we did

the 1

  

For the record, I never liked alarm clocks—not in my mornings, honestly. You could say na I’m one of millions of people na bumili ng alarm clock for display. Kunwari ginagamit pero in reality, after a week, wala na nakatanggal na ang battery. 

 

In short, never akong naging morning person. 

 

Never naging morning person kahit na ilang taon na rin akong gumigising nang maaga para pumasok sa school man o sa work. 

 

Side effect na rin siguro ng pagtanda ang pagkakaroon ng “Naalala ko noon” syndrome. When I was younger, lagi akong naiinis sa mga ganitong dialogue ng mga tita at tito ko tuwing pasko.

 

“Naalala ko noon tumatawid pa kami ng ilog.”

 

“Naalala ko noon diretso uwi ako galing school.”

 

“Naalala ko noon...”

 

Kaso ngayong medyo tumanda na ako, madalas na rin akong dalawin ng mga “naalala ko noon” thoughts. Tulad ngayon, naalala ko noon yung struggle ko and ni mama tuwing umaga. Struggle ko sa paggising nang maaga at si mama sa pagsigaw sa akin ng “Tanghali na, Winter! Aba, ang mga ibon nga kanina pa blah blah”. 

 

Huwag mo na itanong ‘yung iyak ko everytime na napuputol ang panaginip ko tuwing weekdays. Seriously, sino ba nagpauso na dapat alas syete pa lang ng umaga eh nasa school ka na para mag-aral ng one plus one? 

 

Ayun na nga, hindi nga kasi ako morning person and super nakakainis ang Winter Kim kapag nagulo ang tulog niya. 

 

 

“Sorry, pero kasi ginising mo ako!,” nakanguso kong sabi kay Giselle na ngayon ay kulang na lang ay itulak ako sa riles ng tren sa harap namin. 

 

“Winter,” gigil na tawag sa akin ni Giselle. Ramdam ko ang pinong kurot sa braso ko kaya agad akong lumayo sa kaniya. 

 

“Gi naman, ilang beses ko nang sinabi ‘yon! Ever since college pa!”

 

Giselle Uchinaga, a friend from college na surprisingly naging closest friend ko na sa lahat ng mga naging friends ko. Surprising na siya for me since before ako pumasok ng college, I have this thought na college would just pass by and the people around it are hindi naman magtatagal by your side. Maybe the shs me concluded this based sa mga kwento from our seniors and sa how people around me talk about how different Manila is from our province and the people in it. Tsaka magkaiba ang course namin ni Giselle. Business Administration siya samantalang nasa Engineering building ako. 

 

“Win, if you just answered my call agad edi nothing like this would happen!,” gigil na bulong sa akin ni Giselle matapos akong tabihan ulit. Sinisilip ko naman sa gilid ko si Kuya Guard na nakatingin sa amin. 

 

Agad ko namang siniko si Giselle, “Face mask mo huy nakatingin si Kuya Guard.” 

 

Umiirap naman na sinuot ni Giselle ang face mask niya. Nakakunot pa rin ang noo nito. Feeling ko isang buwan niya akong hindi papansinin after this day. 

 

“Gi, hindi ko naman alam na super nalasing ka kagabi, kaya hindi mo napansin na ex mo pala ‘yung kasama mo kagabi na saktong nakatira sa floor ng condo ko,” problemado kong sabi. 

 

“Win, if binuksan mo lang ‘yung pinto, edi sana hindi niya ako nakita!”

 

“Paano ko mabubuksan eh tulog nga ako!”

 

“I called your phone for like 12, I don’t know, maybe 15 times!”

 

“Naka-dnd ako tuwing gabi!”

 

“ your dnd!”

 

“Aba, hindi ko na kasalanan kung ang una mong naisip para takasan ang ex mong baliw na baliw sa ‘yo eh pumasok sa sogo at dun magtago! Hindi na rin kasalanan ng dnd ko na nabangga mo pa ang katrabaho mo sa loob ng sogo!,” naiinis ko na ring sabi kay Giselle habang dumadaan ang tren sa harap namin. 

 

“Great, you bascally brodcasted the most embarrassing moment in my life sa buong commuter ng LRT,” bulong niya sa akin matapos naming makapasok sa tren. 

 

As usual, punuan na naman kaya nakatayo lang kami. Napansin ko naman na marami ang student dito sa loob. 

 

“But your story would be the top-tier na comedy”

 

“Anong binubulong mo diyan? Maninira ka na nga lang ng tao harapan pa.”

 

“I said na mas matindi pa rin ‘yung scenario mo last year,” agad naman akong umirap sa kaniya. Lumabas na ako nang makarating na kami sa station ng Legarda. Nakasunod naman sa akin si Giselle na hindi pa rin tumitigil sa pangb-backstab sa akin.

 

“Seriously, anak ni Muhi? Nakakahiya ka talaga, Win. And endorser ng tabo? God, if I were–,”

 

“Malabo. Malabong maging ikaw ‘yun kasi first, wala siyang ex na baliw na baliw sa kaniya at hindi niya iniiwan bag niya kung saan saan.”

 

“Okay, lover girl,” nakangiting sipol niya sa akin. Inirapan ko naman siya nang matindi bago naglakad papunta sa isang shop. 

 

Hindi ko na nilingon si Giselle na sa palagay ko’y nasa kabilang kalsada naglalakad para rin pumasok sa trabaho niya. 

 

 

I checked the time before entering our shop. Kaunti pa lang ang mga tao kaya nginitian ko na lang si Heachan na nasa counter bago pumasok sa kitchen area. Hindi ko na rin pinansin ang tingin niyang kakaiba pagpasok na pagpasok ko pa lang sa shop. 

 

Isang Jaemin na gumagawa ng pandesal at isang Chenle na busy sa cellphone naman ang naabutan ko sa kitchen. Dumiretso ako sa locker namin. “Umagang umaga cellphone ka agad, Chenle. Nasaan si Ate Seungwan? Susumbong ko lang si Chenle”

 

Wala namang sumagot sa akin kaya lumingon ako sa kanila at nakitang nakatayo lang ang dalawa habang nakatingin sa akin ng kakaiba. “Problema niyong dalawa?”

 

Huli kong sinuot ang apron bago tuluyang isinara ang locker ko. Inirapan ko naman si Chenle na kanina pa nakatitig sa akin. Hindi talaga sila nagsasalita kaya dumiretso na lang ako sa labas at nag-umpisa na sa paggawa ng mga kape. 

 

Students from NU and CEU ang pinakamadalas sa shop namin since sila ang pinakamalapit na schools sa amin. Dito sila nagb-breakfast habang ang iba naman ay dito nag-aaral habang kumakain ng mga pastries namin. 

 

Malayo ang curent work ko sa field na tinapos ko sa kolehiyo. Kahit na natapos ko naman nang matiwasay ang Mechanical Engineering, mas pinili ko ang magpahinga muna ng dalawang taon bago ko tuluyang ipursue ang work na aligned sa course ko. 

 

Risky siya pero sa lahat ng hirap na dinanas ko para lang makuha ang degree na ito, deserve ko naman siguro ng pahinga. Pinayagan din naman ako nila Mama at pinipilit pa nga akong umuwi sa amin pero tumanggi ako. 

 

Wala lang nasanay na rin kasi ako rito sa Manila kahit na ang dumi dumi at usok niya. 

 

Nginitian ko naman ang estdyante sa harap ko bago ibigay ang order niyang kape.

 

3 shots, sana okay ka lang ate. 

 

Mabilis na lumipas ang unang dalawang oras ng shift ko at ilang minuto na lang, lunch break na. Lumapit naman ako sa pinto ng shop namin bago nilagay ang Lunch Break notice. 

 

Utos siya ni Ate Seungwan, ang shop owner na isara muna ang shop kaysa magkaroon ng iba’t ibang oras ng break. 

 

Mas masarap daw kasing kumain at magpahinga kapag marami kayo. Tama naman siya. 

 

Nginitian ko naman ang mga regular na sa shop namin. Kadalasan, dito na sila nagpapalipas ng init. ‘Yung iba, dito na rin nag-aaral. Wala naman say si Ate Seungwan. Sabi pa nga niya, “Minsan din naman ako naging estudyante”. 

 

Actually pwede na siya ilaban sa pabaitan sa true lang. 

 

Malapit na ako sa pinto ng kitchen nang marinig ko ang pangalan ko mula sa loob. Agad namang naningkit ang mga mata ko dahil ako na naman ang center of chismis. 

 

“Tinanong nyo na ba si Winter?”

 

“Anong itatanong mo, Heachan?” napasigaw naman silang lahat sa pagpasok ko nang biglaan. Agad namang nag-iwas ng tingin ang lahat. 

 

“Kung babackstabin niyo ako, sa messenger na lang,” masungit kong sabi bago kumain. Nakatatlong subo naman ako bago sila magsalita. 

 

“Nakita mo na ‘yung balita, Win?,” ika ni Jaemin. Agad naman akong umiling sa kanilang tatlo. Napakamot naman sa ulo niya si Chenle habang nakatingin sa akin. 

 

Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago magsalita. “Ano ba kasi ‘yon? Kanina pa kayong umaga”

 

“Check mo na lang cellphone mo, Winter”

 

Kahit na naguguluhan, hinugot ko na lang ang cellphone ko na hindi ko pa ulit nabubuksan simula kagabi. Agad namang bumungad sa aking ang sandamakmak na tawag at text muka kay Giselle na kaninang umaga niya sinend. 

 

Gigi

wun,

 

Gigi

sgit fycl

 

Gigi

***

 

Gigi

guess mo where ako rn

 

Gigi

[sent a photo]

 

Gigi

surpriseeeeee i’m at your door yayy

 

Gigi

i have ur fav bfast now open up

 

Gigi

answer the call

 

Gigi

win i swear open the door na

 

Gigi

win pls

 

Gigi

win answer the phone! srsly my life’s at risk pls plz ols

 

Gigi

WINTER KIM!!!!!!!!

 

Gigi

win i just hooked up with my ex and she’s literally chasing me right now so pls for the love of god open up!

 

Gigi

the elevator’s opening win i think she’s here na

 

Gigi

wun, sit she’s here

 

Gigi

WINTER!

 

Gigi

i am at the sogo across the street. ur late for work by the way

 

Gigi

ur phone btw

 

Natatawa kong nilingon sila Chenle. “Gagi alam niyo ba kanina si Giselle–”

 

“Basahin mo na message ni Ate Seungwan!”

 

“Teka naman bakit nagagalit!” gulat kong sabi sa kanila. Agad ko namang binuksan ang message ni Ate Seungwan. 

 

6:54 AM

Ate S

Win, did you see the article? 

 

Ate S

You can take the day off win

 

Ate S

Are you alright? 

 

11:14 AM

Ate S

Karina will go hold a press conference raw mamayang 12 noon, Win. 

 

Ate S

Are you aware? 

 

Ate S

You can go home early.

 

Me:

Ano pong meron? 

 

Me:

Ano pong gagawin ko kay Karina?

 

Me: 

Ate S? 

 

Naguguluhan akong tumingin kila Jaemin. “Anong meron? Bakit sinasabi sa akin ni Ate Seungwan ang press conference ni Karina?”

 

Hindi naman umimik ang tatlo. Tahimik na inabot sa akin ni Heachan ang cellphone niya.  



 

BREAKING NEWS: Katarino Yoo is in another dating scandal, but with a twist. 

(sapphics might be rising from the dead with this news) 

 

Katarina Yoo, the most sought actress of today's generation, was once again the talk of the town after she topped Twitter's trending list last night as another dating scandal article emerged. 

 

Katarino Yoo, being the goddess and A-list actress of this generation and loved by all age brackets, is not new to dating rumors and scandals. In fact, the dating scandal is almost her surname, as a long list of actors, singers, hosts, and athletes have been linked to her even in the past. 

Despite having a very private personal life, Katarina Yoo could not escape the countless dating rumors of every celebrity out there. In fact, the number of these dating scandals was higher than the photograph of the woman outside her official gigs and schedules. 

But what made this single dating scandal special, and why did it trend for almost a week? 

 

Based on an article posted anonymously in some community forum, Katarino Yoo was seen being all lovey dovey (exact words from the article) to a very cute and charming (again, based on the article) woman. Photos of the two women were posted, and man, they're cute. 

 

Katarino Yoo has denied all her dating rumors with different men before, and fans and netizens were all curious why it took the actress so long to deny the dating scandal. Perhaps the actress is indeed dating the girl. 

 

Follow our page for information and recent news. 

 

Sa ilalim ng article ay dalawang picture na siguro akong may kopya ako sa gallery ko. Napapikit ako sa nabasa. Kaya pala kakaiba ang tingin sa akin nila Chenle mula kanina. 

 

Naalala ko naman si Giselle at mabilis na binuksan ang convo namin. Wala namang bagong mensahe mula sa kaniya kaya sure akong hindi niya pa nakikita ang article. Malamang iniintindi niya pa rin ang nangyari sa kaniya kaninang umaga. 

 

Tumayo na ako at mabilis na inayos ang gamit ko mula sa locker. Isang tawag ko lang naman kay Jaemin ay naintindihan niya agad ang gusto kong sabihin. 

 

“Kaya na naman dito, Win. Uwi ka na.” Tumango na lang ako rito bago nagmamadaling lumabas ng shop. 

 

Hindi ko na alam ang nangyari at paggising ng diwa ko, nasa tapat na ako unit ko. The whole time na nasa labas ako, puro si Karina at ang article lang naman ang nasa isip ko. 

 

I checked the time and a minute from now, Karina will go live. Kinuha ko ang laptop mula sa kwarto at binuksan ang tv sa sala. Agad ko namang nakita ang press conference na sinasabi nila sa youtube channel ng company nila Karina. 

 

Nagsimula namang umingay ang cellphone ko habang binubuksan ko ang laptop ko para tumingin ng balita. 

 

“Winter, what the ?,” bungad sa akin ni Giselle matapos kong sagutin ang tawag niya. Napapikit na lang ako dahil dito. 

 

Chineck ko naman agad ang mga message sa akin. Hinahanap ko ang numero niya. 

 

“First of all, I would like to…” mahinhing sabi ni Karina sa harap ng mic. Rinig ko naman ang boses ng manager niya sa likod ng camera. 

 

Nakatitig lang naman ako sa mukha na nasa tv. With that face, hindi na nakapagtataka na sikat siya dito sa bansa. She literally have the face of a goddesss. The mole under near her lips–

 

“Don’t ing tell me na natulala ka na naman sa mukha niya? Winter focus!,” sigaw ni Giselle sa kabilang linya. Rinig ko rin ang boses ni Karina mula sa kaniya kaya sigurado akong nanonood din siya ng live. 

 

“Winter, I swear to God–”

 

“Hindi ko rin alam, G! Literal na nalaman ko lang kanina nung lunch break namin!”

 

“Bakit ba kasi hindi ka nagc-check ng phone?”

 

"For years, my name has been linked to numerous people. Honestly, I was happy at first since they say bad publicity is still publicity. Not until my private life and private relationships with the people around me have been compromised..."

 

“Bakit nabalik na naman sa phone ko!”

 

"My fans and anyone close to me know how badly I like to keep my life private despite my profession…”

 

“Kasi kung chineck mo lang phone mo–”

 

"This conference is to address the article going around. I know that this is my first time addressing rumors, and I hope that this will be the last…”

 

“As if may magagawa ako? Nasa breaking news na nga eh ano pa magagawa ko?”

 

“I don’t know, maybe you could avoid dating the hotshot?,” nang-aasar na sabi sa akin ni Giselle. 

 

“Gi–”

 

"I will not make this longer. I am here to confirm that I am indeed the girl in the photo together with my lover…”

 

Natataranta na ako dito sa sala dahil sa ingay ni Giselle at sa mga sinasabi ni Karina. Hindi rin nakatulong ang mga nababasa kong messages mula sa mga kaibigan namin. 

 

“And akala ko ba break na kay–”

 

"But we broke up almost six months ago, and I have had no contact with her ever since…”

 

“We did…,” mahina kong tugon kay Giselle matapos niyang manahimik nang sabihin ni Karina in public ang status ng relasyon namin. 

 

Bigla namang tumahimik ang paligid. Hindi umiimik si Giselle sa kabilang linya habang tahimik namang nakatitig lang si Karina sa camera, diretso ang tingin na para bang nakikita ako sa likod ng tv. 

 

My heart sank for the way her eyes screamed something and for the way her lips strayed. The very same eyes and lips that I admired and kissed for God knows how addicting. 

 

“…,” is what I managed to say with shaky breath. 

 

Ever since I was in elementary school, I have always been fascinated by the concept of time. How fast it goes whenever I am sleeping or playing, or how slow it goes whenever our math teacher says things.

 

How it both slows down and runs fast whenever I am with her. 

 

And how fast she left my embrace.

 

Just like now, time is somehow both slipping away and freezing. Freezing because all I can see is her face and slipping away because the smiling image of her is fast dissolving from my mind.

 

“Winter…,” I was pulled back when Giselle called my name softly. I blinked and saw that the livestream of the conference had ended. 

 

My phone’s blowing up. 

 

“Did she message you ba, Win? About today?”

 

…and I have had no contact with her ever since

 

Right, we never talked after that day. Para na lang kaming bumalik sa dati na kung saan hindi namin alam ang existence ng isa’t isa. 

 

“We talked about this naman na before, Gi. It’s okay. I’m alright.”

 

“Dito ka sakin mamaya matulog?”

 

“Hmm.”

 

“Ibaba ko na ‘to ah. Message me na lang if you want to talk na”

 

Hindi na ako sumagot at pinatay na lang ang cellphone. Nakatulala lang naman ako sa nakapatay na tv nang makita ang isang notification sa laptop na nakapatong sa lamesa sa harap ko. 

 

I suddenly lose my will to open the email as my heart aches at how familiar the email address of the sender is.

 

Matapos ang milang minuto, nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob para buksan ang mensahe na ipinadala niya. 

 

First message after that day. 

 

I’m sorry. 

 

Agad akong tumayo at dumiretso sa kwarto ko matapos mabasa ang dalawang salita na paulit ulit nang lumabas sa bibig niya sa loob ng buwan naming pagsasama. 

 

I silently laugh at how eventful this day was. Nagising ako sa sigaw at kurot ni Giselle at matutulog sa I'm sorry ng isang artista. I slept with a familiar feeling. I had the same feeling of emptiness last night. Funny. 

 

“I’m sorry. Winter, I’m really sorry.”

 

"Yeah, I think you should," were the words I managed to say after minutes of experiencing the coldness of the night. I never knew how cold it was in Manila until this night. Malamig din pala sa Manila. I sighed loudly.

 

"And I'm sorry, too," I added.

 

I started walking away from her when I remembered something. I faced her, and she looked at me expectantly. With a deep sigh, "I...I love you..."

 

A new batch of tears streamed down her face. "Winter...," she called me with a vulnerable voice.

 

"I just want you to know...to remember..." Tears started to form in the corner of my eyes. "And maybe for the last time?"

 

"Wow, I never believed you when you said na Taylor songs slaps, but look at me now agreeing with you. But it would've been fun—"

 

"If you would've been the one," Karina cut me off and finished the song.

 

I smiled at her before walking away. I walked away before I started to lose my mind, and I begged her to try again with me. 

 

 

I, I, I persist and resist the temptation to ask you

If one thing had been different

Would everything be different today? 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aalysb
thank you po sa support! hindi ko lang po sure kung kelan ako ulit magkakaroon ng oras para magsulat hahsdhasd kaya see u next year na lang po jk haha pero kapag binagabag po ako ni karina maharot baka hindi ko po matiis at magsulat ako ng next chap. thank u po ulit!

Comments

You must be logged in to comment
bpandap #1
Chapter 9: the way ung update akala ko tapos na, wag muna please, i want more huhu
stillem193
#2
Chapter 7: dedma sa bashers ang motto
stillem193
#3
Chapter 6: oh edi nakangiti nnmn ak nyan
stillem193
#4
Chapter 4: PUTANGINA 😭😭😭
stillem193
#5
Chapter 3: kilig. . . 😣
stillem193
#6
Chapter 2: 😭😭😭
1234_qwerty
#7
Chapter 9: ang ganda ng pagkakasulat 🤧❤
TYTFshipper
267 streak #8
Chapter 9: Timbog reveal po, final answer tito boy 👀😂 welkambak tor! nagreread syempre ang ferzon bilang masipag tayo eh aka makakalimutin talaga kasi 🤧🤭 see you next chap mo tor! excited na me sa timbog reveal 😂
AhnJang_0304
#9
Chapter 9: si karina na raw bagong anak ng mama mo win
hiver_pogi
#10
Chapter 9: hhshiehddjs excited na sa next chap