Chapter 8

I Am Not Your Secret Admirer?!
Please Subscribe to read the full chapter

"Sorry Winter, mauuna na ako. Makikipagmeet pa ako sa mga kasamahan ko sa volleyball." paalam ko atsaka nagsimulang maglakad palayo. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na hindi maiyak, pero kusa na lang bumagsak yung mga luha ko noong makalayo na ako mula kay Winter. Marahil, mas ayos nga talaga siguro na maaga pa lang at nireject na niya ako. Pero alam kong mahirap sa side ni Winter na ireject ako, kaya mas okay siguro kung palabasin ko na lang na hindi ko siya gusto. At least ngayon, alam kong wala dapat akong asahang pagmamahal mula sa kanya.

---

"Ano?" gulat na wika ni Ningning. "Wala siyang gusto sa iyo?! Eh--ano iyong, ano iyon--"

"Masyado lang siguro tayong nagjump sa conclusion." buntong hininga ni Winter. "Tangina, nakakahiya. Baka isipin ni Karina assumera ako."

"Well, she can't blame us, nagpakita ng motibo si Karina. Besides, tinanong niya rin ako kung may jowa ka." bulong ni Giselle. "I just don't get it. Bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon kung hindi ka pala niya gusto?"

"Baka hindi lang talaga natin ganoon kakilala si Karina." buntong hininga ni Winter. "After all, hindi naman talaga natin siya close as in."

"Huwag kang magalala, at least, nalinawan tayo na hindi ka naman talaga niya gusto." sambit ni Ningning atsaka napakagat sa kanyang kuko. "My god, nakakahiya what the hell!"

"Ganito na lang, umarte ka na lang ng parang katulad ng dati. I am pretty sure babalik din naman ang lahat sa dati. Basta, kailangan hindi ka rin magmukhang guilty." advice ni Giselle. "Huwag ka na masyadong magisip."

Tumango na lamang si Winter, dahil alam niyang mabait si Karina. Alam niyang magiging maayos din ang sitwasyon, at hindi magiging awkward ang lahat. Ngunit, iyon ang akala niya.

"Karina!" pagtawag ni Winter sa bagong pasok na babae. Kinawayan niya ito at nginitian, pero nagbigay lamang ng matamlay na ngiti ang dalaga atsaka nagtungo sa kanyang upuan. Nabigla si Winter sa pangyayari, dahilan para mapatingin siya sa dako ng kanyang mga kaibigan. Nilakihan ni Ningning ang kanyang mga mata atsaka sumenyas na mukhang galit si Karina. Sa pagkakataong iyon, ay hindi napigilan ni Winter ang mapakagat sa labi. Nagiba ang pakikitungo ni Karina, dahilan para mapaisip siya sa mga salitang sinabi niya kahapon.

-

"Ah, Karina, may papasabay ka ba? pupunta ako ng canteen." tanong ni Winter sa dalagang kasalukuyang nagsusulat sa kanyang notebook. Noong magtama ang kanilang mga paningin, ay ngumiti lamang si Karina atsaka umiling.

"Salamat Winter, pero may baon akong pagkain." sagot ni Karina atsaka inilabas ang kanyang baon. "Sige, mauuna na ako." 

Habang tinititigan ni Winter na maglakad palayo ang dalaga, ay hindi niya mapigilan ang mainis sa sarili. 

"Mukhang hindi kayo okay ni Karina ah, anyare? lq?" tanong ni Ryujin sabay akbay ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ramenandchicken
5k reads?!?!?!?!! grabe naman kayo HAHJKHNIKWHJND Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 8: Una sa lahat winter, bakit ka straight? Hahaha chariz ahsjsjsj sya tayo na lang karina kung ayaw ni winter hmp
wnddmks_ 664 streak #2
Chapter 8: Sakit ang aking osup
HelloMango
#3
Chapter 8: Chapter 8: Bakit parang i remember a different version ng story mo authornim? May namiss ba ko? Nasan na ba ako? 👀😵‍💫
lokonaba
#4
Chapter 8: hmmmmmm
lokonaba
#5
Chapter 6: gosh karina CHAEWON NAMAN AHHAHAHAHAHAHHA
crimson_snow #6
Chapter 8: I knew iiiit!!! Karina only said that para di mahirapan si Winter, kaso both silang nahihirapan naman now. I understand Karina's side because I know it might be bard for her to stay close to Winter without being hurt, but I also feel bad for Winter kasi she's clueless about Karina's real feelings, which is in no way her fault, and she thinks Karina somehow hates her 😔
aguaaa #7
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHA omg, magpalamon kana sa lupa, winter. 😭
shajanie
#8
Chapter 7: Ahww okay lng yan Win…. Bawi kana nlng susunod hahahaa
taytaysbetty
#9
Chapter 7: AHAHAHAHAHA! The secondhand embarrassment. 😭
ehwanpo #10
Chapter 7: kung ako sa'yo winter hindi na ako lalaabas ng bahay... 😭