red hair (special chapter)

the 1

at dahil balik sinta kanina, may special chapter (more like atat akong i-post 'to). originally, kasama siya sa chapter 4 pero dahil nag-uumpisa na ako maging multo sa cea, hindi ko pa tapos ang buong chap 4. soooo ilalapag ko na lang muna ito as character introduction ni Ningning hahaha. thank you po sa lahat ng nagbabasa! enjoy!

 

============ 

 

Sa hula ko ay halos karamihan sa mga kabataan noon, ngayon, at maaring sa kinabukasan ay minsan ding pinangarap maging bida sa isang teleserye sa TV isang beses sa buhay nila. Kahit nga hindi na bida, kahit bff na lang bida, basta lumabas sila sa TV. 



 

Kahit ako, naimagine ko minsan na what if ako ‘yung inaapi na bata tapos anak pala ng pamilyang may ubasan? Tapos kaya ako lumaki sa bahay ng isa sa taga-harvest ng ubas nila kasi may kapatid na kampon ni satanas ang totoo kong tatay. 



 

Parang maganda rin ‘yung trope na itinago ako ng nanay ko mula sa tatay ko kasi nalaman niyang playboy ang tatay ko at isa lang siya sa mga babae niya. 



 

Anyways, ayun na nga. Sa perspective ng isang tao na hindi naka-expose sa mga camera ang buhay, parang ang…saya maging isang artista. Every night na makikita ng karamihan ang mukha mo sa telebisyon at iba’t ibang branded na damit at mga gamit pa ang kaya mong mabili. 



 

Ang sarap lang pakinggan. 



 

Pero bihira ako makarinig sa isang bata na gusto niya maging bodyguard ng isang artista, o kaya naman ay maging make-up artist. Sabagay, ano nga bang alam ng isang bata sa mga tao sa likod ng camera at sa likod ng isang artista. 



 

Ah, manager. Noong tinanong kami ng grade 3 teacher namin kung ano ang pangarap naming trabaho, wala akong nakitang sumagot ng manager ng isang artista maliban sa isa. Marami ang gusto maging si darna o kaya maging isang guro. Syempre Asian people tayo kaya hindi mawawala ang mga titulo ng doktor, abogado, at pulis. 



 

Ako? 



 

Ah, ako ‘yung nag-iisang nagsagot sa pagiging manager ng artista. 



 

Weird ba? Ang tita kasi ni Chaewon, kalaro slash pinsan (hindi ko talaga pinsan pero kamukha ko siya), eh isang manager ng artista. Amazed na amazed naman ako sa mga kwento niya lagi tuwing sinusundo niya si Chaewon sa school namin. Sa kaniya ko nakuha ang una kong pangarap sa buhay, ang pagiging manager ng artista. 



 

Natawa nga ako noong ma-realize ko na hindi natuloy ang pangarap ko maging manager pero nagkaroon naman ng artistang jowa. Medyo malapit naman siya? Pero bakit ko ba sinasabi ‘to? 



 

Ah, kasi may naalala akong isang manager ng artista. Sa lahat ng manager na kilala ko, siya ang pinakakakaiba at pinakamayaman. Siya rin siguro ang pinakanakakatakot? Hindi ako sure kasi dalawang manager pa lang naman ang nakilala ko. Ang Tita ni Chaewon at si Ningning.



 

Si Ningning na pinakakaibang manager. 



 

Si Ningning na pinakamayaman na manager sa buong bansa. 



 

Si Ningning na pinakanakakatakot na manager sa mundo. 



 

Si Ningning na manager ni Karina.  




 

“‘Wag kang kabahan kapag nasa counter ka kasi hindi naman nang-aaway mga customer. Kape at tinapay lang naman kasi ang tinda natin kaya imposibleng may makulit na customer ang makakalusot,” sabi sa akin ni Ma’am Seungwan, ang owner ng RV Pastries kung saan ako nagw-work. 



 

Buti nga at tinanggap niya ako kahit na fresh graduate ako at walang experience sa ganitong trabaho. 



 

Tumango naman ako sa kaniya at dumiretso na sa counter kung saan ako naka-toka ngayong araw. Hindi naman ako palaging nandito, minsan ay nasa coffee section ako o kaya naman sa likod kung saan ginagawa ang mga tinapay. 



 

Smooth naman ang naging experience ko bilang tao sa counter sa loob ng ilang buwan. Everyday na rin ako sa pwesto ko. Akala ko talaga tahimik ang magiging work experience ko sa counter ko kaso dumating ‘yung red hair na customer. 



 

2 minutes na siyang nakatayo sa harap ko. Normal lang na minsan ay matagal pumili ang mga customer sa type ng tinapay o kaya naman kung paano ang magiging kape nila. Kaso itong si Ma’am na pula ang buhok, hindi naman namimili ng tinapay o ng kape, sa mukha ko lang siya nakatingin. 



 

Nakatayo lang din naman ako sa likod ng kaha na hindi alam ang gagawin. Hindi naman ako pwedeng tumalikod o madaliin siya kasi customer pa rin naman siya and wala naman siyang ginagawa sa akin maliban sa pagtingin sa akin. 



 

HIndi na ako bago sa mga customer na medyo napapatagal ang tingin sa mukha ko. Noong una nga ay akala ko may dumi ako sa mukha pero sabi nila Jaemin, ka-workmate ko, nagandahan lang ang mga customer sa akin. Naniwala naman ako agad kasi marami rin ang nanghingi ng number ko. 



 

Medyo ang off nga ng iba kasi halata namang hindi sila nagl-load at paniguradong pang-data lang ang gamit ng mga sim card pero kung makasabi sa akin ng “Isang order din pala ng number mo” ay wagas. 



 

At this point, hinihintay ko na lang talaga ang pick up line ni Ma’am pula ang buhok. 



 

The girl in front of me scoffed while shaking her head, which led me to pout. I checked her appearance naman and hindi nagkakalayo ang height namin. May times na maamo ang tingin at mukha niya pero mas madalas ang pagkakaroon niya ng nakakatakot na mukha. Nakakatakot kasi parang kayang kaya kang trashtalking mula ulo hanggang paa. 



 

Mas lalo naman akong napako sa pagtayo ko nang tumawa. I roamed my eyes sa shop and so far siya lang ang tanging customer dito. Nagtaka naman ako kasi kanina bago siya pumasok eh literal na may mga nakaupo sa halos kalahati ng buong lugar. 



 

Nakatingin lang naman ako sa kaniya habang namumula. I don’t know if dahil ba sa tawa niya o biglang uminit dito sa shop. Grabe naman kasi ‘yung bigat ng pagtitig ni Ma’am na pula ang buhok. 



 

“Make sense,” tumatangong sabi sa akin ni Ma’am pula ang buhok. Hindi pa nga ako sure kung sa akin niya nga ba talaga sinabi ‘yon kasi pabulong lang siya na nagsalita pero may kalakasan kaya narinig ko pa rin nang maayos. 



 

Ang weird talaga ng mga nagiging customer dito. Napakunot naman ang noo ko noong naalala ko si Katarina, ‘yung artistang napagkamalan kong anak ni President Muhi. Madalas din kasi siyang umorder dito na ipinagtataka ko kasi hello, may mas sosyal na bilihan ng tinapay (no offense sa RV Pastries). Siya pa lagi ang umoorder gamit ang online delivery namin. Tuwang tuwa naman si Ma’am Seungwan dahil doon. Feeling ko nga favorite customer niya na si Katarina eh. 



 

“Ah, maganda kasi pala talaga siya,” ang tanging sagot ni Ma’am Seungwan noong tinanong siya ni Jaemin kung fan ba siya ni Karina. Jaemin agreed naman immediately kaya napatingin sila sa akin na ipinagtaka ko. Akala ko kung itatanong nila kung nagagandahan ako kay Katarina eh. ‘Yun pala, curious lang sila kung fan ako kasi nakilala ko raw siya agad. Sinabi ko naman na hindi kasi hindi naman talaga. 



 

Pero agree ako na maganda siya. 



 

Pero ayun na nga, madalas talaga siya dito sa shop lalo na kapag closing na kami. Well, medyo gets ko naman kasi artista pa rin siya and need niya sa less crowded na lugar pero kasi bakit dito pa sa shop namin. 



 

Galit ba siya sa akin kasi hindi ko siya kilala?



 

Luh, sana naman hindi. As if naman na sinadya kong hindi siya makilala ‘di ba? 



 

Balik kay Ma’am pula ang buhok, nakangiti na siya sa akin ngayon na ikinataas ng balahibo ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko at ramdam ko na ang pamamawis ng mga kamay ko. 



 

Mas nakakatakot pala siya kapag ngumiti huhu. Nasaan ba si Ma’am Seungwan? Parang hindi ko yata kaya ‘to. 



 

It seems like na naramdaman ni Ma’am pula ang buhok ang pagka-tense ko kaya lalong lumaki ang ngiti niya at nakatagilid ang ulo na tinawanan ako.



 

“Wah…She always go sa mga cutie type…tsk tsk,” sabi niya habang weird pa ring nakangiti sa akin. 



 

“Ano ho?” may tono kong tanong. Dahil sa sobrang kaba ko, hindi ko na napigilan ang punto ko sa pagsasalita. Mas lalo namang na-amaze sa akin si Ma’am pula ang buhok. 



 

Ngayon ka lang ba nakakita ng mga punto ang pagsasalita? Awat na po sa pagtingin oh. 



 

“Ah, sabi ko cute mo,” nakangiti niyang sabi sa akin bago lumapit estanteng nagsisilbing pagitan namin. Automatic naman na lumabas sa bibig ko ang mga salitang paulit ulit ko nang nasabi sa linggong ito. 



 

“S-sira ho ang c-cellphone ko…”



 

Nagulat naman siya sa akin tapos unti unting bumukas ang bunganga niya. Napalitan naman ng pang-aasar ang expression niya sa mukha kaya medyo nahiya ako. 



 

Ay…hindi niya ba kukunin number ko? Akala ko pa naman. 



 

“What?”



 

“K-kaya hindi ko rin po mabibigay number ko?,” nahihiya kong sabi sa kaniya. Mabuti na ‘yung malinaw ano. Tsaka sabi naman ni Ma’am Seungwan na hindi kasama sa trabaho namin ang i-entertain ang personal demands ng mga customer na totally unrelated sa shop namin. 



 

Sumusunod lang naman ako sa utos hehe. Mula grade 1 hanggang grade 6 kaya ako na may award na Masunurin. 



 

“I knew it, you’re dense…and popular. Kaya pala puro balat ng tinapay ang nasa set…Anyways! One Latte, two americanos, iced, please and then one Monday Special Set”



 

“Ah, Thursday po ngayon”



 

“Oo nga? Wala naman akong sinasabi na hindi thursday ngayon,” nagtatakang tanong ni Ma’am pula ang buhok sa pag-correct ko sa kaniya ng araw. 



 

Napakamot naman ako ng ulo. “Ah Ma’am kasi po ‘yung Thursday Speacial Set lang po ang available ngayon kasi…thurs…day po ngayon,” mabagal kong sagot kay Ma’am pula ang buhok. Nakangiti naman siya sa akin ulit at parang walag pakialam sa sinabi ko. 



 

Nakatitig na naman siya ulit sa akin kaya nailang na ako. Isinarado ako nang maiigi ang bibig ko bago diretso ang tayo na tinignan siya pabalik. Kumukurap lang naman ako sa harap niya. 



 

Effective naman ang ginawa ko kasi nailang na din siya sa akin. She cleared at nag-confirm na ng order niya. Mabilis naman na natapos ang proseso namin at paalis na siya sa harap ng counter nang tawagin ko siya. 



 

“Ano po pala ang ilalagay na pangalan sa mga kape?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nawala naman na ang kaba ko dahil tapos na rin naman ang pag-order niya. For take-out din ang order niya kaya hindi na siya magtatagal dito sa shop para titigan na naman ako nang kakaiba. 



 

Matagal naman siyang nag-isip bago lumitaw ang nakakaloko niyang ngiti. Agad niya akong hinarap at sinabi ang pangalan na ilalagay ko sa cup ng order niya. 



 

“Rina Baby”



 

“H-ho?”



 

“Rina Baby?”



 

“Ayun po ang ilalagay ko?”



 

“Yes nga. Rina Baby and oh, add ka rin ng smiley face.”



 

“R-rina?”



 

“Kilala mo ba?”



 

Agad naman akong umiling, “H-hindi po”



 

“Kung makaulit ka kasi akala ko kilala mo,” natatawang sabi naman niya sa akin. Nanginginig naman ang kamay ko habang hawak ang marker at ang cup. 



 

Muli kong inulit ang pangalan para makasigurado. Ang weird lang kasi ng pangalan. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako nito o hindi. 



 

Matapos kong maisulat ang pangaolang pinalagay niya, agad ko naman tinignan si Ma’am pula ang buhok na nakaupo na malapit sa may pinto at may ka-text sa cellphone niya. Ang laki naman ng ngiti niya at may pagpalo pa sa lamesa kapag natatawa siya. 



 

Hindi ko naman na pinansin at hinintay na lang ang mga order niya. Maya’t maya naman ay lumabas na si Jaemin sa kitchen at binigay na sa akin ang order ni Ma’am pula ang buhok at tapos na si Heachan sa kape niya. 



 

Kakaiba naman ang tingin sa akin ni Heachan matapos niyang iabot ang order na kape. Panigurado nabasa niya yung pangalan kaya mamaya bago kami umuwi, aasarin na naman ako. 



 

“For Rina Baby? Rina Baby? Rina…Baby?” paulit ulit kong tawag kay Ma’am nakapula ang buhok. Hindi kasi siya agad lumingon kaya akala ko hindi niya narinig. Noong lumingon naman siya sa akin, malaking malaki na ang ngiti niya. Tumatawa siyang naglakad papunta sa akin bago masayang kinuha ang order niya mula sa akin. 



 

Napansin ko naman na may ID siyang suot. 



 

Ningning – Staff 



 

Ningning? So sino si Rina Baby? 



 

Huh? 



 

Hindi naman na siya bumalik kinabukasan kaya nakahinga ako nang maluwag. Kaso may pumalit, Leeseo ang pangalan. 



 

Lunes ay walang pula ang buhok na pumunta sa shop. Akala ko talaga ay hindi na babalik si Ma’am pula ang buhok pero maling mali ako sa part na iyon. 



 

Tuesday morning nang makita ko ulit ang taong may pulang buhok. Ngumiti lang ako sa kaniya at hinintay na ang pag-order niya. Compared sa eksena namin noong nakaraang araw, mas mabilis na nakapag-order si Ma’am pula ang buhok. Wala ring titigan moments sa pagitan namin kasi hindi siya weird ngayong araw. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. 



 

Mabilis na nakapagbayad si Ma’am pula ang buhok–ay, Ningning pala. 



 

Tinanong ko naman siya ulit kung anong ilalagay kong pangalan. Ang akala kong ‘Ningning’ o ‘Rina Baby’ ay hindi ko narinig. 



 

“Kat Baby”



 

“Ho?”



 

“Kat Baby”



 

“Hindi po ‘Rina Baby’?



 

Natawa nang malakas si Ma’am Ningning. Napalingon naman lahat ng tao dito sa shop sa kaniya dahil sa taas ng tawa nito. Daig niya pa ang bumibirit sa mga hagikgik niya. 



 

“N-no…hahaha…Rina didn’t like it eh,” tawa ni Ma’am Ningning. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.



 

Hindi nagustuhan nung ‘Rina Baby’? May mali ba sa panlasa niya? Eh si Ma’am Ningning kaya? 



 

Nahiya naman ako itanong kay Ma’am Ningning ‘yon kaya tahimik ko na lang na sinulat ang ‘Kat Baby’ sa cup. Napaguso naman ako kasi bakit ganito na naman ang pangalan. 



 

Ningning, Rina Baby, Kat Baby.



 

Ang weird nga mga pangalan nila. Sigurado ako na hindi sila nahihirapan kumuha ng NBI Clearance kasi parang imposible naman na mayroon dalawang Ningning o Rina Baby dito sa Pilipinas. 



 

Ako na Winter Kim eh may kapangalan pa sa Cebu. Kaso sa may second name siya na Rae. Winter Rae Kim, ang ganda pakinggan. Tunog mayaman. 



 

Nag-accomodate naman ako ng iba pang customer habang pine-prepare pa lang ang order ni Ma’am Ningning. Nakita ko naman ang oras at nakitang malapit na dumagsa ang mga late na estudyante ng CEU. 



 

“For Kat Baby? Kat…Baby?” 



 

Wednesday. 



 

Nandito na naman si Leeseo…at si Katarina. 



 

Hindi naman sa bothered ako na dito sila palaging bumibili ng tinapay at kape kasi syempre sales na rin namin ‘yun pero kasi, ang awkward lang ng atmosphere kapag nandiyan sila. 



 

Awkward kasi palaging nakangiti sa akin si Leeseo samantalang lagi namang nag-iiwas ng tingin si Katarina kahit na sa majority ng oras niya dito sa loob ng shop eh nakatingin siya sa akin. 



 

Pero kung papapiliin ako kung sino ang mas prefer ko na nandito sa shop sa pagitan ng tatlong customer na nagpapakaba sa akin, si Katarina na iyon. Ang artistang si Katarina Yoo. 

 

Ang creepy lang ng dating ng walang context na pagngiti sa akin ni Leeseo at ang walang context na pagtawa sa akin ni Ma’am Ningning. 



 

Thursday. 



 

May pulang buhok na naman sa shop namin. 



 

At this point, thankful na ako na patagong pagtawa na lang sa akin ang ginagawa ni Ma’am Ningning. Hindi ko talaga alam kung bakit ganoon siya. Hindi naman ako mukhang clown. Sabi pa nga ni Heachan na nakakatakot daw ako lapitan minsan kasi parang galit ako. 



 

Sorry, medyo masungit pala mukha ko kapag seryoso. 



 

Balik tayo kay Ma’am Ningning. Sino naman kayang ‘Baby’ ang isusulat ko sa cup. May pakiramdam kasi akong ibang pangalan na naman ang ibibigay niya. Baka kapatid ulit nila Rina Baby at Kat Baby. 



 

“Kallie Baby”



 

“Kallie Baby?”



 

“Kallie Baby. 



 

Friday. 



 

Katarina Yoo ordered an iced americano plus ang Friday Special Set namin. 



 

Leeseo, ang student mula sa NU naman ay isang…coke zero. 



 

Hindi ako naniniwalang si Katarina ang favorite ni Ma’am Seungwan na customer. Si Leeseo na laging nakangiti sa akin talaga ang favorite niya kasi coke zero? 



 

Ang weird ng mga tao sa Legarda, peste. 



 

Idagdag mo pa si Chenle, ang bago naming staff na taga Rizal. 



 

Akala ko mga tao lang sa CEA ang weird, pati pala sa outside world marami. 



 

Monday.  Katarina.



 

Tuesday.



 

“Kat Baby”



 

“Noted po” 



 

Wedensday. Leeseo na nagkaroon na ng lakas ng loob mag-hi sa akin. 



 

Thursday.  

 

“Yoo Baby”



 

“P-po? Ako po?” 



 

“Haha baliw. Assuming mo. Yoo kasi. Y-O-O”



 

“S-sorry po”



 

Friday. Katarina. 



 

Monday. Katarina. 



 

Tuesday. Katarina. 



 

Buong linggo, Katarina. 



 

Sa halos apat na linggo na pagsulpot ng tatlong weird na customer ng RV Pastries, nasanay na ako sa kung ano man ang tinitignan nila sa mukha ko o kung ano man ang nakakatawa sa mukha ko. 



 

Hindi ko na inabala ang sarili ko na mag-isip pa bago matulog kung bakit parang may schedule ang pagpunta ng tatlong weird na customer at bakit g na g ako sa kanila. 



 

Closing na kami. 30 minutes na lang bago namin isara ang shop. Sa mga ganitong oras, parehas na kaming mga staff dito ang uwing uwi na. Lalo na kung wala ng mga order at mga tao sa loob ng shop, nagdadasal na kami na sana wala nang pumasok pa sa shop namin. 



 

Ayaw namin ng overtime. 



 

Sino bang may gusto?



 

Anyways, nag-start na ako sa pag-ayos ng kaha at inumpisahan ko na ang inventory ng mga tinapay. Napalitan na rin ang tugtog sa shop at alam kong si Chenle na ang may hawak ng mga kanta. 



 

Nagtatawanan kami ni Heachan tungkol sa new recipe na imbento ni Chenle nang biglang tumunog ang bell sa entrance ng shop. Agad naman kaming namutla ni Heachan sa narinig. Last time kasi na narinig namin ‘yun ng ganitong oras, alas onse na kami nakauwi na dapat alas nuebe pa lang eh nasa tren na kami pauwi. 



 

Parehas kaming umayos ng tayo at nilingon ang pumasok. Agad ko namang nakilala ang isa kasi pula ang buhok niya. ‘Yung kasama niya naman is balot na balot. Kung hindi ko lang alam na si Ma’am Ningning na maraming card ang kasama niya, iisipin kong holdaper eh. 



 

Hindi na sumama ‘yung mukhang balot kay Ma’am Ningning sa pagpunta sa counter. Napansin ko namang comfy style na ang suot ni Ma’am compared at hindi na parang sasabak sa beauty contest tulad ng kadalasan niyang suot. 



 

Binati ko siya at as usual, same order pa rin siya. Nasa part na kami ng pangalan sa cup. 

 

“Sinong baby naman po?” Natawa naman si Ma’am Ningning sa tanong ko. This time, medyo natuwa naman ako sa tawa ni Ma’am kaya napangiti na rin ako. 



 

Atleast alam kong may sinabi akong nakakatawa para tumawa siya ‘di ba?



 

Napansin ko naman ang paglingon ng balut na kasama ni Ma’am Ningning. Nakatitig lang naman siya sa akin kaya medyo kinilabutan ako. Ang familiar kasi ng way ng pagtitig niya. 



 

Baka weird na customer din. 



 

Anyways, hindi ko na inintindi pa ang balut na kasama ni Ma’am Ningning. Hinintay ko lang naman siyang matapos katatawa. Sa totoo lang, gaano ba katagal tumawa ang isang tao. Bakit parang ang tagal naman ng kay Ma’am Ningning.



 

Nilingon ko naman si Heachan na as usual, nakatingin lang sa amin. 



 

“Rina Baby,” napanguso naman ako sa sinabi niya. First time na lang ulit mabanggit ang taong ito. 



 

“Akala ko po ba hindi raw masarap?”



 

“Hoy wala akong sinabi na hindi masarap ah,” natatawang depensa naman ni Ma’am Ningning. Iniiling niya pa ang ulo at wine-wave pa ang kamay niya sa aming dalawa ni Heachan. Siningkitan ko lang naman siya ng mata. Sa isang buwan ba naman niyang pabalik balik dito, naging komportable na rin kaming mga staff sa kaniya. 

 

Actually kay Leeseo rin naman. Kay Katarina lang naman kami hindi masyadong close kasi syempre artista siya tapos parang multo pa kung uminom ng kape niya, napakatahimik. 



 

Lumingon naman si Ma’am Ningning sa kamasa niya na si balut. Hehe, balot na balot kasi. Nagkaroon pa sila ng staring contest kaya inayos ko na ang order nila at pinabayaan na sila sa trip nila sa buhay. 



 

Sa apat na taon kong pagkakaibigan kila Giselle, Ryujin, Isa, at Seeun, natutunan kong hayaan ang trip ng ibang tao. Wala ka naman na kasing magagawa eh. 



 

Bumalik na sa upuan niya si Ma’am Ningning samantalang ginagawa ni Heachan ang order na kape. Ako naman ay nakatunganga lang sa labas at hinihintay na matapos ang order. Agad namang binigay ni Heachan ang mga baso sa akin kaya agad ko na ring tinawag si ‘Rina Baby’ kahit na wala naman siya dito. 



 

Ewan ko ba pero nasanay na lang ang dila ko. 



 

“For Rina Baby,” malakas na tawag ko sa pangalang sure ako na wala dito. Hindi naman tumayo sa kinauupuan niya si Ma’am Ningning na ikinataka ko. Parang nanigas naman sa upuan niya si balut. Tinawag ko ulit ang pangalan habang nakatingin sa direksyon nila. Si Heachan naman ay dumaan sa likod ko para pumasok sa kitchen area. 



 

“Rina? Rina Baby?”



 

Bigla namang tinulak ni Ma’am Ningning si balut papunta sa akin. Medyo natalisod pa nga siya kasi grabe ang tulak na ginawa ni Ma’am Ningning. 



 

Hawak hawak ko ang baso na may nakasulat na ‘Rina Baby’ habang hinihintay ang balut na kasama ni Ma’am Ningning. Habang papunta naman siya sa akin ay unti-unting tinanggal niya ang cap at ang face mask na suot niya. Agad naman akong kinabahan kasi naamoy ko ang pamilyar na pabango. 



 

Mabilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan na makalapit siya. And by the time na nasa harap ko na ang balut na tinatawag ko kanina, wala na ang cap at face mask na suot suot niya pagpasok. Nakababa na rin ang hood ng suot niyang hoodie kaya kitang kita ko ang mukha niya. 



 

‘Yung nunal…



 

Anong ginagawa ni Katarina dito?



 

Ang ganda niya pala talaga. 



 

Pero bakit nga siya nandito at bakit kilala niya si Ma’am Ningning? 



 

Gamit ang kanan niyang kamay, hinawi niya ang buhok niyang nagulo noong tinanggal niya ang hood ng hoodie niyang suot. Namula naman ako sa paraan niya ng paghawi ng buhok na para bang isa siyang model ng hair gel. 



 

Bakit kailangan ba hahawiin talaga pataas ang buhok? Hindi ba pwedeng patagilid na lang????



 

Nahigit ko rin ang hininga ko nang medyo tumingala siya habang hinahawi ang kaniyang buhok. Nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple na dapat wala siya. 



 

Gets ko na bakit naging artista ‘to. Kahit ako may ganiyang mukha at charisma, ipagkakalat ko sa mundo eh. 



 

Nagpakawala ako nang malalim na hinga nang magtama ang mata namin. Mataimtim siyang nakatitig sa akin na mas lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko. 



 

“Can you repeat it again?” on a very dangerous low tone, she asked me. Nakita ko naman ang sarili ko na nagp-panic sa ilalim ng mga tingin niya. Hindi rin nakakatulong na amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango. 



 

“A-alin?”



 

“The name you called”



 

“Ah…hehe…ano…,” nag-iwas ako ng tingin sa kaniya bago kinakamot ang ulo na nilingon si Ma’am Ningning. Kibit balikat lang naman ito sa akin. 



 

Anong prank ang ginagawa mo, Ma’am Ningning?! Wow mali ba ‘to? Para sa vlog ganun?



 

“Please? I didn’t hear it kasi”



 

Kung dangerous na ang isang Katarina Yoo na nage-english, mas dangerous ang Katarina Yoo na conyo. 



 

Ako si Winter Kim na laki ng CEA at ng Pureza, nanghihina ang tuhod sa pa-please, I didn’t hear it kasi ng isang artista. Giselle, save me!



 

I cleared my throat bago tumingin sa cup na hawak ko. Ramdam ng kamay ko ang lamig. Actually hindi na ako sure if ‘yung cup ba ‘yung malamig o ‘yung kamay ko na. 



 

“R-rina B-baby…,” utal kong sabi. Tumango lang naman si Katarina sa akin bago inilahad ang kamay. Agad kong binigay ang order nila sa kaniya. Pansin ko naman ang pag-iba ng kulay ng tenga at leeg niya. Bago siya bumalik sa pwesto ni Ma’am Ningning, nagsalita pa siya ulit. 



 

“That’s me. I’m Rina. And you are?”



 

“W-win…,” piyok kong sabi. Agad ko naman inayos ang tayo ko bago inulit. “W-winter po.”



 

Swabeng inilapag niya naman sa counter ang kapeng hawak ng kanan niyang kamay. She raised her arms sa may counter, 



 

“Hi, Winter. I am the one you keep on calling baby, by the way.”

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
267 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap