Chapter 7

I Am Not Your Secret Admirer?!
Please Subscribe to read the full chapter

Putangina, pakiramdam ko masusuka ako anytime. 

Hindi ko lang masabi sa mga kasama ko yung pakiramdam ko dahil masaya silang nag-uusap about kung anu-ano. Ayaw ko namang sirain yung saya ng pag-uusap nila. Ramdam ko ang panlalamig ng pawis ko, dahilan para mapakapit ako ng mahigpit sa bag. Hindi ko alam bakit parang hihimatayin ako sa bilis ng tibok ng puso ko. 

"Diba Winter?" mabilis akong napatingin kay Ningning atsaka mabilis na tumango kahit hindi ko alam ang pinaguusapan nila.

"Oh tignan mo, oo rin siya." sagot ni Ningning sabay hampas kay Giselle. Noong naramdaman kong may lalabas na mula sa bunganga ko, ay agad akong napatingin sa paligid. Noong makakita ako ng isang kanal, agad akong nagtatakbo roon atsaka sumuka. Habang pinupunasan ko ang labi ko, ay rinig ko ang sunud sunod na yapak ng mga kasama ko patungo sa akin.

"Huy, bat ka sumuka?" tanong ni Ningning. "Oh my god, buntis ka?!"

"Gaga, paano ako mabubuntis eh pa ako." bulong ko atsaka tinalian ang buhok ko. 

"Eh bakit si mama m--" mabilis kong tinapakan ang sapatos ni Ningning. Alam ko kung anong isasagot niya, at kinabahan ako, sa totoo lang. Paano kung ma-offend sina Karina at Chaewon sa humor na mayroon kami? Baka sabihin nila binabastos namin yung mga ganoon. Wala kasing filter si Ningning eh.

"Tingin ko sa kape iyan." bulong ni Giselle atsaka nagbigay ng bottled water. "Masyado atang matapang sa iyo yung kape." Kitang kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Karina noong mga oras na iyon. Mabilis siyang humingi ng tawad sa akin.

"Oh my god, I am sorry Winter. Kasalanan ko talaga kung bakit nagpapapalpitate ka." paghingi ng tawad ni Karina sabay tanggal ng tali sa buhok ko. Pinagsama sama niya ang lahat ng strands ng buhok ko atsaka hinigpitan ang tali rito. "Dapat pala hindi na lang ako nakipagpalit sa iyo."

"Hindi, ayos lang! Nagmamagandang loob ka lang naman eh." sagot ko. "Huwag kang magalala, magtutubig lang ako at mawawala na ito."

Ngumiti si Karina, pero halata ko kung gaano ito kapeke. Noong makarating na ako sa bahay, ay laking gulat ko noong paulanan ako ng napakaraming mensahe ni Karina.

From: Karina Yu

Winter, okay ka na ba?

UYYYY

Ayos ka na ba?

Sorry talaga.

Next time, sabihin mo sa akin kung ano yung mga allergies mo.

Sorry talaga, Winter.

---

Bukod pa rito, ay sabog na rin ang notification ko dahil sa dami ng nagreact sa mga litrato namin nila Karina noong nasa coffee/milktea shop kami.

"Ganito pala ang pakiramdam maging famous.." natatawa kong bulong habang iniiscroll ang notifications ko. "Para akong hindi makakatulog sa patuloy na pagvibrate ng cellphone ko."<

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ramenandchicken
5k reads?!?!?!?!! grabe naman kayo HAHJKHNIKWHJND Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jysowee
#1
Chapter 8: Una sa lahat winter, bakit ka straight? Hahaha chariz ahsjsjsj sya tayo na lang karina kung ayaw ni winter hmp
wnddmks_ 664 streak #2
Chapter 8: Sakit ang aking osup
HelloMango
#3
Chapter 8: Chapter 8: Bakit parang i remember a different version ng story mo authornim? May namiss ba ko? Nasan na ba ako? 👀😵‍💫
lokonaba
#4
Chapter 8: hmmmmmm
lokonaba
#5
Chapter 6: gosh karina CHAEWON NAMAN AHHAHAHAHAHAHHA
crimson_snow #6
Chapter 8: I knew iiiit!!! Karina only said that para di mahirapan si Winter, kaso both silang nahihirapan naman now. I understand Karina's side because I know it might be bard for her to stay close to Winter without being hurt, but I also feel bad for Winter kasi she's clueless about Karina's real feelings, which is in no way her fault, and she thinks Karina somehow hates her 😔
aguaaa #7
Chapter 7: HAHAHAHAHAHAHA omg, magpalamon kana sa lupa, winter. 😭
shajanie
#8
Chapter 7: Ahww okay lng yan Win…. Bawi kana nlng susunod hahahaa
taytaysbetty
#9
Chapter 7: AHAHAHAHAHA! The secondhand embarrassment. 😭
ehwanpo #10
Chapter 7: kung ako sa'yo winter hindi na ako lalaabas ng bahay... 😭