doc

the 1

 For the record, I never liked alarm clocks—not in my mornings, honestly. You could say na I’m one of millions of people na bumili ng alarm clock for display. Kunwari ginagamit pero in reality, after a week, wala na nakatanggal na ang battery. 



 

In short, never akong naging morning person. 



 

Dati.



 

Siguro malalaglag ang panga ni Winter 2017 ver if nakita niya na ang future self niya ay nakaupo sa may kitchen area at nagkakape ng 5AM. 



 

Oo, talagang 5AM and kusa akong nagising. Ay, hindi pala kusa kasi may nanggising pala sa akin. 



 

Syempre si Karina. 



 

Mystery pa rin talaga para sa akin kung paano nagiging morning person ang isang tao. Ewan ko alam ko namang nasa way of living and sa preferences ng tao ang mga bagay bagay pero hindi lang talaga nags-sink in sa utak ko na may mga taong kayang mag-function ang buong katawan sa umaga. Isa pa ‘tong si Karina. 



 

Karina is a very busy person. Hindi naman na kagulat gulat iyon lalo na sa line of work niya. At lalo pang sikat na sikat siya. She sleeps late at night, minsan nga ay wala pa. Despite that, maaga pa rin siyang nagigising and kaya niyang mag-function fully. 



 

Literal na sana all. 



 

Although may masalimuot na chika behind that fact about her, amazed pa rin ako. Ganoon naman ako palagi sa kaniya eh. Amazed na proud na ewan. 



 

Tuwing nalalaman niya naman na iyon ang pagtingin ko sa kaniya, agad akong inaasar. 




 

 

“Sabi na eh,” mayabang na sabi ni Karina. Napalingon naman ako sa kaniya. 



 

Nandito kami ngayon sa cafe na pagmamay-ari ng kaibigan nilang si Hyewon. Model din daw si Hyewon dati and kung tutuusin, mas sikat pa raw ito kay Karina before. Hindi lang tumuloy si Hyewon kasi mas pinili nito ang private life and ang pagkakaroon ng sariling business. Mas bet din pala ni Hyewon na mag-aral dati kesa raw tumitig sa camera kaya non-showbiz bff daw ang role niya ngayon. 



 

Maganda naman talaga si Hyewon. Mukhang inosente na hindi gagawa ng masama lalo na kapag ngumiti. Kaso pamilyar sa akin ang mga tingin niya kaya hindi ako nagpadala sa ngiti niya. 



 

Sus. 



 

Aasarin pa sana ako ni Ningning na baka raw hindi ko na balikan alaga niya kasi mas gusto ko raw si Hyewon. Hindi ko lang masabi na na-meet ko na si Hyewon before noong kami pa rin ni Karina. 



 

Tumakas lang kasi talaga kami that day and bawal talagang lumabas noon si Karina. 



 

Syempre quiet lang ako kasi kahit matagal na iyon, panigurado hindi matatali ang bibig ni Ningning. 



 

Pero balik kay Hyewon, ayun nakilala ko na nga siya before. Prank prank pa siyang nalalaman eh hindi nga ako madadala sa mga pa-inosente niyang ngiti. 



 

Akalain mong pagpasok na pagpasok namin ni Karina sa cafe niya noong gabi na iyon eh agad na nilingkis jowa ko. Aba siya. Kesyo siya raw ang ex at first love. Kahit sinakyan siya ni Karina noon, nakita ko pa rin na isang made in China ang storya nila, peke. 



 

Paano ba naman eh parehas pa silang napasimangot noong sabihin nilang mag-ex sila. Parang masusuka pa nga ‘yung Hyewon sa sinabi niya. 



 

Tsaka hindi siya type ni Karina. Ewan ko lang pero based sa mga kwento niya sa akin, hindi niya tipo ang mga kagaya ni Hyewon. 



 

Bet niya magaganda at walang duda na pasok doon si Hyewon pero hindi talaga eh. Hindi ko rin ma-explain pero hindi talaga. 



 

Si Giselle pwede pa eh. 



 

Actually hindi rin siya makapaniwala noong sinabi ko pero pasok si Giselle sa mga type niya. Ayaw niya lang aminin kasi pinagselosan niya si Giselle dati. 



 

“I knew it talaga. Crush mo ako ‘no?” sabi ni Karina habang tinataas baba ang mga kilay niya sa akin. Lumapit pa talaga siya sa mukha ko para lang maipakita iyon. Tinawanan ko naman siya bago marahang itinulak ang mukha niya palayo sa akin. 



 

“Ewan ko sa ‘yo, Karina. Ano ka, highschool?” natatawa kong sabi bago humigop sa hawak kong frappe. 



 

Masarap pala ang pasta nila dito. Marami pang snacks na masarap kaya pinili ko rin na dito kami ngayong araw. 



 

“Pero it made you smile, heh. And aminin mo there’s something sa mga highschool cliches na nakakakilig,” may kuntentong ngiting turan sa akin ni Karina. Napatitig lang naman ako sa mukha niya habang kumakain ng order niyang cake. 



 

Ganito ba siya kaganda noon? Parang hindi naman. Karina’s beautiful naman even before pero iba ‘yung ganda niya ngayon. 



 

Ewan ko. She’s really extra attractive sa pangingin ko these days lalo pa when she’s wearing her best smile. Hindi ko alam na napapangiti na rin ako kapag nakikita ko ang maliit na scrunch sa ilong niya kapag ngumingiti nang malaki. 



 

Ganito ba ako kabading sa ‘yo, Karina? 



 

Parang ang gaan sa dibdib makita ang mga mata niyang…masaya. My heart aches for how her eyes glow with happiness and contentment, not because of sadness but because of joy. 



 

She smiles more freely and lightly. Parang hindi na siya pwedeng umarte as kontrabida kasi she radiates much happiness. 



 

This version of her makes me think na worth it somehow ‘yung pag-iyak ko for the last six months. 



 

Kasi she really did grow. And she’s free from the pain na minsan niyang ininda. 

 

And that I did grow too. 

 

We both did. 


We’re both free of the burdens we bottled up kaya we have more love to give. 


With no hesitations or what. 

 

And with that, I felt my heart double or triple its beat. Something funny is happening in my stomach, and I can feel the familiar rhythm in my heart. And when she turned her head to me and smiled warmly, I knew she knew it too. 

 

Tears swelled up in my eyes as I caught my breath. I could clearly hear Karina's deep laugh beside me as I closed my eyes, but none of that matters. My heart continued to beat as realizations flooded my mind.



 

Naramdaman ko ang paggalaw ni Karina. Kalaunan ay naraamdaman ko ang init ng palad niya sa kanan kong pisngi. Tuluyang pumatak ang luha ko nang marinig ko ang mahinang tawa ni Karina. 



 

“Hey, haha. Why are you crying?”



 

“T-totoo k-kasi,” humihikbi kong sabi sa kaniya. Minulat ko na ang mga mata ko at nakitang teary-eyed din si Karina pero mas lamang ang ngiti sa kaniya. 



 

Para kaming tanga sa totoo lang. Hindi ko rin naman kasi alam. Dahil ba na namiss ko siya nang sobra kaya ganito? 




 

Halos isang buwan pa lang nang magsimula kaming mag-usap ulit pero sa pakiramdam ko ay ilang buwan na. Parang nabawi ‘yung anim na buwan kaming magkahiwalay. 



 

Siya ang kausap ko tuwing magigising at siya rin naman bago matulog. Hindi pa ako pinalampas kasi kahit sa panaginip ko siya ang bida. 



 

Kadalasan din ay nasa shoot nila ako kasi tinanggap ko ‘yung alok ni Prof Medina. Kaya nga happy na naman si Karina kasi may harot siya in between her breaks. 



 

Mas ganado na raw siyang umarte. 



 

Parang baliw. 



 

Even my friends noticed how much I’ve changed these last weeks. Sabi nila mas magaan ang aura ko. Magaan na raw talaga noong mga nakaraang buwan pero ngayon ay mas lalo pa. 



 

Para raw na mas sumaya ako. Nanalo raw ba ako sa lotto or what?



 

Totoo naman. 



 

Masaya naman talaga ako ngayon. 



 

And siguro naiiyak ako right now kasi ngayon lang pumasok talaga sa akin na we’re doing this again. 



 

Pero this time, walang silent sakitan and hesistations ng both parties. Talagang harot all the way na lang kasi walang personal and family issues and pain ang gagawa ng pader sa pagitan namin. 



 

“Totoo, what? Win, why are you even crying, hey,” tumatawang sabi ni Karina. Napanguso naman ako sa kaniya dahil alam kong alam niya kung bakit ako umiiyak ngayon. 



 

Buti na lang kamo at wala dito ang paepal na may-ari ng cafe na ito kasi panigurado aasarin na naman ako. 



 

“N-na nakakakilig ang highschool cliches”



 

“See? Told you, babe,” mayabang na sabi ni Karina. 



 

Isa pa pala sa hindi ko nachika ay ang fact na mahilig na naman siya sa pet names niya. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi wala pa kaming napag-usapan sa status namin ngayon. 



 

I mean!! Okay. Medyo halata naman na gusto na talaga akong jowain ni Karina pero kasi!!!



 

Ewan, naging words of affirmation girlie na kasi ako after ng break up namin. Sorry lang…



 

“Babe ka diyan,” pa-eme ko sa kaniya. Humupa na rin sa wakas ang mga luha ko kaya na-conscious na naman ako kasi baka dugyot na akong tignan. 

 

Tuluyan na akong natawa sa sinabi ni Karina. “Ay, hindi pa ba available ang Winter Special Set?”



 

Napakaharot! 



 

Nakakainis! 



 

Hindi ko alam if magiging grateful ba ako na hindi nakuha ni Karina ang mga corny na pick-up lines ng mga pumuporma sa kaniya eh. Either way kasi ako pa rin ang apektado. 



 

Ang sarap magdabog. 



 

Naubos ang oras namin doon ni Karina kakaharot niya. Mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos noon. Naglalakad naman kami pauwi sa condo ko nang umandar na naman ang pagiging lover girl niya. 



 

“Have I told you how pretty you are?”



 

“Hindi mo ako madaaan sa ganiyan, Karina,” ang tanging nasagot ko sa kaniya. Nasa parking kami ng building ng unit ko at sabi niya, want niya raw mag-kape sa taas. 



 

Duda sa kape. 



 

“What?” natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang naman siya at ini-sway ang kamay naming magkahawak. 



 

Sarap picturan tapos i-send sa IG nung Jake. Tama na siya. Isang buwan na ring papansin sa dm ni Karina ‘yun. Kung ano ano pang sinasabi sa mga interview at laging dinadamay pangalan ni Karina. 



 

Katarina this, Katarina that. 



 

Ewan ko sa ‘yo, Kuya. Dami mong ingay. 



 

“Kape kape ka pang nalalaman,” bulong ko sa hangin habang nakanguso. Malapit na kami sa elevator nang biglang huminto si Karina. 



 

Nagtataka akong humarap sa kaniya. Magkahawak pa rin naman ang mga kamay namin. May maliit na ngiti si Karina sa kaniyang mukha kaya automatic na napangiti na rin ako. 



 

Parang paghinga lang, automatic. Para bang kapag nakita ko siyang naka-smile, smile na rin ako. 



 

“I like your smile,” panimula niya. Namula naman ako nang kaunti bago umiling sa kaniya. 



 

“Tara na sa taas, baliw,” tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula na humakbang pero nanatili pa rin siyang nakatayo kaya napilitan akong bumalik sa dati kong pwesto kasi nga hindi niya pa rin binibitiwan ang mga kamay ko. 



 

Para tuloy kaming naglalaro ng hilahan dito. 



 

Karina ang daming pakulo. 



 

“Uy, sa taas mo na lang ako bolahin–”



 

Nakangiting umiling siya sa akin. “I also like your eyes—no, I think that is an understatement.” 



 

May kakaibang kaba ang nangibabaw sa akin. Naiilang akong tumawa bago marahang binawi ang kaliwa kong kamay mula sa kaniya. Hindi naman ako nagtagumpay nang mas hawakan niya pa ito nang mabuti at umiling sa akin. 



 

“Karina…”



 

Lumingon na ako sa paligid kasi open space pa rin naman ito at artista pa rin si Karina. Kahit naman na nasa parking kami at gabi na, may mga tao pa rin namang dumadaan dito. And super matunog ang pangalan ni Karina ngayon kaya hindi na imposibleng may mga nakamasid na naman sa buhay niya kahit na sinabi niya na ngang pinapahalagahan niya ang privacy niya. 



 

Hindi naman sa ayaw kong makuhaan ng litrato kasama si Karina ulit pero hindi na rin masama ang maging maingat. Hindi pa kami nakakapag-usap nang buo sa set-up namin and another dating rumor sa pangalan niya ay hindi magandang issue. 



 

“Karina, nasa open space pa rin tayo. If you really want to say something, sa taas na lang. Okay?”



 

Tatalikod na sana ako ulit nang umiling na naman si Karina. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya, medyo naguguluhan na rin. 



 

“Baka may nakasunod pala sa ‘yo na may dambuhalang camera tapos–”



 

“I think that’s my goal. To have another dating news with you–Aw!” Hindi ko na napigilan at nahampas ko si Karina dahil sa sinabi niya. Agad namang kumunot ang noo ko sa kaniya. 



 

Baliw ba siya? Anong dating news na naman! 



 

“Naalog ba utak mo, ha–”



 

“No kaya, babe–”



 

“Tigil!”



 

Nakailang lingon na ako sa paligid at pilit na siyang hinihila papasok sa elevator. Ilang hakbang na lang naman kasi! Ano hindi lang makapaghintay? 



 

Inaangilan ko na si Karina pero siya ay nakangisi lang sa akin. 



 

“Karina–”



 

“Coming up with the idea of breaking up with you to save you from drowning with me was probably the most painful idea I have ever thought of–”



 

“Karina–” pagpigil ko sa kaniya. Narinig ko pa lang ang mga unang salita ay gusto ko nang hilahin si Karina sa mga bisig ko. 



 

Umiling siya sa akin bago ngumiti. “No, baby. Let me, please? I know na we talked about this na pero, please?”



 

Tumango ako sa kaniya bago lumapit pa sa kaniya. Agad niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at tinitigan iyon. 



 

“Ning said that I was selfish, that I was unfair, and that you don't deserve that. But, baby, at that time, I thought I was not the one deserving of your love. I thought that being with me was the most unfair thing in the world.”



 

“Yes, Rina. I understand, hmm?” pag-aalo ko kay Karina na ngayon ay umiiyak na habang nakatingin pa rin sa mga kamay naming magkahawak. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko para sana hawakan ang mukha niya pero hindi niya ito ibinigay. 



 

“I am on the edge of exploding, and I do not want you to share the burn with me. I am too focused on saving you from myself to the point na hindi ko napansin na you have the same situation as me. I'm sorry for that, baby. I am sorry for not noticing the similarities we have when it comes to handling pain and trauma.”



 

Tumulo na rin ang mga luha ko sa mga sinabi niya. Npapaikit ako nang maalala ang mga pangyayari bago kami mag-break. 



 

“I’m so sorry, Win,” hagulgol ni Karina sa harap ko. Sa mga kamay pa rin namin ang tingin niya. Hindi ko naman mapunasan kahit ang sarili kong mga luha kasi nakahawak pa rin siya sa mga kamay ko. 



 

“Ang dungis ko na, hoy. Bakit ka ba kasi n-nagpapaiyak?” I joked. Narinig ko naman na natawa siya kaya natawa na rin ako. Sinisilip ko ang mukha niya kaya mas lalo siyang natawa. 



 

Aaminin kong nasaktan talaga ako nang sabihin niya sa akin na wala kaming patutunguhan. Nakadagdag pa na I am going through something that time kay mas doble ang sakit at galit. 



 

I wanted us to stay together until the end. Akala ko kasi noon ay okay lang since wala naman kaming problema sa relationship namin. Personal issues lang so bakit pa siya idadamay ‘di ba? Ganiyan ako noon. 



 

Kahit na napapansin kong ganoon din ang ginagawa niya, hindi ko ito pinansin at nagpanggap na okay lang kami. Na okay lang ang relasyon namin. 



 

Giselle once mentioned how similar we were ni Karina. Sabi niya mukhang parehas kami ng pader ni Karina. Hindi ko siya pinansin syempre. Tapos totoo pala. 



 

“Sa parking lot talaga, Karina? Pwede naman ‘to sa sala ko ah,” tawa ko kay Karina habang hinuhuli ang mga mata niya. Umiiwas lang naman siya pero nakikita ko na ang maliliit niyang ngiti. 



 

Ilang minuto na ganoon ang ginagawa namin. Hindi ko na inalala ang mga stalker ni Karina at bahala na kung makuhaan kami ng picture. 



 

Dedma sa mga bashers na lang siguro. 



 

Humugot ng malalim na buntong hininga si Karina bago ako hinarap. Ngumiti naman ako nang makita ang namumula niyang mata at ilong. 



 

Para talaga siyang itlog huhu. 



 

She caressed my left cheek while having the most gentle smile I’ve ever seen. Gumala ang mga mata niya sa buong mukha ko bago napako sa aking mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga tingin niya at sigurado akong mapula na ang aking mukha at tenga. 



 

Karina sighed before whispering, “I’m in love with you,”



 

Napapikit naman ako dahil doon. Naramdaman ko ang pamamasa na naman ng mga mata ko. 



 

Karina, ano bang ginagawa mo sa akin? 



 

“I’m in love with you, Winter,” pag-uulit niya sa mas malakas na boses. Nantili akong nakapakit habang dinarama ang mga haplos niya sa pisngi ko. 



 

“C-can you please be mine? Again?”



 

“Please, baby,” mahina niyang bulong malapit sa mga labi ko. Kinagat ko ang labi ko bago namumungay ang mga matang tumingin sa kaniya. Ramdam ko ang pagtaas ng temperatura dito kahit na airconditioned ang parking space ng building na ito. 



 

Nakatingin lang ako sa kaniya bago siya hinila papasok sa elevator. 



 

Hindi ako fan ng PDA at ayaw kong makita ng buong mundo kung paano kita halikan kaya aakyat na tayo sa unit ko, Karina.  

 



 

“Doc Medina is looking for you na, babe,” sabi ni Karina mula sa kabilang linya. Tinignan ko naman ang orasan at nakitang 5:30 pa lang ng umaga. 



 

“Ang aga naman? Hindi pa nga ako tapos magkape!” reklamo ko sa jowa ko. Totoo naman kasi eh. Umirap pa ako kasi Doc ang tawag ni Karina kay Prof Medina. 



 

“Babe, you gotta admit na she’s a doctor because of her doctorate sa Japan”



 

“Okay. Hindi ko naman kinukwestyon ah”



 

“Pero Prof pa rin tawag mo not Doc”



 

“Doon kasi ako sanay”



 

“Hmm, true ba ‘yan?”



 

“Babe? Anong tingin mo sa akin, liar?”



 

“No naman–”



 

“Kiss na naman siya oh”



 

“Haha pero no, babe. I just thought na kaya ka ganyan kasi palagi kang pinagr-revise ng script ni Doc”



 

“Revise? Sus, basic. Ako naman nagsulat noong guide niya kaya oks lang ‘yun, baby”



 

“Eh bakit lukot lukot mga script namin, babe?”



 

Feel ko talaga buntis ‘tong si Prof Medina tapos ako ang pinaglilihian. Laging ako ang hinahanap kasi. 



 

Titignan ang angle ng camera, Winter agad. “Winter, check the angle if okay siya”



 

Pipili ng magiging damit nung Jake sa cameo niya sa drama, Winter ulit. “Winter, what do you think?”



 

Winter kapag may babaguhin sa script. Winter kapag aayusin make-up ni Karina. Winter kapag walang kape ang mga staff. 



 

Winter na naman! 



 

Busy nga po ako humarot sa tent ng jowa ko! 



 

Kaya ko nga tinanggap ‘tong trabaho para more time sa bebe ko tapos kukunin niyo pa! 



 

Siya rin pala ang direktor. Akala ko naman siya lang in-charge sa script and so what. ‘Yun pala one-man ang peg niya. Okay po pero bakit Winter ka po nang Winter. 



 

“Buntis talaga ‘yang direktor niyo, baby,” ungot ko sa jowa ko. Tumawa lang naman siya sa akin kaya inis akong nagsawsaw ng tinapay sa kape ko. 



 

Grabe super imposible ba na buntis si Prof???



 

Grabe kasi kung makatawag akala mo ako ang apprentice niya? 



 

Excuse me po pero Mech Eng po ang tinapos ko. 



 

“Babe, she trusts your opinions kasi. And ayaw mo nun, more time for us na magkasama,” pag-aalo sa akin ni Karina. 



 

“Baby paanong more time for us eh lagi niya akong tinatawag!” high-pitched kong reklamo sa jowa kong tawa lang naman ng tawa. Hindi niya ba feel na super stressed na ako sa direktor ng drama nila at onti na lang talaga eh magr-resign na ako. 



 

I resign! Magtitimpla na lang po ako ng kape maghapon sa Legarda kesa dito! 



 

Ganiyan talaga sasabihin ko kay Prof Medina kapag inutusan na naman niya ako outside sa script making or editing. 



 

Talagang talaga! 



 

Tawa pa si Karina sa sinabi ko eh totoo naman ‘yun? 



 

Talagang talaga!



 

I swear to–



 

“Ah, sige po, Prof Medina”



 

“Prof pa rin, Winter?” tawa sa akin ni Prof Medina na ngayon ay nandito sa loob ng tent ni Karina. Pumasok siya dito kanina noong nagd-decide kami ng outfit ni Karina bilang Kallie today. 



 

Hindi naman ako in-charge sa mga damit damit na ‘yan pero nandito ako kasi utos na naman. Hindi naman ako makatanggi kasi binanatan ako ng; 



 

“I believe na you know kung saan pinakamaganda si Karina, Winter”



 

Pumalakpak naman tenga ko kaya gora lang. True naman kasi na alam ko kung saan pinakamaganda si Karina. 



 

Kapag nasa pangangalaga ko ganun hehe. 



 

Hilaw naman akong ngumiti kay Prof Medina na may bago na namang utos. I-practice raw si Karina sa mga lines niya today. Hindi pa raw kasi tapos mag-shoot sa ibang lugar ang dapat partner ni Karina sa eksena nila today kaya proxy muna raw ako para masanay ang dila ni Karina. 



 

Napatanga lang naman ako sa kaniya kasi hello, si Karina and practice? Eh simula teenager ‘yan eh ummarte na. 



 

Ano ‘yang sinasabi niyang practice practice? 



 

“Thanks, Doc!” masayang sabi ni Karina kay Prof noong nagpaalam na ito sa amin. Lumingon naman siya kay Karina bago nagbigay ng kakaibang ngiti sa amin at nakuha pang kumindat kay Karina. 



 

Kunot noo akong tumingin kay Karina. Inilingan niya lang naman ako bago tumitig kay Ningning na parang walang balak umalis sa tent na ito. 



 

“Don’t mind me na lang,” seryoso niyang sabi habang nagtitipa sa cellphone niya. Naguluhan naman ako kasi hindi ganoon ang typical Ningning. And himala na hindi niya kami inasar sa pagsosolo. 



 

“May lagnat ka ba?” tanong ko kay Ningning. Masungit niya naman akong inirapan. 



 

“What do you think, Minjeong?”




 

Ay, okay lang pala siya. 




 

Tumango tango ako bago siya sagutin. “Ay, wala pala. Okay ka lang pala talaga. Nananahimik din pala ang mga maiingay ‘no, babe?”




 

Narinig ko ang pagtunog ng upuan kaya agad akong napalapit sa jowa kong masaya na naman sa bangayan namin ng manager niya. 



 

“Yes, Gi. Palabas na ako. Can you wait na lang sa car mo? Mainit kasi you know–” agad akong napatayo nang maayos nang marinig ang pangalan ng kaibigan ko. Nilingon ko si Ningning na ngayon ay nag-aayos na ng gamit niya at lalabas na. 



 

“Hoy, anong Gi? Ning, hoy!”



 

“Yes, babe. Coming na,” pang-aasar sa akin ni Ningning bago dumila pa sa akin. Hahabulin ko sana siya nang maramdaman ko ang braso ni Karina sa bewang ko. 



 

Agad kong nilabas ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe kay Giselle. 



 

Me:

Nagkabalikan na ba kayo?



 

Me:

Tangina mo if oo



 

Me:

Hindi tayo bati




 

Me:

Tapos sinundo mo pa dito? And car ang dala mo at hindi motor? 




 

“Baby, nagkabalikan na sila? Alam mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin!” reklamo ko sa jowa kong nasa likod ko lang. 



 

Kunot noo akong nagt-type ng mga message kay Giselle habang si Karina eh patawa tawa lang na nakayakap sa akin mula sa likod. Sinilip niya mula sa balikat ko ang reply ni Giselle bago tumawa sa may tenga ko pa talaga. 



 

Gigi:

Nananaginip ka ba o ano? 



 

Gigi:

Ang aga aga pa, Win ang ingay mo na agad



 

Me: 

9AM na, Giselle



 

Gigi:

Exactly and my alarm will go off ng 10AM



 

Gigi:

ANG GANDA NA NG PANAGINIP KO WINTER 



 

Gigi:

Sa condo mo ako matutulog mamaya, er



 

Gigi:

u



 

“Huh? Akala ko ba…”



 

“Silly, niloloko ka lang ni Ningning,” tawa ni Karina. 



 

Malilintikan na talaga sa akin ‘yang manager ni Karina. Maabutan ko lang talaga ‘yan. 



 

Hinila ako ni Karina paupo sa maliit na sofa na nandito sa tent niya. Hindi siya bumitiw sa pagyakap sa akin kaya nakakandong tuloy ako sa kaniya. Agad ko naman siyang hinampas kasi baka mahuli kami ng mga staff nila. 



 

Hulaan mo reply ni Karina. 



 

Syempre tawa na naman. 



 

Ganiyan naman ‘yan lagi eh. Tawa tawa lang ganon. 



 

Happy pill niya raw kasi ako. Sabi ko eme niya. Kaka-twitter niya ‘yan eh. 



 

“Mamaya may live kayo ‘di ba? ‘Yung sa alcohol related na show? Ay live ba ‘yun?” tanong ko kay Karina. Nakasuksok lang naman siya balikat ko at hindi nagsasalita kaya medyo ginalaw ko siya. 



 

Ay, tulog. 



 

Pero ayun ang alam ko is may guesting siya sa isang show na may involved na alcohol. Basically, iinom lang sila sa national TV habang nag-uusap. 



 

Matagal na ang show na iyon pero first time pa lang na dadalo si Karina sa kanila. Feeling ko nga kaya siya kinuha as guest eh mang-iintriga lang. Alam naman kasi ng lahat na super private ni Karina sa buhay niya na kahit sa mga interviews, halos walang nakakalusot na mga personal questions. 



 

Lalasingin niyan si Karina para makakuha ng chika tignan mo. 



 

Hindi naman ako kabado kasi super lakas ng tolerance ng jowa ko. Daig niya pa ang resident tanggero namin na si Ryujin na siyang pinakamalakas sa amin sa usapang inuman. 



 

Nagkita kasi kami last week para sabihin sa kanila na isa akong marupok na bading na bumalik sa ex niya. Pinakilala ko na rin nang maayos si Karina sa kanila. 





 

“Anak ka ba talaga ni Muhi?” tanong ni Ryujin kay Karina pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa condo ni Isa at Seeun. 



 

Dito kami sa kanila ngayon kasi ayaw ni Ryujin na madumihan ang condo niya. Akala mo naman talaga. May tinatago lang ‘yan kaya ayaw niya magpapasok sa bahay niya. 



 

Sabi nga ni Giselle, fishy daw ni Ryujin these past few weeks. 



 

Sabi rin ni Seeun, may binabahay na raw. 



 

Gulat naman ako kasi parang ang imposible naman. Knowing Ryujin na hindi pa nakakamove on na magjowa ang dalawa niyang nilandi, medyo imposible talaga. 



 

Kaso noong sinabi niya na bawal daw uminom sa unit niya, naniwala na ako. 



 

Dalawa lang kasi ‘yan, may babae sa unit niya o nandun ang pinsan niya. 



 

Ayan lang talaga ‘yun. 



 

Andito tuloy kami sa condo ng magjowang sila Isa. Hindi ko naman na first time pumunta dito pero hindi rin naman madalas. 



 

Kasi syempre isa itong unit ng magjowa kaya…uhm… basta! Madalas kasi ay sa amin nila Ryujin ang hangout place namin eh.



 

Hindi pwede kay Giselle kasi may border siya, si Ate Krystal. Ang kapatid niyang ginawang personality ang maging clingy sa kapatid niya. 



 

Anyways, hindi naman awkward ang jowa ko. Chill lang siya at parang model pa kung makahawak ng beer habang nakaupo sa sofa nila Isa. 




 

“That’s the most memorable pick up line, to be honest”



 

Tawanan ang narinig ko nang sabihin iyon ng jowa ko. Agad naman akong namula at minura si Ryujin na hindi matahimik kakabanggit kay Muhi. 



 

Kinurot ko si Karina kaya napalingon siya sa akin. Tumatawa lang naman siya habang hawak ng kanan niyang kamay ang beer na binigay ni Seeun habang nasa bewang ko ang kaliwa. Inirapan ko siya at ngumuso, nagtatampo kasi nakikisali pa siya sa pang-aasar sa akin. 



 

Hindi ko naman sadya talaga ‘yun! ‘Tsaka nainis kasi talaga ako sa paghawak niya sa akin that day kaya nasabi ko na anak siya ni Muhi. Gusto ko lang naman kasi magpahinga sa Linear Park tapos narinig ko siya at ang artistang pinaasa niya. 



 

“Joking, babe hehe,” bulong sa tenga ko ni Karina bago ako bigyan ng magaan na halik sa kanan kong pisngi. Kunot pa rin naman ang noo ko na naka-middle finger kay Ryujin. 



 

Hindi mo ako madadaan sa halik halik na ‘yan, Karina. 



 

Umakto naman na nasusuka si Ryujin nang makita ang ginawa ni Karina sa akin. “Nakakadiri! Ew! Yuck! My eyes!”



 

“Kapag inggit, pikit. Musta na si Lia, Ryu?” balik kong pang-aasar kay Ryujin. Naalala ko tuloy si Yeji. 



 

Medyo nagkausap na kasi kami ulit noong tinanggap ko ang offer ni Prof Medina. Isa rin naman kasi si Yeji sa mga naging part ng original film na sinulat ko kaya hindi na rin kataka taka na kinausap din siya ni Prof Medina. 



 

Nasa ibang bansa raw nagw-work si Lia ngayon. Hindi naman daw permanent pero may inaasikaso lang sa main branch kaya nandoon ang jowa niya. Tapos may aso raw sila dalawa sa unit nila na tinuturing nilang baby ni Lia. 



 

Sabi ko nice kasi nice naman talaga. Tapos ayun chinika niya na lang si Lia the whole time na magkausap kami. Hindi nga kami masyadong nakapag-usap about sa film eh basta sabi niya nandun naman daw ako okay na ‘yun. 



 

Tapos naalala niya pa pala na ako si Minjeong and kaibigan ko si Ryujin. Inaya niya nga kami ng hangout once na makauwi ang jowa niya. Sabi ko try ko. Tumawa lang naman siya. 



 

“Hindi talaga uso sa ‘yo magmove-on ‘no? Tagal na nun, Winter” angil sa akin ni Ryujin na uminom nang sunod sunod na shot. 



 

“Hala ka,” rinig kong sabi ni Seeun sa jowa niya. Napailing naman parehas si Isa at Giselle kasi sure kaming maglalasing talaga si Ryujin ngayon. 



 

Ay, labas na po ako diyan. ‘Tsaka siya naman ang nag-umpisa, gumanti lang ako. 



 

Wala namang kakaibang nangyari sa gabing ito. Chill lang naman kami lahat habang umiinom. Minsan ay nagtatanong sila sa amin ni Karina na game na game naman sa pagsagot. 



 

“Saan kayo nagd-date? I mean, artista ka kasi” - Isa



 

“Anywhere. Pero mostly sa condo ko lang or ni Win since madalas gabi kami nawawalan ng trabaho” - Karina



 

“Kelan anniv nyo?” - Ryujin



 

“Eh? Nagbreak sila ah?” - Seeun



 

“Baliw, ang alam ko umabot sila ng isang taon” - Ryujin 



 

“Ano–” me sana kaso umepal naman agad itong si Ryujin. 



 

“Si Karina kasi ang tinanong, Winter”



 

“Nov 17, Ryujin”



 

“UY!” nagulat naman kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Ryujin. Kahit si Giselle na natutulog na ay nagising. 



 

“Malapit na sana anniv nyo! Next week na!”



 

Tumango lang naman si Karina bago kumuha na naman ng isang bote ng beer. Nakakarami na siya at medyo namumula na rin siya pero parang wala lang. Maayos pa rin ang upo at ang pagsasalita niya compared kay Ryujin na wasted na. 



 

Ang lakas talaga ng tolerance niya akala ko dinadaya lang ako kapag umiinom kami dati. 




 

At buong araw kinabukasan na ininda ni Ryujin ang sakit ng ulo niya dahil sa inuman naming iyon. Maraming nainom si Ryujin pero mas lamang pa rin si Karina pero pamumula at ang madaldal na bunganga lang ang epekto kay Karina. 



 

Mas lumandi lang siguro pero nature na ni Karina ang pagharot kaya hindi na ako nagtaka. Medyo honest lang talaga siya kapag umiinom kaya ano kayang mangyayari sa live nila mamaya. 



 

Nagising din naman si Karina pagkatapos ng ilang minuto. Nakadukdok pa rin naman siya sa balikat ko at paminsan minsan ay inaamoy ito. 



 

Amazed na naman ‘yan sa downy kong gamit. Sabi ko kasi sa kaniya downy na lang din gamitin niya kaso uubusin niya raw muna stock niya before magpalit. Sayang daw kasi. 



 

Matipid ang aking bebi, ‘wag kayo. 



 

“Sa condo ko ikaw later?” mababang tono na tanong ni Karina sa akin. Medyo malat pa nga siya kasi kagigising niya lang. Umiling naman ako sa kaniya kasi anong gagawin ko sa condo niya eh wala naman siya doon. 



 

“Wala ka naman doon, baby. Sa bahay na lang me mamaya” sagot ko sa kaniya habang inaayos ang script sa tablet na pinahiram ni Prof Medina. 



 

Medyo polishing na lang din naman ito ng lines and checking if hindi ba siya cringe kapag sinabi kaya madali na lang. 



 

Narinig ko naman ang pag-ungot ni Karina sa likod ko. Humigpit naman ang yakap niya sa bewang ko kaya bahagya ko siyang nilingon. Nakanguso na siya sa akin ngayon. 



 

“Doon ka na lang manood ng live ko later, babe”



 

“Ngek, katakot mag-isa sa condo mo ‘tsaka ano naman meron if sa bahay ako manood, aber?” 



 

“So that when I go home, andun ka?” 



 

Agad akong tumayo at umalis sa lap ni Karina nang sabihin niya iyon. Maliit ang mga mata kong tinignan si Karina habang patalikod na naglakad papalayo sa kaniya. Tumatawa lang naman si Karina habang umiiling. 



 

“Babe, I swear haha. Utak mo, babe haha”



 

“I swear daw pero ang laki ng ngiti. ‘Wag ako, Karina. Kabisado na kita eme mo diyan” pagsusungit ko bago lumabas na ng tent niya para kumuha ng pagkain. Narinig ko naman ang malakas na tawag sa akin ni Karina habang tumatawa. 



 

“Baby!”





 

“Baby haha,” tawang sagot ni Karina matapos siyang papiliin ng host kung ano ang mas ginagamit niyang endearment sa pagitan ng love at baby. 



 

Hiyawan naman ang narinig sa live dahil pati ang mga staff sa show kung nasaan siya ngayon ay kinilig sa sinabi niya. 



 

Nandito ako ngayon sa condo ni Karina, nanonood ng variety show guesting niya. Live ito at nakakailang minuto na rin sila. 



 

Bago pa magsimula ay pinainom na sila parehas ng host para raw may tama na talaga sila pagka-air ng live. Limited lang naman kasi ang air time nila and nabalitaan pa nilang high tolerance ang jowa ko. 



 

“Ay, may nakapagsabi kasi sa twitter na high tolerance ka, Karina”



 

Tumingin pa sa camera si Karina nang marinig iyon at parang naninisi pa. Tinaas niya ang isa niyang kilay sa camera kaya napailing naman ako agad. 



 

Trending na naman siya sa twitter, sure ako. 



 

Pero sino ang nagsabing high tol ang jowa ko?



 

Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko na ito. Tinatanong lang naman si Karina about sa mga projects na before and sino sa mga character ang favortie niya. 



 

Ryuuu

Ako ‘yung nagsabi na high tol siya hahahahaha




 

Isa

Ay wow, ang mature mo lang sa part na yun ryu




 

Ryuuu

Hala bat nagagalet




 

Isa 

Baka kasi hindi pa rin malinis ‘yung sinukahan mong carpet? Ano na shin? Nasaan na ang bayad pagpapalinis non




 

Natawa naman ako sa bangayan nila. Nasukahan kasi ni Ryujin ang isa sa mga favorite carpet ni Isa noong iminom kami sa kanila. Busy rin si Ryujin kaya hindi niya maasikaso. Ang sabi niya ay ipa-linis na lang at siya na ang bahala sa bayad pero ang gusto ni Isa ay si Ryujin mismo ang kukuha sa bahay nila Isa at siya ang magdadala sa cleaner. 



 

In short, busy si Ryujin at mataas ang pride ni Isa. 



 

Ilang araw na silang ganiyan. 




 

“Kallie would be my favorite” sagot ni Karina. Tumango tango lang naman ang host sa kaniya bago binigyan ulit ng alak si Karina. 



 

Namumula na si Karina pero mukhang maayos pa rin siya umupo at magsalita. Ayun na nga lang, sagot lang nang sagot ‘yan kahit personal na ang tanong kasi honest lang siya kapag lasing o tipsy. 




 

“Ang tanong ng viewers ay bakit daw? Anong special kay Kallie na kahit hindi siya ang bida ay favorite mo”




 

“Kallie was…Kallie. Haha am I making any sense pa ba? Pero doing Kallie was the most memorable one, I think? So far pa lang naman haha”




 

Ang cold and cool image ni Karina ay sure akong makakalimutan after ng gabing ito. Lantad na lantad kasi sa mundo ang bubbly Karina and ang Karina na palaging naka-haha. 



 

Touched naman ako kasi sure akong ako ang dahilan kung bakit memorable si Kallie. 



 

Syempre, maga-assume na ako. 



 

Kahit ang host ay inlove na ata sa jowa ko. Rinig din naman sa live ang mga “aww” ng mga tao sa likod ng camera. 



 

Mas lalo pang ngumiti ang jowa ko dahil sa narinig. 



 

Sarap ibulsa talaga. 



 

Tunog na nang tunog ang cellphone ko. Mga messages mula kila Isa at mga mentions nila Alison sa Twitter. 



 

Oo, ang cute ng jowa ko. Gets ko ‘yan guys. 



 

“Totoo ba ang chismis na habang umaarte ka bilang si Kallie mo nakilala ang ex mo?”



 

“Oh my God, she’s gonna kill me,” bulong ni Karina na rinig na rinig naman sa live. Natawa naman ako kasi napag-usapan namin before na ‘wag dadalhin sa interviews ang relasyon namin. 



 

Sabi sa inyo, honest ‘yan kapag lasing eh. 



 

Natawa ang buong studio sa narinig. Nakita ko naman ang pagdagsa ng comments sa live nila. 



 

Ang swerte ng ex!!



 

Itabi mo na, Ate gurl



 

EX REVEAL



 

Bakit kaya sila nag-break?



 

Nakita ko naman ang mga comment nila Ryujin at nila Alison. Sakto pa na tumitingin ng mga comment sila Karina kaya nabasa niya talaga ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko. 



 

“From Ruru, ano po first letter ng name ng ex niyo? From Isa, Dalawa, Tatlo, ano naman po second letter ng name ng ex niyo? Haha funny ng fans mo, Karina ha”



 

Tumatawa si Karina habang nags-scroll sa Ipad na hawak niya. Nakangiti naman akong nagcomment. 



 

Kapag nabasa niya edi may mata siya. 



 

Uwi ka na, love haha



 

Pagkasend ko noon ay inabangan ko talaga ang magiging reaksyon niya. Patapos naman na kasi talaga ang show nila kaya sumasagot na sila ng mga comment ng mga fans. 



 

Pulang pula na rin kasi si Karina at sure akong kapag tinanong ‘yan tungkol sa amin, may makukuha talaga silang chismis. 



 

Umiinom si Karina sa baso niya nang bigla siyang mapatigil sa pag-inom. Ilang segundo rin siyang nanigas sa kinauupuan niya kaya naalarma na rin ang host sa tabi niya. 



 

“Karina?” 



 

“H-huh?” namumulang sabi ni Karina bago nag-iwas ng tingin sa camera. Umayos siya ng upo at ngumiti sa host. 



 

Naguluhan ang lahat sa kinilos niya kaya muli siyang tinanong kung anong nangyari. Hindi naman na sumagot si Karina at tumawa na lang. 



 

Feel ko nabasa niya comment ko. Syempre kasi assumera ako eh. 



 

“Okay, last question since matatapos na ang ating live. Any clue sa ex mo?” 



 

Kung hindi siguro lasing si Karina, nagwalkout na siya. Personal kasi masyado ang tanong pero dahil medyo tipsy na ang aking baby, hindi na niya ito napansin. 



 

Karina smiled before pointing straight sa camera as if she’s pointing at me. “There”



 

Nagulat naman ang host kasi super confident ni Karina sa pagkakasabi noon. “Ay, so sure kang nanonood siya ngayon?”



 

Parang bata naman na tumango si Karina sa host. “You always play her favorite song kasi here. She basically introduced this show to me hehe”



 

Sabi sa inyo eh. 



 

Nagulat naman lahat sa studio nila kasi syempre hindi naman ugali talaga ni Karina na magwkento ng kaniyang personal life sa camera. Sure akong lalasingin na siya ng mga interviewer everytime na may interview siya para makachismis sila. 



 

Nagwawala ang mga fans ni Karina sa twitter matapos ang live. Trending na naman siya. Karamihan sa mga posts ay tungkol sa pagiging mahina sa bubbly character niya. 




 

nunal ni Karina

@yoorinarinarina

 

ur telling me na all this time ganiyan ang nakikita ng ex ni karina? gurl… 




 

sampalin mo rin ako karina

@emmarinay

 

streets are saying na super cute ng ex ni karina kaya hindi makaahon ang ating idol



 

ysay saw karina

@ysayyooooooo

 

lasang hindi pa nakakamove on si karina sa ex niya



 

faye bff ni rina

@marengkars01

 

i smell something fishy @officialkrny 



 

Binuksan ko ang thread ng twt ni Faye at nakita si Karina na nag-reply. 



 

Nagreply siya gamit ang official niyang account. 



 

Karina Yoo

@officialkrny

 

my girlfriend said thank you for the art tickets, faye! visit ka naman daw sa shop kasi she misses you na :((((((



 

Karina Yoo.



 

Hindi ko na talaga alam gagawin ko sa ‘yo. 



 

Yari na naman kami kay Ningning. 



 

Shet talaga. 



 

Narinig ko ang pagbukas ng unit ni Karina at maya maya pa ay naramdaman ko ang paghalik ni Karina sa balikat ko. 




 

“Babeeeeeeee. You called me love kanina, right? Right? Right?”



 

Tumunog na nang malakas ng cellphone ko. Napapikit na lang naman ako habang sige pa rin sa paglalambing itong lasing kong jowa. 



 

Wala naman kaming ganitong scenario dati kasi never namang nag-reply si Karina sa twitter gamit ang official niyang account kasi nga, hindi niya naman ginagamit iyon. 



 

Ano bang gagawin koooo. Sure akong mambubulabog si Ningning. 



 

Sure ako kasi ang ingay na ng phone naming dalawa ni Karina. 



 

Habang stressed ako dito, itong jowa ko na pasimuno ng lahat ay masayang nagk-kwento tungkol sa napanood niyang episode ng Bluey. 



 

“Baby, let’s watch Bluey tomorrow? Please? I don’t have shoot naman tom eh. O kaya let’s rewatch The Good Dinosaur na lang? Promise I won’t cry na hehe” 



 

“Yes, baby. Nood na lang tayo bukas. Lock natin pinto para ‘di makapasok si Ning haha”



 

“Yay!” masayang sabi ni Karina. Nag-iba naman ang mga mata niya at bumulong sa tenga ko. “Kiss mo na me, baby hehe I didn’t spoil your name kanina!” 



 

Haha. 



 

Nagpahila na lang ako sa jowa ko papasok ng kwarto niya at hindi na inintindi pa ang maingay naming mga cellphone. 



 

I’m sorry guys pero dedma sa bashers kami tonight.  

 

 

======

see u next year po

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
266 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap