winter special set

the 1

 

“Anong restaurant, teh? Kaya hindi ka makaalis kasi down system ng gcash,” a new voice appeared out of nowhere. 



 

Ang titigan naming dalawa ni Karina ay natigil nang biglang pumasok sa tent ang manager niya, si Ningning. Medyo sketchy pa rin for me na manager siya ni Karina kasi for what I know, mas mayaman pa si Ningning sa owner ng company label ni Karina. 



 

Naalala ko before noong sinusundo namin ni Ningning si Karina sa mga shows and interview niya eh magarang sasakyan pa ang gamit niya. Mind you na hindi artist van ang gamit niya kung hindi ang sarili niyang sasakyan na mas mahal pa ata sa buhay ko. 



 

Pinagalitan din siya ni Karina noon kasi agaw pansin talaga. Ang tanging reply naman ng manager natin ay, “What? Even sa sasakyan na gagamitin ko is need ko ng validation nila? Look, all my life I’ve been chasing for some tapos–” 



 

Ako na lang ‘yung nahiya noon eh. Kinain ko na lang ‘yung cupcake na dala ni Karina from her fans na inabangan talaga siya sa labas ng studio. Tuloy naman ang usapan na more like bangayan nila habang binabagtas ni Ningning ang kahabaan ng Taft. 



 

Anyways, ayan na nga siya. 



 

Ningning entered the tent na para bang siya ang artista at kami ang kaniyang mga alalay slash taga-dala ng mga damit niya. Maarteng tumayo lang naman siya sa gilid ko at nakaharap kay Karina na may nakamamatay na tingin kay Ningning. 



 

“Why are you here?” Karina asked sharply sa katabi ko. Hindi naman ako umimik kasi ayaw ko madamay. Feel ko talaga mag-aaway na naman sila mamaya. 



 

“Hindi ba’t dapat ako ang nagtatanong niyan? What are you doing here with your…uh…ex?”



 

Nasamid naman ako sa laway ko. Mabilis kong nilingon si Ningning na nakatingin na pala sa akin at may pamilyar na ngisi na naman. Imbes na mainis o magalit, agad naman akong nakaramdam ng lungkot. 



 

I don’t know why I suddenly missed that smirk of hers. Baka kasi ito rin ang unang pagkakataon na makita ko siya after ng break up namin ni Karina. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kaniya 



 

Okay, medyo miss ko siya. Slight lang naman. 



 

Hindi lang naman kasi manager lang ni Karina si Ninging. Napakalayo ng mga binabalita dati na hindi raw close si Karina sa manager niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit super invested nila sa buhay ni Karina. Siguro kasi she really built a very solid private life kaya the media and the people around it wants to know pieces of her life na hindi kita sa kamera. 



 

Malamang, sino ba namang hindi curious behind her beauty and wits. 



 

Pero ayun na nga, balik kay Ningning. Feeling ko naging bff ko na rin siya after namin maging kami ni Karina dati. Alam mo ‘yung kahit super contradicting ng ugali and way of thinking namin, nag-click kami. May humor naman pala siyang medyo same sa akin and the way na we both like Karina ang sa tingin kong common ground namin. 



 

At ngayon nakita ko ulit siya after ng ilang buwan, naiiyak ako. Hindi naman ako iyaking tao pero ang vulnerable ko lang talaga these past few months. Speaking of iyakin, si Karina ang literal na iyakin. Naalala ko noong first time ko mag-sleep over sa condo niya. ‘Yung time na naging official kami. 



 

Grabe ba iyak niya nun. 



 

Hindi dahil masaya siya kasi naging kami na. Naiyak siya dahil sa pinapanood namin. Sino ba naman kasing mag-aakalang kakaiba pala ang tear duct niya. 



 

“Anong tingin ‘yan? Hey, don’t tell me–”



 

“Ning, seriously. Bakit ka here?” pagputol ni Karina kay Ningning nang kokomprontahin na sana ako nito sa pag-luha ko nang kaunti. 



 

Nilingon ko naman si Karina at nakita ang pagtaas ng isa niyang kilay sa akin. Mas lalo naman akong napanguso dahil iyon ang ginagawa niya dati kapag nililigtas niya ako sa tukso ni Ningning. 



 

Giselle, magagalit ka ba kapag sinabi kong handa na ulit akong maging aliping sagigilid? 



 

“Conyo much? Tigilan mo ako, Karina. Parang kahapon lang you’re like what? Englishera tapos now–”



 

“Just stop okay? Why are you here nga ba talaga? I thought you’re in Ortigas?” 



 

Agad namang tumaas ang kilay ko sa narinig. Ortigas? Ang alam ko ay nandun din si Giselle ngayon. 



 

Anong meron? 



 

Ang…fishy. 



 

Pinagmasdan ko si Ningning na kaswal na hinila ang upuan sa tabi ko at umupo. Naki-inom pa sa tubig ko. Ramdam ko rin naman ang tingin ni Karina sa manager niya. Inobserbahan ko ang mukha ni Karina para malaman ang ganap ng bff niya kaso tulad ko, clueless din siya. 



 

Ganito na ba ang mga bff ngayon? 



 

Sabagay. 



 

Kaya automatic na si Giselle ang naalala ko nang malamang galing sa Ortigas si Ningning kasi naalala kong lumabas din sila dati. Akalain mong nagustuhan ni Ningning si Giselle noong minsang ibigay ni Karina ang number ng kaibigan ko. 



 

Nagkaroon pa nga kami ng double date eh. 



 

Ang kaso lang ay noong nawala ang amin ni Karina, wala na rin akong narinig mula sa kaibigan ko sa status nila ni Ningning. Agad naman akong natulala nang mapagtanto ang lahat. 



 

Dahil super broken hearted ako sa nangyaring break up namin ni Karina, hindi ko napansin na hindi na nababanggit ni Giselle si Ningning o kitain man lang ang manager. 



 

So ano ang nangyari? 



 

“Eh bakit ka nakatingin, Winter?” mataray na tanong sa akin ni Ningning. Hindi naman ako agad sumagot tinitigan lang siya nang kakaiba. Nakita ko naman ang pagbabago ng mukha ni Ningning at narinig ko ang munting halakhak ni Karina. 



 

“Ah, diyan din kasi si Giselle ngayon,” pa-eme ko sa kaniya. Mukhang hindi naman niya kinagat ang nonchalant effect na ginamit ko kasi hindi pa rin nawawala ang masamang tingin niya sa akin. 



 

Parehas talaga sila ng alaga niya na mahilig tumingin nang masama. 



 

“If you’re thinking na magkasama kami kanina–”



 

“Yes, iniisip namin siya,” extra ni Karina kay mas lalong nainis si Ningning. 



 

“-Well, you’re wrong kasi hindi kami magkasama”



 

“Wala naman akong sinasabi,” nakangiting asar ko sa kaniya. Mabilis ko namang inilag braso ko sa kaniya dahil sure akong manghahampas ‘to. Parehas ng mannerism ni Karina tuwing nakakaramdam ng inis, saya, o ano pa man. 

 

Malakas na tumawa ako nang mailagan ko ang hampas niya. Deafeted naman siyang nakaupo sa tabi ko at masama ang tingin sa akin. Si Karina naman ay tumatawa lang din naman. Nanahimik naman kami after ng ilang minutes. Naisip ko namang tanungin si Ningning kung anong nangyari sa kanila ni Giselle pero feel ko babalik sa akin ‘yung tanong ko eh. Kaya mas minabuti ko na lang na manahimik. 



 

Agad ko namang naramdaman ang pagka-awkward sa paligid kasi kahit si Ningning mismo ay tahimik. Ang inakala kong mangunguna pa siya sa pang-aasar sa amin ni Karina ay hindi nangyari. In fact, tahimik lang siyang nagp-phone sa tabi ko. Si Karina naman ay parang natalo habang nakatingin sa amin ng kaibigan niya. 



 

Naudlot kasi ‘yung muntik na namin maging usapan. May next time pa naman, Karina. Don’t worry ready na ang tuhod ko next time. 



 

Ilang minuto ang nakalipas nang makarinig kami ng ingay mula sa labas ng tent. Boses iyon nung Jake at ni Prof Medina. Napairap naman ako bigla kasi si Karina na naman ang hinahanap. I mean, courtesy naman ata talaga dapat na batiin mo ang co-star mo kaso parang super invested naman ata siya na makita si Karina. ‘Tsaka hindi naman na siya part ng production na ito ‘no. 



 

Nagkatinginan kami ni Karina. Nakita ko ang pagtutol sa mga mata niya na siyang ikinabilis naman ng tibok ng puso ko. Ginantihan ko siya ng tingin. 



 

Wala akong magagawa. ‘Tsaka ayaw ko kumausap ng lalaki ngayon. 



 

Sumimangot naman siya agad sa akin at ngumuso bago tumingin nang malamlam sa akin.  

 

 

Do I really have to face him? Like right now? Eh we’re talking?



 

Luh, anong talking? Grabe ka naman Karina eh hindi mo pa nga ako tinatawag na baby–JOKE. 



 

Anong talking? Hindi tayo nag-uusap ‘no.



 

Kakausapin ko na sana nang maayos si Karina nang biglang humarang ang kamay ni Ningning sa harap namin. Napatalon naman sa gulat si Karina na parang kanina lang ay nagpapacute sa akin. 



 

Lakas magpacute akala mo bati kami? 



 

Nilingon ko si Ningning na nakairap na agad sa akin. Ako na naman sisisihin nito pustahan. Lagi naman eh like ako ba ang nanghaharot? Hindi naman ah!



 

“Kumain na ba si Katarina, Direk?”



 

“Huy! Anong Direk? Jake baka marinig ka ng ibang tao isipin pa na ano,” rinig kong mahinhing sabi ni Prof Medina sa Jake. Nag-isang linya naman ang labi ko nang marinig ang mahanging halakhak nung Jake. 



 

Katarina na naman! 



 

Porket nabanggit lang ni Karina almost a year ago na she’s been liking her stage name eh umepal na naman ang mga lalaking ito. Nakakainis na kasi hindi lang ‘yang Jake na ‘yan ang nagbago ang tawag kay Karina matapos ang interview niya. 



 

Mga sipsip. Gusto ko na sanang sabihin sa kanila na excuse me, dahil sa akin kaya want niya ng Katarina ‘no. Kaso parang ang uncivilized naman kaya hindi ko na tinuloy. Kaso sa nangyayari ngayon, dapat pala ginawa ko na lang din. 



 

Karina nga, Karina! Ayaw ni Karina ng Katarina! 



 

Umirap ako sa hangin dahil hindi pa rin natitigil ang Jake sa paghahanap kay Karina. Ineeme pa si Prof Medina. Kesyo ang sarap daw ng dala niyang food truck at ang sarap ng timpla ng kape. 



 

Masarap din ako magtimpla ng kape, Jake. Ako mismo nagb-brew hindi sa ‘yo na inorder lang ng manager mo sa Starbucks. 



 

“Kung makasabi naman ng food truck eh bumili lang naman siya ng maraming FEWA eh. Super papansin talaga ng Jake na ‘yan. Like, last time–,” walang pakundangang okray ni Ningning kay Jake. Ang lakas pa ng bunganga niya eh hindi naman malayo sa tent namin ang pwesto nila Jake ngayon. 



 

“Ning,” may pagbabantang sabi ni Karina. Muntik ko naman siyang angilan kasi bakit niya sinasaway si Ningning. Kinakampi–



 

“And no, Winter, I’m not his kakampi and never ko siyang kakampihan,” baling naman sa akin ni Karina. Hindi naman kami umimik ni Ningning at parehas na tinignan ang isa’t isa nang patagilid. 



 

Edi okay. Hindi siya kumakampi dun. 



 

Ngumuso na lang ako sa upuan ko at hinintay ang pagdating dito nila Jake. Eh ano naman kung makita ko silang magbeso kasi “etiquette” raw ‘yun. Eh ano naman. Wala naman akong pakialam sa pa-eme nila. 



 

Ito naman si Ningning nanahimik bigla. Itong si Ningning bigla na lang nananahimik eh. Nakakainis bakit kung kelan need mo siya mag-ingay at magreklamo, doon siya nananahimik. Hindi pa nakatulong na medyo nagugutom na rin ako. Pasado ala-una na rin kasi. 



 

Grabe? 1pm na pala tapos ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. 



 

Tahimik kong nilingon si Ningning at pilit na sinesenyasan. Kulang na lang ay kalabitin ko siya kaso mahahalata ‘yon ni Karina. Ginamit ko naman ang sinasabi ni Giselle na puppy eyes ko nang lumingon na sa wakas si Ningning. 



 

Gutom na ako, Ning. Kain na tayo, please? 



 

Medyo natulala naman sa akin si Ningning kaya mas tinodo ko pa ang pagpapaawa sa kaniya. Narinig ko naman ang tunog ng pag-urong ng upuan pero hindi ko na iyon nilingon dahil sure akong si Karina ang may kagagawan noon. 



 

“Gaga ka? Bakit sa akin?” medyo nagpapanic na sagot ni Ningning matapos makarecover kasi nakatayo na sa harap namin si Karina at nakapamewang pa. 



 

Nanlulumo akong nag-iwas ng tingin sa kanilang dalawa kasi sure akong ‘di ako sasamahan ni Ningning. Si Karina naman ay bukod sa ex ko siya eh need niya mag-stay dito sa tent para i-entertain ‘yung Jake. 



 

Nasaan na ba si Eunchae? 



 

Giselle dapat pala talaga sumama na lang ako sa ‘yo sa Ortigas tapos pinag-usapan natin kung bakit maalat ang dagat. 



 

Nagpakawala na lang ako ng isang maliit na buntong hininga bago inabot ang tubig na pinaglalaruan naman na ngayon ni Ningning. Medyo naririnig ko ang pabulong na sigaw ni Ningning pero hindi ko na siya pinansin. Any moment from now, may papasok ditong Jake na paepal tapos magbebeso na naman sila tapos ako maiiwan na gutom sa gilid. 



 

Mas lalo akong ngumuso at kinunot ko pa ang noo ko dahil sa naisip. Akala ko pa naman talaga may peace of mind na ako tapos hindi pala. 



 

“Ah, here’s Karina! I told you na nandito lang siya eh,” masayang pagbubukas ni Prof Medina sa tent tapos agad kong naamoy ang isang masungot na pabango. 



 

Inis kong nilingon ang entrance ng tent at nakita ang isang matangkad na mukhang Amerikano sa tabi ni Prof Medina at ni Eunchae. Kunot noo akong tumayo at tinalikuran ang direksyon nila. Medyo nagulat naman ako kasi nakatingin na pala sa akin si Karina na nanatiling nakatayo simula kanina. Nilingon ko si Ningning na busangot na rin ang hitsura. 



 

“Ang baho peste,” mahinang bulong ko bago maayos ang mukhang humarap kay Prof Medina nang ako ay tawagin niya. Narinig ko naman ang mahinang hagikgik ni Ningning sa tabi ko. Siniko ko naman agad siya kasi mukhang walang balak tumigil sa katatawa kahit na gusto nang bumeso nila Prof Medina. Si Karina naman ay agad na napunta sa tabi ko. 



 

Lumakas ang halakhak ni Ningning kaya napatingin sa kaniya ang lahat. Nakilala ko naman agad ang ngiting suot niya ngayon kaya napadikit ako kay Karina sa gilid ko. Mukhang nanpansin din naman iyon ni Karina dahil narinig ko ang buntong hininga niya. 



 

“Here we go again,” Karina whispered sa akin. Medyo yumuko pa siya sa bandang tenga ko at napansin iyon nung Jake na nakasunod sa galaw ni Karina magmula nang pumasok siya sa tent na ito. 



 

Hindi naman ako sumagot sa binulong ni Karina at maliliit ang mga matang tinignan ‘yung Jake. Dahil super fixated ang paningin niya kay Karina, hindi niya napapansin na literal na nakatitig lang ako sa mukha niya. 



 

Hindi ko masabing chaka kasi para naman akong petty na tao nun kasi hindi naman siya chaka talaga in terms sa mukha niya. Pero chaka siya sa part na nakatitig lang siya kay Karina kahit nandito naman kaming iba sa tent. 



 

Maputi ‘yung Jake at matangkad. Ang mukhang sure na bebenta sa masa at papasa sa mga loveteam. Mukhang kaya niya rin naman bumida sa medyo mature na drama pero anak or kapatid lang ng main character at ang love interest niya is ang anak ng kaaway ng pamilya nila. ‘Yung mga ganoong trope ba. 



 

Inimagine ko naman kung bagay ba sila ni Karina as on-screen partners at parang may possibility. Hindi dahil bagay talaga sila pero buhat na buhat ni Karina ang mga nal-link sa kaniya. Kahit naman na super random ng pairing at parang walang chemistry ay magigin hit kasi kakaiba ang isang Karina as artist. 



 

Hindi naman sa biased ako towards my ex pero ‘yon naman kasi ang totoo. Minsan sa mga loveteams, mga babae lang talaga ang nagbubuhat. 



 

Buti na lang talaga at medyo nawala na sa loveteam serye itong si Karina even before kaming magkakilala. Baka kung oo, everyday na lang akong namamatay sa selos noong kami pa. Hindi naman kasi sa selfish at madamot ako pero kasi naman. 



 

Anyways tumatawa pa rin si Ningning at super kakaiba na ang tingin ni Prof Medina sa kaniya. Si Eunchae naman ay sa akin nakatingin at paminsan minsan ay sinisilip si Karina. ‘Yung Jake? Ayun pa rin nakakatitig kay Karina. Si Karina naman ay chill lang sa tabi ko na halos idikit na niya buong katawan niya sa akin. Literal na nakadikit ang kanan niyang braso sa kaliwa ko. 



 

Bulag ba ‘tong Jake at bakit hindi niya napapansin na walang pakialam sa kaniya si Karina at ako ang hinaharot?



 

Talagang hinaharot kasi ganito ang galawan ni Karina kahit noon pa man. Sa una, tatambay lang sa workplace mo ‘yan. Sasanayin ka sa presensiya niya tapos sa bandang gitna, trotropahin ka na. 



 

“Ay sorry. Andyan pala kayo. I didn’t notice you kasi kanina eh, Jake. By the way, thank you sa FEWA. Masarap naman siya kaso hindi kasi kami kumakain ni Karina nun haha mas bet niya ‘yung restaurant,” playful na sabi ni Ningning. Kung umiinom naman ako ay sure akong nasamid na naman ako kasi may laman na naman ang sinasabi niya. 



 

Kailan ba kami makakatakas ni Karina sa pang-aasar ni Ningning?



 

“Restaurant? Oh, what restaurant ba? I can order take-out naman or I could sama you there, Karina,” biglang extra ni Jake sa fake recommendation ni Ningning. 



 

“Sama you there nyenye,” hindi ko naman napigilang bulong. Sure naman akong narinig ni Karina ‘yon kasi magkatabi lang kami. Dedma na lang sa reaksyon niya basta naiinis ako sa Jake na nandito sa harap ko. 



 

Si Jake ng Adventure Time pa rin talaga ang best Jake sa mundo for me. 



 

Ang kaso lang, mukhang narinig din ni Ningning kasi ayan na naman siya sa malakas niyang halakhak. Napa-tsk naman ako kasi super ingay niya na naman eh parang kanina lang eh ang tahimik niya noong kaming tatlo lang nila Karina ang nandito. Tinignan ko sila Prof Medina at nakitang naiilang na sila kay Ningning. ‘Yung Jake naman ay nakatitig na naman kay Karina. 



 

Alam ko namang maganda talaga si Karina. Aware naman ako. Aware rin naman ako na hindi maiiwasan siyang tignan nang karamihan kasi artista siya kaso may part pa rin talaga sa akin na naiinis kapag may sobra makatitig sa kaniya. 



 

Lalo na kung kamukha lang nung Jake. Nakakainis lang. 



 

Eunchae cleared bago humakbang at pumagitna kay Prof Medina at Ningning. 

 

“Nag-lunch na po ba kayo, Miss Ningning?” magalang na tanong ng pinsan ko sa manager ni Karina. Napataas naman ang kilay ko sa tono ng pagsasalita niya at sa way kung paano niya in-adress si Ningning. 



 

Miss Ningning?



 

Nag-umpisa naman na silang mag-usap na dalawa. Minsan ay umeextra si Prof Medina. Mostly about sa pagkain lang naman ang pinag-uusapan nila tulad ng kung saan sila magl-lunch ngayon. Umepal din naman agad ‘yung Jake na halatang nagpapabango sa manager ng katabi ko. 



 

Habang ang katabi ko? Ito at pasimple akong hinaharot. Kung titignan, parang normal lang naman siyang nakatayo at medyo gumagalaw pero kung kilala mo si Karina sa personal at literal na naging jowa mo siya, malayo sa pagiging normal ang ginagawa niya ngayon. 



 

Karina has her own little ways to tell you how she adores you. She's not the type to express bluntly what she feels, but she jokes about it and makes you feel it. I remember her when we were still just friends and not lovers. She has these certain mannerisms na mukhang harmless and friendly, but kapag inoverthink mo siya ng 10 ng gabi, you'll realize na she's actually flirting with you. 

 

 

 
 

Feel ko nasasanay na rin ako na may artistang Katarina na suki ng shop namin. 



 

Ilang araw na rin kasi ang nakalipas matapos ang eksena namin sa counter. Literal na frozen girl ako sa likod ng counter ng sabihin niyang siya ‘yung ‘Rina Baby’ na laging pinapalagay sa akin ni Ma’am Ningning sa cup na binibili niya. 



 

Speaking of Ma’am Ningning, lumabas na ang totoo niyang kulay. Hindi na siya red hair, brown naman na. Madalas na rin silang sabay ni Katarina bumisita dito sa shop although tuwing gabi lang kasi may shooting daw sila tuwing umaga sa may Teresa. 



 

Alam ko ‘yun kasi chinika sa akin ni Ma’am Ningning na by the way nagsabi ni Ningning na lang daw tawag ko sa kaniya. Syempre agad akong tumanggi kasi customer pa rin naman siya. 



 

“Parang tropa lang naman tayo here so kahit Ningning na lang”



 

“Ah, mas sanay po kasi ako sa Ma’am eh, Ma’am Ningning”



 

“I look like matanda naman na dahil sa tawag mo! What if baby Ningning na lang?”



 

“Ah, sira po kasi cellphone ko at hindi ko rin po kabisado number ko kaya hindi ko rin po maibibigay sa inyo ka–,” tuloy tuloy kong tugon sa sinabi ni Ma’am Ningning. Automatic naman na iyon ang lumabas sa bibig ko dahil parang naging response ko naman siya agad kada may haharot sa akin. 



 

Nakwento ko nga kay Giselle ang mga scenario dito sa shop eh tapos tinawanan niya lang ako. Tapos after ng isang araw nagtext siya sa akin ng script an pwede ko raw isagot sa nanghihingi ng number ko o mga humaharot sa akin. 



 

And ayun na nga, gamit ko na siya lagi. Sabi ni Heachan ang pangit naman daw ng response ko and hindi raw subtle ang rejection pero pinagtanggol naman ako ni Jaemin na bakit ko pa raw gagawing subtle eh baka umasa pa sila. 



 

Natawa naman nang malakas si Ma’am Ningning sa sinagot ko sa kaniya. Napayuko naman si Katarina na nasa harap ni Ma’am Ningning. Siguro nahihiya sa ginagawa ni Ma’am Ningning eh wala namang ibang tao dito sa shop maliban sa aming mga staff at sa kanilang dalawa. 



 

Parang hindi na nga rin artista si Katarina para sa aming mga tauhan ng shop eh. Paano ba naman literal na nandito sila everyday. Ganito siguro feeling ng mga production staff nila. 



 

Okay na rin kasi atleast may maganda kaming nakikita everyday. 



 

“Ning for ’s sake, shut up! Nakakahiya ka!” 



 

“Atleast I have the guts? What about you? Ano hihintayin mong magpalpitate ka bago ka kumilos? Seriously–,” huli kong narinig sa usapan nila dahil tinalikuran ko na rin sila at naglakad na pabalik sa counter.  

 

Mabilis naman na lumpias ang oras at oras na ng pag-alis nila Katarina. Feel ko kaya lagi silang nandito ay para magpahinga kasama ang kape. Medyo tahimik kasi sa shop once na lumagpas na ng 5pm at solo mo na ang buong shop. Buti nga at wala pang nakakadiscover na mga fans ni Katarina na lagi siyang nandito eh. Baka dumugin kami. 

 

Although noong mga nakaraang linggo, may mga fan na pasimpleng nakipagkwentuhan sa kaniya at nagpapicture. Amazed naman ako kasi puro respectful pa lang ang nakikita kong mga fans niya kaya medyo nakahinga ako nang maluwag kasi baka biglang hindi masarapan si Katarina sa kape namin tapos biglang ibulgar sa public kung anong pinagsasabi ko sa kaniya sa Linear Park noon. 

 

Mga apat pa lang naman iyon at hindi mo talaga siya mapapansin kung hindi mo nasaktuhan lalo na at matao sa shop nang nangyari ang mga iyon. Sakto nga na lagi kong nakikita eh. Siguro dahil nasa line of sight ko ang corner na inuupuan niya? 



 

Ah, basta. 



 

Ay, parang ako pala o itong shop ang topic nila Katarina at Ma’am Ningning kanina kasi lingon sila nang lingon sa akin. Si Ma’am Ningning ang literal na nililingon ako samantalang si Katarina naman ay pasimple lang. Tapos kapag nahuhuli ko siyang nakatingin mabilis niyang iniiwas mata niya tapos sinusuntok braso ni Ma’am Ningning. 



 

Feel ko talaga ako center ng chismis nila kasi ganoon ako kapag nahuhuli ng chinichismis ko eh. Kaya nga medyo kawawa ang braso ni Giselle at Ryujin noon. 



 

Sakto naman na inaayos ko ang mga gamit na malapit sa pinto palabas ng shop noong paalis sila Ma’am Ningning. 



 

“Paki-ready ang ‘Heachan Special Set’ bukas, Winter. Babalik kami here tom pero mas maaga siguro,” pagchika sa akin ni Ma’am Ningning na may pag-tango pa sa akin. Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang menu. 



 

Heachan Special Set? 



 

Anong meron? 



 

“Heachan Special Set?” tanong ko kay Ma’am Ningning. Agad naman siyang natawa at mabilis na nilinaw sa akin ang term. 



 

“Ah, Heachan mentioned that. Secret Menu raw ‘yan. Mga speciality niya raw ang present sa menu so sabi ko why not ‘di ba?” 



 

Tumango tango naman ako sa kaniya kaya natawa siya ulit. Clown talaga tingin niya sa akin. Nagpaalam naman na siya sa akin at dumiretso na sa may pinto. Si Katarina naman na madalas na nakasunod na agad kay Ma’am Ningning paglabas ay huminto sa bandang tapat ko. Agad ko namang ibinaba ang dalawang box na inaayos ko at hinarap siya. 



 

Inalis niya naman ulit ang suot niyang cap at inulit na naman niya ang ala-teleseryeng pag-ayos ng buhok niya kaya natulala na naman ako. 



 

“Do you also have that kind of secret menu?”



 

“P-po?”



 

“Like the ‘Heachan Special Set’”



 

“Ah, hindi ko po kasi a-alam ‘yung ibang secret menu”



 

“How about you?”



 

“M-me? Me, why?”



 

“Silly. Anyways, yes you. Want ko rin sana mag-avail ng ‘Winter Special Set’”




  

 

Konti na lang talaga at bibigay na ako sa paghaharot sa akin ni Karina. Hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa niya habang nagbibida ang may crush sa kaniyang artista sa harap namin. 

 

 

Hindi naman masama na medyo bumigay lalo na kapag ex mo naman na ‘di ba? I mean…



 

Karina’s scrolling on her phone ngayon at literal na halos itapat na niya sa akin ang screen. Wala namang masama sa ginagawa niya maliban sa nagbabasa siya sa isang article ng mga pwedeng peace offering gifts sa ex mong gusto mo pang balikan. Binasaba niya ‘yun sa mismong tabi ko at literal na halos ibigay niya na sa akin ang phone niya. 



 

Halos sumabog na ako sa pula dito sa kinatatayuan ko kasi ang akala kong usap naming mauudlot at siguro ay hindi na matutuloy ay hindi nangyari. Walang patawad ang katabi ko kasi kahit hindi kami makapag-usap ngayon dahil sa ibang tao sa tent, sinigurado niya na message sent ang gusto niyang sabihin. 



 

Tumatango tango pa siya sa mga explanation ng mga gifts at ang mga messages na gusto nitong i-convey. May pa-”That’s right” pa siyang nalalaman. Kulang na lang itanong niya ako verbally anong gusto kong matanggap na regalo para balikan ko siya. 



 

Excuse me???



 

Kahit ikaw na lang oks na me, Karina. 



 

Para naman kaming nahuli na may masamang ginagawa noong nilingon kami ng lahat nang matawa nang malakas si Karina. Paano ba naman kasi nakita niya ‘yung pinakaayaw kong regalo sa article na binabasa niya. 



 

“Masaya ka, Karina?” nang-aasar na tanong ni Ningning kay Karina na hindi pa rin lumalayo sa tabi ko. Napansin na rin sa wakas iyon nung Jake at singkit ang mata na nakatingin sa braso naming magkadikit. 



 

Sa wakas, napansin mo ring hindi ikaw ang bet. 



 

Hindi naman sumagot si Karina at walang imik na hinawakan ang braso ko bago ako hinila palabas ng tent. Along the way, hinila niya na rin naman na si Ningning na humahalakhak na naman. Dahil sa gulat, hindi ko  na agad nahatak ang braso ko mula sa hawak niya at hopeless na nilingon na lang ang mga tao sa tent na naiwan. 



 

Si Prof Medina na nakataas ang kilay pero may ngiting kakaiba. 



 

Si Eunchae na ngising aso sa akin at kulang na lang ay bigyan ako ng medal. 



 

At ‘yung Jake na masama ang tingin sa akin. 



 

Eh bakit nagagalit? Ako ba may kasalanan kung bakit mas gusto ako kasama ng crush mo? 



 

Karina dragged me out of the shooting area while Ningning was following behind us. Nakita ko ang mga tingin ng iilang estudyante sa amin ngunit tulad ng mga fans ni Karina, respectful naman sila and hindi sila nagtatangkang i-invade ang personal space ni Karina.

  

 

Ningning caught up with us and then proceeded in teasing the hell out of Karina. Ako naman ay pasimpleng binabawi ang pulso ko sa hawak ni Karina. Mas lalo naman niyang hinihigpitan hawak niya nang maramdaman medyo kumakawala na ako. Gusto ko nga sanang magreklamo dahil sa higpit pero hindi naman kasi talaga super higpit to the point na masasaktan na ako. Sakto lang ba ganun.

  

 

“So, saan tayo sa restaurant niyo ni Winter? Sa Sisigan? MB?” tukso sa amin ni Karina. Hinila ko naman ang damit niya para humingi ng tulong tungkol sa paghila sa akin ng alaga niya. Malapit na rin naman kasi kami sa main gate ng campus at mas marami ang tao doon lalo na paglabas.

  

 

“I am craving for some sisig. Bukas na lang tayo sa MB,” Karina replied kay Ningning na patuloy pa rin sa pang-aasar.

  

 

Itong si Karina mahilig talaga manghila. Naalala ko tuloy ‘yung una naming pagkikita na may paghawak din siya sa braso ko. Porket matangkad siya?

  

 

Hindi na ako nakatiis at kinalabit ko na si Karina nang makalabas na kami sa Lagoon. Huminto naman siya sa paglalakad at namumulang tumingin sa amin ni Ningning.

  

 

“Hmm?”

  

 

“Ah, yung kamay ko”

  

 

Hindi naman siya agad bumitiw ay patuloy lang sa pagtitig sa akin. Mas naconscious naman ako kasi ang daming mga estudyante ang nakatingin sa amin. Atsaka naman kasi kung makahila siya parang bati kami.

  

 

Ano ba mag-ex tayo oh! Tapos baka ma-reveal pa ako sa sambayanang Pilipino dahil sa hawak niya ako.

  

 

Ano ba naman ‘tong si Karina! Kahit ngayon nakakalimutan na sikat siya.

  

 

Si Ningning naman na dapat pinipigilan ang alaga niya sa paggawa ng kung ano ano ay tamang tingin lang sa amin na kulang na lang ay bumili pa siya ng popcorn.  

 

 

 
 

“55 pesos only?”

 

“Yes naman! Ay, hindi mo ba alam ‘yun?” takang tanong ko kay Karina habang nilalakad namin ang palabas ng PUP. Halos wala na rin namang humaharang na tao sa kaniya kasi ilang linggo or buwan na rin silang nandito palagi si PUP dahil sa shooting nila. 

 

Alam ko ‘yan kasi textmate kami ni Karina hehe. 

 

Siya nag-suggest! Hirap daw kasi na tuwing mapupunta lang siya sa Legarda tsaka niya ako makakausap. Medyo alangan pa nga ako ibigay number ko sa kaniya kasi nga ‘di ba bawal sabihin sa mga customer ang number. Pero dahil sinuhulan niya ako, go na lang ako. 

 

Mukha naman siyang harmless nung umpisa eh. Ngayon? Hindi na. Ang harot niya na kasi. 

 

Although sabi ni Giselle, matagal na raw akong hinaharot ni Karina talaga. Amoy niya raw si Karina kahit nasa QC siya. Napa-huh naman ako kasi pwede ba ‘yun tapos sinabihan lang ako na isa raw akong ‘typical nerdy cutie engineering student’ sa mga teleserye. Tinanong ko siya kung anong meaning tapos sabi niya i-google ko raw. 

 

Wala naman sa google!

 

“Win, you’re quick-witted sa ibang bagay pero seriously napaka-dense mo kapag landian ang usapan. Like, gurl? I know na alam mo meaning ng sinasabi ko sa ‘yo. Up until now ‘di ko alam if that’s your defense mechanism or kink mo lang talaga maging naive,”

 

Nahampas ko naman siya noon. Uhm kasi medyo totoo? 

 

I mean not in the way na sadya ang pagiging dense ko or what sabi nga nila. Aaminin ko na mahina ako i-pick up if someone’s flirting with me pero if medyo na-gets ko naman na bet nga nila ako, I tend to act clueless pa rin kasi wala namang direct confirmation. 

 

Malay ko bang nag-aassume lang ako tapos mali pala. 

 

‘Yung kay Karina naman, uhm feel ko bored lang siya. 

 

I mean hindi naman ako baliw para ‘di bigyan ng malisya ‘yung mga nakaw niyang tingin and ‘yung mga pinaparinig niya sa akin tuwing bibisita sila ni Ningning sa shop. 

 

Siguro medyo guarded pa rin ako kasi nga artista siya. Parang ang hirap lang isipin na may gusto siya sa akin eh literal na maraming pogi and magaganda sa industry niya. And malay ko ba, baka straight ‘yun. 

 

Pero ayun, medyo napaisip din ako sa tinatahak ko sa buhay because of her. Wala lang. Siguro noong nag-order siya ng food para sa mga staffs niya, tumama sa akin na minsan ko ring pinangarap magawa ang ginagawa niya. Ang malibre ang mga staff under sa akin. 

 

And sa sitwasyon ko right now where hindi aligned ang work ko sa ginapang ko ng ilang taon, parang ang off lang. 

 

Kaya rin hindi ko ine-entertain ang idea na baka bet niya nga ako kasi wala rin naman kaming patutunguhan if ever and tuwing nakikita ko siya, naiisip ko ‘yung career ko dapat. Siguro one-time thing lang if mangyari man kami kaso I don’t have the resources para sa mga ganoong bagay ngayon. 

 

Pero aminado akong maganda siya at pasok na pasok sa mga type ko. 

 

Hinayaan ko lang siya sa mga ginagawa niya kasi sa isip ko magsasawa naman siya. Mapapagod din na puntahan ang shop namin kasi wala rin naman siyang napapala sa akin. Bukod sa mga maliit na ngiti at mga mahina kong ‘ingat’ sa kaniya tuwing uuwi na siya, wala naman na kaming moments. 

  

Ang kaso, tumapang at hiningi ang number ko. Binigay ko na rin kasi may suhol sabi ko nga. Tapos ayun tuloy tuloy na. Shocked nga ako kasi ang dami niyang energy tuwing alas dos ng madaling araw. Like out of nowhere may links from youtube akong makikita mula sa kaniya.  
  

 

Videos ng nanganganak na ahas. 

  

Grabe talaga gulat ko noong paggising ko ng 6AM one time na may message siya ng pasado alas dos. Tapos link iyon kung paano manganak ang ahas. Ay, hindi pala manganak kasi itlog naman ang nilabas hindi bata. Laying eggs nga raw at hindi naman giving birth and tawag kapag ahas. 

 

Okay…

  

 

Katarina Yoo (Artista) 

hi

1:26 AM



 

Katarina Yoo (Artista) 

:) 

1:42 AM



 

Katarina Yoo (Artista) 

https://www.youtube.com/watch?v=pn6y6GXQELo&pp=ygUTc25ha2VzIGxheWluZyBlZ2dzIA%3D%3D 

2:09 AM

  

 

Katarina Yoo (Artista) 

:) 

2:34 AM

  

 

Katarina Yoo (Artista)  

uhm the vids amazing btw :) 

2:40 AM




 

Ayun hanggang sa may pambatang vids na rin ako sa youtube history ko. Medyo okay nga rin naman talaga ‘yung nursery rhymes and medyo maganda ang illustrations ng mga cartoons kaya pinabayaan ko na. Hindi ko lang in-expect na iiyak siya…

  

 

Sa Bluey…



 

And hindi rin naman talaga nakakaiyak ‘yung mismong episode ng pinapanood namin ha. Wala namang nakakaiyak sa doktor doktoran nila Bluey…





 

“Uy gagi ka bakit ka umiiyak?” tarantang tanong ko kay Karina nang marinig ko siyang suminghot sa discord call namin. 



 

“...”



 

“Hala ka!” 



 

Panic na ako dito kasi naman baka may problem siya sa shooting nila tapos napilitan lang siya na sumama sa discord call na aya ko sa kaniya. Medyo na-guilty kasi ako na siya na lang lagi nag-aaya. Ilang araw pa lang naman kami magkausap sa personal pero feeling ko long time tropa na kami. Tropa na nagagandahan ako haha. 



 

“S-sorry”

  

 

“Hala! Inaantok ka na ba? Drop na natin if gusto mo–”



 

“NO”



 

“Okay…hindi na…”



 

“S-sorry…I’m just…overwhelmed you know…”




 

Turns out, kaya siya naiyak kasi touched siya sa pag-aya ko sa kaniya ng panonood ng movie tapos natandaan ko pa na nam-miss niya na si Bluey. Nakwento niya kasi minsan nang samahan niya ako magsara ng shop na favorite niya ang Bluey. 



 

Ayun na nga! Nandito kami ngayon sa Teresa at amazed na amazed siya sa mga kainan dito. Ang mura raw tapos may unli iced tea pa. Natawa naman ako kasi ganiyan din ako noong bagong salta ako dito sa PUP. Kahit naman kasi na taga-CEA talaga ako, dumadayo naman kami sa Main para sa mga minor subs. 



 

Pero ang dabest talaga ang sisig dito lalo na kung alam mong mura lang. Ang kaso lang, punuan talaga siya and siksikan sa taas. Medyo mainit din pero keri na kasi never namang lumamig sa PUP. 



 

Tamabayan kasi ito ng mga demonyo eh. Dito sila nagm-milktea haha. 



 

Ang kaso lang, nakalimutan kong gabi na. 



 

Nadistract kasi ako sa mga panghaharot ni Karina eh. Mukha naman siyang nangloloko lang pero hey, mahina ako. Dapat pala hindi ko na sinasagot mga text niya tuwing alas dos. Baka akala niya hinaharot ko siya pabalik. 



 

“Ay,” pagtigil ko sa paglalakad nang matapat na kami sa makipot na hagdan paakyat sa sikat na sisig. Agad din namang nahinto si Karina sa paglalakad niya. 



 

“Sarado na?” tanong niya sa akin na mukhang narinig noong nagbababa ng basura mula sa taas. 



 

“Sarado na po”



 

Naramdaman ko ang pagbaba ng mga balikat ni Karina. Agad ko naman siyang tinapik. 



 

“Balik na lang tayo dito…uhm bukas–ay kelan ba? Sa susunod na lang pala haha may jabee here!”



 

Buong linggo siyang malungkot noon tapos nawala lang noong makakain kami sa sisigan. Tapos may binulong pa bago kami umalis ng place na iyon. 



 

Ang binulong niya? 



 

“Next time na balik ko here I’m her jowa na”



 

Grabe lang talaga. 



 

Tapos ngayon bumalik kami na mag-ex. 



 

Grabe na talaga. 



 

“Ah sabi na eh. Ito na ba ang restaurant na hindi mo maalisan, Rina?” pang-aasar ni Ningning sa amin nang makatawid kami ng riles ng PNR. Inirapan lang naman siya ni Karina na nakakapit na sa braso ko. 



 

Ano ba ‘te? 



 

Puno ang sisigan. As expected. Lunch time na rin kasi. Pwede naman kaming maghintay para sa mga seats kaso mainit talaga at feel ko hindi namin mapipigilan ang bunganga ni Ningning. 



 

Ang ending? Sa sisigan pa rin naman kaso sa CEA na. ‘Yung nasa loob ng GSIS. Mas nagkaroon kami ng privacy doon kasi sa taas kami kumain. Kahit na mainit, tolerable naman na since may electric fan pa rin namang nakatapat…kay Ningning. 



 

“Ang init!”



 

Iyan ang narinig ko for the whole day kasama si Ningning. 



 

Oo, whole day kasi napa-oo ako sa mga sinasabi ni Prof Medina. Dahil siguro na nakabantay ‘yung Jake sa amin kaya oo lang ako nang oo sa mga sinasabi ni Prof Medina. Si Karina naman sa tabi ko eh parang masaya pa sa nangyayari eh tinititigan nga siya nung Jake??



 

Ilang irap din ang pinakawalan ko kasi singit nang singit ‘yung Jake? 



 

“Minjeong? I think I know him,” extra nung Jake noong na-open na naman ang usapan tungkol sa author ng piece. Umirap naman ako sa pinagsasabi niya kasi halata namang nagbibida lang. 



 

I know him??? 



 

HIM?



 

Mukha ba akong lalaki? 



 

Busangot tuloy ako habang si Karina sa tabi ko eh tawang tawa. May paghampas pa si gaga na para bang ako ‘yung manager niya? Hello?? Akala ko ba hindi tayo magkakilala sa script natin for today? 



 

Medyo umiiwas nga ako kasi kakaiba na ngiti sa amin ni Prof Medina eh tapos ngising aso na si Eunchae. Wala naman akong pakialam kay Eunchae, bahala siya kung anong isipin niya. Kahit isumbong niya pa ako sa bahay. 



 

Ay.



 

Haha. 



 

‘Wag pala muna. 



 

Hehe. 



 

“Are you okay ba, Karina? Natatawa ka ata diyan,” kakaibang tinig na tanong ni Prof Medina kay Karina na tumatawa pa rin sa kaepalan nung Jake. 



 

Umiling naman si Karina bago pinatong ang kanan niyang kamay sa hita ko. Actually hindi ko siya napansin kasi ganoon siya palagi sa akin noon. Napansin ko na lang noong siniko na ako ni Ningning na nasa tabi ni Karina sa kabila. 



 

Oo, hindi kami magkatabi ni Ningning pero nagawa niya akong sikuhin. Ganoon katindi ang will power ng manager ng ex ko. 



 

“Ah, she’s here kasi isa siya sa mga direct na may interaction sa author and crew din siya noong mismong time na finilm ang piece na ito, Jake,” paliwanag naman ni Prof Medina doon sa Jake nang tanungin niya ang importance ng presence ko sa meeting nila. 



 

Naiilang nga siya sa akin eh. Nakatitig lang kasi ako sa kaniya. Naiilang pala siya eh bakit ‘di niya lubayan si Karina. 



 

Gulo mo rin pre. 



 

Akala niya siguro bet ko siya. EW.



 

HINDI KO SIYA GUSTO!



 

Sino ba siya? 



 

“Ah baka naman she’s the girlfriend of Minjeong pala haha,” biro noong Jake na bentang benta kay Ningning at Karina kasi sila lang ang nag-react nang malaki sa joke ng paepal. 



 

Lumaki naman ang ngiti noong Jake dahil sa malakas na pagtawa ni Karina. Akala niya ata funny siya. Napasimangot tuloy ako. Nakadagdag pa sa inis ko si Karina na hinahampas na naman hita ko. 



 

Ate ano ba ginagawa mo?



 

“You’re funny,” tawang sabi ni Karina doon sa Jake. Tuwang tuwa naman si gago kaya nagsalubong na talaga ang mga kilay ko. 



 

Funny? 



 

Funny na ‘yon? 



 

Mas funny ako! 



 

“Actually ex ko siya,” extra ko noong magsasalita na sana ‘yung Jake at kakausapin na sana si Karina. Nasamid naman parehas si Ningning at Karina sa akin. Sila Prof Medina naman at ‘yung Jake ay gulat na gulat tapos si Eunchae tumatawa lang. 



 

Ano, ikaw lang pwede magjoke? 



 

And again, nasiko na naman ako ni Ningning kahit hindi ko naman siya katabi. 



 

“Winter!” tili ni Ningning. Sinagot ko naman siya ng pangalan niya rin pero halata na ang iritado kong mukha. Si Karina naman ay nakatingin naman sa akin nang kakaiba. 



 

Mga tingin na nagsasabi na ‘let’s talk’



 

Let’s talk talaga teh kasi hindi na ako natutuwa sa mga pakulo mo ngayong araw! 



 

Natapos ang araw na iyon na inis ako kay Ningning, Eunchae, Prof Medina, sa Jake na ‘yun at kay Karina. Oo, inis ako sa lahat. Lahat sila pinasakit ang ulo ko today. 



 

“So ikaw si Minjeong?” chika sa akin ni Ningning noong naglalakad na kami papunta sa sasakyan nila. Si Karina naman ay nakasunod lang sa likod namin. Sinilip ko naman kung may ibang makakarinig sa mga sasabihin namin at nang makita na wala namang ibang tao, chinika ko na rin si Ningning. 



 

“May problema ka ba kung oo?” mataray kong sabi sa kaniya. Nagpakawala naman siya ng nagulat na singhap. 



 

“Parang dati lang Ma’am Ningning pa tawag mo sa akin tapos ngayon ginaganyan mo na ako?”



 

“Malamang. Alaga mo nga ex ko na lang ngayon eh”



 

Natahimik kaming dalawa matapos kong sabihin iyon. Naramdaman ko namang ang singhap ni Karina sa likod ko. Nagkatinginan kami ni Ningning bago sabay na natawa. 



 

“OMG! Parang kami ng bff mo?”



 

“Putangina mo, Ningning!” hagalpak ko sa sinabi niya. Para na kaming baliw dito habang naglalakad papalayo sa lagoon. Tawa kami nang tawa tapos panay buntong hininga naman ang nasa likod namin. 



 

Grabe ba. 



 

“So bakit kayo nag-break?” agad na tanong ni Ningning matapos niyang matigil sa pagtawa. Agad namang nakahawak si Karina sa braso niya na para bang pinipigilan niya ito sa pagsasalita pa. 



 

Dedma lang naman ako sa kanila bago sumagot. Laglagan na po tayo. 



 

“Ayaw ng nanay ko sa kaniya eh,” seryoso kong sabi sa kanilang dalawa. Natigil naman sila sa paglalakad dahil sa gulat kaya napatigil din ako sa paglalakad bago hinrap sila. Nakapamewang pa ako. “Huy! Ano na?”



 

“Alam mo ba ‘to, Katarina Yoo?”



 

“No, Ning. F-first time ko rin m-marinig. Win?”



 

Bumuntong hininga naman ako bago lumapit sa kanila at pinaliwanag ang lahat. 



 

“Umamin ako sa Nanay ko na bakla ako at may jowa akong babae. Tinanong niya kung sino sabi ko ikaw,” duro ko kay Karina. 



 

“Hindi siya naniwala kaya pinakita ko mga picture natin. Hindi niya tanggap. Hindi niya totally sinabi pero pagkatapos ko ipakita pictures mo, umalis siya sa harap ko at nagkulong sa kwarto…”



 

Nakita ko ang takot at lungkot sa mukha ni Ningning samantalang paiyak na si Karina sa harap ko. Humugot ako nang malalim na hininga bago pinagpatuloy ang kalokohan ko. 



 

“Akala ko hindi na siya babalik kaya paalis na sana ako, galit at may pang hihinayang kasi siyempre hindi ako tanggap. Hindi tayo tanggap–”



 

“Winter–”



 

“Pero bumalik siya na may dalang malaking bag. First time ko makita ‘yun. Nalilito ako kung ano ang purpose ng bag pero narealize ko na baka palayasin ako so–”



 

“Win, baby please–” nagtangkang lumapit sa akin si Karina. Pinigilan ko naman agad siya. 



 

“Tinapon sa paa ko ‘yung bag. Mabigat, may laman. Akala ko mga damit ko na. Pagbukas ko, nagulat ako sa laman. At habang nagugulat ako nagsalita ang Nanay ko. Alam mo sabi niya?” 



 

Umiling lang naman silang dalawa. 



 

“Tatlong milyon, layuan mo ang anak ko. Sabihin mo ‘yan sa kasintahan mo”



 

“Ayan ang sabi ng nanay ko. Mabait ako kaya hindi ko na nasabi sa ‘yo pero ‘yung pera nagamit ko na. Pinambili ko ng Iphone sampu at Ipad bente…”



 

Iyon ang huling naalala kong nasabi ko sa kanila bago ako kumaripas ng takbo kasi hinahabol na ako ng takong ni Ningning. Hindi ko nga alam kung paano ko natakbo mula sa Teresa papuntang Pureza. 



 

At habang nagt-toothbrush ako, ngiti lang ang meron ako. Ngiti kasi nagantihan ko ang dalawang tao na ininis ako ngayong araw. Sa susunod na sila Prof Medina at si Eunchae. ‘Yung Jake naman ay ni-report ko na ang account sa lahat ng social media accounts gamit ang milyon kong dummy account. 



 

Goodluck sa kaniya. 



 

Noong gabi na iyon, nakangiti akong nakatulog. Ang himbing pa nga ng tulog ko. Masaya rin akong gumising not knowing na magiging trending ang pangalan ko sa buong Pilipinas. 





 

At isa lang ang masasabi ko. 





 

Putangina, paano ako magt-trabaho bukas? 






 

Twitter Trending List

 

1. Karina

 

2. Fiona

 

3. Kalaban ng Bayan

 

4. Winter

 

5. #KarinaMissesWinter 

     

  

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
267 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap