emails

the 1

happy one month, the 1!!!!

===========

 

 

“Nagkabalikan na ba kayo?” 



 

Agad ko namang nabuga ang hotdog na kinakain ko ngayon. Sinamaan ko ng tingin si Giselle na nakatayo sa gilid ko bago inabot ang baso ng gatas sa harap ko. 



 

Maaga akong binulabog ni Giselle sa unit ko. Anong oras pa lang ata eh nandito na siya. Hindi pa ako nagigising eh nakaligo na siya sa common cr ng unit na ito.  



 

Buti na lang kamo at hindi ako agad ginising right after niya pasukin ang unit ko kasi sabi niya, kanina pa raw siyang 5AM dito. 



 

Confused naman ako syempre kasi ano meron at bakit ang aga niya tapos sabi niya galing daw siya sa San Juan. Syempre inintriga ko siya kasi ano meron sa San Juan at bakit doon siya galing eh hindi naman siya taga doon?



 

Kaso hindi na natuloy pamumulis ko sa kaniya kasi biglang napunta sa akin ang usapan. 



 

“Stop avoiding the topic, Win. This is about you and hindi sa akin,” duro sa akin ni Giselle gamit ang toothbrush niya. Medyo tuliro pa nga ako kasi kagigising ko lang noon. 



 

Kaya naman pala g na g na agad itong si Giselle kasi trending lang naman ang pangalan ko sa buong Pilipinas. Trending kasama ang ex ko. 



 

Please lang! Wala pang isang buwan noong lumabas ang picture namin and literal na kahapon ko lang nakita ulit si Karina tapos meron na namang issue? 



 

Nagising talaga ang diwa ko noong nasabi ni Giselle iyon at napa-check agad ng cellphone ko kasi knowing kung paano kumilos si Karina kahapon at ang pag-prank ko pa sa kanila ni Ningning, talagang hindi imposibleng may ginawa na naman silang dalawa.  



 

“Girl, can you tell me bakit out of nowhere ganiyan ang manager ng ex mo? Like posting that kind of stuff?” mataray na sabi sa akin ni Giselle noong kunin ko ang cellphone ko para i-check ang nangyayari sa mundo. Tapos na siya magtoothbrush at nagsusuklay na lang siya. 



 

Makasabi naman ‘to ng manager ng ex ko parang wala silang pinagsamahan ni Ningning. 



 

Sasabihin ko sana iyon sa kaniya nang malakas kaso lang baka mas lalo akong pulisin kaya nanahimik na lang ako. Binuksan ko ang twitter at bumungad sa akin ang mga tweets ng mga active sa twitter na fans ni Karina. 



 

#KARINAinSeoul 



 

Ha? Aaalis si Karina? 



 

#KARINAxWINTER



 

Ano ‘to? Bakit kasama pangalan ko diyan?! 



 

Dali dali akong napapunta sa trending list ng twitter para sa araw na ito at nakitang trending si Karina, and Korea, at ang pangalan ko. 



 

Pinindot ko ang nangungunang hashtag at tumambad sa akin ang puno’t dulo ng lahat ng ito. 



 

Kasalanan ni Ningning…at ni Karina. 



 

Hindi ko alam kung lasing ba sila o talagang gumaganti lang sa akin dahil sa ginawa ko sa kanila kagabi. 



 

Umalis ako sa Twitter at lumipat sa Instagram. Doon ko hinanap ang original videos na posted pa rin sa parehong story ni Ningning at Karina. 



 

Talagang sinadyang ipakita at iparinig sa buong followers nila. 



 

Ang original story ay galing kay Ningning na ni-restory lang ni Karina. Isang story lang pala ang ni-restory ni Karina kahit maraming videos na naka-story kay Ningning. 



 

Nasa sasakyan sila at hula ko’y pauwi sila galing ng PUP. Kagabi rin ito nangyari kasi same ang damit na suot nila sa suot nila kahapon. 



 

Story No. 1

 

“Say ‘Hi’ to my vlog!” masiglang bungad ni Ningning sa camera. Medyo kita naman si Karina sa angle ng camera at kitang kita na busy siya sa pagp-phone. 



 

Kumunot ang noo ni Ningning nang hindi siya pansinin ni Karina. Mas inilapit niya kay Karina ang camera kaya kaliwang mata niya na lang ang kita samantalang kitang kita ko ang matangos na ilong ni Karina. 



 

“Sabi ko say ‘Hi’, huy” 



 

Dedma pa rin si Karina sa kaniya at busy lang sa pagp-phone. Umungot naman si Ningning bago hinarap sa kaniya ang camera at umayos na ng upo.



 

“Grabe guys ayaw mag-hi” pagnguso ni Ningning sa camera. Mukhang doon naman nakuha ang atensyon ni Karina dahil nagtanong siya agad. 



 

“You’re actually vlogging?” tanong ni Karina sa background. Kita naman ang pag-irap ni Ningning sa camera. 



 

“Yes nga”



 

“Since when?” 



 

“Since ngayon” 



 

“Huh?” nalilitong sabi ni Karina na ngayon ay nakatapat sa camera. Kita ang kunot ng noo niya at ang hawak niyang cellphone na nasa Instagram application. Mukhang napansin naman niya iyon agad dahil iniwas niya sa camera ang screen ng cellhpone niya. 



 

“Andito ako para sabihing tama ang mga sinabi ng ilang puppers…” pagtuloy ni Ningning sa ‘vlog’ niya raw pero ang camera ay nakaharap kay Karina. Dedma lang din naman ‘yung isa kasi sanay na siya. 



 

Inalis din naman agad ni Ningning ang camera kay Karina after ng ilang segundo. 



 

“Puppers?”



 

“PUP students, duh,” mataray na sabi ni Ningning. Parang super uncultured pa ng tinanong ni Karina kung maka-side eye siya. 



 

“You’re not making any sense right now, Ningning” diretsong english na sabi ni Karina sa background. Ramdam mo naman ang stress niya sa manager niya dahil sa tonong ginamit niya. 



 

Muling umirap si Ningning sa camera bago magsalita ulit. “Dedma sa bashers. Anyways, it’s really mainit sa PUP. Nandoon kami kanina tapos–”



 

“Ning.”



 

“Ay–” Ito ang huli kong narinig bago naputol ang unang story ni Ningning. 



 

Natawa naman ako kasi based sa sinabi ni Prof Medina kahapon, secret pa ang ang project na ito ngayon. Kahit daw na super laki ng demand for the project, need pa rin ng element of surprise. 



 

And dahil sa nasabi ni Ningning na nasa PUP sila kanina, mag-uumpisa na ang mga fans ni Karina sa twitter na gumawa ng theory thread na kadalasan ay tumatama. 



 

Stressed na naman siguro ang PR ng mini-drama na ito. 



 

Nasa tabi ko lang si Giselle na walang imik at hinihintay akong matapos ang lahat ng story ni Ningning. Sinunod ko naman ang pangalawang video na naka-post. 



 

Story No. 2

 

“Welcome back!” 



 

Kung kanina ay si Ningning lang ang bumungad sa camera, ngayon ay dalawa na sila ni Karina. Wala na rin ang cellphone ni Karina. Feeling ko bumabawi itong dalawa na ito sa na-spill ni Ningning kanina sa unang vid. 



 

“Andito ako para sabihing ang init sa manila lately. Right, Karina?” pa-inosente ni Ningning sa camera. Si Karina naman sa gilid niya ay nakangiting tumatango lang. Malaki naman ang pagtango niya nang tanungin siya ni Ningning. 



 

“Haha yes, Ning”



 

“Luh! Ayusin mo naman mukhang hindi naman true eh”



 

“What haha true naman ah…” tumatawang sabi ni Karina. Umayos siya ng upo bago tumitig sa camera. “Mainit po sa Manila ngayon” 



 

Kung may pinakacute na tao sa mundo, pangalawa si Karina. 



 

Ang cute niya sa mini-po niya! 



 

Kinikilig ako habang pinapanood ang pangalawang video kaso kinurot ako nang pino ni Giselle. Inirapan ko lang naman siya. 



 

“Weh…sige nga if true sinabi mo magmention ka ng namimiss mo?”



 

“What?” gulat na gulat na sabi ni Karina. Naputol naman ang video doon. 



 

Ano ba naman ‘to si Ningning hindi pa pinaabot sa pagsabi ni Karina ng pangalan ko–JOKE. 



 

Sinunod ko naman ang huling video at ang tanging ni-restory ni Karina. 



 

Story No. 3

 

Tumatawang Ningning ang bumungad naman sa umpisa ng video. Nasa tabi pa rin niya si Karina. 



 

“Hi! Tatapusin ko na ang vlog ko na ito kasi I realized na I’m not for vlogging?” pagkwento ni Ningning. Nakangiti lang naman si Karina sa tabi niya. May suot na siya ngayon na salamin. Panigurado ay nanonood na naman ito ng mga videos sa youtube kasi sinuot niya na ang glasses niya eh. 



 

Sinusuot niya lang naman ‘yon kapag matagal siyang manonood sa Ipad niya. 



 

“Karina, any ending ment?” 



 

“Ending ment daw” hindi ko napigilang sabi dahil sa kalokohan ni Ningning. Natawa rin naman si Giselle sa tabi ko. 



 

Sa lahat ng random na tao, si Ningning ang pinaka sa lahat. 



 

Nagulat din naman si Karina sa manager niya. “Silly, anong ending ment?”



 

“Closing remarks!” 



 

Tuluyang natawa si Karina. Medyo nag-lean back pa ang ulo niya kaya medyo nakita ang leeg niya. Napalunok naman ako kasi naalala ko na naman ang encounter namin sa leeg niya. 



 

Anyways!



 

Nang matapos matawa si Karina, nagsalita siya agad. Nakangiti siyang humarap sa camera. 



 

“Haha, okay. Uhm should I give a TMI na lang?”



 

“Gooo”



 

Karina scratched her head lightly before cutely dropped the bomb that made my heart go crazy. 



 

“Uhm… I miss Winter,” mahinhing tawa ni Karina. Lumingon pa siya kay Ningning na ngayon ay laglag ang panga. Kitang kita ng camera kung paano nanigas si Ningning sa kinauupuan niya. 



 

Tawa lang naman nang tawa si Karina bago tinataas baba ang kilay sa video. 



 

“Karina?” eskandalosang tanong ni Ningning. Halos sakalin na niya si Karina pero tawa lang naman nang tawa ‘yung isa. Narinig ko naman ang mahinang pagmumura ni Giselle sa gilid ko. Hindi ko lang alam if dahil ba sa sinabi ni Karina o dahil nag-rerelapse siya sa manager ng ex ko. 



 

Ako naman ay namumula dito. 



 

“What? Haha it’s mainit kasi lately sa mga pinupuntahan natin”



 

“Kaya namiss mo ang Winter? Ang panahon?” sarkastikong tanong ni Ningning na kulang na lang ay ingudngod si Karina sa callphone niyang hawak. 



 

“Haha alangan naman na summer, Ning”



 

“Funny mo…” pag-irap ni Ningning. “So gaano mo ka-miss ang winter?”



 

Ang akala kong pang-aasar ay hindi nawala. At talagang pinost pa nila sa IG! 



 

Ngising aso si Karina. 



 

“Siguro in a rate of 1 out of 10, a hundred–”



 

“Gurl?????”



 

“Korea sounds nice ‘no? Malapit na ba winter sa kanila?”



 

“Gurl, what the fu—”



 

“What the Karina is on? Like magsasabi ng ganoon? And mind you she reposted it pa!” maktol ni Giselle sa tabi ko. Hindi ko naman siya masagot kasi kahit ako hindi ko alam ang isasagot. 



 

“Buti na lang her fans thought of other things. Ang akala nila na Karina’s attending the awards event in Korea and may magazine issue siya this winter. Pero feel ko may mga mags-suspect since kakaiba ang reactions na binigay ng manager niya–”



 

“Ni Ningning?”



 

“Yes, ng manager niya. So as I was saying–”



 

“Ni Ningning? Si Ningning? Manager ni Karina?”



 

“Yes, Winter. Si Ningning. Happy? Masaya ka na? Are you happy na ba kasi I mentioned her name na? you!”



 

“Eh bakit biglang nagagalit!” natatawang sabi ko kay Giselle kasi hahampasin na sana niya ako. Pikon na naman kasi si Ningning na naman ang usapan. 



 

Feel ko talaga TOTGA niya si Ningning eh. 



 

Pero ayun na nga. Parang ang sarap buksan ang gmail ng cellphone ko at mag-email ng ‘Hi. I miss you, balik ka na sa akin”. 



 

Talagang sa gmail kasi binura–ay, nabura ko pala number niya tapos email add niya na lang meron ako. At oo, nag-uusap kami dati si gmail kasi naglandian kami doon. 



 

‘Wag kayo, hindi ako nakaranas ng TG, IG, or Twitter. 



 

Gmail lang. 



 

Oh ‘di ba? Saan ka pa? 



 

Pero nag-usap lang naman kami doon noong magjowa naman na kami. Bigla rin kasing sinumpong ng kung ano itong si Karina dati tapos naisipang landiin ako sa email. 



 

Siya talaga ang may mga pakulong ganito. Hindi ko naman matiis kasi nga, hello, siya na ‘yan eh.





 

“This is your email address?” gulat na tanong sa akin ni Karina noong makita niya ang soft copy ng CV ko. Hawak niya kasi ngayon ang laptop ko at kinukutingting niya ang laman. Naghahanap daw siya ng videos sa laptop ko. 



 

Straight ko lang naman siyang tinignan kasi anong videos? Hindi naman ako nagd-download ng mga movies or videos sa laptop ko kasi every space is valuable. Sa taas ng kinakain na space ng mga softwares na ginamit namin noong college kami, maiiyak ka talaga kapag nag-full storage na. 



 

Mahal din kasi ang hard drive kapag bumili ka pa. Kaya hanggang ngayon sinusumpa ko ang AutoCAD files ko eh. Gamit na gamit kasi ng school ang software na iyon kaya halos karamihan ng pinapagawang activity ay doon kami gumagawa. 



 

So ayun na nga, wala naman akong vids sa laptop. Kahit music nga wala. For academic purposes nga lang talaga siya pero ayaw maniwala ng jowa ko. 



 

Mukha ba akong joker? 



 

Oo raw sabi ng jowa ko. 



 

“Haha you look like one minsan, babe. Lalo na when you’re scamming me,” paninira sa akin ng jowa ko nang minsan ko siyang tanungin kung joker ba ako sa paningin niya. Napakunot naman ako ng noo kasi ano connect? 



 

Scamming tapos joker? 



 

Hinayaan ko naman na kasi kiniss ako pagkatapos niya ako siraan. Medyo okay na sigurong i-backstab niya ako kahit 125 Billion pa basta may balik na kiss hehe. 



 

Binuksan niya pa iba kong mga outputs and final projects na nakalimutan kong burahin matapos gumawa ng kopya sa cloud. Ang galing ko raw. How daw namin naisip na ganun ang gawing thesis. 



 

Sa isip ko, siguro kung si Corpus ang motibasyon mo sa buhay talagang makakaisip ka ng ganoong project eh. 



 

Tinanong niya naman ako kung sino raw ba si Corpus kasi may nabuksan siyang notepad file na ang laman ay pangalan na Corpus with angry emoticon. 



 

“Ay hehe. Wala ‘yan, babe. Muntik lang akong hindi makaakyat ng stage dahil diyan.” 



 

Tapos may kiss na naman ako kasi raw ang galing ko raw and so proud daw siya. Feel ko talaga ineeme na lang ako ng jowa ko para lang makachansing siya eh. Nabubudol lang ako parati kaya nakakalusot siya. 



 

May oras ‘yan si Karina na maghanap sa laptop ko kasi mayroon silang one-week vacation. May emergency kasi ‘yung Direk nila and may schedule naman ang iba sa mga bida sa palabas nila kaya mas minabuti na lang ng production na magbigay ng one-week pahinga since matatapos na rin naman sila sa major scenes. 



 

Hindi ko rin gets kung ano meron pero dahil more time na with jowa, nagpasalamat na rin ako sa Direk nila kahit alam kong type niya jowa ko. 



 

Sorry na lang siya kasi ayaw sa kalbo ni Karina. 



 

At ayun na nga. Kaya nandito kami ngayon sa sala ng condo niya, nag-uusap about sa email. Nabuksan niya kasi ang CV ko at nakita niya ang personal email add na ginagamit ko hanggang ngayon. 



 

Simpleng [email protected] lang naman kasi ang school account ko na hindi ko na tinangkang buksan after ko magsuot ng toga. 



 

Hindi ko alam kung anong nakain today nga jowa ko at kung ano ano ang naiisipang gawin. 



 

“Babe, message me sa email?”



 

“Ha? Para saan?”



 

“Wala lang. I feel like it’s extra funny if we’re actually communicating through gmail” 



 

At first hindi ako sumasagot sa mga email niya. Sa text ko pa rin sinasabi mga message ko. Eh desidido talaga siya kaya the next week na magkita kami, talagang na-scam niya ako to the next level. 





 

“B-bakit ba kasi sa gmail p-pa?”  mahinang sabi ko kay Karina na ngayon ay nakasubsob sa leeg ko. Hindi naman ako makapag-isip nang maayos kasi nakikiliti ako sa maiinit niyang hininga sa leeg ko. Sinamahan pa ng mga munti niyang halik. 



 

Ano ba?! Inaakit mo ba ako o ano?



 

Naramdaman ko ang kamay ni Karina na ngayon ay nasa bewang ko na habang unti unting umaakyat sa panga ko ang mga halik niya. 



 

“Why not?” 



 

Ang akala kong tutuloy sa mga labi ko ay hindi nangyari. May iba atang plano ang jowa kong maharot kasi nag-stay siya sa panga ko. May pagpisil pa sa bewang ko ang gaga. 



 

Alam ko ginagawa mo, Karina! 



 

“S-sige na nga. E-email kita m-maya”



 

Dahil sa sinabi ko, lumipat na ang mga labi ni Karina sa lips ko. Naramdaman ko naman ang pagngiti niya habang hinahalikan niya ako. 



 

Ngiting tagumpay na naman siya kasi nascam na naman ako. 




 

“That’s why I am asking you kung nagkabalikan ba kayo?”



 

“Hindi ah!” 



 

“Edi hindi. Defensive mo naman”



 

“Gi,” banta ko kay Giselle. Naramdaman ko kasing aalaskahin na naman niya ako eh. Hindi pa nga ako maka-recover sa nangyayari tapos aasarin pa ako? 



 

Nasaan ang manners? 



 

Tahimik ko na lang na kinain ang dala niyang hotdog bilang almusal ko. Nanahimik na lang din naman siya sa tabi ko. Hindi ko na muna inintindi ang mga napanood ko sa mga IG account ng dalawang epal sa buhay ko ngayon. 



 

Naramdaman ko ang sunod na sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. Chineck ko naman ito at nakitang umingay na naman ang group chat namin sa shop. Sunod na sunod na mention sa akin ang nakita ko. 



 

May mga personal message na sinend sila sa akin. Hindi ko naman na ito binuksan kasi sure akong related lang naman sa ex ko iyon. 



 

Speaking of ex, ano kaya ang pumasok sa isip nila ni Ningning at nagawa nila iyon. Sure akong kumakamot na naman ng ulo niya ang president ng company nila. 



 

Pero feel ko talaga na tatay ni Ningning ang may-ari eh kaya super lakas ng loob ng manager na ‘yon. 



 

Tunog pa rin nang tunog ang cellphone ko habang ineenjoy ko ang pagkain ng almusal ko. Ang iba ay notification mula sa Instagram at Twitter samantalang puro mga message sa messenger or sa text ang iba. Hindi ko ito pinansin. 



 

Dedma sa bashers. 



 

Ano na naman kayang chika sa labas mamaya kapag umalis na ako papasok sa trabaho? Anong chismis na naman ang maririnig ko tungkol sa ex ko? 



 

Medyo palagay naman ako na hindi ako madadamay kasi unang una, hindi naman nila alam ang existence ko. Pangalawa, based nga sa sinabi ni Giselle ay mas fixated sila sa theory nilang may fashion gig nga si Karina sa Korea ngayong winter season. 



 

Parang hindi naman true kasi if ever na totoo, edi sana no time na si Karina para sa pag-shoot ng mini-drama na iyon. Ay, pwede naman pala since hindi pa talaga totally nagstart ang shooting and for now, markings pa lang sila ng lugar and magiging flow ng story. 



 

And because of that, malaki rin ang involvement ko since piece ko nga ang gagamitin nilang guide. Nagulat nga ako na tapos na pala talaga ang script sa mini-drama. Talagang hinihintay lang ni Prof Medina ang mga may direct contact sa original author ng guide para magpaalam and ipa-double check ang story kung nandoon pa rin ba ang essence ng isang nobela. 



 

Nasa akin na rin ang first 5 scipts ng drama nila Karina. Sinend na sa email ko kagabi pa lang. Hindi ko naman naisipang buksan pa kasi wala pa rin sa isip ko kung itutuloy ko ba ang pag-involve ko sa kanila o hindi. 



 

Hindi ako tiwala sa lahat ng lumabas sa bibig ko kahapon eh. Parang binudol lang talaga ako kahapon. 



 

Nagpaalam na ako kay Giselle nang sabihin niya na mauuna na siya sa akin. Kaliligo ko lang noon at balak pa sanang chikahin siya kaso lang mukha siyang nagmamadali. 



 

“Coming na, Ate…” ang rinig kong sabi niya bago niya ibaba ang cellphone niya at nagpaalam sa akin. Inalok niya pa nga ako ng hatid pero dahil feel ko is super urgent and concern ng ate niya, humindi na lang din ako. 



 

And hindi pa ako ready para umalis ‘no. 



 

Kaya here I am sa station ng LRT, mag-isa. Not totally mag-isa kasi may mga tao rin naman sa platform na naghihintay pero you know the real meaning naman. 



 

Naalala ko na naman tuloy ang mga late night LRT moments namin. Dahil nga may shooting siya most of the times, gabi na lang talaga ang moments namin together. Hindi naman siya hassle for me since may work din naman ako tuwing umaga. Mas maluwag lang talaga ang schedule ko compared sa kaniya. 



 

May time na chineck namin kung anong oras ba talaga nagsasara ang LRT. Sabi niya may Grab naman daw so kapag nasaraduhan daw kami ng LRT in a place na we’re not familiar, Grab na lang daw kami pauwi. 





 

“Mahal kapag Grab!” reklamo ko kay Karina habang naglalakad kami sa baba ng UN Station. Anong oras na rin kasi at sarado na ang LRT so hindi ko alam kung paano ako makakarating sa V. Mapa. 



 

Hindi rin naman dala ni Karina ang sasakyan niya kasi ang purpose nga ng date namin ngayong gabi is gumala sa Manila ng gabi tapos sarili lang namin ang dala namin. 



 

Sa MOA sana kami kaso umayaw siya. Sawa na raw siya sa MOA lalo pa at malapit doon ang condo niya. Tapos nakita niya sa twitter account niya ‘yung Luneta date ng isa niyang fan. Ayun nakigaya siya. 



 

And yes, may twitter account siya na hindi alam ng fans niya. May moots nga raw siya na big account sa stan twt eh. Hindi ko naman siya magets kasi anong moots?



 

Ginawan niya nga rin ako ng twitter account na katulad ng kaniya para raw updated ako sa ganap niya. Tinanong ko naman kung anong difference if lagi ko namang alam mga ginagawa niya. 



 

“Isn’t thrilling na you get to see them thinking about every detail about my story or post tapos you get to know their theories…”



 

Nasabi ko na bang weird si Karina? 



 

Hindi ko talaga siya makuha minsan. Mabait siya real pero may kakaiba talagang sumpong ‘to minsan. I mean sinong artista ang naeenjoy na makitang mabaliw kaiisip mga fans niya sa ganap ng buhay niya ‘di ba? Si Karina lang. 



 

Eh super private niya pa kaya wala talagang nakukuhang crumbs mga fans niya sa kaniya. Hehe natutunan ko sa kaniya ‘yung crumbs. 



 

So ayun, we took the LRT papunta sa UN Station since siya ang mas malapit sa Luneta. Hindi kami natuloy sa Luneta talaga kasi pagbaba pa lang namin ng station, nag-crave na siya sa sundae ng Mcdo. 



 

Kaya ang ending, sa Mcdo na lang kami tumambay. Wala nga masyadong mga tao eh kahit sa labas. Puro mga nagtitinda na lang at mga driver ng tric ang nandoon. 



 

Syempre ako ang nag-order sa amin ni Karina. Kahit naman kasi na naka-cap siya, mas okay if ako na lang ang humarap sa mga tao. Super matunog pa naman ang name niya ngayon kasi nilabas na ‘yung trailer ng drama na finifilm nila sa PUP. 



 

Hindi siya ang main bida pero marami siyang scenes kasi friend siya nung bida. Pero kahit ganoon, sa kaniya ang halos atensyon ng mga tao. Inaabangan talaga siya kasi super hit ng last drama niya. 



 

Halos isang oras din kaming kumain sa Mcdo. Kwento lang naman si Karina nang kwento tungkol sa chismis na kumakalat sa set nila. About daw sa senior niya na artista na maganda and mabait. Jisoo raw. Ang alam ko nakwento niya na minsan sa akin ang Jisoo na iyon eh pero hindi ko lang natandaan ang buong kwento. 



 

So ayun na nga, may bumisita raw na magandang babae rin sa set nila tapos nakaupo sa shooting chair nung Jisoo. 



 

“Baka naman pinsan niya, babe. Sabi mo Kim din surname niya eh,” singit ko sa kwento ni Karina. Uminom naman muna siya ng order niyang kape bago umiling sa akin. 



 

“No, baby. Look, Ate Jisoo mentioned once na she have this bestfriend na super ganda rin and super model material…” umayos na ng upo si Karina at nagkwento na nang maayos sa akin. 



 

Ginaya ko naman ang ayos ng upo niya na naka-lean sa lamesa at nakinig sa chismis niya. 



 

Wala talagang takas sa chismosa syndrome. Kahit artista ka pa eh. Tignan mo ‘to si Karina, mas tanda niya pa details ng chismis tungkol sa Ate Jisoo niya kesa sa lines niya eh. 



 

Ayaw naman niya aminin na chismosa siya. Hindi naman daw niya kasi sinadyang marinig and makita ang mga pangyayari. 



 

Eme mo, baby. Chismosa ka lang talaga. Kasi kung hindi, bakit complete details ng chika mo?



 

Kapag narinig mo lang accidentally, ‘yung part lang na narinig mo ang maalala mo. Siya kasi kahit backstory alam eh. 



 

“Kim din siya, baby. Jennie Kim. I asked nga if she’s your cousin or kamag-anak eh kasi same kayo ng height, I think? Maliit lang–Aw!” 



 

Hindi ko napigilan ang kamay ko at nahampas ko si Karina dahil sa mga sinabi niya. Tinanong niya ako kung pinsan ko raw ba ‘yung mukhang model na ‘bff’ ng Ate Jisoo niya? 



 

Ito talaga si Karina minsan hindi maayos naiisip eh. 



 

“Anong tinanong mo siya kung kamag-anak ko ba siya? Baliw ka ba? Anong sabi mo?”



 

“Of course na hindi ko sinabi na my jowa’s a Kim also,” defensive niya namang sagot sa akin. Napatingin pa nga si Kuya Guard sa amin kasi para kaming nag-aaway. 



 

“Weh?”



 

“Malamang, babe? Why ba? Akala mo ba I asked her if she has a cousin named Winter who happens to be my jowa?” nguso sa akin ni Karina. Ngumuso lang din naman ako sa kaniya. She shaked her head bago inabot sa akin ang sundae niyang order. 



 

“That’s where you’re good at, eh. You use your charms against me.”



 

“Luh! Hindi naman ah”



 

“Anong hindi? Look at you right now! You’re using your lips!”



 

“Malamang! Ano ba ginagamit sa pagsasalita? Bibig ‘diba? Eme mo na naman eh. May hihingin ka naman ‘no?” paniningkit ko ng mata kay Karina na tapos na sa pagkain ng inorder niya. 



 

Agad namang sumilay ang mapaglarong ngiti sa mukha niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Pabiro ko siyang inirapan bago inubos na ang sundae niyang order. Wala naman siyang imik na inagaw ko na order niya eh. 



 

“Isang kiss lang eh,” bulong niya sa akin. Inirapan ko lang naman siya. 



 

Anong oras na rin kami nakaalis sa Mcdo at sure na kami na sarado na ang LRT. Hindi naman ito ang first time na masaraduhan ako ng LRT pero first time na walang dalang sasakyan si Karina. Kaya noong naglalakad na kami papalayo sa Mcdo sa may UN Station, naisip niya na mag-grab na lang daw kami. 



 

Sinimangutan lang naman ako noong sinabi ko na mahal ang grab. Makanguso akala mo inapi ko talaga eh. 



 

Pwede naman kami magpasundo sa manager niyang maldita. Ayaw niya lang talaga kasi eextra na naman daw si Ningning sa date namin. 



 

“Okay lang naman na sumama siya ah?” kaswal kong sabi kay Karina. Napatigil tuloy siya sa paglalakad at nagpapadyak sa harap ko. Natawa naman ako sa kaniya at nilibot ang tingin at nakitang wala naman masyadong tao sa paligid namin at malayo pa sila sa amin kaya safe ang cool kid image ng jowa ko. 



 

“You say that kasi hindi ikaw ang nagd-difficult,” maktol niya sa akin. Napa-huh naman ako sa sinabi niya. 



 

Nagd-difficult? Ano?



 

“Nagd-difficult? Saan mo na naman napulot ‘yan?”



 

“Babe? Ang uncultured ha”



 

“Ha?”



 

Hindi na ako sinagot ni Karina at nauna na sa paglalakad. Pero bago gawin iyon, pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Kaya ang ending, hila hila niya ako. 



 

“Pero ano nga meaning?” pangungulit ko. Hindi kasi talaga ako makakatulog eh. Hindi ko talaga gets. 



 

“Baby, difficult. In Filipino, mahirap…” tawa sa akin ni Karina. 



 

Kinurot ko si Karina dahil sa kalokohan niya. Malakas lang naman siyang tumawa habang naglalakad kami. 



 

Kanino na naman niya nalaman ‘yan? Last time ang ginamit niya naman ay ‘Shut the front door’ eh. 



 

Tawa lang naman siya nang tawa habang ako ay nakangiti na rin. Nagulat naman ako nang bigla siyang yumuko sa akin at nagnakaw ng mabilis na halik sa labi ko. 



 

Agad siyang tumakbo papalayo sa akin habang tumatawa. Nakangiti naman akong lumingon para tignan kung my nakakita ba pero mukhang wala naman. 



 

Naiiling na lang akong sumunod sa kaniya. Grabe na talaga.




 

Nag-grab pa rin kami that time pauwi. Hindi kasi kami parehas maalam sa daan kaya nag-grab na lang kami. Sa condo pa niya kami tumuloy kasi mas malapit daw sa area. 



 

Scammer talaga ex ko. 



 

Infairness, tahimik sa loob ng tren ngayon. Walang chismis about sa mga artista or sa mga content creator. Mabilis na nakarating sa Legarda ang tren na sinasakyan ko. Marami akong kasabay na students mula sa CEU at may iilan din na taga-PUP. 



 

Baka may bibisitahing jowa na taga-NU. 



 

Hindi ko na sila pinansin pa at dumiretso na sa shop. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, kakaiba na agad ang tingin sa akin ni Heachan. Inirapan ko lang naman siya at pumunta na sa likod para magbihis. 



 

HIndi rin naman nawala ang kantyaw ni Chenle paglabas ko sa likod. Syempre inirapan ko lang din siya. Tahimik lang naman si Jaemin na nagmamasa ng tinapay pero may mapang-asar na ngiti. 



 

Dedma sa bashers. 



 

Lumabas na ako at humarap na sa counter. Marami akong namukhaan dahil sila na ang mga regular namin dito. Hindi na rin ako nahihirapan sa pagtatanong ng pangalang ilalagay sa mga cup nila dahil nga ay parokyano na namin sila. 



 

Mababait din sila kaya wala talagang problema. Minsan may mga rude lang talaga and hindi siya maiiwasan. Basta we always do our very best and super respectful kami sa lahat ng customer kaya kahit anong idada nila sa harap namin, walang mapipintas sa amin.



 

“Bakit ba nandito ka?” maangas na tanong ni Heachan sa customer na nasa harap ko. 



 

Natigilan naman ako kasi first time na mangyari ito at hindi naman lumalapit sa counter si Heachan kapag nandito ako nakatoka maliban na lang kung iaabot niya sa aking ang mga kape. 



 

Awkward akong nakatayo at nakatingin sa kanilang dalawa na magkaharap at tanging counter ang nagdi-divide sa kanila. Parehas na matalim ang tingin sa isa’t isa. 



 

Kasasabi ko lang na mabait kami tapos…



 

Nilibot ko ang paningin sa shop at nakitang iilan na lang ang mga nakaupo sa mga lamesa. Start na rin kasi ng klase. Wala naman silang pakialam sa away na nasa harapan ko kasi busy sila sa mga kape at pagkain nila. 



 

Monday na monday eh. Ano bang meron at laging may ganap kapag monday. Kung hindi may student na minamadali kami kasi late na raw sila, may mga middle aged naman na nagrereklamo sa tamis ng kape nila. 

 

Eh sila ‘tong nanghingi ng sandamakmak na sugar? 



 

Tatawagin ko na sana si Jaemin sa loob nang biglang ngumiti ang kaaway ni Heachan. Nilingon ko naman si Heachan na nakangiti na rin pala. 



 

Tahimik akong umalis sa tabi nila nilinis na lang ang mga nagamit na lamesa. 



 

Dial 911

 

I'm calling from under my bed (under my bed)

 

It's hard to breath when you're not there (you're not there)

 

I find everything a nightmare (a nightmare)



 

Napangiti naman ako sa kantang pumalibot sa buong shop. Kay Karina ko lang ito na-discover eh. Narinig ko noong minsan ay nagpatugtog siya sa sasakyan niya. Kadalasan kasi, playlist ko ang ginagamit. 



 

Tapos narinig ni Chenle ang playlist ko one time tapos sabi niya gamitin namin sa shop. Agree lang naman ako kasi bakit ko naman ipagdadamot ang simpleng playlist ‘di ba? And para madiscover din ang mga underrated artists. 



 

Malapit sa comfort room na lamesa ang inaayos ko nang mapansin na may nakatingin sa akin. Pasimple ko naman iyon na nilingon at nakitang ang isang babae sa kabilang lamesa ang nakatingin sa akin. 



 

Hindi ko naman na pinansin kasi normal naman na iyon. Ang kaso lang, mukhang pamilyar ‘yung mukha niya. Alam kong regular siya here pero mas pamilyar mukha niya eh. 



 

Hindi naman siya naging classmate ko before. Hindi rin naman siya ex ni Giselle. 



 

Sino kaya ‘yun? 



 

I shrugged it off na lang and bumalik na sa likod nang matapos sa ginagawa. Kinuha ko na rin ang 15-minute break ko at umupo malapit sa kitchen. Kinuha ko ang phone ko at nakitang may notification mula sa school account ko sa PUP. 



 

My forehead creased at what I saw. On my PUP account na hindi ko alam na gumagana pa pala is may new email notification. Not because of the school emailing me for something, but someone na dapat nasa harap ng camera ang may kagagawan. 




 

[email protected] 

to [email protected] 

 

hi





 

Matagal akong nakatitig sa mensahe niya. Noong una ay nagtataka pa ako kung paano niya nalaman ang school account ko nang maalala ko na ilang beses niya rin palang tinanong sa akin noon kung ano ang school account ko. 



 

For research lang daw. Eme mo talaga, Karina. 



 

My 15-minute break has ended bago pa man ako makapagdecide kung ano ang gagawin ko kay Karina. Ang nasa isip ko ay ‘wag na siya pansinin kasi kapag sumagot pa ako sa kaniya sa email, lalong madadagdagan ang email niya sa school account ko. 



 

Hindi naman pwede iyon kasi school account pa rin iyon. Pero dinala ko na rin ang phone ko if ever. I have this feeling na hindi matatapos sa isang email si Karina. And parang alam ko na rin ang ginagawa niya ngayon. 



 

Kahit kelan, kakaiba talaga humarot itong ex ko. 



 

Pagbalik ko sa counter ay halos wala na ang mga tao. Although nandoon pa rin ‘yung nakatingin sa akin kanina. Napalingon nga siya sa akin pagpunta ko sa counter eh. 



 

Habang wala namang mga customer pa, inisip ko talaga kung saan ko nakita itong si ate na nakatingin. Feel ko talaga may significant scenario ako with ate eh. 



 

Dahil doon, matagal na pala akong nakatingin sa gawi niya. Nakatingin lang din naman siya akin. 



 

Sino ba kasi ‘to?



 

Hindi pa tumitigil si Karina kaka-email sa akin. Sa ginagawa niya baka mahalata na ‘to ng nagm-manage ng mga school account. 



 

[email protected] 

to [email protected] 

 

:) 




 

[email protected] 

to [email protected] 

 

win?




 

[email protected] 

to [email protected] 

 

hello :)))))




 

Malapit na ang lunch break ko nang biglang lumapit si ate na nakatingin sa akin at nag-order ulit ng pang-take out. Agad ko naman siyang inasikaso. 



 

“Ano pong name ang ilalagay?” diskarte ko para maalala si ate. 



 

Familiar kasi talaga siya eh. 



 

Kasabay ng pagsabi ni ate ng pangalan niya ay ang pagpasok ulit ng bagong email ni Karina. 



 

“Ah, Alison po. A-L-I-S-O-N.”




 

“Alison po. A-L-I-S-O-N,” pag-spell ng fan ni Karina sa pangalan niya. 



 

Sakto kasi na nakatambay sa shop si Karina at hinihintay sa tapos ng shift ko. Ako kasi ang naatasan maging closing ngayong araw. 



 

Nakilala si Karina ng isa naming regular customer nang sakto na magkatabi ang table niya. Chinika naman siya ni Karina agad nang malaman na fan siya kaya heto sila ngayon, nagbibigay ng autograph.



 

Amazed nga ako na ready ‘yung fan ni Karina dahil may dala siyang magazine na featured si Karina. 



 

Mukha namang nagets niya ang iniisip ko kasi nakatingin lang ako sa hawak niyang magazine.



 

“Ah, madalas ko po kasi siyang makita dito sa shop. Noong una po akala ko hindi siya ‘yun kaso sa suot niyang cap ko nalaman na siya talaga si Miss Katarina,” pag-explain noong fan ni Karina. 



 

Naglilinis lang ako sa table na inupuan ni Karina kanina kasi lumipat na siya sa table noong fan niya. And dahil ako ang closing, ako lang ang naiwang staff dito. Sakto na nagpapicture sila sa akin nang pumunta ako sa table nila. 



 

Tumango lang naman ako sa kanila bago aalis na sana nang biglang hinawakan ni Karina ang papulsuhan ko. 



 

“Babe, she’s also a Kim,” pagbibida sa akin ng jowa ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa at sinabi niya. Kabado akong napalingon sa fan ni Karina at nakitang malaki rin ang mata niya habang nakatingin sa amin ni Karina. 



 

Mukhang hindi pa siya pumapasok sa isip ni Karina kasi malaki pa rin ang ngiti niya sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kasi literal na nilaglag kami ng jowa ko sa mismong fan niya. 



 

Sa fan niya na may possibility na may twitter account. 



 

Sa fan niya na may possibility na gawing kaming trending sa buong twitter community kahit na tatlong buwan pa lang ang relasyon namin ni Karina. 



 

Galing talaga ng baby ko! 



 

Baka si Karina na ‘yan. 



 

Natauhan naman si Karina nang marinig niya ang nagugulat na sabi ng fan niyang si Alison na Kim din daw ang apelyido. 



 

“So tama ako?” 



 

Napalitan naman ng pagtatanong ang mukha ko dahil sa sinabi nung Alison. 

 

 

Anong tama siya? 



 

“Uhm, what?” tanong ni Karina. Agad namang natawa nang hilaw ‘yung Alison bago umiling sa amin at winagayway ang kamay. 



 

“Ah, hindi po ako ano stalker ah. Napansin ko lang po kasi lagi si Miss Katarina dito tapos medyo n-narinig ko p-po kayo minsan…”



 

Dahil sa sinabi niya, nakapamewang akong humarap kay Karina na ngayon ay tumatango tango lang. Hindi na ako nagpigil since alam naman na ng Alison na ito ang secret namin ng jowa ko and if want niya talaga kaming sumikat eh sana matagal na itong naka-post sa twitter. 



 

“I told you na naririnig ka sa mga panghaharot mo”



 

“What? Like you really hated it?”



 

“Hindi ko sinabing ayaw ko, babe. Ang sa akin lang–”



 

“Noted, baby,” pagputol sa akin ni Karina kaya napakunot ang noo ko. She pouted lang naman sa fan niyang si Alison na gulat na gulat sa amin. 



 

Sorry, fan. I’m the baby. 


 


 

Nanlaki ang mga mata ko sa naalala. Napaturo ako kay Alison. Natawa naman siya sa akin bago tumango. 



 

“Grabe naman po, kinalimutan na ako,” pagbibiro niya sa akin. 



 

Si Alison ang isa sa mga respectful at loyal fans ni Karina na nakakaalam ng hitsura at sa naging relasyon namin ni Karina. Si Alison ang pinakauna naming fan niya na nakilala. Dahil regular siya dito sa shop, hindi na naiwasan na malaman niya ang landian namin ng minamahal niyang artista. 



 

Hindi naman siya tulad ng iba na super delusyunal kaya pinabayaan na rin namin. Ang iba naman niyang fan na nakakaalam ay nakilala namin sa daan o sa mga lugar kung saan kami nag-date. 



 

Mayroon kaming fan niya na nakilala kami sa Antipolo Station ng LRT. Kasabay namin siya pabalik ng Manila sa tren. Turns out na siya pala ang may-ari ng isa sa biggest fan account ni Karina sa Twitter at Facebook. Touched si Karina kaya nireveal niya sa fan niya ang twitter account niya. 



 

Moots na sila sa twitter and every dating rumor na meron si Karina habang nasa relationship kami, tinatag niya ang account ni Karina at may tatlong tumatawang emoji at snowflake emoji. 



 

Ganoon siya kaboto sa akin. 



 

Naks. 



 

Eh break na kami. 



 

Magkakilala sila nitong si Alison kasi napadaan minsan ‘yung nakilala namin sa LRT Station dito tapos nakilala ako. May times na dito sila nakatambay para lang makita kung paano magpababy ang idol nila sa akin. 



 

Grabe na talaga ang hair ko before. 



 

Ngayon kasi questionable na eh. 



 

Ibibigay ko na kay Alison ang order niya nang bigla siyang magtanong na nagpakaba sa akin. 



 

“Kayo na po ulit?” 



 

“Ha?” 



 

Tumawa lang naman ako nang pilit sa kaniya. Nakangiti na siya sa akin ngayon habang hawak na ang take-out niyang order. 



 

“Sabi niya po kasi sa IG story kagabi…”



 

“Ahh…hahaha…ano gagi,” utal kong sabi sa kaniya. 



 

Karina, anong ginawa mo. 



 

Isa ito sa pinakaayaw kong mangyari matapos ng break up namin ni Karina. Ang harapin ang fans niyang nakaalam ng relasyon namin. Actually hindi naman sila marami. Siguro ay hindi pa sila lalagpas ng sampu at lahat sila ay hindi epal at madaldal. Ang kaso lang eh nahihiya ako sa kanila. 



 

I mean ewan ko lang ha. Siguro if makita ko ‘yung ex ng idol ko sa binibilhan ko ng kape, sure akong medyo off iyon. 



 

“Ikaw pa rin naman po ang manok ko. Mas pogi ka po kaysa doon sa Jake,” suhol niya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. 



 

“Huy!” 



 

“Hahaha. Usapan na po sa GC namin if nagkabalikan na po ba kayo or hindi eh. Akala nga po namin tatagal kayo ng isang taon bago magbalikan. Iba po talaga si Idol Kars–”



 

“T-teka, huy! Anong GC? Pinagpustahan niyo na naman ba kami?”



 

“Bye po!” mabilis na umalis ng shop si Alison. Napasimangot naman ako nang marealize na pinagpustahan talaga kami ng mga fans ni Karina. 



 

Inis kong binuksan ang cellphone ko at pumunta sa Instagram at hinanap ang official account ni Karina. 



 

Tigilan mo ang dati kong school acc



 

Isa pang muntik na maging problema ay ang pangalan ko sa Instagram. Kahit na hindi ko naman pangalan ang gamit kong username, naka-display pa rin naman siya sa bio ko. Buti na lang kamo at naisipan ko itong palitan agad matapos kong makita ang video nila Karina. 



 

Hindi na rin ako nag-private ng account. Nanatiling naka-public siya. Bakit? Wala lang, gusto ko lang. 



 

Nag-lunch na ako ay hindi na inintindi pa ang mga kakaibang tingin sa akin ng mga kasamahan ko dito sa shop at ang patuloy na pagtunog ng telepono ko. 



 

At some point pa nga ay nangati ako na i-message si Prof Medina at itanong kung hindi ba sila busy sa shooting. Kung maka-bomba kasi ng cellphone ko ‘to si Karina akala mo hindi siya artista eh. Akala mo tambay lang sa bahay nila. 



 

“Thank you po! Balik po kayo!” nakangiti kong sabi sa huling customer namin ngayon. Closing na naman kasi ako kaya ako na naman mag-isa ang naiwan. 



 

Okay lag naman siya for me kasi hindi naman mabigat na trabaho iyon. Ako lang din naman kasi ang pinakamalapit sa shop. Hindi naman ako lumalabas ng shop na sarado na ang LRT kaya kebs lang. 



 

Pinupunasan ko na ang mga nagamit sa paggawa ng mga order na kape nang biglang tumunog ang bell sa entrance. Napatingin ako sa relo ko at nakitang may limang minuto pa bago ang closing ng shop. 



 

“Hello, welcome to…” naiwan sa ere ang mga salita ko nang tumambad sa akin ang fresh na fresh na balot. 



 

Si Karina na may cap na naman sa ulo niya. 



 

Naka-shorts lang siya at maluwag na graphic t-shirt. Suot niya ang paborito niyang itim na cap at tanging cellphone lang ang hawak. Sinilip ko ang sasakyan niya sa labas at nakitang nasa madalas niya itong pwesto. 



 

Napasimangot ako nang lumapit siya sa counter. Nakangiti lang naman siya sa akin na tinataas baba pa ang kilay niya. 



 

Makaganiyan akala mo friends kami?



 

“One Winter Special Set, please” 



 

Inirapan ko talaga siya nang matindi nang marinig ko ang tonong ginamit niya. Sinadya niyang pababain pa lalo ang boses niya. Ang bagay na gustong gusto ko marinig noong kami pa. 



 

“Wala po kaming ganun dito”



 

“Aww”



 

“Tsk. Tigilan mo ang dati kong email”



 

“I stopped naman na ah when you messaged me sa IG. Eh kaso you’re not replying ulit,” nguso sa akin ni Karina. Hindi ko naman siya pinansin at walang imik na nag-punch ng usual order niya. 



 

“For take-out, please,” habol niya pa. Kumunot naman ang noo ko sa kaniya. She smiled at me bago ipinasok ang dalawa niyang kamay sa mga bulsa ng short niya. 



 

“Malapit na out mo so I thought na sa car na lang kumain…with you”



 

“Anong with you?”



 

“Ah hindi ko ba nasabi?”



 

“Ang alin?”



 

“Na I’d like to take you out ngayon hehe. Sama ka na sa order ko,”



 

“Eme mo!” 



 

Halakhak ni Karina ang maririnig sa buong shop. Tinalikuran ko naman na siya and nag-umpisa na sa pag-prepare ng order niya. 



 

Bakit ba andito ‘to? Seryoso ba siya sa balikan eme niya. Ganoon kasi ang pinaparating nga mga kilos niya mula kahapon eh. 



 

Wait lang, baby. Hindi pa ready pang-soft launch kong pic sa ‘yo. 



 

“Wala kang shoot?” pagtanong ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya. Malapit na rin naman matapos ang order niya. 



 

“Hmm, done na kanina pa. We did not shoot naman taalaga. We just tried the angles and such”



 

“Ahh,” humarap na ako sa kaniya at lalagyan na sana ng pangalan niya ang cup nang pigilan niya ang kamay ko. Kunot noo lamang akong tumingin sa kaniya. 



 

“Ah, I want ‘Rina Baby’ sa cup ko,” malaking ngiti sa akin ni Karina. Siningkitan ko siya ng mata na ikinibit balikat niya lang. 



 

Nakasimangot kong sinulat ang request niya. 



 

Rina Baby

.

.

.

.

.

<3



 

Dinagdagan ko na ang sinulat ko kasi parang nakakahiya naman sa kaniya eh. Napatawa pa siya noong makita ang dinagdag ko sa pangalan niya. 



 

“You’re not saying it out loud?”



 

“Para saan pa eh andyan ka naman na and ikaw lang customer ngayon”



 

“So I need to use my earpods and sit there sa dulo para you can call me this?”



 

“Putcha ka” 



 

Malakas na tumawa si Karina. Nag-umpisa naman na ako sa pagliligpit dito sa counter habnag siya ay kinukulit ako sa pagtawag ko sa pangalan niya. 



 

Dedma lang ako sa kaniya. 



 

“I think I have the right to hear it since ‘yun naman ang nakalagay here sa cup ko” 



 

Dedma sa bashers, ses. 



 

Kinuha ko ang bag ko sa likod at ni-lock na rin ang sales for today sa office sa loob. Nakapagpalit na rin ako ng damit at aayusin na sana ang mga dapat ayusin sa entrance nang makitang ayos na ito. Napalingon tuloy ako kay Karina na nakabuntot lang sa akin habang humihigop sa kape niya. 



 

“I derserve a reward, right?”



 

“Ewan mo, babe–” parehas kaming nagulat sa nasabi ko. Malaki ang mata namin habang magkatitig dito sa harap ng entrance ng shop. Unti unti namang nalagyan ng nakakainis na ngisi ang mukha ni Karina kaya napairap ako. 



 

Napanguso naman ako sa isip ko nang marealize na hindi niya papalampasin ang narinig niya. Nakakinis na habit kasi ‘to! 



 

Anong babe? BABE? 



 

INIS!



 

Nagdadabog kong pinatay ang ilaw at lumabas na sa shop. Hinintay kong makalabas si Karina bago ni-lock ang pinto. Nakanguso ako habang ginagawa iyon. 



 

“Haha yes, baby?” pag-ulit ni Karina. Nakabuntot pa rin siya sa akin. Inirapan ko siya bago naglakad na papunta sa station ng LRT. 



 

Hindi naman nagsalita si Karina about doon at nakasunod lang sa akin hanggang sa entrance ng LRT. Hinarap ko na siya kasi hindi pa ba siya uuwi?



 

“Hindi ka pa uuwi?”



 

“Uuwi na” sagot niya sa akin bago kaswal na pumasok sa station. Sinundan ko naman siya at naghintay ng elevator kasama siya. 



 

“Dala mo kotse mo,” pagpapaalala ko sa kaniya. She just shrugged at me bago ako marahang hinila papasok sa elevator. 



 

“Bakit magt-tren ka rin?” tanong ko ulit. Tumawa naman siya bago tumango sa akin. 



 

“I missed it kasi,” double meaning niyang sabi. Namula naman ako agad bago nakangusong nag-tap sa gate. 



 

Miss mo mukha mo. 



 

Inis. 



 

Grabe talaga mangharot si Karina. 



 

Nakakainis!



 

Kaya medyo agree ako kay Alison na kakaiba talaga si Idol Kars kasi super landi niya eh. 



 

Tinapos agad lahat ng problema sa side niya and mga sugat ng kahapon ay hinarap para lang landiin ako ulit? 



 

The audacity talaga. 



 

Hinatid ako ni Karina hanggang sa baba ng building ko. Pinaalalahanan naman niya ako na magreply sa kaniya. 



 

More like nagpabebe pala. Nang-scam na naman. 



 

Magaan ang naging usapan namin ni Karina sa daan pauwi. She said na she’s okay with her mother na and once a week daw ay nagkikita sila, nagb-bonding. Hinahanap nga rin daw ako ng mommy niya. 



 

Eme niya! Balikan niya muna ako ‘no. 



 

Regarding naman sa negative response niya, she’s working on it na raw and willing naman daw siya mag-wait if hindi pa ayos ‘yung sa part ko. 



 

Inamin ko naman na hindi ko pa ayos ‘yung sa tatay ko which is naintindihan niya naman. She said na it was never easy naman daw talaga. 



 

“If ganoon ‘yon kadali edi sana we didn’t broke up”



 

Tama ka diyan, ex ko. 



 

Hindi talaga madali. 



 

Nasabi ko rin na umamin na ako sa nanay ko about sa mga worries at sa mga dinadala ko. Sinabi ko rin na regular na ang communication namin ng nanay ko kaya malaki na naman ang ngiti niya. 



 

Proud daw siya sa akin. 



 

Sabi ko thanks. 



 

Sabi niya oks, pre. 



 

Inirapan ko siya at ngumiti na lang din. Para kasi kaming magkaibigan kung paano namin i-update ang isa’t isa sa happenings sa buhay ng isa’t isa. 



 

Nangako naman ako na papansinin ko na siya na ikinatuwa niya. Nagpaalam pa nga sa akin kung pwede raw ba niyang i-story sa main account niya sa Instagram ‘yung picture niya kinuha ko. 



 

Agree lang naman ako kasi hello, mukha niya naman iyon. 



 

‘Tsaka parang soft launch eh kaya pumayag na ako. 



 

Ano kaya reaksyon ni Alison kapag nakita niya ‘yung emoji na kasama sa story ni Karina. For sure malaki na naman ngiti sa akin nun bukas. 



 

Hay nako talaga. Nasa stage ako ng buhay ko kung saan nasa phase tayo ng kung paano bumalik sa ex. 



 

Natawa ako a naisip ko at naisipan na lang na buksan ang twitter para magpaantok. Bumungad naman sa akin ang bagong tweet ni Faye, ang fan ni Karina na alam ang relasyon namin. 





 

karina misses winter | karina in korea SOON

@marengkars01

 

cb na ba @babyrina___





 

Naka-tag pa si Karina kaya binuksan ko ang mga replies. Sure naman akong masarap na naman ang gising ko dahil sa nakita kong reply ng naka-tag





 

rina rina rina 

replied @marengkars01

 

working on it :P



======

fun fact: 'yung picture na ginamit sa article is nanggaling sa UN date nila. dahil ilang minutes  din silang naglalakad, may isang nakakilala kay karina and then pinicturan ang mga likod nila

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
266 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap