Chapter 2

I Am Not Your Secret Admirer?!
Please Subscribe to read the full chapter

 

“Ah! This is so goood!” sigaw ni Mark sabay tingin sa langit. Agad naman siyang tinitigan ni Haechan na parang kinukwestiyon niya ang buong pagkatao nito. 

"Mark, yelo lang naman iyan. pwedeng pwede mong magawa sa bahay ninyo." Umiiling na wika ni Haechan atsaka nagpatuloy sa pagtusok ng fishball sa plastic cup. 

“Halika Haechan tikman mo this one!” yaya pa nito sabay lapit kay Haechan. “I think mas masarap kapag powdered milk yung nasa ibabaw.”

“Alam ko na lasa niyan! Ako nga nagintroduce sa’yo niyan diba?” nagtatampong sagot ni Haechan. “Grabe, kinakalimutan mo memories natin. Anong klaseng kaibigan ka.”

Maya maya ay bigla na lang akong nakarinig ng humahagikgik sa gilid, dahilan para agad akong mapatingin sa tabi ko. Noong magtama ang paningin namin, nakangisi lang siya sabay tango. Sa pagkakaalam ko, Jeno pangalan nitong lalaking ito eh. Ni hindi ko nga napansin na kasama pala namin ito the whole time. Kung hindi ko pa narinig yung tawa niya, hindi ko pa mapapansing kasama namin ito.

“Gusto mo kwek-kwek?” tanong nito sabay ngiti. Ngumisi ako at umiling. Nagpatuloy ako sa pag-inom ng buko juice na nasa plastic. Niyaya nila ako bumili ng ice scramble, pero sa kamalas-malasan, nung ako na yung bibili, naubos na. Kaya wala akong choice, nag buko juice na lang ako. 

"Ihh, okay lang. Sa iyo na lang ito. Huwag kang magalala, hindi ko ito nilawayan." pag-aalok pa ni Jeno. Well, medyo gusto ko rin naman ng kwek kwek, kaya balak ko na sanang kunin yung plastic cup, pero biglang kinuha ni Karina sa kamay ni Jeno yung cup. Pareho kaming nagulat ni Jeno sa ginawa ni Karina, pero mas nagulat kami noong ibigay sa akin ni Karina yung hawak niyang plastic cup na puno ng kwek kwek sa kabilang kamay niya. 

"Sa iyo na 'yan." sambit ni Karina atsaka nagsimulang kumain ng kwek kwek mula sa lagayan ng plastic cup na ibinigay ni Jeno. Pareho kaming nagtaka sa ginawa ni Karina, pero gayunpaman, ay ipinagsawalang bahala na lamang namin iyon. Ipinagpatuloy na namin ang paglalalakad patungo sa school dahil kanina pa nagrereklamo yung Chenle na late na sila sa practice, pero siya nga yung nagpatagal dahil napakadami niyang biniling pagkain. 

 

Noong mapatingin ako sa dako ni Renjun, ay hindi ko inaasahang mahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin. Hindi sa pagiging delusional, pero kanina ko pa iyon napapansin simula nung naglalakad kami papunta sa bilihan ng ice scramble. Syempre, ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko. Sino bang hindi magbablush kapag tinititigan ka ng crush mo? 

 

Kaso nga lang, noong napapasulyap ako kay Karina, napapansin kong nakatingin din siya kay Renjun. Doon ko narealize na baka may gusto nga talaga si Karina sa kanya, at kadalasan sa mga romance movies, ang mga taong tulad ko ang nagdudusa sa huli—yung mga character na nagpapagulo sa relasyon ng dalawang main leads. Siyempre, ayaw ko naman magdusa sa huli, kaya maaga pa lang, dapat iwasan ko na silang dalawa. 

 

Maya maya ay agad kaming nagulat noong biglang umubo si Renjun. 

 

“Oh ayan tanga! Sinabi ko naman kasi sayo wag ka kakain ng maanghang alam mo namang hindi ka sanay sa maanghang pero nagpumilit ka pa ring bata ka ayan napapala ng mga batang katulad mo na kumakain ng mga maaanghang! Tignan mo mamaya magkakaalmuranas ka at magsisisi ka dahil hindi ka nakinig sa akin!” tuluy-tuloy na saway ni Jaemin, dahilan para maghagalpakan sa kakatawa yung Chenle atsaka si Mark.

Noong magtama ulit yung paningin namin ni Renjun habang umuubo siya, bigla akong nahiya. Parang feeling ko, required na ialok ko yung hawak kong buko juice. 

Promise Lord, ngayon lang ito. Hindi na mauulit ito. 

Inilahad ko yung kamay ko na may hawak na buko juice at ngumiti. Maya maya ay nakita ko na bigla siyang napangisi habang kinukuha sa akin yung plastic na may buko juice. 

Lord, hindi ko alam kun

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ramenandchicken
5k reads?!?!?!?!! grabe naman kayo HAHJKHNIKWHJND Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 8: Una sa lahat winter, bakit ka straight? Hahaha chariz ahsjsjsj sya tayo na lang karina kung ayaw ni winter hmp
wnddmks_ 664 streak #2
Chapter 8: Sakit ang aking osup
HelloMango
#3
Chapter 8: Chapter 8: Bakit parang i remember a different version ng story mo authornim? May namiss ba ko? Nasan na ba ako? 👀😵‍💫
lokonaba
#4
Chapter 8: hmmmmmm
lokonaba
#5
Chapter 6: gosh karina CHAEWON NAMAN AHHAHAHAHAHAHHA
crimson_snow #6
Chapter 8: I knew iiiit!!! Karina only said that para di mahirapan si Winter, kaso both silang nahihirapan naman now. I understand Karina's side because I know it might be bard for her to stay close to Winter without being hurt, but I also feel bad for Winter kasi she's clueless about Karina's real feelings, which is in no way her fault, and she thinks Karina somehow hates her 😔
aguaaa #7
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHA omg, magpalamon kana sa lupa, winter. 😭
shajanie
#8
Chapter 7: Ahww okay lng yan Win…. Bawi kana nlng susunod hahahaa
taytaysbetty
#9
Chapter 7: AHAHAHAHAHA! The secondhand embarrassment. 😭
ehwanpo #10
Chapter 7: kung ako sa'yo winter hindi na ako lalaabas ng bahay... 😭