Chapter 3

I Am Not Your Secret Admirer?!
Please Subscribe to read the full chapter

“Ha?” gulat kong tugon sabay kapa sa palda ko. Maya-maya ay biglang tumawa si Karina, dahilan para bigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Mga ilang segundo rin siya tumawa kahit wala akong ideya kung ano bang nakakatawa sa tanong ko. Noong natapos na siya, tumitig siya akin at ngumisi.

 

“Wala, nagbibiro lang ako.” sambit niya. “Sorry.”

Ganito ba talaga humor ng mga matatalino? Parang ang random naman masyado.

“Ahhh,” tumatangong tugon ko. “Sige, una na ako.” pagpapaalam ko bago maglakad palayo. 

 

Ngayon, poproblemahin ko naman kung sino ang makakapartner ko sa Science. Bakit naman kasi hindi sinabi sa akin ni Ningning na sila na pala ang magpapartner ni Giselle?! Kapag wala na talagang choice, baka kailanganin ko na talagang tanggapin yung alok ni Karina. After all, sino ba naman ako para humindi hindi ba? 

 

“WINTERR!!!!!” halos matapilok ako sa kaba noong may marinig akong sumigaw sa likuran ko. Mabilis akong lumingon para tignan kung may dala bang gunting o kutsilyo yung tumawag sa akin. Sa lakas at tono kasi ng boses niya, parang balak niya akong saksakin eh.

 

“Oh, bat kailangan mong sumigaw ng ganyan! Para namang balak mo akong patayin niyan!” tugon ko sabay punas ng pawis. Si Doyoung lang pala, yung grade 12 na may gusto sa pinsan kong si ate Joy. Mabait naman si Doyoung at matalino. Kaso wala siyang enough confidence para makipagusap kay ate Joy. Yung tipong kapag nasense niyang nandiyan na si ate Joy sa di kalayuan, tumatakbo na agad siya palayo.

 

“May ibibigay ako kay Joy, ikaw na lang magbigay, please?” pagmamakaawa nito habang inaayos ang salamin niya. Noong tignan ko yung maliit na box sa kamay niya, napangisi ako at napabuntong hininga.       

 

“Ikaw na lang ang magbigay, okay? Ilang taon ka nang may gusto sa kanya. Sige ka, baka maunahan ka ng iba diyan,” tugon ko at nagsimula na muling maglakad.

“Teka, may iba pa bang nagkakagusto sa pinsan mo?” may halong takot na sagot ni Doyoung. “Ahhh! Bakit kasi ang ganda ganda mo, Joy. Nakakainis.”

“Ikaw na magbigay, please lang. May pinoproblema pa ako, okay?” reklamo ko.

“Ano ba yung problema mo?”

“Tutulungan mo ba ako?” tanong ko.

“Okay lang.”

Agad na kumunot ang noo ko sa sagot ni Doyoung. Minsan talaga hindi ko ma-gets pinagsasabi nito.

“Anong okay lang? Alam mo Doyoung, magpahinga ka nga on time. Masyado mong binubugbog sarili mo sa Acads eh.” 

“Sige na bigay mo muna ito tapos tutulungan kita,” pagpupumilit ni Doyoung sabay lagay ng maliit na box sa kamay ko. “I-chat mo sa akin yung kailangan mo tapos tutulungan kita, okay? Bye bye!” pahabol ni Doyoung sabay gulo ng buhok ko. Tinitigan ko lang siya habang tumatakbo palayo.

 

Siguro, ganoon talaga kahirap mahulog sa isang taong parang malabong maging sa iyo. 

 

Tinitigan ko lang yung binigay niyang box at na

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ramenandchicken
5k reads?!?!?!?!! grabe naman kayo HAHJKHNIKWHJND Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 8: Una sa lahat winter, bakit ka straight? Hahaha chariz ahsjsjsj sya tayo na lang karina kung ayaw ni winter hmp
wnddmks_ 665 streak #2
Chapter 8: Sakit ang aking osup
HelloMango
#3
Chapter 8: Chapter 8: Bakit parang i remember a different version ng story mo authornim? May namiss ba ko? Nasan na ba ako? 👀😵‍💫
lokonaba
#4
Chapter 8: hmmmmmm
lokonaba
#5
Chapter 6: gosh karina CHAEWON NAMAN AHHAHAHAHAHAHHA
crimson_snow #6
Chapter 8: I knew iiiit!!! Karina only said that para di mahirapan si Winter, kaso both silang nahihirapan naman now. I understand Karina's side because I know it might be bard for her to stay close to Winter without being hurt, but I also feel bad for Winter kasi she's clueless about Karina's real feelings, which is in no way her fault, and she thinks Karina somehow hates her 😔
aguaaa #7
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHA omg, magpalamon kana sa lupa, winter. 😭
shajanie
#8
Chapter 7: Ahww okay lng yan Win…. Bawi kana nlng susunod hahahaa
taytaysbetty
#9
Chapter 7: AHAHAHAHAHA! The secondhand embarrassment. 😭
ehwanpo #10
Chapter 7: kung ako sa'yo winter hindi na ako lalaabas ng bahay... 😭