiative to open the topic. Actually, kaya lang naman natuloy ang inuman na ito kasi nga gusto nilang malaman ang ganap sa buhay ko lately lalo na noong nalaman nilang naging jowa ako ni Karina. 

 

Giselle sighed loudly after drinking her nth shot of the day. “Ask away na, Ryujin. Alam kong kanina mo pa gustong magtanong”

 

“Nagtanong naman na ako ah. ‘Di nga sinagot ni Winter eh. Ganyan kasi ‘yan”

 

“‘Yung maayos na tanong kasi, Ryu. Like, paano kayo naging kayo? You know? Ang unusual lang na you dated her knowing na iwas na iwas ka sa mga ganoong klase ng tao,” Isa asked beside me. Napatakip naman sa bibig niya si Ryujin dahil sa mabigat na tanong ni Isa. 

 

“Anong ganoong klaseng tao? Grabe ka naman, Isa. Ang judger ha,” madramang sabi ni Ryujin. Natawa lang naman si Giselle bago umayos ng upo at inumpisahang ichismis ako. 

 

“Feel ko talaga kaya jinowa ‘yan ni Karina si Winter dahil sa katangahan niya,” pang-aasar sa akin ni Giselle na ngayon ay nakaupo na rin sa tabi ko. Mukha namang nainggit si Ryujin kasi sumiksik na rin sya sa tabi ni Isa. 

 

Umirap lang naman ako sa kanila dahil nagsimula na silang balikan lahat ng nakakahiyang moments ko noong college. Binuksan ko ang chichirya sa harap ko at madramang inilingan si Isa. 

 

“‘Wag ka maniwala sa kanila, Isa. Hindi kita naging crush. As in never!”

 

“Hindi raw. Sus palusot pa, Winter. Eh bakit noong second sem ng first year lagi kang nakatambay sa sisigan malapit sa dorm nila Isa?" sulsol ni Giselle. Na-open up kasi ‘yung kwento na naging crush ko raw si Isa noong freshman year namin. 

 

Which is hindi naman totoo. Masyado lang malisyoso itong si Giselle kaya noong naging magkaibigan kami nila Isa, binida niya na agad sa kanila ang false info. 

 

“Grabe, Win. Ilang taon na nakalipas pero convinced pa rin ako na crush mo nga ako kasi I remember you talaga na laging nasa sisigan.”

 

Inirapan ko naman si Isa habang humahagalpak na sa tawa sila Giselle. “Hindi nga kita naging crush, Isa. Kahit naging campus crush ka kamo ng school mo noong highschool, hindi ka pasok sa mga type ko.”

 

Kasi unang una, hindi ka matangkad. 

 

True na lagi akong nasa sisigan, pero hindi dahil kay Isa ‘yun. Para sa kapitbahay niyang si Yeji. 

 

Oo, si Yeji. Si Yeji na ex kaharutan ni Ryujin noong college kami na ngayon ay jowa ni Lia, ang ex jowa ni Ryujin noong high school siya. 

Ang eventful ‘di ba? Ang fruity lang ng naging second year namin dahil sa tatlong ‘yon. Pero ayun na nga, si Yeji talaga ang naging crush ko noon. First college crush kumbaga. Tiniis ko ang sisig as umagahan, luch, and dinner para lang masilayan si Yeji na useless lang pala kasi si Ryujin pala ang kalandian niya ng mga panahong iyon. 

 

“Eh ano ba type mo, Win?” tanong sa akin ni Ryujin. 

 

Ala-Yeji sana, Ryu. Isasagot ko sana nang biglang umextra si Giselle na ginawang tubig ang alak. “Si Karina, duh!”

 

Inangilan ko naman siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tinignan niya naman ako ng kakaiba na para bang naghahamon. 

 

Ano, hindi ba totoo?

 

Ginantihan ko naman siya ng tingin. 

 

Totoo! Pero ‘di ko need na sabihin mo. 

 

Natigil lang naman ang staring contest namin nang magsalita si Ryujin. “So paano nga kayo naging magkakilala, Win?”

 

“Siguro ang romantic kasi sa mukha pa lang ni Karina, ang romantic na eh,” dagdag naman ni Isa. 

 

Giselle snorted, “Wrong! Noong unang kita nila, napagkamalan ni Winter si Karina na anak ni Pres Muhi”

 

Nasamid naman si Ryujin habang nakanganga lang si Isa sa akin. Hindi ko sila pinansin at tahimik na sinalinan na lang ang akin baso. 

 

“Sabi pa niya kay Karina, “Bakit ikaw ba anak ni Muhi?”. Wala pang paggalang pagtawag niya kay Pres Muhi ha”



 

“Bakit ikaw ba anak ni Muhi?” hindi makapaniwalang tanong ko sa babaeng mahigpit ang kapit sa kamay ko. Agad namang kumunot ang noo niya at unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. 

 

Binawi ko ang kamay ko mula sa kaniya at pinagpag ang non-existent na dumi sa damit ko. Dahil napunta kami sa medyo maliwanag na parte ng park, nakita ko nang mas maayos ang mukha niya. 

 

Ang isa lang masasabi ko, 

 

Ang ganda naman ng anak ni President Muhi? 

 

Mas matangkad siya sa akin pero hindi ganoon kalaki ang agwat namin. Ang liit naman ng mukha niya at feeling ko mas malaki pa ang kamay ni Mang Tomas sa probinsya namin kung ikukumpara sa mukha niya. Mayroon din siyang nunal sa ibaba ng labi niya. Sa features naman ng mukha niya, parang comic character na nabuhay sa sobrang ganda. 

 

“Gaga ka, Win,” tawa sa akin nila Ryujin. Nalaglag na mula sa sofa si Ryujin katatawa habang si Isa naman ay literal na nakahiga na sa inuupuan namin. Si Giselle naman ay tumatawa rin pero hindi pa rin natigil sa pag-inom. Inagaw ko naman ang baso mula sa hawak niya bago inisang lagok ang laman. Narinig ko ang pag-alma niya sa gilid ko pero hindi ko na pinansin lalo na nang maalala ang araw na una kong nakilala si Karina. 

 

6pm na nang makarating ako sa dati kong school–PUP. Nginitian ko naman ang mga guard na hanggang ngayon ay tropa ko pa rin. Actually right after talaga namin makatapos ni Giselle, trinabaho talaga namin na maging kaibigan ng mga guard para madaling makapasok ng campus. Kahit naman kasi na alumni na kami, may okay pa rin na we have a good image sa mga guard. 

 

Dumiretso ako sa linear park at doon na naisipang tumambay. 

 

"As expected, piattos pa rin ang main attraction sa ilog na 'to," natatawa kong sabi nang makarating sa pinakagilid. 

 

I cannot explain how this campus became one of my breathers. Ewan ko lang pero I always feel the warmth kapag nandito ako sa dati kong school. Siguro dahil na rin na isa siya sa naging witness ng 4 years kong paggapang? 

 

For the next hour, mapayapa kong inalala ang apat na taon kong pag-aaral sa school. Medyo. dumilim na rin ang paligid at ang mga pailaw ng sinta ay bumukas na. 

 

Wow, malaki na budget nila para sa kuryente. 

 

Hay nako, wala talagang tatalo sa peacefulness na nararamdaman ko–

 

"You know what? Tama sila! I should've listened to them!" 

 

-ay hindi na pala peaceful. 

 

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Actually hindi naman talaga sumigaw si ate, more like whisper-sigaw lang pala. Hindi ko na sana papansinin dahil normal na away lang naman ng magjowa na sa dito pa talaga sa campus nag-away kasi for sure bawal maingay sa mga dorm nila kaso… 

 

"Yeah, dapat nakinig ka nga. You think you're an almighty that can play with me? Dream on, Alcazar–," namilog ang mga mata ko nang makarinig nang malakas na sampal. Kahit na medyo madilim sa lugar namin, kitang kita ko ang pamumula ng babae. 

 

I don't know lang kung dahil ba sa sampal o dahil sa galit kasi sinampal siya. 

 

Ang akala kong pag-alis ni ate after niya masampal si isa pang ate ay napalitan ng gulat nang sinampal niya ulit sa kabilang pisngi si ate. 

 

Grabe, walang wala ang eksena nila Cardo dito. 

 

"You'll fall, Katarina Yoo. So hard. And I am just there in the audience, laughing with your downfall," sabi ni ate sumampal bago padabog na umalis sa harap ni ate nasampal. 

 

Super intense naman ng away ng mag-jowang 'yun. Daig pa mga bida sa teleserye eh.

 

I was shaking my head in amusement when my eyes met with someone. Napalunok ako nang makita na diretso ang titig nito sa akin. Mas lalo naman akong lumunok sa natuyo kong laway nang lumapit ito sa kinauupuan ko. 

 

"Did you somehow recorded it?," malalim na boses nitong tanong sa akin na may bakas ng inis. Agad naman akong umiling bago iniwas ang tingin sa kaniya. Umayos ako nang upo bago siya tinignan patagilid. 

 

"Ayaw ko pong makisali sa away…uhm… mag-jowa," iling ko dito. Kunot noo naman itong tumunghay sa akin. 

 

Bakit 'di ka pa umaalis ate? Gusto mo ba talaga mag fall hard? Ilalaglag talaga kita sa ilog sa harap ko kapag' di ka pa umuwi. 

 

Nakakatakot siya tumingin huhu. 

 

"She's not my girlfriend and I want proof na you don't have a video of us arguing" 

 

"Luh," napatayo ako sa sinabi niya dahil sa nyerbos. Agad akong umiling bago ikinaway ang kamay ko sa harapan niya. 

 

Hindi ko alam kung bakit ba super kinakabahan ako dito kay Ate. Grabe naman kasi ‘yung eksena nila kanina. 

 

"Ate nasampal, hindi nga po ako nagvideo. Sorry kung medyo na-intrude ko ang moment nyo ng iyong not girlfriend pero wala po talaga. Mauna na po ako sa inyo," pag-alis ko sa harapan niya. Binilisan ko naman ang lakad ko para makauwi na rin. Wrong timing ata pagpunta ko for peace. May mga mag-fling na nagtatanungan ng “what are we?” jusko. 

 

Gusto ko lang naman magrelax tapos masasabihan pa ako ng chismosa? Trip talaga ako ng heavens today ah. 

 

Natatanaw ko na ang mga pader ng Lagoon nang maramdaman ko ang paghila sa kanan kong braso. Napansin ko naman ang pagiging maliwanag ng lagoon–bagay na hindi naman nangyari noon. 

 

"Who are you?," tanong sa akin ni Ate nasampal na ngayon ay mahigpit ang hawak sa braso ko. Napangiwi naman ako bago sapilitang tinatanggal ang kamay niya. "Luh ate, bakit may paghawak tsaka ikaw kaya ang who are you? Kung makahawak naman eh" 

 

Tumataas na ang boses ko dahil sa kaniya. Naiinis na rin ako dahil hindi ko naman sadya na pakinggan ang away nila. 

 

Coincidence lang okay?!

 

"You… yo-you don't know me?"

 

Nageeskandalo ko naman siyang tinignan bago histerikal na nagsalita. "Malamang? Bakit ikaw ba anak ni Muhi?”

 

 

Hindi ko talaga siya kilala noong panahong iyon at nagregister lang sa utak ko ang mukha niyang pag-uwi ko sa condo, tumambad sa akin ang pagkalaki niyang billboard sa tapat ng balcony ko. 

 

Katarina Yoo, model ng sabon. 

 

“Anong anak ni Muhi? Pick up line mo ba ‘yun?,” tanong ni Ryujin matapos makarecover sa pagtawa sa akin. Umiling naman ako sa kanila bago nahihiyang umamin. 

 

“Hindi ko talaga siya kilala. Narealize ko na lang nung pag-uwi ko, nakita ko ‘yung bagong kabit niyang billboard sa tapat ng condo. Andun nakasabit siya sa SM”

 

Isang round na naman ng tawanan ang nangyari matapos kong umamin. Natawa na lang din ako dahil super nakakahiya talaga ‘yung nangyari. Naalala ko pa na agad kong tinawagan si Giselle noong panahong iyon. 



 

“Gi… may kilala kang Katarina Yoo?,” hindi mapakali kong tanong kay Giselle. Narinig ko naman ang pag-oo niya sa kabilang linya. 

 

“Oo. Artista ‘yun, Win. Ay nga pala, ayun ‘yung chika ko sa ‘yo! Kasama siya sa cast ng nags-shooting sa PUP ngayon…”

 

So sikat talaga siya. 

 

Nakakahiya ka, Winter.

 

Anak ni Muhi talaga? 

 

Inis kong pinaghahampas ang unan sa tabi ko. Naalala ko naman ang boses niya kanina. 

 

“Who are you?”

 

Lord, pakigabaan na lang po sana ako. Ayaw kong magising bukas na trending sa twitter kasi inaway ko idol nila. 

 

 

Natawa naman ako nang mapagtantong nagising nga ako isang araw na nasa balita kasama siya. Hindi nga lang dahil na-cancel ako ng mga fans niya. 

 

Nagpatuloy ang kwentuhan naming apat na umabot hanggang madaling araw. 

 

“Ala-una na pala. Ano ka–uy saan ka pupunta, Win?” tanong sa akin ni Ryujin. Nakangiti ko lang naman siyang inilingan bago naglakad papunta sa isa sa kwarto dito sa unit niya. Para namang umiikot ang paligid. 

 

Hala, kelan pa naramdaman ng mga tao ang pagrotate ng earth? 

 

Tumawa na lang naman ako bago pinilit na puntahan ang kwarto malapit sa akin. Maabot ko na sana ‘yung pinto nang mapatid ako sa bato. 

 

Bakit may bato dito?

 

“Ryuuuuuuu. Bakit may bato dito sa bahay moo halaaa,” 

 

“Lasing na si, Win. Babe saan ka na?,” boses ni Isa na may kausap sa cellphone. Ngumuso naman ako dahil narinig ko ang salitang babe. 

 

Tawag din sa akin ‘yan ni baby ko eh. 

 

Babe. 

 

Nainis naman ako kay Isa dahil gaya gaya sila ng tawag. Hindi ko na pinansin ang kamay ni Giselle na nakaalalay sa akin at pumasok nalang sa cr ng kwarto ni Ryujin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at binuksan ang Instagram. 

 

Ngumiti ako sa at pinindot na ang camera. Nakanguso ko namang hinanap ang settings ng account ko at ngumiti nang nakitang public na ang dati kong private account. 

 

Bumalik ako sa sala habnag nakangiti. Natawa ako nang makaupo na sa gitna nila Isa at Seeun. Narinig ko naman ang bulong ni Seeun. “She just posted something sa IG. Nag-notif sa akin”

 

Mabilis ko naman siyang hinarap at nakangiting tumango. Hindi ko na makita ang mukha ni Seeun kasi ayaw na makisama ng mata ko. 

 

“Really, Win? A Taylor song? At talagang sa thirst trap mo pa nilagay?”

 

Hindi ko naman na pinansin ang sinasabi ni Giselle at nakangiti na lang na kinuha ang baso ng alak sa harap ko. Napanguso naman ako dahil naunahan ako ni Ryujin.

 

“Ryuuuuuuu,” nagmamaktol kong sabi kay Ryujin. 

 

Puro “Awww” naman ang narinig ko sa kanilang lahat. Pinisil pa ni Isa ang kanan kong pisngi, “Ang cutie talaga ni Win kapag lasing at tulog”

 

“Tapos kapag gising naman daig pa ang guard sa school sa sungit eh”

 

Nakanguso kong hinarap si Giselle at tinignan siya ng may nagmamakaawang tingin. Napailing lang naman siya sa akin. 

 

“Ibibigay ko sa ‘yo ‘to Win kapag sinagot mo tanong ko,” tumango naman ako agad kay Ryujin at nakangiting hinintay ang tanong niya.  

 

“Anong pinakamasayang event with Katarina?”

 

Katarina na naman. Naiinis akong tumingin kay Ryujin. “Karina kasi! Karina, hindi Katarina!”

 

“Ay gagi, nagalit”

 

Pero pinakamasayang event with her? 

 

Uhm. 

 

Monthsary date? Hindi eh. 

 

Ah. That night sa 7/11. 

 

 

Nagising naman ako mula sa pagtulala sa mga straw sa harap ko nang tumunog ang bell sa may entrance, hudyat na may costumer na pumasok. Binati ko naman ang pumasok kahit na hindi ko ito nakita. “Good evening po, welcome sa 7/11”

 

11 pm na rin ng gabi. Madalang na rin ang pagpasok ng mga costumer dito. Although kaninang maaga pa, dagsa ang mga tao. 

 

Wala naman talaga ako dapat dito. Pinakiusapan lang naman ako ni Heachan kaya nandito ako. Duty dito sa 7/11 nalapit sa Gilmore station si Heachan tuwing weekends ng gabi. May mergency lang sa bahay nila si Heach kaya ako muna ang pumalit. Okay lang naman daw sa boss niya at wala namang problema basta walang aberya sa trabaho. 

 

So far, okay lang naman ako dito kahit na lowkey natatakot ako. Bukod sa mga tambay na kung makahingi ng number ko ay parang end of the world na, wala namang kakaibang problema. 

 

Ah, siguro ‘yung mga estudyanteng minor na akala nila maloloko nila ako sa pagbili ng alak at yosi. Sa patagon paglingon pa lang sa akin, alam ko na agad na 16 pa lang ang mga ito. 

 

Kaya hinihingi ko na talaga ang ID nila. ‘Yung ibang napagkamalan kong bata pa, go lang naman daw sila. Nagbibiro pa na baka type ko lang daw sila kaya nanghihingi ako ng ID. 

 

Ang assuming naman nila eh mas maganda at mas pogi pa sa inyo jowa ko. 

 

Jowa hehe. Napangiti naman ako ulit dahil naalala ko na naman ang jowa ko. 

 

Si Karina. 

 

Feel ko nakauwi na siya sa condo niya dahil maaga siang pinakawalan ng direk nilang wala atang kapaguran. Minessage naman niya ako kanina kung pwede raw ba kaming magkita. 

 

Sayang lang at busy ako kaya sabi ko magpahinga na lang siya dahil 3 days straight na silang madaling araw nakakauwi. 

 

Jowa ko na:

:(((((( 

 

Jowa ko na: 

even 5 mins na babe time wala? :((((((( 

 

Jowa ko na:

:((((((( 

 

Me: 

ihh matagal pa ako here 

 

Me:

tsaka need mo ng tulog

 

Me: 

bukas na lang okay? 

 

Me: 

good night bb mwa 

 

Jowa ko na:

:(((((( 

 

Jowa ko na:

:(

 

Nakailang minuto rin kami ng usap kanina bago siya pumayag na bukas na lang kami magkita. Wala naman akong pasok bukas kaya kahit hanggang gabi kami maglandian okay lang. 

 

Napasimangot naman ako dahil miss ko na naman siya. Hay nako, relate na ako sa mga Karinatics dahil grabe talaga, miss na miss ko na naman ang idol nila. 

 

Grabe, paano kaya nila nasurvive ‘yun. Eh daig pa ng nanay ko si Karina kung magpost sa fb. Ang IG at Twitter naman ni baby ko ay walang ganap kasi nagagamit lang for announcement o kaya kapag endorsements. 

 

Grabe lang na super lowkey ni jowa. Akala mo hindi artista eh. 

 

Natigil naman ang pag-iisip ko sa jowa kong magnda nang may naglapag ng alak sa harap ko. Tumayo naman nung bumibili sa kamay ko. Nainis naman ako ulit at kunot noong tumingala sa bumibili. 

 

Nagulat naman ako nang hindi isang mukhang pakboy ang nasa harap ko. 

 

“Hi, miss. New here?” malanding tanong sa akin ni Karina habang hawak niya ang sumbrero sa ulo. Nanigas lang naman ako sa harap niya dahil sa gulat. 

 

Tumatawang lumingon lingon si Karina sa paligid bago mabilis na nagnakaw ng halik sa pisngi ko. Doon naman ako nagising dahil mat CCTV dito sa shop. 

 

“May CCTV!” saway ko kay Karina habang pina-punch ang beer. She just shrugged at sinabing tapos naman na and wala naman syang magagawa. 

 

Inangilan ko siya bago nagtatakang tumingin sa kanya. Tinalikuran niya lang naman ako bago dumiretso sa isa sa mga table sa loob ng shop. Nakapwesto sa sa harap ng kotse na hula ko’y sa kanya. 

 

Mabuti na lang at wala ng mga tao sa paligid. Although may mga dumadaan, hindi naman siya kita dahil nakaharang ang malaki niyang sasakyan.

 

Jowa ko na:

babe may kanina pa nakatingin sakin dito sa 7/11 

 

Jowa ko na:

type ata ako 

 

Jowa ko na:

pero she’s cute af

 

Jowa ko na:

actually, kamukha mo sya babe

 

Me: 

sabi ko magrest ka dibuh

 

Jowa ko na:

 i am resting naman ah with my beer :P 

 

Me:

sa condo mo sabi ko kako hindi dito 

 

Jowa ko na:

u don’t want me here? babe? :(((( 

 

Nilingon ko naman si Karina nanakanguso na sa akin. Umarte naman siyang umiiyak bago nakangusong iniwas ang tingin sa akin. Nakita ko naman ang sunod sunod na pagchat niya ng sad emoji. 

 

Jowa ko na:

:( 

Jowa ko na:

:( 

Jowa ko na:

:( 

Jowa ko na:

:( 

Jowa ko na:

:( 

 

Me: 

Karina kasi 

 

Jowa ko na:

:( 

 

Jowa ko na:

:( 

 

Me:

baby tigil na muna sa emoji? 

 

Me: 

okay thank you

 

Me:

diba bukas pa tayo dapat magkita?

 

Jowa ko na:

:( 

 

Me:

babe emoji na naman 

 

Jowa ko na:

i miss u kasi 

 

Me:

gets ko naman bb miss na rin kita kaso need mo talaga ng rest

 

Jowa ko na:

three days na kitang ‘di nakita tapos ur not replying to my messages pa 

 

Jowa ko na:

:( 

Jowa ko na:

:( 

 

 

Me:

ok sorry bb pero uuwi ka na after mo uminom? 

 

Me: 

hanggang 1 pa ako here kaya hindi pwedeng i-wait mo pa out ko super late na nun 

 

Me:

and di na keri ng eyes mo oh pipikit na sila 

 

Jowa ko na:

:( 

Jowa ko na:

can’t i stay here hanggang out mo? baby promise i’ll sleep agad pag-uwi natin sa condo

 

Me:

anong natin? 

 

Jowa ko na:

:)))) 

 

Me: 

emoji na naman

 

Jowa ko na:

ur cute haha frowning dyan sa counter 

 

Jowa ko na:

i don’t have shoot bukas! Surprise!!

 

Ha? Wala raw shoot? Magr-reply na sana ako nang may maglapag ng items sa harap ko. Agad ko namang itinabi ang cellphone ko bago nakangiting sinasabi sa babae sa harap ko ang total ng binili niya. 

 

Inaantok na inabot naman sa akin ni Ate Gurl ang buong wallet niya. Nakanganga lang naman ako sa harap niya. Nakita ko naman si Karina na natatawa sa may upuan niya. “A-ate, wallet nyo po ‘yung inaabot niyo”

 

Nagising naman si Ate at nahihiyang nagbayad sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kaniya. Nakita ko naman ang lace ng ID niya. 

 

Engineering. 

 

Ay, I feel you, Ate. Gets kita. Super draining ng Engineering. 

 

Ano kayang course ni Ate? Civil? 

 

Umalis naman na si Ate pagkatapos inumin ang biniling kape. Sinundan ko naman siya ng tingin at nakitang papunta sa Robinsons ang direksyon niya. 

 

Go na lang talaga ang masasabi ko sa ‘yo Ate na mukhang second year pa lang. Nilingon ko naman si Karina na ngayon ay may hawak na papel. Script siguro nila. 

 

Hindi ko naman na siya tinext pa at kumuha na lang ng sandwich sa rack bago binayaran. Ininit ko muna ‘to bago nilapag sa lamesa ni Karina. Umangat naman ang tingin niya sa akin at nang makita ang nilapag kong pagkain, agad naman siyang ngumiti nang malaki sa akin. 

 

Suot niya pa rin ang cap niya habang nakaupo dahil kahit na nahaharangan siya ng sasakyan niya, kita pa rin siya kapag may pumasok na costumer. Buti na lang talaga at wala masyadong taong bumibili ngayon. 

 

Ganoon ang naging eksena namin sa mga sumunod na oras. Siya nakaupo sa lamesa, nagbabasa ng script niya habang ako nakaupo sa may counter, nakatitig sa kanya. Kapag nagpapahinga siya sa pagkakabisa, nakatingin lang naman siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Minsan ay nagpapadala siya ng kindat na hindi naman talaga mukhang kindat kaya mauuwi kami sa pagtawa. 

 

Malayo man siya sa kinauupuan ko, ramdam ko naman siya. At one point, nangalay na siya sa pag-upo kaya naman tumayo siya sa slurpee section na malapit sa counter. Doon niya ako kinuwentuhan ng mga nangyari sa shoot nila kanina at sa mga nagdaang araw. 

 

Super galing daw umakto ng senior niyang si Jisoo. May scene raw kasi na iiyak nang matindi ang character ni Jisoo sa bandang likuran ng chapel. Agad naman daw nakuha ni Jisoo ang gagawin. Super nakakaiyak daw ng scene at pati raw sya, naiyak. Noong nag-cut naman daw si Direk, agad na nawala sa character si Jisoo at tinawanan pa raw lahat ng mga umiyak. 

 

Nag-comment naman ako ng, “ganun ka rin naman ata babe eh”. Hinampas naman niya ako after ko sabihin ‘yun. Sabi niya wala pa raw sya sa level ni Jisoo pero she’ll work hard daw para maging ganoon sya. Tumango lang naman ako sa kaniya. 

Binaggit ko na rin na na-spoil na niya ang scene ni Jisoo. Nahampas na naman ako kasi bakit daw Jisoo lang tawag ko. Tinanong ko kung ano ba dapat. 

 

“Baby, anong Jisoo?”

 

“‘Yung senior mo?”

 

“Yes, pero she’s Ate Jisoo ah, not Jisoo lang”

 

“Eh? Hindi naman ako artista ah so bakit ako makiki-ate?”

 

“Win, what do you call your idol?”

 

Hala, Win lang daw. Nawala na ‘yung baby!

 

“Ano, wala. Pangalan lang. Hehe”

 

“Ah, basta she’s Ate Jisoo na ah. Maybe we should set a date with her kasi I promise you’ll love her, baby”

 

Go lang naman ako sa sinabi niya kahit na medyo hindi ko kilala ‘yung Jisoo–ay Ate Jisoo pala. 

 

Natanaw ko naman ang papalit sa akin na bumaba ng jeep. Sinabihan ko naman si Karina na bumalik na sa sasakyan niya. Ngumuso pa muna sa akin na para bang may utang akong kiss sa kaniya bago umalis. 

 

“Una na po ako, Kuya Minho!” paalam ko sa may counter. Kumaway naman sa akin si Kuya Minho bago tinuro ang kotse ni Karina. “Kanino ‘yan?”

 

Nilingon ko naman ang kotse ni Karina at ngumiti nang malaki kay Kuya Minho. Lumapit pa ako sa tenga niya bago bumulong, “Sa sugar mommy ko, Kuya”

 

Tumatawa akong lumabas ng 7/11 at kumaway pa ulit kay Kuya Minho bago sumakay sa dambuhalang sasakyan ni Karina. Agad naman siyang nagsabi ng seatbelt na sinunod ko naman. 

 

Sa Pasay naman ang punta namin dahil nandoon ang condo ni Karina. Isa rin pala sa napag-usapan namin ay ang pagtulog ko sa kanila ngayong gabi. Sinabi niya rin kasi na off raw nila sa shoot kaya free raw siya. Sinabi ko rin na wala akong pasok mamaya kaya super laki na naman ng ngiti niya. 

 

Kung makapagdrive pa siya ay akala mo maaga pa dahil may pagkanta pa siya. Hinayaan ko na lang naman siya at nakangiti na lang din siyang sinabayan. 

 

Sa mga moments na ganito, feel ko hindi siya artista. Malamang sino ba namang artista ang tatambay sa 7/11 para humarot ‘di ba? Si Karina lang. 

 

Naalala ko naman ang sabi sa akin ni Giselle nung isang araw, “Nasa honeymoon stage pa lang kasi kayo. Ilang weeks na nga kayong official? It’s normal, Win. Lalo pa at tuwing gabi lang ang date niyo”

 

Honeymoon stage? 

 

Sinabi ko naman ito kay Karina. Tumawa lang naman siya bago hinalikan ang kamay kong hawak niya. 

 

“I think so too, Babe. By the way, can you give me the imessage of your friend?” tanong ni Karina sa akin nang malapit na kami sa condo niya. 

 

Tumango lang naman siya sa akin bago swabeng nag-park sa usual parking spot niya. “Ibibigay ko kay Ning”

 

Tumingin naman ako nang kakaiba sa jowa ko dahil sa sinabi niya. Tumawa lang naman siya sa akin. 

 

“Babe, she’s jealous na raw sa ‘yo. Want niya rin daw ng sariling Winter.”

 

“Hindi naman Winter si Giselle, baby. Malayo!”

 

“Uhuh. We’re not sure”

 

“Luh, oo nga, baby!”

 

“Come na. Akyat na tayo,” hila sa akin ni Karina papasok sa elevator. Kinukumbinse ko naman siya na hindi nga kami parehas ni Giselle. 

 

Tawa lang naman sagot niya sa akin. Nakanguso tuloy akong nakatayo malayo sa kaniya sa loob ng elevator. Sakto na kaming dalawa lang ang sakay kaya free kaming mag-usap. Wala namang imik ang jowa ko na may nang-aasar na ngiti. Inirapan ko siya bago lumabas ng elevator at tinungo ang unit niya. 

 

“Okay, okay, okay. Hindi na kayo same,” tumatawang sabi niya sa akin habang pina-punch ang code sa unit niya. Nakatayo lang naman ako sa gilid niya at hindi na siya pinansin. 

 

Grabe pero hindi talaga kami same ni Giselle! Siguro same lang ng humor pero no no talaga. 

 

Pumasok naman na ako nang mabuksan ni Karina ang pinto. Tumatawa pa rin siya sa likod ko kaya mas lalong humaba ang nguso ko. 

 

“Babe kasiiiii,” reklamo ko sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa akin at tumango. Nagnakaw pa ng halik bago magsalita. 

 

“Yes, Love. ‘Di kayo same. Pero we’ll give her contact kay Ning, okay?” malambing nitong sabi sa akin bago paulit ulit na hinalikan ang pisngi ko. Wala naman akong nagawa kung hindi tumango. 

 

Kung hindi ka lang maganda eh.




 

“Uy, uy, uy, uy–Gagi! Bakit naman umiiyak ka na? Huy hindi kita inaaway ah,” tarantang sigaw ni Ryujin. Mabilis namang lumapit sa akin ang apat dahil lumakas na ang mga hikbi ko. 

 

Nakakainis naman kasi eh. 

 

Patuloy ang pag-iyak ko. Hindi ko na masyadong naalala kung ano ang mga nangyari pero ang alam ko lang ay natulog ako sa gitna ng magjowa samantalang magkatabi sa kabilang kwarto sila Ryujin at Giselle. 



 

Bangag naman akong nakaupo dito sa isang branch ng shop ni Ate Seungwan sa may QC. Naglapag ng isang tinapay si Eunbi sa mesa ko. 

 

“Grabe ka pala maglasing, Win” 

 

Napapikit naman ako nang may pumintig sa ulo ko. Nagising ako kaninang umaga na masakit ang ulo at ang buong katawan. Wala na si Isa sa tabi ko pero si Seeun ay tulog pa rin sa kaliwa ko. Limang minuto na rin akong nakaupo sa kama nang pumasok si Isa sa kwarto na ayos na ayos na. 

 

“Sakit ulo? Grabe ka uminom kagabi, Win,” sabi sa akin ni Isa na ngayon ay ginigising na ang jowa niya. Narinig ko naman ang mahinang ungot ni Seeun. “Love, 5 minutes”

 

Peste. Mas lalong sumakit ulo ko sa kaharutan nila. Pumasok na lang ako sa banyo at nag-ayos na. Paglabas ko naman sa kwarto ay tahimik na sala ang nadatnan ko. Malinis naman na sa sala na pinag-inuman namin kagabi at may kapeng nakahanda na sa may kitchen. 

 

Sinilip ko sila Giselle sa kwarto ni Ryujin at nakitang tulog na tulog pa ang dalawa. Hindi ko naman na sila ginising at hinanap na lang ang mga gamit ko. 

 

Gusto ko muna magsolo. 

 

Thankful naman ako na umayon ang tadhana sa plano ko. May event na pupuntahan sila Isa mamayang tanghali kasi maaga silang aalis ng unit ni Ryujin. Nagpresinta naman si Seeun na idaan ako sa lugar kung saan daw ako magd-drama. 

 

Inirapan ko lang sila at nagpababa na lang sa isang brach ng shop ni Ate Seungwan sa may QC. At eto na ako ngayon, kinukulit ni Eunbi, empleyado rin ni Ate Seungwan na minsan nang dumuty sa branch namin. 

 

Humigop na ako ng hot chocolate na binigay ni Eunbi. Umupo naman siya sa harap ko bago casual na nagsalita. 

 

“May pinaringgan ka ba sa IG?”

 

Umiling lang naman ako kay Eunbi bago humigop ulit. Hindi ko naman inasahan ang susunod niyang tanong kaya nasamid ako sa iniinom. “Eh bakit may thirst trap ka sa IG?”

 

“Gago anong thirst trap,” inuubo kong sabi kay Eunbi. Wala naman siyang pakialam kung halos mamatay na ako kauubo at mas lalo pang nagtanong. 

 

“‘Yung nasa IG mo nga. Pero ang contradicting naman ng picture sa song choice mo”

 

“Anong pinagsasabi mo?” lito kong sabi. Kinabahan na rin ako dahil feeling ko tama ang hula ko. 

 

Umirap lang naman sa akin si Eunbi bago pumunta sa counter dahil tinawag na siya ni Bambam. 

 

Mabilis ko namang hinanap ang cellphone ko. Nagdasal naman akong sana hindi totoo ang hula ko. 

 

Please, sana hindi ako nag-drunk text or drunk call.

 

Message naman nila Isa ang bumungad sa akin. Hindi ko na it pinansin bago hinanap ang recent calls and recent texts. 

 

Napatulala naman ako nang makita na wala naman ang pangalan at numero niya doon. I groaned and let my head fall sa table nang maalala na wala naman akong number ng ex ko. 

 

Dinelete mo, Winter noong hindi na siya nagparamdam sa iyo kaya paano ka makakapag-drunk call or text? Bobo lang? 

 

Eh ano ‘yung sinasabing thirst trap–

 

 

Mabilis kong binuksan ang data at pinuntahan ang Instagram. Sumabog naman agad ang notifications mula rito pati na rin sa Messenger. 

 

Naiiyak naman ako dahil bumalik sa akin ang kalokohang ginawa ko kaninang madaling araw. 

 

Ang iniingatan kong 150 followers sa IG ay naging libo bigla. Ang tahimik kong DMs ay napuno ng mga chat ng mga dati kong kaklase at mga kaibigan nila. 

 

Ginawa kong public ang account ko kaninang madaling araw! 

 

And to add cherry to my misery, nag-story pa ako. 

 

Mirror selfie to be exact. 

 

Winter, ang tanga moooooo. 

 

Paulit uli kong inuntog ang ulo ko sa lamesa. Narinig ko naman ang tawa ni Eunbi sa hindi kalayuan. 

 

“Ayan, ayan. Right where you left me pa,” bulong sa akin ni Eunbi nang mapadaan siya sa table ko. Walang ibang tao dito sa shop kung hindi kami kaya malakas ang loob nila na pagtawanan ang paghihirap ko. 

 

Itinaas ko na lang ang gitnang daliri ko sa kanila.

 

Sa gitna ng pagdadabog ko, naagaw naman ng isang notification ang aking atensyon. 



 

KatarinaYoo liked your story. 



 

Mas lalo naman akong naiyak dahil dito. 

 

Paalisin mo naman ako dito, Karina. 6 months na tayong break ano ba naman ‘yan. 

 

Level up naman ang pang-aasar sa akin nila Eunbi at Bambam nang marinig ko na pinatugtog nila sa buong shop ang kantang parehas na nasa story ko. 

 

Friends break up, friends get married

Strangers get born, strangers get buried

 

Tahimik ko na lang na ininom ang hot chocolate na inorder ko at inumpisahang magdasal. 

 

Hindi na talag ako iinom.

 

Mas lalong hindi na ako magpapauto kay Ryujin. 

 

Hindi na rin ako gagamit ng Instagram. 

 

Magm-move on na rin ak–

 

Help, I'm still at the restaurant

 

Peste. 

 

Delikado pa rin ako. Akala ko hindi na pero delikado pa rin pala ako. 

 

Kasi nandito pa rin ako, sa 7/11 sa may Gilmore, pinapanood ang mga ngiti ng kahapon. 

 

Nandito pa rin ako. 

 

I remember the time when you asked me what I would do if I was the one left in the restaurant. You asked me if I would stay, and I answered maybe.

 

Guess what, baby?

I did. 



 

Did you ever hear about the girl who got frozen?

Time went on for everybody else, she won't know it

She's still 23 inside her fantasy

How it was supposed to be



 

She's still 23 inside her fantasy

And you're sitting in front of me

 

 

 

 

=========
ito po pala ‘yung picture na nasa story ni winter tapos right where you left me by taylor swift naman ang song
 


eT0oNdo5acGkqAzl3WX1UzRdWRf6qaN9PsRJuNBOPEhi8VtnjJ8BrwRPTR6y05iOfzX0lZHwOReNeX6pONl7bURhmVocpwh1C7qegjJyIEMaxyI_afNLzxnYtp9qYz4ZdPcYAFpfA-d6OmbWXrmUwG4

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
268 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap