Chapter 5

I Am Not Your Secret Admirer?!
Please Subscribe to read the full chapter

Happy valentines, guys! :D Nawa'y kahit papaano mapasaya kayo ng update ko today :D 

-----

Winter's POV

Kanina ko pa tinutuktok sa lamesa ang ballpen ko pero tuwing isusulat ko na sa notebook, wala talagang lumalabas na tinta. 

"Bakit kung kailan kailangan namin magsulat tsaka nagkaganito itong ballpen ko?" bulong ko sa sarili habang umiiling. Bago nanaman ang seating arrangement namin sa Filipino. Hindi ko rin alam kung bakit, pero trip ata yata ng teacher namin ang magpapalit palit ng mga upuan. Nagkataong absent yung uupo sa tabi ko, dahilan para mapatingin ako sa paligid kung sino ang pwedeng paghiraman ng ballpen.

"Oh.."

Nagulat na lang ako noong biglang lumitaw sa tabi ko si Ryujin na may hawak na black na ballpen. Patuloy pa rin ito sa pagsusulat sa notebook habang nakalahad ang kanyang kanang kamay.

"Salamat." bulong ko atsaka kinuha ang ballpen na hawak niya.

"Huwag ka sa akin magpasalamat, kay Karina." sagot ni Ryujin. Hindi napigilan ng mga mata ko ang manlaki noong sabihin ito ni Ryujin. Muli akong napatingin sa kanya, at noong magtagpo ang mga mata namin ay binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Hindi ka naman masyadong obvious." sarkastikong wika ni Ryujin atsaka itinaas ang kanyang dalawang kilay. Agad ko siyang hinampas sa balikat dahil baka may makarinig sa mga kaklase namin at akalain nilang may gusto ako kay Karina.

"Seryoso nga, si Karina nga nagbigay." bulong pa ni Ryujin.

"Paano ako maniniwala sa iyo?" bulong ko pabalik.

"Tumingin ka kung saan nakaupo si Karina." agad akong tumingin sa kung saan ang bagong upuan ni Karina, at noong makita kong nakatingin din siya sa akin, ay halos matunaw ako sa ngiting ipinakita niya.

"Naks, alam na alam kung saan ang bagong upuan ni Karina ah," asar pa ni Ryujin sabay pindot sa beywang ko. Parang gago talaga ito, kung crush ako nito bakit ako nito aasarin kay Karina? Siguro nga trip lang talaga ako ng babaeng ito.

----

"Winter!" papunta na sana ako sa dako nila Ningning, ngunit natigilan ako noong may tumawag ng pangalan ko. Paglingon ko, ay nakita ko si Karina at nakangiti nanaman ito. Hindi ko talaga mawari kung bakit sa pagkakataong ito, parang may anghel na umaawit habang nakatitig ako sa mukha ni Karina. Siguro dahil mukh

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ramenandchicken
5k reads?!?!?!?!! grabe naman kayo HAHJKHNIKWHJND Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 8: Una sa lahat winter, bakit ka straight? Hahaha chariz ahsjsjsj sya tayo na lang karina kung ayaw ni winter hmp
wnddmks_ 665 streak #2
Chapter 8: Sakit ang aking osup
HelloMango
#3
Chapter 8: Chapter 8: Bakit parang i remember a different version ng story mo authornim? May namiss ba ko? Nasan na ba ako? 👀😵‍💫
lokonaba
#4
Chapter 8: hmmmmmm
lokonaba
#5
Chapter 6: gosh karina CHAEWON NAMAN AHHAHAHAHAHAHHA
crimson_snow #6
Chapter 8: I knew iiiit!!! Karina only said that para di mahirapan si Winter, kaso both silang nahihirapan naman now. I understand Karina's side because I know it might be bard for her to stay close to Winter without being hurt, but I also feel bad for Winter kasi she's clueless about Karina's real feelings, which is in no way her fault, and she thinks Karina somehow hates her 😔
aguaaa #7
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHA omg, magpalamon kana sa lupa, winter. 😭
shajanie
#8
Chapter 7: Ahww okay lng yan Win…. Bawi kana nlng susunod hahahaa
taytaysbetty
#9
Chapter 7: AHAHAHAHAHA! The secondhand embarrassment. 😭
ehwanpo #10
Chapter 7: kung ako sa'yo winter hindi na ako lalaabas ng bahay... 😭