thank you

the 1

hiii! sorry for being inactive these past few months! busy lang talaga sa school and medyo nawala ang landas sa mag-ex turned magjowa ulit na k and w. probably last na siguro ang next update? i never intended din talaga na maging ilang chapter siya since one shot lang talaga siya noong una kong sinulat. the others requested na ituloy kaya here we are hehe. thank you po sa lahat ng sumuporta and nagbasa huhu. nakita ko po 'yung time na naging promoted siya huhu want ko sana maglapag ng update that time kaso super sunod sunod din ang deadlines kaya umabot po tayo ng April hahaha. thank you po!! see u na lang po sa next update! 

para po pala kay user gomtokkim na madalas magre-read, para sa inyo po itong chapter! thank you p sa support hehehe

 

===============================

 

 

Hindi kami natuloy sa Batangas. Hindi dahil hindi pinayagan si Karina ng management niya o dahil sa conflict sa schedule niya. Hindi kami umuwi kasi ano pang sense kung ‘yung uuwian sana namin, nandito na sa sala ni Karina at chinichika na ang girlfriend ko. 



 

More like binabackstab na niya ako. 



 

“Ay, ganiyan talaga si Winter kahit noong bata pa. Nako, ‘yang batang iyan talaga…” 



 

“Ah, really po? How about high school naman po, tita?” 



 

“Highschool? Nako…”



 

Boses nila ang tanging maririnig dito sa condo ni Karina bukod sa tunog ng niluluto ko. Napapirap na lang ako sa tuwing nagiging exaggerated na ang mga kwento ng nanay ko tungkol sa akin. Ito namang jowa ko, agree lang nang agree kay mama. Akala mo naman talaga…



 

We were supposed to go home sa Batangas tomorrow. Planado na namin lahat ni Karina even ang mga script na sasabihin niya sa harap ng family ko. 






 

“What if palayuin ka ng mama ni Winter, Kars?” 



 

Napangiwi naman ako sa tanong na iyon Ningning. Hindi naman sumagot si Karina na ngayon ay busy sa pagr-review ng script niya. 



 

We’re here ngayon sa isang hotel na pagsh-shootingan nila Karina. Ka-eksena niya rin today si Jake na simula kaninang umaga, papansin na sa amin. Ay, kay Karina lang pala. Dinedma niya kasi ‘yung greetings namin ni Ningning kanina. Suplado siya sa amin.



 

Naks. Akala niya naman bukal sa loob ni Ningning ang pa-”good morning” niya kanina sa aktor. 



 

Kaya nga halos isang oras din na inis na inis itong si Ningning. The audacity daw kasi na dedmahin siya. Hindi raw ba kilala ni Jake kung sino siya.



 

“Hindi niya ba ako kilala? Ha, grabe lang!” 



 

“Baka nga hindi, Ning. Sino ka ba? Pakilala ka rin minsan sa kaniya. Sabihin mo ano, uhm, ako ito, si Ningning… may-ari ng favorite hook-up bar mo!”



 

“Saan mo nalaman ‘yan gaga ka?” 



 

Hindi ko na siya inimik after niyan. Hindi ko kasi pwedeng sabihin na tambay si Giselle doon and nalaman kong kaniya iyong lugar noong nalasing si Giselle sa inuman namin with Karina. 



 

Lakas talaga ng tolerance ni baby ko. 



 

“What would do nga, Kars? What if ayaw talaga sa’yo ni tita?” dagdag pa ni Ningning. Tinignan ko naman si Karina para marinig ang sagot niya. Nilingon niya ako at nagtaas ng kilay. 



 

“Malay mo?” kibit balikat ko kay Karina. Inangilan niya lang naman ako bago lumipat ng upuan papalapit sa akin. Nakadikit na tuloy siya sa akin ngayon. Dedma lang talaga siya sa iilang tingin ng ilang staffs dito. 




 

Actually, feeling ko they have the gist na rin na nilalandi ako nitong bida actress nila. I mean if kulang pa ang pagdikit ni Karina sa akin tuwing break niya and ang mga minsang questionable na tingin niya sa akin, baka bulag ka na. 



 

Ay… ‘yung Jake pala ganoon. 



 

Hindi ko alam kung dinidismiss niya lang ba or sadyang tanga lang siya. Pero bahala siya basta ako ang baby, period. 



 

“If like ako ni Winter, for sure like rin ako ng mommy niya,” sagot ni Karina after pa siyang kulitin ni Ningning. Umungot naman ang manager niya dahil sa sagot niya. 



 

“What if nga lang! Paano kung magkatotoo ‘yung sinabi ni Winter regarding the pera and ‘layuan mo anak ko’ thingy?” 



 

Doon natigilan si Karina. She eyed her manager for a while before turning to me and smiling. “Of course, hindi ko tatanggapin,” she said sweetly sa akin. Para naman akong natunaw dahil doon kaya hindi ko napigilang halikan siya nang marahan sa pisngi niya. 



 

“Kasuka naman kayo,” Ningning said. 



 

“Hindi mo talaga tatanggapin, babe?” pa-chumchum ko sa jowa ko. Nakangiti naman siyang tumango bago umakbay sa akin. 



 

Grabe na ba! 



 

Siguro one million na tao ang niligtas ko noong past life ko para bigyan ni Lord ng ganitong biyaya. Ako ang winner, guys. Ako!



 

“If your mother would really do that when we go to your hometown sa weekend, I’ll look to her then bubuksan ko ang bag–” 



 

“Ay, bakit mo pa bubuksan?” extra ni Ningning. Napatango naman ako kasi bakit pa bubuksan ni Karina ‘yung bag?



 

“Sshhh, I’m the jowa. Anyways, I’ll open it and will look at the money inside and will look to her eyes again and will say no with matching shake pa ng head,” my girlfriend cutely said. 



 

“Ang dami mo namang ‘and’. Sakit sa mata!” Natawa naman ako dahil sa comment ni Ningning. Inilingan ko na lang siya at hinalikan na lang ulit ang baby ko sa pisngi kasi deserve niya iyon. 



 

“Tapos…” 



 

“Ay, may kasunod pa?” 



 

"Tapos I’ll say, “Kulang pa po ito, Tita”,” 



 

Tuluyang humagalpak ng tawa si Ningning dahil doon. Agad naman akong napahiwalay sa tumatawa kong jowa. 



 

Anong kulang pa? Karina?



 

“Babe haha” tawa ng jowa ko sa mukha ko. Betrayed naman akong napalayo at napatayo palayo sa kaniya.



 

Grabe parang kanina lang sinasabi ko na grabe ang jowa ko tapos ngayon? 



 

Hindi ako nagtatampo. Hindi naman talaga. 



 

“Why are you there kay Ningning? Hahah babe, come on,” 



 

Inuuto na naman ako ng jowa ko eh. Feel ko talaga binalikan niya ako kasi walang clown sila sa bahay nila. Lately, tawang tawa siya! Noong una akala ko kasi masaya siya kasi nagkabalikan na kami pero ngayon, feel ko talaga clown na niya ako. 



 

Grabe si baby! 



 

Sagot niya lang naman lagi sa tuwing sinasabi ko ‘yan sa kaniya eh ‘You’re my happy pill, babe. You make me happy.” Edi wala na naman akong nasabi dahil sa kilig? 



 

“Doon ka na sa iaalok na pera ng nanay ko”



 

Malabo naman ‘yan. Unang una, imposibleng hindi siya magustuhan ng nanay ko. Like hello? Si Karina na ‘yan oh. Atsaka tama naman sinabi ng jowa ko kanina na kung nagustuhan ko, magugustuhan din ni mama. 



 

And kahit hindi nga siya boto sa amin ng jowa ko (hindi talaga mangyayari ‘to peksman), walang limpak ng salapi ang nanay ko para ibigay kay Karina. 



 

Kaya wala, hindi talaga kami aabot sa abutan ng pera. 




 

 

 

 

 

“See, I’m right? Your mother loves me,” bulong sa akin ni Karina na ngayon ay nakayakap na sa likod ko. Nilingon ko naman ang sala at nakitang wala doon si mama. 



 

“Magbibihis daw siya, babe. She’s in our room,” para namang nabasa ni Karina ang nasa isip ko dahil sa sinabi niya. Tumango ako bago pinatay na ang kalan. 



 

Halos lunch time na rin pala. Mabuti na lang talaga at may stock si Karina na pwedeng lutuin dito sa condo niya. Hindi pa naman masyadong gusto ni mama ang pagkain sa labas. Mas masarap pa rin daw kung sa bahay nagsasalo salo. 



 

“Hain ka na, baby” utos ko sa jowa kong pa-cute na naman. Nagnakaw pa ng halik sa akin bago sumunod. Nako talaga. 



 

Kaninang umaga dumating sa unit ko si Mama. Nagising na lang ako kaninang umaga sa stressed ko na namang jowa. Noong kumuha kasi siya ng tubig, nakita niya si Mama na nasa sala nanonood ng TV at pinapanood siyang uminom ng tubig. 



 

Ang shytype ko namang jowa, nag-panic. Tumakbo sa kwarto ko at ginising ako. Kaninang umaga ko lang talaga na-realize na super bagay din pala kay Karina ang natatarantang character. 



 

Ganda niya ma-stress sa totoo lang. Favorite ata talaga ni Lord. 



 

May bagay na biglang inasikaso ‘raw’ si mama kaya nandito siya sa Manila. Dumaan na raw siya muna sa unit ko bago iyon puntahan dahil hindi niya na raw nakikita ang mukha ko. Sus, hinuhuli lang ako niyan eh. 



 

Nahuli naman kami. 



 

Sakto pa na sa unit ko napili ni Karina maglambing kaya wala akong nagawa kung hindi payagan siyang mag-overnight kagabi kahit na mas malapit sa condo niya ang shooting place nila mamaya. 



 

Kanina ko lang din naconfirm ang charms at pang-uuto na mayroon ang jowa ko. Close na kasi sila agad ni Mama kahit na walang pang isang araw na magkasama sila. 



 

“Saan ka po pala mamaya, Tita?” my girlfriend casually asked my mother while nagsasandok ng kanin. Diretso naman sa plate ko ang kanin na sinandok niya kaya napasunod ng tingin ang nanay ko. 



 

Baka inggit sa akin? Joke! Nilagyan ko na lang din ang plato niya para matigil na ang pagsunod niya sa tingin sa jowa kong feeling close. May mga time pa namang umaakbay itong jowa ko sa akin kahit kumakain kami. 



 

Sana behave si baby today. 



 

“May dadaanan lang sa Monumento,” tahimik na sagot naman ng nanay ko na busy na sa pagkain. Hindi naman na ako umimik kahit may hinala ako kung bakit ba talaga siya nandito sa Manila. 



 

Medyo nawalan naman ako ng gana dahil doon. Tahimik na lang din akong kumain kasi kahit naman na sabihan ko si Mama, hindi rin nama siya makikinig. And nasa Manila na rin naman na siya so ano pang magagawa ko? 



 

Nasa Monumento ang bahay ng tatay ko dito sa syudad. Doon din ako pinanganak. Lumipat lang kami sa Batangas noong isang taon na ako. Sabi ni mama eh mas maganda raw ang hangin ng Batangas para sa amin.



 

More like mas pabor sa tatay ko na malayo sa city ang nanay ko. 



 

Hindi kasi ma-kontrol ni papa ang buhay namin dito sa Manila kaya pilit niya kaming pinauuwi sa Batangas. Kaya ganoon na lang ang apila niya noong sinabi ko sa kanilang sa PUP ako mag-aaral. 



 

Ang huling balita ko sa tatay ko eh nandito raw siya sa Manila. Hindi ko naman na inintindi iyon kasi never namang magpapakita sa akin ang tatay ko. Never siyang magr-reach out. 



 

Marahang tapik ni Karina sa aking hita ang nakapagpabalik sa aking atensyon. Nilingon ko siya at sumalubong sa akin ang malamlam niyang ngiti. Agad ko namang nilingon si mama at nakita ang nakangiwi niyang mukha na directed sa akin. 



 

“Ay sus,” mahinang comment ng nanay ko. Hindi ko naman na siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Nilingon ko naman si Karina at nakitang tapos na siya kumain at ngayon ay pinapanood na lang kami ni mama na kumain. Nahuli niya akong nakatingin kaya kinindatan niya ako. 



 

Napailing naman ako dahil doon. Pero kahit ganoon, thankful ako sa kaniya kasi these past few days, siya ang naging kasama ko sa mga bagay bagay. 



 

Siya na ang kasama ko uminom sa balcony ng condo ko. Siya na rin kasama ko mag-grocery sa supermarket na overpriced. Siya na rin kasama ko bumili ng kape sa kalaban naming cafe. Siya na rin kahati ko sa netflix at spotify account. 



 

She knows me enough to give me comfort. She loves me enough to give me happiness and love. She’s my Karina.



 

Si Karina na ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan namin. Hindi naman na ako umangal nang tumingin siya ng kakaiba sa akin at sa nanay ko. 



 

“Ay siya, ka-pabebe,” bungad sa akin ng nanay ko nang pumunta ako sa sala kung nasaan siya nakaupo. Hindi ko naman siya pinansin at naupo na lang sa harap niya. 



 

“Mapunta ka kay Papa?” diretso kong tanong sa kaniya. Nakanguso lang naman akong naghihintay sa confirmation niya. 



 

Mas pinili niyang hindi magsalita at naglibot na lang sa sala ng condo ng baby ko. Napunta siya sa rack kung saan nakalagay ang mga pictures namin ni Karina. 



 

Wala pa naman siyang nagiging say sa relasyon namin ni Karina. Kahit na kausap niya si Karina kanina, wala siyang nabanggit na kung ano. Puro kwento lang siya tungkol sa akin o kaya naman ay nagtatanong tungkol sa trabaho at buhay ni Karina. Daig pa nga niya si Tito Boy kanina. 

 

“Ilan taon ka na ga?” 



 

“25 po” 



 

“Ahh, ilang taon ka ng artista?” 



 

“Almost 5 na rin po? I’m not sure po eh, sorry”



 

“Parang nagkolehiyo ka lang din pala. Nag-college ka ba?” 



 

“Ah, yes po pero brief lang” 



 

“Paanong brief?” 



 

“Kabaliktaran ng , Ma” extra ko naman sa tanungan session nila kaya nabato ako ng unan. Tawa naman ako nang tawa dahil sa nagpapanic na tingin ni Karina. 



 

“‘Kay gandang bata,” tumatangong sabi ng nanay ko habang hawak ang isa sa mga solo picture ng jowa ko. Napangiti naman ako na same kami ng nanay ko na may maayos na mata at marunong tumingin ng tunay na kagandahan. 



 

Ayos. 



 

“‘Yun la ang?” pasimple kong sabi. Nilingon naman niya ako at tinaasan ng kilay. 



 

“Eh ano pa ga?” 



 

“Kung bagay kami, ganun” pabebe kong sabi sa kaniya. Inangilan niya lang naman ako.



 

Hindi kami close ni Mama. Parang buong family rin. Nasanay lang ako sa ganitong uri ng usapan sa bahay. Wala ‘yung super affectionate type of usapan or what. 



 

Lately ko na lang din siya nakausap nang bukas tungkol sa mga bagay bagay. Nasanay kasi akong sumusunod lang sa mga utos o sabi nila ni Papa. Noong nagkolehiyo naman ako eh hindi ko na sila msyado nakausap. Hindi rin kasi ako madalas umuwi noon sa Batangas. Nasabi ko na nga rin na rebelde era ko talaga ang college. Kaya hindi masyadong madalas ang pag-uusap namin ni Mama even before pa noong college ako. 



 

Naging open lang ako sa kaniya noong naghiwalay kami ni Karina. Unang beses ko rin magsabi sa kaniya ng mga nararamdaman ako at mga hinaing ko sa buhay. Iyak ako nang iyak habang kausap siya habang siya, tahimik lang na nakikinig. Simula ng gabing iyon, mas dumalas na ang pag-uusap namin. Hindi nga lang kasing sweet tulad ng sa iba, pero mas open at mas comfy siguro. 



 

“Bagay naman,” 



 

“Weh?” 



 

Isa rin sa inamin ko kay Mama before eh ang fact na may artistang ex ang anak niya. Hindi naman siya naniwala noong una dahil sa 2 reasons. 



 

Una, akala niya raw eh gusto ko si Jaehyun ng bayan namin. Napa-ew naman ako sa kaniya kasi parang kapatid na ang turing ko kay Jaehyun. Tinanong ko siya kung bakit niya naisip ‘yon. 



 

“Si Jae? Kadiri ka naman, Ma” 



 

“Eh sabi ni Sungchan” 



 

“Fake news si Sungchan, Ma. Dapat ‘di ka naniniwala dun”



 

Si Sungchan ang nagpasok sa isipan ng nanay ko na may lihim na pagtingin ako sa crush ng bayan sa amin na si Jaehyun (tropa ko). Kapitbahay pala namin si Sungchan na tropa rin namin nila Jaehyun. Peste pa rin talaga sa buhay ko si Sungchan kahit nasa abroad na siya. 



 

Ang pangalawang reason naman kung bakit hindi siya naniwala ay hindi raw ako papatulan ni Karina. Magandang bata raw para maging tomboy. 



 

Aba! As if hindi maganda ang anak niya? 



 

“Ma! Hind naman tomboy si Karina eh” 



 

“Eh sabi mo ga naging kasintahan mo”



 

“Oo nga! Pero hindi siya tomboy. Bi siya, bi!”



 

“Ano?” 



 

Halos magdamag ata kaming nag-usap ni mama about sa uality ng jowa ko na ex ko that time. 



 

“So boto ka kay Karina para sa akin, Ma?” 



 

“Hindi,” 



 

“Bakit?!”



 

“Mas boto ako sa’yo para kay Karina,” masungit na sabi ng nanay ko noong saktong bumalik na si Karina dito sa sala. Napangiwi na lang ako kasi ang sipsip niya sa jowa ko. 



 

Ako po ang anak? Dapat sa akin ang main spotlight, Mama?



 

Ganoon ang naging eksena namin hanggang sa kaihatid namin si Mama sa Monumento. Nagpaalam naman si Karina kay Ningning kaya hinatid na rin namin ang nanay ko. 



 

Sa loob ng sasakayan, puro paninirang puri patungkol sa akin ang topic nilang dalawa. Hindi pa nakatulong na mag-isa ako sa backseat habang parang reyna na nakaupo ang nanay ko sa passenger’s seat. 



 

“Mag-aral ka na magmaneho, Winter. Hindi pwedeng itong si Katarina lang ang laging nagmamaneho. Paano kung pagod ‘yan galing sa trabaho?” 



 

“Umuwi kayo sa bahay sa pasko, Winter. Maghahanda naman tayo kaya isama mo na itong si Katarina”



 

“Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Katarina. Ano nga ulit ‘yong pelikula mo? Ipahahanap ko kay Yeorum pag-uwi ko”



 

Ayan na nga. Hindi man kami nakauwi this weekend sa Batangas, uuwi pa rin kami sa pasko. Wala namang naging say ang jowa ko about dun at nakangiti pang tumango sa nanay ko. Ako na nga ‘yung nakaalala na need pa namin magsabi sa manager at sa management niya. 



 

“Don’t worry na since Ningning is there, Babe. She got it covered.”



 

Ayan lang naman ang sabi niya sa akin. Excited na nga siyang magpasko sa bahay at gusto niya na raw mamili ng regalo para sa kapatid at sa mga pinsan ko. Kulang na nga lang eh pati kapitbahay namin isama niya sa listahan ng bibigyan ng gifts. 



 

Feel na feel ko naman ang tuwa ng baby ko ngayong araw. Kahit noong nasa set kami, ganado siya umarte. Mabilis lang tuloy na natapos ang taping kasi halos one-take lang ang mga eksena niya.



 

Last week na ng filming next week and may pakulo itong si Prof Medina. Iyon daw ang magiging ending ng series na ito and need niya raw ng creative juices ko at ang consent from Karina. Tinanong ko naman kung ano iyon pero hindi ako sinagot ni Prof. Next week na lang daw niya irereveal para raw kahit sa amin, may thrill ang ending ng series. 



 

“Let’s take a walk, babe? Sabi pa naman nila na mamaya pa ang filming?” aya sa akin ni Karina. Inabot ko naman sa kaniya ang kamay ko at tumayo na rin. 



 

Gabi na at nandito kami sa isang parte sa Luneta. Ito na rin ang last outside shoot ng series na ito. 



 

“Do you know ‘yung ending na sinasabi ni Doc Medina?,” tanong sa akin ni Karina after namin makalayo sa set. Inilingan ko lang naman siya at ginalaw ang magkahawak naming kamay. 



 

“She’s sus about it, babe. I think you’re heavily involed doon”



 

“Not ko talaga alam, baby. Peksman” 



 

“Hmm…okaaay. Sleep ka sa condo mamaya if true,” pang-uuto na naman niya sa akin. Natawa naman kami parehas dahil sa sinabi niya. 



 

Kahit kelan talaga ang scammer. 



 

“Should I confirm ba na I am dating?”

 

“You want to na ba?” balik kong tanong sa kaniya. Inabot ko naman sa kaniya ang jacket kong suot kasi medyo mahangin na rin at malamig na dahil anong oras na rin. 



 

“Medyo, Babe? Parang you know, I wanted them to know na kaya masaya ang idol nila kasi I have someone?”



 

“Mangiinggit ka lang eh,” pang-aasar ko sa kaniya. She smiled guiltily at me before pecking on my lips. 



 

“Hmmm, maybe?”  she said quietly near my lips tapos kiss ulit. 



 

Nako kapag kami talaga nahuli dito. 



 

“Kapag tayo natimbog ha baby dahil sa paglalandi mo sa akin sinasabi ko sa’yo,” 



 

“Babe, what’s timbog?” 



 

“Tayo ‘yan bukas, baby,” sagot ko sa kaniya bago siya tuluyang hinila papunta sa dilim. 




 

I never expected a Katarina in my life. All I know is that I wished and prayed for someone to hear me out, to understand me, and to stay with me. In every assignment I've been doing late at night, I am begging the universe to let me feel the warmth and comfort that I need. I never knew it would be in the form of the most sought-after actress here in the country. I never expected a whole goddess to bring peace into my life. And maybe that's the whole reason why I am so thankful. Kasi she came kahit na desperate prayers lang lahat ng iyon. 

 

Siguro thank you, Pres. Muhi. Maybe I will never experience all of this, kung wala ka? 



 

O baka naman thank you doon sa sumampal kay Karina? 



 

Ewan, basta thank you kung kanino man. Kung wala siguro kayo eh hindi ko makikilala ang maharot na artistang ito. 



 

“Oh my gosh, Winter. Why are you dragging me here sa dark? Oh my gosh talaga,” maharot na bulong sa akin ni Karina. 



 

Thank you kasi siguro hindi ko makikita si ‘the 1’ kung wala kayo. 



 

“I love you, Katarina,” 



 

“Hala! That’s the tactics pa naman ng serial killers sa mga movie before nila i-kill mga victims nila!” 



 

“Oo, kill kita gamit kiss” 



 

“Haha, okay. I love you too, babe. Kill me now na” mababang boses na sagot sa akin ni Karina. Nagawa pa niyang hawiin ang buhok niya at ilagay sa kaliwa niyang balikat. Lantad na lantad tuloy ang neck niyang isa sa kahinaan ko. 



 

“Love you, anak ni Muhi,” huli kong sabi bago hulihin ang mga labi niya. 



 

Timbog talaga kami nito bukas. 






 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
266 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap