Chapter 4

I Am Not Your Secret Admirer?!
Please Subscribe to read the full chapter

“Yeji, Ryujin, Lia.” nanginginig kong bulong habang tumitingin sa paligid. “Mali kayo ng iniisip, okay?!”

“Never kong inexpect sa buong buhay ko na isa ako sa makakakita kung sino ang secret admirer ni Karina,” manghang bulong ni Lia habang umiiling. “I mean, hindi naman ako super invested pero nakakatuwa lang na nalaman ko kung sino.”

Inikot ko ang mga mata ko at napabuntong hininga. Ito namang si Yeji ay kanina pa tili ng tili habang hinahampas si Ryujin.

"Sabi ko na nga ba meron pang bading sa section natin eh!" sigaw ni Yeji.

“Hindi ako ang secret admirer ni Karina, okay?” paglilinaw ko. “Atsaka bakit ako magkakagusto kay Karina?”

“Bakit hindi?” mabilis na tugon ni Ryujin sabay taas ng kaliwang kilay niya.

“Kailangan ba may rason?” tanong ko pabalik. “Pakinggan niyo muna yung explanation ko bago kayo magconclude, please?”

Umayos sila ng tayo at tumitig sa akin. 

Ayaw ko talaga magsinungaling, pero baka hindi sila maniwala sa explanation ko. Hay, Bahala na.

“Inutusan lang ako na ilapag yung chocolate,” pagsisinungaling ko. Nanlaki ang mga mata nila at lumapit sa akin. 

“Eh sinong nagutos sayo?” tanong ni Yeji sabay nguso.

“Bakit ko sasabihin?” pinagpapawisan kong sagot.

“Para maniwala kami na hindi talaga ikaw?” sagot ni Lia sabay tingin sa kuko niya. “Hindi naman namin sasabihin sa iba eh.”

“Ah.. eh..” napakamot ako sa ulo ko.

“Hindi ka talaga masyado magaling magsinungaling,” asar ni Ryujin sabay lagay ng kamay niya sa balikat ko. “Huwag ka mag-alala, wala namang makakaalam bukod sa aming tatlo.” bulong nito sa tainga ko. Nagtaasan yung balahibo ko dahil sobrang lapit ni Ryujin parang kulang na lang halikan niya ako. 

Agad akong humakbang palayo habang tumatawa. 

“Fine, sasabihin ko na talaga ang nangyari.” huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko.

“Monday cleaner ako at nilinis ko ang likod ng classroom natin dahil nagkalat ang mga balat ng candy. Aksidente kong natabig yung desk ni Karina at nung nahulog yung chocolate, pinulot ko at inilagay sa desk niya ulit,” pagpapaliwanag ko. “Ayun. Yun talaga yung nangyari kaya nakita niyo kong hawak ko yung chocolate.” 

“Eh?” bulong ni Yeji. Base sa hitsura nila, imbes na magbago ang mga isip nila, ay mas lalo pa silang naghinala na baka ako nga talaga ang secret admirer ni Karina.

“Mas maniniwala pa ako sa una mong sinabi eh,” umiiling na bulong ni Lia. “Okay lang yan Winter, magiging little secret nating apat ito. Hindi naman namin ipagkakalat.”

 

Siguro kung hindi ko nakasabay sa pagtawid si Karina noong isang araw, payapa pa ang buhay ko. Nasa gilid lang ako ng classroom, kasama nina Ningning at Giselle. Magkwekwentuhan lang kami about school, anime, bl, at manga. Kakain ng chicken pauwi, at magchachat uli tuwing gabi kahit magkasama namin kaming tatlo noong hapon.

 

Nakakainis, bakit umabot pa kasi sa ganito?

 

“Huy,” nakaramdam ako ng tapik sa likod ko. “Lalim ng iniisip mo ah. Okay lang magkaroon ng one sided crush no.” Noong mapatingin ako sa paligid, hindi ko namalayan na nandito na pala halos lahat ng kaklase ko. 

 

“Para tie na tayo, sasabihin ko na lang din sayo yung crush ko,” bulong ni Ryujin.

 

Hindi naman ako interesado malaman, pero sige, para sa ikakatahimik ng buhay niya. 

 

“Ikaw,” agad akong napatingin kay Ryujin noong sabihin niya ang salitang iyon. Nanlaki ang mga mata ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ramenandchicken
5k reads?!?!?!?!! grabe naman kayo HAHJKHNIKWHJND Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 8: Una sa lahat winter, bakit ka straight? Hahaha chariz ahsjsjsj sya tayo na lang karina kung ayaw ni winter hmp
wnddmks_ 664 streak #2
Chapter 8: Sakit ang aking osup
HelloMango
#3
Chapter 8: Chapter 8: Bakit parang i remember a different version ng story mo authornim? May namiss ba ko? Nasan na ba ako? 👀😵‍💫
lokonaba
#4
Chapter 8: hmmmmmm
lokonaba
#5
Chapter 6: gosh karina CHAEWON NAMAN AHHAHAHAHAHAHHA
crimson_snow #6
Chapter 8: I knew iiiit!!! Karina only said that para di mahirapan si Winter, kaso both silang nahihirapan naman now. I understand Karina's side because I know it might be bard for her to stay close to Winter without being hurt, but I also feel bad for Winter kasi she's clueless about Karina's real feelings, which is in no way her fault, and she thinks Karina somehow hates her 😔
aguaaa #7
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHA omg, magpalamon kana sa lupa, winter. 😭
shajanie
#8
Chapter 7: Ahww okay lng yan Win…. Bawi kana nlng susunod hahahaa
taytaysbetty
#9
Chapter 7: AHAHAHAHAHA! The secondhand embarrassment. 😭
ehwanpo #10
Chapter 7: kung ako sa'yo winter hindi na ako lalaabas ng bahay... 😭