gut feeling

the 1

 

May hinala na ako kaninang umaga na hindi magiging smooth ang araw na ito para sa akin. Ilang beses na rin siguro akong binigyan ng babala ng tadhana na 'wag na tumuloy sa lakad ko ngayon dahil literal na ilang aberya ang naranasan ko kanina bago makarating dito. 

 

 

Exhibit No. 1: Hindi tumunog ang alarm ng cellphone ko. 

 

Bihira lang ako mag-set ng alarm. Mayroon akong alarm clock na ilang taon na rin ang edad pero nasa bilang lang ata ng daliri ko ito nagamit. Pero ayun na nga, hindi tumunog ang alarm ko. Tatlo na ang oras na nilagay ko pero lahat iyon ay hindi tumunog. 

 

Bakit hindi tumunog? 

 

Na-set ko ng pm. So, mamaya pang 7 ng gabi tutunog ang alarm. 

 

Super bangag pala talaga ako kagabi. 

 

Buti na lang talaga at tumawag na naman si Giselle sa akin. Actually, pumasok pala siya sa unit ko at sapilitan akong inalis sa higaan ko. Bakit niya ginawa 'yun? Tinawagan daw siya ng pinsan ko, ang ka-meet up ko today, ay sinabihang gisingin ako. 

 

Ito namang si Giselle, saktong nasa area ko lang kaya pumayag na siyang gisingin ako. 

 

 

Exhibit No. 2: Nasira ang sapatos ko. 

 

Paalis na ako ng unit at nauna na sa elevator si Giselle nang masira ang favorite kong sapatos. Since college days ko pa itong suot at madalas na ginagamit ko kapag may duty ako sa pastry shop ni Ate Seungwan. 

 

Dapat talaga hindi na ako tumuloy. Actually nasa isip ko na noong mga oras na 'yun kung ano ang sasabihin ko kay Eunchae para hindi matuloy ang ganap namin today. 

 

Pero dahil minsan lang naman ako kitain ni Eunchae at siya naman ang favorite pinsan ko, pinagbigyan ko na. Tumuloy na ako kahit na napilitan akong buksan ang sapatos na ayaw ko na sanag suotin. 

 

'Yung sapatos na regalo ng ex ko. 

 

Hindi regalo ni Karina, pero regalo ng isa ko pang ex, si Beomgyu

 

Hindi naman ako ‘yung bading na since birth eh knows na agad na kapwa babae ang gusto. Nagkaroon din naman ako ng questionable era sa buhay ko lalo na ang straight era

 

Het era, sabi nga ni Seeun. 

 

Pero ayun na nga, last year, bigla akong tinext ni Beomgyu. Nagulat naman ako kasi literal na noong high school pa ang last usap namin. Noong nag-break pa kami ang last na usap namin. 

 

Tinanong lang naman niya ako kung kumusta na raw ba ako. Sabi ko okay lang. Reply niya is maikling "Ah" lang. Hindi ko naman na pinansin 'yun dati kasi naglalandian na kami ni Karina nun. Tsaka nawala rin naman sa isip ko. After siguro ng mga one week, nagtext ulit siya at nagtanong kung pwede raw ba kaming magkita. 

 

Nagulat ako kasi anong pag-uusapan namin? Stressed nga rin ako noon slight kasi baka biglang maghamon na magbalikan kami. Hindi ko na keri 'yun kasi may Karina na. 

 

Tapos nabasa pa ni Karina' yung chat niya. Nasa Divisoria kami ni Karina nun, naghahanap ng props ni Ningning para sa jowa niya. Props kasi monthsary daw nila. No comment talaga ako sa dating jowa ni Ning. 

 

Grabe talaga ang mga bad boy type, hindi ko bet. 

 

Pero balik kay Karina, lowley nagselos ang artista. Hindi ako masyadong kinausap matapos mabasa message ni Beomgyu. Gusto ko lang naman sana itanong kung diretso uwi na ba kami o magiging pasaway at gagala muna. 





 

Hindi ako iniimik ni Karina. Nabasa niya kasi ‘yung message ni Beomgyu, ex ko. 

 

Ikaw ha, Karina. Crush mo ako ‘no. Jelly ka pa diyan. Sus. 

 

Ayaw pa kasi akong jowain. 

 

Joke! 

 

Pero manefesting hehe. 

 

I mean, sino ba namang hindi magkakagusto sa magandang katabi ko. Grabe 3 months pa lang kami magkakilala pero grabe na ang pagm-manifest ko sa kaniya tuwing 10 pm.

 

Sabi naman niya sa akin na what if jowain ko raw siya. Nagulat ako kasi sa lahat ba naman ng place para sabihin ‘yun, sa may tren pa! And 1 month na after niya sabihin sa akin ‘yun. 





 

I know naman na I don't have the luxury of dating anyone because of my line of work. Hassle siya for my future partner, to be honest…” monolouge niya noong naghihintay kami ng tren. Balot na balot naman siya, daig pa ang holdaper. 

 

Tumango lang naman ako sa kaniya. Anong oras na ba at bakit parang soft hours netong kasama ko?  

 

Maaga pa naman? Wala pa ngang 9 pm eh. 

 

“Ah, gets. Mahirap nga naman talagang magjowa lalo na kung maraming CCTV sa paligid mo,” alo ko kay Karina. Natawa naman siya sa akin. 

 

“CCTV?”

 

Parehas naman kaming natawa sa tanong niya. Nakatingin lang ako sa harapan ko at sa tingin ko ay ganun din siya. Medyo tumahimik kami ng ilang segundo. 

 

Ang peaceful naman. Hindi ko inakala na pwede pa lang tumahimik ang LRT Station eh literal na dinadagsa ng mga zombie ‘to. 

 

“Hindi ba mahirap? I mean na maraming nakakakilala sa ‘yo to the point na wala ka ng privacy at some point?” basag ko sa katahimikan. Hindi naman agad nakasagot si Karina. Akala ko nga hindi na niya sasagutin eh. 

 

“Yes lang ata tamang sagot? Kidding haha. Sanay naman na ako so…yeah”

 

“Pero okay lang sa ‘yo?”

 

“Hmm?”

 

“‘Yung ginagawa ng ibang fans or ibang curious na pagpasok sa personal space mo?” 

 

Hindi ko kaya ‘yun. Ang mawalan ng kontrol sa ibang bagay. Wala lang. Parang ang saklap naman ng buhay kung ganoon. Hindi ka makakain nang matiwasay sa labas kasi may makakakilala sa ‘yo. Hindi ka rin free na tignan o makipagkaibigan sa mga tao without being on the headlines. 

 

Kaya hindi ko tinuloy ang pag-aartista eh. 

 

Joke. 

 

“Wala naman akong magagawa since I chose this life?”

 

Hindi naman ako kaagad nakasagot. Ganun ba ‘yun? Kapag artista ka na ba bawal ka na magkaroon ng privacy? 

 

“Hey, don’t worry! Matagal naman na ako sa industry kaya I am not bothered na,” masiglang sabi ni Karina sa akin. Nilingon ko naman siya at binigyan ng maliit na ngiti. 

 

Hindi na ako ulit nagsalita kasi bothered talaga ako sa sinabi niya. Mukhang napansin niya naman ‘yun kasi tumahimik din siya sa tabi ko. 

 

“Should I give you a TMI? Well, not really a TMI since matagal naman na siya nangyari.”

 

“Chika na tawag, Rina,” pagbibiro ko sa kaniya. Nanahimik naman siya kaya nilingon ko siya at nakitang nakatingin lang siya sa akin. 

 

Hindi ko naman makita buo niyang mukha kaya hindi ako sure kung bakit siya nakatulala sa akin. 

 

“Huy! May dumi ba sa mukha ko?”

 

Umiling naman siya sa akin bago umiwas ng tingin at pasimpleng hinawakan ang mukha niya. 

 

Luh, okay lang ba ‘to? 

 

Maganda si Karina at pasok na pasok siya sa type ko pero minsan weird siya. 

 

Crush ko sana kaso out of league eh. Hindi pa naman ako nagjojowa ng sikat.

 

“So, ano na chika mo?”

 

“Ah, yes. Uhm…Actually… I forgot hehe”

 

Oh ‘di ba? Weird. 

 

Madalas siyang ganiyan. Umiling naman ako sa kaniya. Nakita ko ang tren na papalapit kaya sinenyasan ko na siyang na magready na. 

 

Pahinto naman na ang tren nang bigla niyang hawakan ang braso ko at nagsalita. “Win, what if? What if jowain mo ako?”

 

Nagulat talaga buo kong pagkatao nun. Like sinong hibang ang magsasabi nun sa harap ng tren? 

 

Siya lang! 

 

Weird nga siya huhu. 





 

Pero ayun na nga…

 

Hindi ko na napigilan pagiging bading ko sa kaniya kaya eto kami ngayon sa Divisoria, nagsusuyuan. 

 

Beomgyu, paepal. Ayan tuloy hindi ako pinapansin ni Karina!

 

Hindi ko naman kasalanan na gusto pala ni Beomgyu ng peace for all. Peace naman kaming dalawa pero feel niya raw may kasalanan siya sa akin. 

 

Ano kasalanan mo sa akin, Gyu? 

 

Na hindi mo napansin na mas bet ko ‘yung pinsan mo kasi busy ka sa bff mo? 

 

Ito naman parang others. Wala na ‘yun! 

 

“So uuwi na tayo?” tanong ko kay Karina. Narating na kasi namin ang lugar kung saan siya nagpark. Hindi niya naman ako sinagot at tumalikod sa akin. 

 

Ngek. Bakit may pagtalikod? 

 

Sinilip ko naman siya at nakitang nakanguso siyang nakatingin sa gulong ng sasakyan niyang dambuhala. Kinilig naman ako kasi ang cute cute niya tingnan. 

 

“Huy…sino kaaway mo diyan?”

 

Nilingon lang naman niya ako bago inirapan. 

 

Umirap sa akin? 

 

Grabe? 

 

Hindi niya ako pinansin at nakanguso parin na sumakay sa sasakyan niya. Sumunod naman ako agad kasi baka iwan ako nito dito. 

 

Pero ‘di naman niya gagawin ‘yun. 

 

Wala lang intrusive thought lang. 

 

Nakasakay na ako lahat lahat sa passenger’s seat pero nakanguso pa rin siyang nakahalukipkip sa driver’s seat. Natawa naman ako kasi parang batang hindi napasalubungan ng Jollibee. 

 

“Rina, sino umaway sa ‘yo?” tumatawa kong tanong sa kaniya. 

 

She glared at me while pouting. Hinampas pa ang kamay ko kaya mas lalo akong tumawa. 

 

“Hindi ko naman kilala ‘yun,” biro kong sabi sa kaniya. Nahampas naman ako ulit. “Aray, huy!”

 

“Liar! Sabi ni Giselle ex mo 'yun.”

 

Sabi na eh. 

 

Duda talaga ako sa girl talk daw nila ni Giselle noong isang araw. Kung paalisin ako parang hindi ako girl? 

 

Grabe. Kaya pala. Ito namang si Giselle, manglalaglag na nga lang hindi pa inayos. 

 

“Kilala mo naman pala eh,” tawa ko sa kaniya. Hindi naman nawala ang kunot ng noo niya kaya umayos ako ng upo at hinarap siya. 

 

“Hindi ko na kilala mga ex ko eh. After break up kinalimutan ko na sila”

 

“Funny”

 

“Luh, totoo nga! Nagulat na nga lang ako biglang nagmessage ‘yan eh. Nangamusta last week! Baka ikakasal na..." nawala naman ang mataray na hitsura ni Karina pero naka-pout pa rin. Ngumiti naman ako ng nakakaloko bago dinagdagan ang kwento ko. 

 

“...tapos ako raw ‘yung bride–ARAY! Joke lang huy!”

 

Tumawa lang naman ako nang malakas habang hinahampas ni Karina ang braso ko. Nakangiti naman siya habang ginagawa ‘yun na mas malong nagpatawa sa akin. 

 

Nilabas ko ang phone ko matapos mapagod ni Karina manghampas. Binuksan ko ang convo namin ni Beomgyu at malakas na sinabi ang tinitipa kong mensahe. 

 

“Pwede….naman. Pero baka gabi na ako… makapunta… may lakad pa kasi kami…ng…jowa ko,” sabi ko habang nagt-type. Natahimik naman si Karina na nakasilip din sa screen ng phone ko. 

 

Me:

Pwede naman. Pero baka gabi na ako makapunta. May lakad pa kasi kami ng jowa ko. 

 

Me: 

Okay lang naman ‘di ba? 

 

 

Matapos kong ma-isend ang text, pinatay ko na ang phone ko at tinago sa suot kong hoodie. Hoodie ni Karina. 

 

Kilig naman si ako. 

 

Nakangiti kong hinarap si Karina na ngayon ay pulang pula na. 

 

“Huy, pansinin mo naman ako”

 

“J-jowa?”

 

“Ay, sorry. Sa utak ko kasi jowa na kita eh hehe. Pero dun din naman tayo papunta. Advanced lang ako mag-isip,” nakangiti kong sabi sa katabi ko. 

 

Pulang pula naman siya na umabot pa sa leeg niya. Natawa naman ako nang hindi siya umiimik at nakatitig lang sa manibela ng sasakyan niya. 

 

Ilang minuto rin kaming nakatengga doon bago siya nag-drive nang walang pasabi. Hindi naman na ako umimik kasi baka na-offend sa sinabi ko. 

 

Grabe ayaw mo ba ako maging jowa, Karina? 

 

Ilang minuto rin na puro katahimikan lang sa loob ng kotse ni Karina. Kumunot naman ang noo ko nang makitang mali ang daan na kinuha niya. 

 

Teka, sa kabila ako! 

 

“T-teka–”

 

Can we talk na lang sa condo ko? I’m sorry if I didn’t give you a heads-up. I badly want to go home  na kasi so we can talk properly,” putol ni Karina sa akin. Nakatanga lang naman ako sa kaniya dahil hindi ko in-expect mga sinasabi niya. 

 

Bakit sa condo niya pa? Hindi ba keri here sa kotse niya? Grabe naman oh babastedin na nga lang ako tapos need pa sa bahay niya. 

 

Mukhang nagets naman ni Karina ang hitsura ko kaya nagpaliwanag pa siya. 

 

“Mas okay sa condo para if ever na I kiss you, hindi tayo maging headline sa news tomorrow”

 

“Kiss????” eskandalosa kong sabi kay Karina. Natawa naman siya sa akin pero hindi pa rin mawala ang pamumula ng mukha niya. 

 

“Yes haha”

 

“H-hindi pwede! Anong kiss?????” wagayway ko sa kaniya. Tumawa lang siya nang malakas bago bitiwan ang mga salitang nagpatibok nang malakas sa puso ko. 

 

Grabe, Lord. Magkakasakit ata ako sa puso. 

 

“Why not eh I’m your jowa naman?”




 

Nakakainis. 

 

Para akong nasa throwback show ngayong araw. Literal na bumabalik ang alala ng nakaraan. 

 

So as I was saying kanina, sinuot ko na lang ang regalo ni Beomgyu. Binigay niya ‘to nung nagkita kami. Gusto pa ngang itago ni Karina ‘to pagkauwi namin sa condo ko kasi ang pangit daw. 

 

Selos lang siya eh. 

 

Winter! 

 

Tama na ang pag-reminisce. 

 

 

 Exhibit No. 3: Nag-stop ang tren na sinasakyan ko. 

 

Hindi na kasi ako nagpahatid kay Giselle. Sa kabilang way pa naman siya pupunta. Isasabay na nga sana ako sa motor niya kahit out of her way kaso sabi ko, susunduin ko pa si Eunchae sa Avenida tapos sabay na lang kaming pupunta sa PUP. Sa PUP daw kasi ang gala namin. Hinahanap daw ako ng prof ko before. 

I swear muntik na akong umalis because of that information. 

 

I was just minding my own business sa loob ng train when it stopped. Wala pa kami sa station na literal na ilang hakbang na lang mula sa position namin ngayon. Sinilip ko naman ang labas at sakto, bumungad sa akin ang malaking picture ni Karina. 

 

Grabe na talaga. 

 

Ang hirap kapag artista ex mo, you could see her face anywhere. 

 

Ayun na nga, I should’ve realized na isa iyong pangitain dahil andito ako ngayon sa tent ng mga artista

 

By artista, sila Karina at mga co-star niya. 

 

 

“Kape, Ate Win?” alok sa akin ni Eunchae na promotor ng lahat ng ito. 

 

Dapat talaga hindi na ako tumuloy!

 

Ini-scam ako ng sarili kong pinsan. Dinala niya ako mismo sa base ng kaaway! 

 

Akala ko ba tayo ang magkikita, Eunchae? 

 

Eh bakit kami ng ex ko ang magkasama?!

 

Lahat na ata ng superhero at mga santo ay natawag ko na mula kanina. Take me away, please! Malayo sa ex ko! 

 

Hindi naman ako bitter sa break up namin ‘no. Hindi lang talaga ako ready na makita siya ngayon. Sa lahat ba naman ng pinagdaanan ko these last few feeks na involved siya, hindi ko muna keri makita face niya. 

 

Kaso iba ang plano ng minamahal kong pinsan…at ng dati kong prof. 

 

Graduating student na si Eunchae dito sa PUP at kasama siya sa isang club. Club na member din ako dati, drama and production club. Tapos sakto pa na ang dati kong prof ang new instructor in-charge sa club. 

 

Pinakanakakaiyak pa ‘yung information na siya rin ay isa sa mga screenwriters ng new drama ni Karina. At nandito ako ngayon sa malamig nilang tent kasi gustong gamitin ni Prof. Medina ang sinulat kong piyesa noong nag-aaral pa lang ako bilang guide or main story ng drama ni Karina. 

 

Damang dama ko ‘yung t-shirt na suot ni Eunchae ngayon. Graphic tee na may malaking print ng “ me” sa harapan. 

 

Dapat pala talaga hindi na ako nagloko noong nag-aaral pa lang ako. Hindi ko na sana tinuloy ang pagiging rebelde at hindi na tinuloy ang pagsali sa club na ito kahit literal na patayan kami sa Engineering. 

 

Totoo pala talaga ang karma. 

 

“Ah, there’s a milktea truck sa labas. You can go there if…” pasimple namang tinignan ako ni Karina bago humarap kay Eunchae. 

 

Ano ‘yun? Bakit may pagtingin ka?! 

 

Hindi nga tayo magkakilala ‘di ba?

 

Ayun ‘yung nasa script, Karina! Sundin mo naman sana. 

 

Kanina kasi noong pagpasok namin ni Eunchae sa tent, parehas kaming nagulat ni Karina sa presensya ng isa’t isa. Para naman kaming natanga kasi parehas naming hindi alam ang gagawin. Tapos itong si Prof Medina, eksena rin. 

 

Pinakilala niya si Karina sa akin. As if naman na hindi ko kilala ‘yan, prof? Kahit naman na hindi nila alam na naging jowa ko ‘tong si Karina, sikat pa rin naman ‘yan. 

 

Sinakyan naman ni Karina ang eksenang ginawa ni Prof. Medina at matamis na ngumiti sa akin. Inilahad pa ang kamay na para bang first time namin magkita. 

 

Grabe, walang walang ‘yung first meet namin sa nangyayari. 

 

“Hi, I’m Karina,” mahinhing pagpapakilala ni Karina sa akin. Natangay naman ako ng ngiti niya kaya tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad. Hindi ko naman na pinansin ang kakaibang tingin ni Eunchae at ang nakataas na kilay ni Prof. Medina. 

 

“H-hello…Ano…I’m a f-fan…” utal kong sabi matapos ko mahawakan ang kamay niya. 

 

Ang lambot pa rin huhu. 

 

“...po,” dugtong ko naman nang makita ang reaksyon ni Karina matapos kong sabihin ang salitang fan. 

 

Bakit akala mo ba basher ko na ako? 

 

Napansin ko naman na medyo matagal nang nakahawak sa akin si Karina kaya pasimple ko itong hinila. Hindi naman niya ito binitiwan at hinawakan pa ang kamay ko gamit ang dalawa niyang kamay. Nakangiti siya sa akin. 

 

“Thank you for supporting and liking me, Ms….,” Napanganga lang naman ako dahil sa sinabi niya. 

 

Anong thank you for supporting and liking her? 

 

Anong kabaliwan na naman ba ang naisip ng ex ko?

 

Tumawa ako nang hilaw bago pasimpleng hinila ulit ang kamay ko mula sa hawak niya. Hinihintay niya pa rin na sabihin ko ang pangalan ko pero hindi ko na pinasin. Si Eunchae naman ay nagpipigil ng tawa sa gilid ko samantalang si Prof Medina ay may kakaibang tingin sa aming dalawa. 

 

“Ah, Winter. Karina, her name is Winter Kim,” pagtalon ni Prof Medina sa pagitan namin ni Karina nang marealize na wala akong balak magpakilala. Tumango naman si Karina sa kaniya bago ako muling hinarap. Binitiwan naman na niya ang kamay ko kaya nakahinga na rin ako nang maluwag. 

 

Tumayo ako sa tabi ni Eunchae at pasimple siyang siniko. Nasa harap naman namin sila Karina. 

 

Professor Medina started her monologue about my college days. Kinuwento niya na kesyo pasaway ko raw dahil naisipan ko pang sumali ng club na totally unrelated sa course ko. Binida niya rin ang pagiging active ko sa club noon. Ang bagay na hindi alam ng pamilya ko sa probinsya. 

 

Ang akala talaga nila, Engineering related ang nababanggit kong club activities. Ang hindi nila knows, muntik na maging staff ng ABS-CBN ang anak nilang maganda. 

 

Third year na ako natauhan sa kalokohang pinasok ko. Although late na, nagawan pa naman ng paraan. Super demanding na rin kasi ng subjects namin sa Mech Eng noon mga panahong iyon kaya naging tahimik ako sa club. And as ambag and pambawi sa mga kasamahan ko sa club, ako na ang nagsulat ng piece na ginamit namin noon for short film production. 

 

Graduate na kasi ang mga scriptwriter nila noon at hindi naman na nila maistorbo. May mga drafts naman ang ibang members na pwedeng gamitin as the main story kaso hindi pasok sa panlasa ng head instructor. Nabalitaan ko lang sa isa kong close na member na halos mabaliw na raw ang instructor namin kasi super late na kami sa production. 

 

Eh dahil guilty ako dahil super dalang ko na lang makipag-usap sa kanila that time, naisipan kong magsulat ng draft tutal hindi naman na siya bago sa akin dahil ako naman ang taga-sulat ng script namin in every role play namin mula elementary hanggang high school. 

 

I used the pen name Minjeong and not my name that time. Hindi ko pinaalam na ako mismo ang nagsulat. Basta ang sabi ko lang sa mga kasamahan namin, close kami ni Minjeong at hobby niya lang ang pagsusulat. Hindi naman na ako masyadong inusisa noon kasi naghahabol na nga kami ng mga gawain. 

 

Though may mga nakaalam din. Ang head instructor, si direk, ang roomate ko before na hindi ko na alam kung nasaan na, ang pinsang kong pakialamera na si Eunchae, at si Yeji. 

 

Oo, si Yeji na ex-crush ko. Member din kasi siya ng club since related sa course niya. 

 

Paano niya nalaman? 

 

Siya kasi ‘yung assistant director that time kaya nalaman niya. Wala naman siyang sinabi nang nalaman na ako nga si Minjeong. 

 

And because of the piece, I am here in the tent with my ex. 

 

Sarado ang tent kaya may privacy ang lahat ng nasa loob. Nabanggit kanina ni Prof Medina na ito ang nagsisilbing office niya. Dito rin daw niya kinakausap ang mga artists kung may special instruction siya sa mga ito. That explains the presence ni Karina sa tent na ito. 

 

Siya kasi ang main character for this mini-series. Actually, mini-sequel lang siya ng drama na kasama si Karina before. ‘Yung drama na shinoshoot ni Karina noong magkakilala kami, Before You

 

Side character lang siya sa Before You and hindi ganoon kabigat ang mga lines at hindi rin ganoon karami. Bumawi siya sa screen time kasi dahil kaklase at kaibigan niya ang bida, lagi siyang nasa tabi nito at hagip ng camera. 

 

People loved her character sa Before You. Kahit naman noong cast reveal pa lang, siya na ang inaabangan ng mga tao. Magaling si Karina umakto, madadala ka talaga sa paraan kung paano niya bigkasin ang mga lines niya. ‘Yun na rin ang dahilan kung bakit hooked na hooked sa kaniya ang mga tao kahit hindi marami ang lines niya sa drama na ito. 

 

When the drama ended airing, people started wondering kung anong nangyari sa character ni Karina sa drama. Nag-drop din kasi ng easter eggs ang direktor ng Before You tungkol sa character ni Karina. And being loved by all netizens, na-push ang mini-series showcasing the life of Kallie (Karina sa drama). 

 

Nakaupo na ako sa dulo ng lamesa samantalang katabi ko si Prof Medina at nasa harap niya si Karina at Eunchae. Hindi pa start ng shooting nila pero nandito na sila sa PUP para i-assemble ang mga gamit at para ma-survey na rin ang area. 

 

Bilib naman ako sa effort ng school na pagandahin ang lugar. Kung dati na may makikita kang mga baso ng lemonade sa mga lamesa, ngayon wala na. Naturuan na ata sa wakas ang mga student ng salitang claygo. 

 

Speaking of Prof Medina, nawala na lang ito bigla sa tabi ko. Kaya pala ang lakas ng loob ng ex ko sa harap eh. 

 

“Ah, there’s a milktea truck sa labas. You can go there if…you don’t fancy coffee…yeah hehe,” may kalakasang sambit ni Karina kay Eunchae. 

 

Gusto ko naman maiyak kasi may pagsilip pa siya sa akin kahit alam niyang makikita iyon ni Eunchae. May hinala na talaga akong alam ni Eunchae ang nangyayari sa buhay ko at nakipagkuntsaba siya kay Karina para sa araw na ito. 

 

“Ay, okay lang po ako sa coffee, Miss Katarina. Bff ko nga po ‘yan eh,” tawa ni Eunchae habang umiiling kay Karina. Tumawa lang din naman si Karina bago awkward na lumingon sa akin. 

 

Bakit ka ba lingon nang lingon? 

 

Diretso lang naman ang titig ko sa baso ng kape sa harap ko kahit ramdam ko ang titig ni Karina sa akin. 

 

Bakit ba ang hilig ng mga tao na tawaging Katarina si Karina?. Karina nga kasi, Karina Yoo!

 

Nakita ko naman sa peripheral ko ang pagngiti nang kakaiba ni Eunchae. Kinabahan naman ako kasi alam na alam ko ang ngiti niyang iyon. Agad ko siyang nilingon at inilingan. Pinagbantaan ko pa siya ng tingin. 

 

 

Subukan mo lang talaga, Eunchae. Subukan mo lang talaga. 

 

 

Gumanti rin naman siya ng tingin sa akin. 

 

 

Susubukan ko talaga, Ate Win. 

 

 

I glared at her and I almost throw my hands at her when Karina cleared . Napalingon naman kami sa kaniya pero wala naman siyang sinabi. Nakatingin lang din siya sa amin. 

 

Binasag ni Eunchae ang katahimikan, “Si Ate Winter ayaw ng kape! Tama! What if samahan mo siya sa labas, Miss Katarina para na rin magkausap kayong dalawa about sa role ni Kallie!”

 

Parehas naman kami ng naging reaksyon ni Karina. Parehas na nakataas ang kamay namin para sana hampasin si Eunchae. Natigil lang ang mga kamay namin sa ere nang makita na parehas kami ng gustong gawin. 

 

Humagikgik naman si Eunchae bago kumakantang lumabas ng tent. 

 

“Muling ibalik ang tamis ng–Direk!”

 

Parehas naman kaming namula ni Karina dahil sa narinig. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya bago nanghihinang umupo na lang. She copied me naman and cleared before opening the bottle in front of her. 

 

I silently watched her drink water. Nauhaw naman ako bigla kaya napainom ako ng kape na nasa harap ko. 

 

Ang pait, peste. 

 

Mukhang nakita naman ‘yon ni Karina kasi narinig ko ang mahina niyang tawa. Napalingon ako kaagad sa kaniya at nakita ko ulit ang mga ngiti niya. 

 

There’s something talaga sa genuine smile ni Karina na nakakapag-attract ng mga tao. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa maganda siya o ano. 

 

Siguro if Ryujin asked me noong nag-inuman kami kung ano ang nam-miss ko kay Karina, mga ngiti niya siguro ang isasagot ko. Kaso wala namang kwenta magtanong si Ryujin. Mas gusto pa niya malaman kung paano nangyari first kiss namin ni Karina. 

 

Hindi ko naman siya sinagot noong time na ‘yun. Private ‘yun kaya bakit ko ihichika sa kanila. Kinantyawan naman ako nila Isa na hindi raw pala ako kiss and tell. Inirapan ko naman sila kasi pinagpustahan pa raw nila before ‘yun. 

 

Giselle’s bet was on me being the secretive type while sila Isa, Ryujin, and Seeun voted sa idea na kiss and tell ako. 

 

Nanalo ng 10K si Giselle dahil sa akin. Nanghihingi nga ako ng balato pero hindi ako pinansin. 

 

Napansin ko naman si Karina na nakangiti na lang na nakatingin din sa akin. Naconscious naman ako bigla kaya nag-iwas ako ng tingin. 

 

Ang ganda ganda pa rin nakakainis. Bakit ba mas maganda sa akin ang ex ko? 

 

Ang hirap naman mag-move on?!

 

Complete silence engulfed the whole tent for minutes. Wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob magsimula ng pag-uusap na hindi sure kung saan hahantong. 

 

First time din naming magkita pagkatapos ng gabing iyon sa Intra. 

 

First time in 6 months. 

 

Thoughts started to fill my mind. Endless questions were formed, and several what-ifs emerged.

 

Naka-move on na kaya ‘to? O baka parehas lang kaming gabi gabi nagr-relapse. 

 

Hindi ko naman maiwasan ang pagngiwi sa naisip. Malamang naka-move on na sa iyo ‘yan, Winter. Para wala ka nga lang ngayon sa kaniya eh samantalang ikaw, halos mamatay na sa kaba. 

 

Kahit dati pa naman, alam ko na ako ang may possibility na umiyak sa relasyon namin. Hello, sa ganda ni Karina? Maiiyak ka na lang talaga. 

 

Kahit naman noong magjowa kami, mas composed si Karina at mas nah-handle niya ang mga emosyon niya. Siguro dahil isa siyang artista? Pero magaling magtago ng nararamadaman si Karina. 

 

Selos lang siguro ang hindi niya kayang itago. 

 

Akala ko talaga before, ako na ang pinakaselosa sa PIlipinas. Based sa mga kwento at asar ng mga malalapit na tao sa akin, kakaiba raw ako pagdating sa selos. Kahit si Giselle nagsabi rin na ganoon nga, selosa to the max ako. Kaya noong naging magjowa kami ni Karina, worried talaga ako kasi baka hindi ko makontrol emosyon ko tapos masakal ko pa si Karina. 

 

Mali pala ako ng in-expect. Mas grabe pala si Karina. Kung selosa na ako, paano pa si Karina? 

 

Hindi naman sa unreasonable ang mga selos moments niya. Hindi rin naman offending or what. In fact, cute nga eh. Hindi ko rin naman sure kung nagseselos ba talaga siya o nagpapa-baby lang. 

 

Ang sure is clingy siya as in. 

 

Kung si Karina na artista eh masungit at strictly work ang attitude, si Karina as Katarina as jowa eh mas baby pa sa baby. 

 

Hindi ko rin inakala na gaoon siya. One time, talagang nagtiis siya gumamit ng phone gamit ang kaliwa niyang kamay kasi ayaw niyang bitiwan ko kanan niyang kamay. 

 

Hindi pa pumapayag na walang kiss tuwing uuwi siya. 

 

Grabe na talaga. 

 

Bakit ba ako andito ulit? Eh makita ko lang mukha niya babalik na naman ako sa panahong meron pang kami. 

 

Grabe na talaga, nakakaiyak. 

 

Ang hirap mag-move on, peste. 

 

Hindi advisable na magjowa ng artista talaga. Kasi kapag nag-break kayo mahirap mag-move on. Isa ako sa mga example. 

 

Bakit ba kasi ako hindi maka-move on? 

 

Lord, please. 

 

Naalala ko naman ang sabi sa akin nila Seeun noong umaga nang ihatid nila ako sa may QC. 

 

 

 

“Magjowa ka na kaya ulit, Win. Ano nga ulit ‘yung nasa tiktok babe?”

 

“Ah ‘yung harot na agad kung hindi ka naman trinato nang tama”

 

“Oo nga, Win. Harot na”

 

“Seeun parang tanga hindi naman ganun kadali ‘yun”

 

“Bakit, Win? Trinato ka ba nang tama?”

 

“Oo eh”

 

“Ay, patay tayo diyan”


 


 

Muntik pa nga akong umiyak noon sa sasakyan nila kasi bukod sa masakit ang ulo ko, narealize ko rin na kaya ang tagal kong inaalala mga memories ko with her kasi wala naman akong mapipintas sa naging relasyon namin. 

 

Trinato nga kasi ako nang tama. Sadyang hindi lang tama ‘yung panahon

 

Siguro kung umayos kaming dalawa bago pa lang kami magkita, hindi sana kami humantong sa ganito, magkaharap pero parehas na may pader sa harap. 

 

The love was right; we're not just the best version of ourselves for it. And we both know it kaya nakarating kami sa puntong ito. 

 

Hindi totoong nag-break kami kasi busy siya sa pagiging artista at ayaw kong tinatago ako tulad ng mga sinasabi nila sa mga chismis sa twitter at sa facebook. Hindi rin dahil ginawa lang akong experiment ni Karina para i-prove ang uality niya o jinowa ko siya kasi mayaman at maganda siya. 

 

We broke up kasi we both have personal issues na hindi namin inakalang lalaki at makakaapekto sa relasyon namin. 

 

Nasabi ko na nga na parang hindi artista si Karina sa dami ng oras niya sa akin at sa mga mahal niya sa buhay. Kaya never naging problem ang pagiging artista niya sa pagkakaroon namin ng time para sa isa’t isa. Kapag need mo ng time management, apply ka lang sa seminar niya. 

 

Hindi rin sa ayaw ko na tinatago ako. I understand the nature of her work. Knows ko rin naman noong inamin ko sa sarili ko na gusto ko siyang jowain na may oras na ma-iinvade ang privacy ko, namin, intentional man o hindi. Tsaka medyo thrilling kaya na para kayong may pinagtataguan kapag nasa public place kayo. 

 

Spy kids lang ganun. 

 

Mas lalong hindi dahil confused pa si Karina sa uality niya. Kung alam lang ng public kung sino sino ang mga taong kinabaliwan ni Karina since start ng career niya, baka mahimatay sila sa gulat. 

 

“I mean, they’re pogi. That’s given. Pero don’t you think na mas pretty ‘yung partners nila?”

 

Ang balitang jinowa ko si Karina kasi mayaman siya at sikat ay hindi true. Alangan maging totoo ‘yan eh hindi ko nga kilala ‘yan eh. Kung hindi lang talaga ako napadpad sa Linear Park noong gabi na ‘yun, baka another magandang artista sa billboard lang si Karina. 

 

Ganoon pala ako ka-walang balita sa local celebrities. 

 

Ay, ‘yung sumampal pala sa kaniya noong gabing ‘yon eh sikat din. Nation Sweetheart ata ang title. ‘Yun din ang bida sa Before You. Not gonna lie, magaling din siya umakto. Funny din siya based sa mga chika dito sa set ngayon. 

 

Speaking of ngayon, pumasok nang walang paalam si Prof Medina sa tent na may hawak na milktea. Nawala naman ‘yung katahimikan sa tent. 

 

Umayos naman na ng upo si Karina at nagcellphone na lang. Ako? Wala nakaupo lang tapos nilayo ko na sa akin ‘yung kape. Hindi ko talaga keri uminom ng mga ganoon katapang. Nat-tempt na nga ako lumabas para sa milktea kaso andun si Eunchae sa labas at ayaw ko ma-corner ng pinsan kong chismosa. 

 

May feeling pa naman ako na may alam ‘yan sa naging relasyon namin ni Karina based sa mga kinikilos niya. 

 

Umupo sa harap ko si Prof Medina bago sinenyasan si Karina na umupo sa tabi ko. Agad naman akong nagpanic kasi bakit sa tabi ko pa dapat uupo? Ano pang silbi ng mga binili nilang upuan kung hindi naman gagamitin? 

 

Nakita naman ni Prof Medina ang paglaki ng mata ko at ang malikot kong pag-upo kaya natawa siya. “Tatabi lang naman, Winter. Fan na fan ka ba ni Karina at parang kinikilig ka na diyan?”

 

Bigla namang may malakas na tumawa kaya napalingon kami sa bagong boses. Nakita ko ang ngala ngala ni Eunchae habang papasok siya sa tent. May pagpalakpak pa ang magaling kong pinsan. 

 

“Oo nga, Ate Win. Crush mo siguro si Miss Katarina,” nang-aasar niyang sabi habang kaswal na umupo sa tabi ni Prof Medina na nasa harap namin. 

 

Oo, namin. Kasi nag-decide si Karina na maging masunurin ngayong araw at umupo nga sa tabi ko. Agad ko namang naamoy ang pabango niya.

 

Pinigilan ko ang sarili sa paggawa ng ingay. Awkward akong umusog papalayo sa kaniya nang magdikit ang mga braso namin. Buti na lang at hindi na siya gumalaw at humarap na rin kay Prof Medina na ngayon ay parang nanonood ng TV kung makatitig sa aming dalawa. Sa tabi niya naman ay si Eunchae na naakalokong gingalaw ang mga kilay niya. 

 

Aabangan talaga kita mamaya, Eunchae. Tignan mo lang. 

 

Magpasundo na kaya ako kay Giselle? Punta siya dito sa Sta. Mesa kahit nasa Ortigas siya ngayon. Nakakainis naman kasi sino bang pinuntahan nun sa Ortigas. Nasa QC naman office ng kapatid niya. 

 

May pumasok na staff sa tent at naglapag ng tubig sa lamesa namin. Thankful naman ako kasi need ko talaga ng tubig ngayon. Feel ko ikamamatay ko talaga ang nangyayari ngayon. 

 

Tahimik akong inabutan ng tubig si Karina dahil sa akin binigay nung staff lahat ng tubig. Hindi ko naman na siya tinignan at pinatong na lang ang tubig sa tapat niya nang hindi na agad iyon kunin sa kamay ko. 

 

Edi okay. ‘Wag mo abutin as if naman na hahawakan kita. 

 

Kunot noo ko tuloy na binuksan ang tubig ko. Naiinis ako na hindi niya inabot ‘yung tubig mula sa kamay ko. Hello, hindi nga tayo magkakilala ‘di ba kaya okay na kunin mo sa kamay ko! As if naman na kamay ko mahahawakan mo eh. 

 

Mas nakakainis pa na ang petty ko. 

 

Winter, ang mature. 

 

Pinili naman ni Prof Medina magsalita kung kailan nasa gitna ako ng pag-inom. “Ayaw mo mag-artista, Winter?” 

 

Umiling naman ako kay Prof Medina habang umiinom pa rin ng tubig. Uhaw na uhaw kasi ako kaya sorry if walang manners, Prof. 

 

Ang pagiging artista siguro ang nasa dulo ng listahan ko. I mean, after dating one. Alam ko namang cute ako minsan pero hindi ko keri mga ginagawa nila. Pang-makina lang talaga ako guys. 

 

“Ah, sayang. Bagay pa naman kayo ni Karina–” 

 

Nasamid ako at medyo nabuga ko ang ininom kong tubig. Hindi naman ako makahinga ngayon kasi may pumasok na tubig sa ilong ko kaya hindi ko mapigilan na umubo. 

 

Naiiyak na ako kauubo dito pero hindi ko man lang naririnig ang pinsan ko. Mas narinig ko pa ang sigaw ni Prof Medina sa pangalan ko at ang mahinang “it’s okay” ni Karina na may kasamang paghimas pa sa likod ko.

 

Umuubo pa rin ako nang pasimple kong hinawi ang kamay ni Karina. Mukhang hindi naman napansin ng ibang tao ‘yun kasi mas appealing na panoorin akong umubo na parang walang bukas. 

 

Ang sakit sa baga, peste. 

 

Nakatawa namang nag-abot ng tubig si Prof Medina sa akin. Sumama tuloy ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang bagong bote ng tubig. Parang tuwang tuwa pa siya sa nangyari ah. Ikaw po dahilan kung bakit ako nabulunan, Prof. 

 

Hindi ko rin kailangan ng another tubig, Prof. Ang kailangan ko ay makauwi na at kalimutan kayong lahat. 

 

May nag-abot naman sa akin ng panyo kaya agad ko itong kinuha at ginamit pamunas ng mukha ko. Nagsisi naman ako agad kasi naamoy ko kaagad ang pamilyar na pabango sa panyong hawak ko. 

 

Nakakiyak ‘yung pagka-familiar niya huhu. Lasang soju na naman ako mamayang gabi with matching taylor swift sad songs 3 hours loop. 

 

“Grabe naman, Winter anak. Sinabi ko lang naman na bagay kayo ng artista sa tabi mo ah,” nang-aasar na sabi sa akin ni Prof Medina matapos kong maka-recover. Hawak ko pa rin naman ang panyo ni Karina kasi hindi ko alam kung paano ito ibabalik sa kaniya lalo pa at nakabantay si Prof sa amin. 

 

Namula naman ako sa sinabi ni Prof Medina. Ang malamig na tent nila kanina at uminit na. Mukhang ramdam din naman ni Karina ‘yun nang makita ko na pinapaypay niya na rin ang kamay niya sa mukha. 

 

Ngumuso lang naman ako kay Prof at hindi na nagsalita. Tumawa lang naman silang dalawa ni Eunchae na para bang comedy show kaming dalawa ng katabi ko. Sila lang naman ang nag-eenjoy kasi wala rin naman imik katabi ko. 

 

“Anyways, ito pala ang original copy ng piece na nakuha ko sa club niyo, Win. Ito rin ang ibang copy para sa iyo, Karina. Hindi ko pa nababasa nang buo ang script na ginamit pero based sa outline and sa notes, I can say na maganda siya and pwedeng gamitin na guide para sa susunod na script ng character ni Kallie”

 

I felt a familiar feeling when I touched the original copy of the piece I wrote years ago. Medyo na-touch naman ako kasi mukhang iningatan siya talaga kasi hindi pa ito lukot na lukot at may maayos pang lagayan. I traced the word Minjeong by my fingers. 

 

Natulala lang naman ako sa first page ng script dahil biglang bumalik sa akin ang lahat ng pinagdaanan ng kwentong ito. Tahimik lang din naman ang mga kasama ko sa tent na mukhang nagbabasa na rin sila. 

 

“Minjeong…,” mahinang basa ni Karina kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin naman na siya sa akin pagkalingon ko na tila ba alam na alam niyang lilingon ako. 

 

Dahil malapit lang naman kami sa isa’t isa, amoy na amoy ko siya. Kitang kita ko rin ang mga nunal niya sa mukha. Akala ko talaga dati favorite ko na ang nunul niya malapit sa mga labi niya pero kakaiba pa rin kapag nakita mo ang nunal niya sa bandang pisngi. 

 

Nakatitig lang naman kami sa isa’t isa, parehas na nasa title page pa lang sa hawak na script. Nakita ko naman ang maliit na ngiti sa labi niya at ang kakaiba niyang tingin sa akin. Namumula naman akong nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. I even cleared my throat bago ilipat sa pangalawang pahina ang papel na hawak ko. 

 

She knew. 

 

What I saw from her eyes kanina ay recognition and pride. That’s when I realized na she knew na ako ang nagsulat ng piyesang ito. The way she read the name and kung paano siya nag-abang sa paglingon ko, no doubt na alam niya kahit na hindi ko nabanggit sa kaniya iyon kahit noong kami pa. 

 

Napangiti naman ako nang mapait dahil kahit ilang buwan na rin ang nakalipas, kabisado pa rin namin ang isa’t isa. Na kahit ang mga tingin ay may kahulugan na madali naming maintindihan. 

 

I guess that’s what happens if 8 months din kayong magkasama. 

 

Nakilala ko namang ang mga sulat sa gilid ng papel. Mga sulat namin ni Yeji at ng direktor noong panahong iyon. Hindi lang naman talaga ako ang may gawa ng story na ito. Malaki rin ang ambag ni Yeji kung tutuusin. Siya ang halos umayos ng mga flaw sa sinulat ko at nagdagdag ng mga scenes. Hindi kasi ganoon ka-polished ang gawa ko dahil wala na ring oras. 

 

Actually, senior high school Winter ang nagsulat ng kwentong iyon. Inayos ko na lang at in-edit ko na lang at dinagdagan ng ibang detalye. 

 

Tahimik kaming nagbasa kaya napapasilip sa amin ang mga staff sa labas. Minsan ay nagr-react si Prof Medina sa nababasa niya. Mayroon din siyang mga suggestion sa mga scenes. Si Eunchae naman ay tahimik din na nagbabasa kahit na nabasa niya naman na iyon noong high school pa lang siya. 

 

Si Karina naman sa tabi ko ay nakaharap na sa akin habang nagbabasa. May pakiramdam akong nagpipigil lang itong kalabitin ako at magtanong tungkol sa mga nababasa niya. 

 

Kalaunan naman ay umingay na ang paligid kasi nasa labas daw si Jake. Nawala naman ang atensyon ni Prof at Ni Eunchae sa binabasa nang marinig ang pangalang Jake sa mga staff sa labas. Nagpaalam sila sa amin bago lumabas sa tent. 

 

Hindi ko naman na ito pinansin kasi hindi ko kilala si Jake. In fact, wala akong Jake na kilala sa buong buhay ko. 

 

I continued reading. Seconds had passed when I felt Karina shift in her seat. Syempre dahil ako si Winter, dedma pa rin sa kaniya at nagbasa na lang ulit kahit na kanina pa ako sa page 6. 

 

Wala namang kakaibang ginawa si Karina kung hindi magbasa at malikot na gumalaw sa upuan niya. Nagmatigas ako at hindi siya pinansin kahit na alam kong ginagawa niya lang iyon para inisin ako. 

 

Alam na alam pa rin niya na ayaw kong may magulo sa tabi ko tuwing nagbabasa ako. Dahil diyan, hindi kita papansinin. Hindi ko pa kaya. Baka bigla akong lumuhod dito kung sakali. 

 

Mukhang napagod naman siya kakagalaw kasi tumigil na rin siya. Narinig ko naman ang boses ng mga staff sa lahat na para bang kinikilig. Pati ang matinis na boses ni Prof Medina, hindi nagpatalo. 

 

Narinig ko naman ang isang panlalaking boses, “Where’s Katarina nga po pala, Ma’am?”

 

Napairap naman ako dahil sa tawag niya kay Karina. “Katarina na naman,” mahina kong sabi. Hindi ko na napigilan ang sarili sa inis kasi kanina pa sila Katarina nang Katarina. Karina nga kasi! 

 

Kunot noo akong nagbabasa nang marinig ko si Karina. 

 

“Hmm?” 

 

Napalingon naman ako sa kaniya at nakitang nakatingin siya sa akin at mukhang naghihintay. Nalito naman ako kasi wala naman akong ginagawa sa kaniya. 

 

“You called me?”

 

“Ha? Anong called you?” nalilito kong tanong sa kaniya. Ang pagpapabebe naman ay nakalimutan ko na. 

 

“You called me, Winter. You said Katarina

 

“Luh, hindi ah,” tanggi ko sa kaniya bago tinignan siyang inuusog ang upuan niya papalapit sa akin. Malaking mata ko naman siyang tinignan at tinuro ang maliit na space sa gitna namin. 

 

“Pero I heard you. Sabi mo Katarina eh that’s my name kaya,” nakangiti niyang sabi sa akin. Nas-stress naman ako sa kaniya kasi ganap na ganap siya sa kwentong hindi kami magkakilala kasi kung makangiti sa akin at kung makalapit, akala mo hindi kami mag-ex?!

 

Pwera na lang kung talagang ganito siya sa laht ng ex niya. Nainis naman ako agad sa naisip. 

 

Ako nga hindi ko na kinakausap ex ko? Tapos siya? 

 

Natigil naman ako sa inner monologue ko nang mas lumiit ang space sa pagitan naming dalawa. “Bakit ka ba usog nang usog?”

 

Hindi ko na napigilang itanong kay Karina. Hindi naman niya ako sinagot at may umusog pa papalapit sa akin. 

 

“Huy! Hindi ba uso sa ‘yo personal space. Gagi ka,” sabi ko habang inuusog na rin ang upuan ko papalayo sa kaniya. Narinig ko naman ulit ang boses nung Jake at ni Prof Medina sa labas pero hindi ko na sila masyadong maintindihan kasi ang kulit ng kasama ko dito sa loob. 

 

Ang sarap kurutin nitong si Karina eh. Bakit ba ako ang naiwan kasama ‘to ngayon?!

 

Nakatayo na kami parehas sa harap nang isa’t isa. Hinihingal na rin ako kakausog palayo sa kaniya kaya tumayo na lang ako. Ginaya naman niya ako. Tinuro ko siya gamit ang script sa kamay ko, “Bakit ka ba lapit nang lapit? Inaano ba kita?”

 

Para akong bata na inaway ng kalaro sa tono ko. Pero wala akong pakialam kasi para naman talaga akong inaway ni Karina. Bakit ba siya lapit nang lapit eh mag-ex nga kami! 

 

Kanina pa ako naiilang sa set-up namin tapos siya parang wala lang? Nakakainis na talaga. 

 

Hindi na nga maka-move on ‘yung tao, lapit pa nang lapit. Kung maka-asta akala mo long lost friends kami eh. Kung naka-move on ka na, pwede bang hayaan mo rin ako? 

 

Stressed ako, Katarina. Tumigil ka. 

 

Nahalata naman ni Karina ang discomfort na nararamdaman ko kaya ngumiti siyang nang maliit bago umupo na lang. “Sorry”

 

Binaba ko naman ang papel na hawak ko at nagdududang tumingin sa kaniya habang umuupo sa dating upuan ni Prof Medina. Nawala naman ang ingay sa labas. Baka umalis na ‘yung Jake. Eh bakit wala pa rin sila Eunchae? 

 

Naniningkit ang mata kong tinignan si Karina. Kuntento lang naman siyang nakaupo habang nakangiti sa akin. Hindi naman ako mapalagay sa ngiti na meron siya. May kakaiba. Feeling ko may binabalak to eh. 

 

Sa tagal naming magjowa ni Karina, alam ko kung ano ang variety ng ngiti niya. At ang ngiti na meron siya ngayon ay hindi maganda for my well-being. Sure ako. 

 

“How are you, Minjeong,” Karina casually asked me. Naramdaman ko namang may pumintig sa ulo ko nang marinig siya. Agad akong napalingon sa paligid bago naiinis na binato sa kaniya ang hawak kong mga papel. 

 

Sabi na nga ba at may pinaplano ‘tong ex ko na ‘to eh. Never in almost a year na may magandang result ang ngiti niya na ‘yun. Laging dehado ako. 

 

Tumawa nang malakas si Karina kahit sapul na sapul ko ang mukha niya sa binato. Mas nagpanic naman ako kasi baka marinig siya sa labas ng mga staff. Masama ko siyang tinignan. “Baka gusto mong lakasan pa?” 

 

“Okay, okay. Chill?”

 

Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya kasi nakangiti pa rin siya. Binabawi ko na pala ‘yung sinabi ko na ang ganda ng smile niya. Hindi pala siya pretty, annoying na siya ngayon. 

 

Gets ko na si Ningning kung bakit niya nasabi na nakakainis ang ngiti ng ex mo. 

 

Nakakainis na talaga. 

 

“Paano mo nalaman?” masungit kong tanong kay Karina kung paano niya nalaman na ako si Minjeong. Nawala naman na sa isip ko ang ilang na naramdaman ko kanina at kinausap siya na para bang high school friends kaming nagkita accidentally. 

 

Mas magaan ang pakiramdam ko ngayon kumpara kanina. Surprisingly, mas magaan sa pakiramdam ngayon kumpara sa kahit anong araw na nakalipas. 

 

Weird lang na kanina super agitated ako tapos ngayon para lang akong namamangka sa dagat. May takot na present pero mas lamang ‘yung feeling kampante ka kahit papaano. 

 

Medyo nawala naman ang inis ko kay Karina dahil doon. Ngumiti siya sa akin bago kaswal na inabot sa akin ang isang bote ng tubig na kung hindi ako nagkakamali, ininuman ko na rin ito kanina. Walang pag-iisip ko naman iyong tinanggap at uminom. 

 

“Gut feeling?”

 

Napairap naman ako habang umiinom. Tinakpan ko ang bote bago siya tinignan. “No offense pero wala ka nun,” sabi ko kay Karina. Parang hindi naman siya makapaniwala sa narinig at parang na-offend pa. 

 

Umangil naman ako sa kaniya nang tangkain niya pang magpaliwanag. Nakapikit kong iwinagayway ang kamay ko sa harap niya bilang pagtanggi sa iniisip niya. 

 

Walang naging tamang gut feeling si Karina sa buong buhay niya. Aminin niya man o hindi, iyon ang totoo. Noong naglaro kami dati ng escape room, lahat ng opposite sa pinili niya ang tamang sagot. Agree rin naman sa akin si Ningning na wala talagang sense ang gut feeling ni Karina. 

 

Pwede lang siyang gamitin kapag dalawang choices lang ang meron kasi automatic na tama ang choice na hindi niya pinili. 

 

Ang depensa niya sa akin dati kapag sinasabi ko sa kaniya ito ay ang fact na magjowa raw kami. Isa raw ‘yung result ng gut feeling niya. 

 

 

“What? When we first met sa may main campus ng PUP, I had this gut feeling na you’ll be my partner for life. Lalo na when you asked me if I were the daughter of the President of the School.”

 

“Anong pambobola na naman sinasabi mo?”

 

“What? It’s true! I swear!”

 

“Talaga lang ha eh kung hindi pa nagmessage si Beomgyu, hindi ka pa gagalaw. And mind you ako pa unang nagsabi na magjowa na tayo”

 

“Baby–”

 

“Hep! Kiss na naman?”

 

“Hey, bawal maging madamot lalo na sa kiss”

 

“Madamot mo mukha mo. Nakakailan ka na kaya!”

 

“It’s not a bad thing naman ah”

 

“Mga palusot mo–Karina!”

 

“What? As if naman na ayaw mo”

 

“Awat na kasiiiiiii…Basa na pisngi ko oh. Tsaka ang init bakit ba nakayakap ka na naman?”

 

“Cuddle time, Babe!”

 

“Tabi, iihi ako. Dami mong sinasabi eh ayaw pa aminin na hindi talaga effective gut feeling niya”

 

“I heard you!”

 

“Sadya!”

 

 

Partner for life, my . Subukan niya lang talaga magsalita ng ganoon ngayon, sasabihin ko talaga ‘yan. 

 

HIndi ko naman tinantanan ng tanong si karina nang hindi na siya umimik. Nakulitan naman siya sa akin kaya nagsalita na siya. 

 

“Kasi it seems so…you?”

 

Hindi naman ako convinced kaya nakatingin pa rin ako sa kaniya gamit ang nagdududang tingin ko. Wala naman siyang nagawa kung hindi bumuntong hininga at sabihin sa akin kung paano niya talaga nalaman na ako si Minjeong. 

 

“Fine. I heard that name sa ‘yo one time noong nalasing ka. You’re talking about something and then you mentioned that name. To be honest, I cannot understand a thing sa kwento mo that time kasi you’re literally just saying incoherent words. I thought na isa sa ex mo si Minjeong so I asked Giselle about that before and sabi niya si Beomgyu lang naman ex mo–”

 

“Tapos ikaw–ay,” hindi napigilan kong pagcomment sa kwento niya. Agad namang sumama ang tingin niya sa akin kaya sumipol ako bago inabot ang tubig sa harap. 

 

Eh, bakit nagagalit? 

 

“Yes, Winter. I am very aware of that,” masungit na sabi sa akin ni Karina. Nawala na ‘yung ngiti niya tapos biglang tumalas ang tingin sa akin. Kinilabutan naman ako kasi ito ang mukha ng isang Karina as artista sa set. 

 

Yikes, wala naman kami sa drama filming. 

 

“Ah, hehe. T-tuloy mo na,” kinakabahan kong sabi kasi hindi pa rin nawawala yung matalim na tingin niya sa akin. Bigla ko namang hinanap ang presensiya ni Eunchae. Eunchae parang need kita here. 

 

Ilang segundo pa akong tinignan ni Karina nang masama bago ako inirapan. Agad naman akong nagulat kasi wala naman akong ginagawa sa kaniya. 

 

“Nakalimutan ko na siya since you never mentioned that name again after that night. Tapos narinig ko na lang siya kay Miss Medina the other month. After ko marinig ang gist ng kwento na sinulat raw ni Minjeong, I had this feeling na baka ikaw mismo ang sinasabi nila. And then your reaction kanina gave it away,” mahabang paliwanag ni Karina. Medyo kumalma naman siya kasi hindi na niya ako iniirapan pero nandun pa rin ang poker face slash nakakatakot niyang face. 

 

“Ganun?” walang magawa kong sabi. Tumango tango pa ako dahil medyo kapanipaniwala naman ang sinabi niya. 

 

Napangiwi naman ako nang mapagtantong kasalanan ko kung bakit niya alam. Never talaga kami naging bff ni alak. Laging may sabit kapag nagb-bonding kami eh. 

 

“Yes, ganun. And I told you, gut feeling,” nagyayabang na sabi niya naman sa akin. Tumango na lang ako para hindi na kami magtalo pa. Hinanap ko naman ang maingay na mga tao sa labas ng tent kasi kanina pa tahimik sa labas na para bang walang ibang tao. Nagtaka naman ako kasi imposibleng namang mawalan ng tao. 

 

May mga anino naman akong nakita pero mga dumadaan lang. Mga student siguro. Pero naasan ang mga staff?

 

“I think sumama sila sa dala ni Jake na food truck,” napalingon naman ako kay Karina dahil dito. Komportableng nakaupo si Karina sa upuan niya at nakasandal pa. Pinaglalaruan niya naman ang bote ng tubig sa lamesa. Sa upo niya ngayon, sure akong nakadekwatro na naman siya. 

 

Walang interes akong tumango sa sinabi niya. Ah, okay. 

 

“That’s…that’s his usual routine kasi…yeah,” maagap na dagdag niya. Tumango lang naman ako ulit. Ah, okay. 

 

Hindi naman mapakali si Karina sa harap ko kaya nagsalita na ako. “Okay”

 

“O-okay?” hindi sigurado niyang tanong sa akin. Tumango lang naman ako sa kaniya, “Oo, okay.”

 

“Ah, okay”

 

“Hmm, okay”

 

“Okay.”

 

“Okay.”

 

Siguro kung may makakarinig sa amin ngayon, iisipin kung anong trip namin at bakit kami nagpapalitan ng okay ni Karina. Hindi ko naman na sinagot ang huling okay na sinabi niya at mas pinili na lang na basahin ang script. 

 

Nahagip naman ng tingin ko ang pag-iba ng posisiyon ni Karina. Ipinatong niya ang ulo niya sa kamay niyang nakapatong din sa lamesa habang nilalaro ng isa niyang kamay ang boteng ininuman ko. 

 

Kuntento naman akong nagbasa sa harap niya, magaan ang pakiramdam sa katahimikang yumayakap sa buong tent. 

 

“How are you?” tanong ni Karina matapos ang ilang minutong katahimikan. Nilingon ko naman siya gamit ang mata ko at nakitang nasa akin na ang buo niyang atensyon. 

 

Bigla naan akong naconscious kaya pasimple kong iniharang ang papel sa mukha ko. 

 

“Okay,” maikling sagot ko sa kaniya. Sinilip ko naman siya ulit at nakatingin pa rin siya sa akin. Saglit pa ngang nagtama ang mga mata namin kaya namumula kong iniwas ang tingin sa kaniya at mas inilapit sa mukha ko ang script. 

 

Hindi ko naman na maintindihan ang binabasa ko kahit paulit ulit ko itong binabalikan. Distracted na ako dahil sa babaeng nakatitig sa akin ngayon. 

 

Nasaan na ba ang mga tao sa labas ng tent? Kinakabahan na kasi ako sa mga tingin ni Karina. 

 

Kahit noong kami pa ni Karina, madalas kong makita ang sarili ko na hindi mapakali kapag nakatingin siya sa akin. May kakaiba kasi sa way ng pagtingin niya. Feeling ko ginagayuma ako eh. Mas tanggap ko pa if judging stare ang binibigay niya pero hindi eh, parang nanliligaw na ewan. 

 

Sige po, I do na agad. Sinasagot na kita. 

 

Joke, ex ko pala ‘to. 

 

“Sorry pala if hindi na kita nasabihan about the press conference”

 

“Ah, okay lang. Hindi mo naman binanggit pangalan ko tsaka napag-usapan naman na natin before ‘yung gagawin if may ganoong eksena ‘di ba?”

 

Karina nodeed her head bago ngumuso sa akin. Nag-iwas naman ako ulit ng tingin at binasa nang paulit ulit ang script sa harap ko. 

 

Teka lang muna, walang ganyanan. Alam mo namang mahina ako sa paganyan mo!

 

“You made your account public?”

 

Naguluhan naman ako kaya naibaba ko ang papel na hawak ko. Face to face na tuloy kaming magkaharap ni Karina. Narinig ko naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinunot ko ang noo ko pra itago ang nararamdaman ko ngayon. 

 

“Alin?”

 

“Your IG account, Winter,” mababang boses na sagot sa akin ni Karina. Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa boses at sa tingin niya. Kinabahan na rin ako. 

 

Nag-iwas ako ng tingin nang maalala ang dahilan kung bakit naka-public ang account ko. 

 

“A-ah, ah oo…A-ano…sabi rin ni Seeun na ano public ko na lang…’yung account,” utal kong sabi kasi kinakabahan ako ngayon. Sana ‘di niya tanungin ‘yung story ko. Story ko na ni-like niya gamit official niyang account. 

 

“Seeun?” kakaiba ang boses niyang tanong sa akin. Napaayos naman ako ng upo bago tumatangong nagpaliwanag. 

 

Nagpaliwanag? Nagpaliwanag? Bakit ako nagpapaliwanag?

 

“O-oo. Si Seeun. ‘Yung jowa ni Isa? Naalala mo?” ngiti ko kay Karina. Binaba ko na sa mesa ang script na hawak ko kasi useless lang naman ‘yun. Bukod sa ako naman ang nagsulat ng karamihan sa laman nun, hindi ko na rin maintindihan mga nakasulat kasi nakakatanga ‘yung tingin ng babae sa harap ko. 

 

Mukhang naalala naman ni Karina ang mga binabanggit ko kasi nawala na ‘yung masungit niyang tingin sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag. Bigla akong nauhaw grabe ba. 

 

“Ningning followed you pala”

 

“She did?”

 

“Yeah, she did,” mahinang pagconfirm ni Karina. Inisip ko naman bigla kung siya rin ba finollow ang account ko. Kaso hindi pala pwede kasi artista siya and ‘yung isa niyang account ay naka-block sa akin. 

 

Yes, naka-block siya kasi petty akong tao 6 months ago. 

 

“I saw your story…and liked it,” nahihiyang sabi sa akin ni Karina. Kung kanina eh para siyang tinatamad sa upo niya, ngayon literal na halos mahiga na siya sa upuan niya. Nakasandal siya nang todo sa sandalan at may maliit na ngiti sa labi. 

 

“Ah, oo. Nag-ano…notif din sa akin,” mahina ko ring sabi. Bigla namang nagkaroon ng kakaibang hangin dito sa loob. Ramdam kong parehas kaming naiilang. 

 

“The song…was nice–”

 

“S-syempre, si Taylor na ‘yun eh,” pagputol ko sa sinasabi ni Karina. May feeling kasi akong hindi ko kakayanin kapag mas pinag-usapan pa namin ‘yung kanta. 

 

Literal na sinasabi ng kanta eh hindi pa ako maka-move on. Please, ‘wag mo itanong ‘yun. 

 

“...and the picture too–”

 

“syempre ako….ay haha…. syempre ako na ‘yun…eh,” nahihiya kong sabi. Sa kagustuhan kong ibahin ang usapan, napahiya naman ako. 

 

Syempre ako na ‘yun? Nakakahiya ka, Winter. 

 

Tumawa naman si Karina bago tumango sa akin. Namula naman ako nang matindi sa tinging binibigay niya sa akin. Pinaalala ko naman sa sarili ko na ex ko na siya at kailangan kong umayos. Ex ‘yan, ex. Ex na. 

 

Ex na gustong balikan. 

 

Umiling naman ako nang marahas dahil sa naisip. Nakatingin pa rin si Karina sa akin at may tingin pa ring nakakatunaw. 

 

“I think we’re in the same boat,” mahinang amin sa akin ni Karina. Nilingon ko naman siya at matagal kaming nakatitig sa isa’t isa. 

 

Napalunok naman ako nang maintindihan ang mensahe sa likod ng mga tingin niya. Ang ilang buwan kong pinaghandaan ay parang mangyayari na ngayon. 

 

Mag-uusap na ata kami. 

 

Hindi naman sa hindi ako ready pero parang hindi ko siya keri ngayon. Literal na feeling betrayed pa rin ako dahil sa pinsan kong scammer at kinikilig pa rin ako sa mga tingin ni Karina kaya feel ko talaga hindi ko kakayanin ang magiging usapan namin ngayon. 

 

Sinasabi ko talaga, mapapaluhod talaga ako ngayon dito. Naalala ko naman ang isang tanong ni Ryujin sa akin noong nag-inuman kami. 

 

 

“Hindi ka lumuhod para balikan ka, Win? Kahit noong nag-break kayo?”


“Hindi ah. Never naman ako nagmakaawa ‘no. At never kong gagawin”

 

 

Parang kakainin ko ata ang mga sinabi ko noong gabi na ‘yun. In my defense lasing ako kaya walang credibility lahat ng mga pangako ko. May pakiramdam kasi talaga akong luluhod ako ngayong araw eh. Lalo pa sa tinginan ni Karina na ganiyan? 

 

“Same boat?”

 

“Hmm”

 

 

I’m still at the restaurant, Winter…I tried to stop coming back, even noong naayos ko na ang mga dapat ayusin”

 

“I keep coming back…but this time, I am with my best attire” 

 

Peste, dapat pala nagdala ako ng wipes para naman may pamunas ako sa tuhod ko mamaya. 


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
267 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap