XX.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Kumalma ka muna, Win. Okay lang sila sa hotel. Magkakasama naman sila. Hindi naman hahayaan nina Ate Taeyeon na may mangyaring masama sa atin. Never again. Trust your sister."

 

 

 

"Hindi ko pa rin gets eh." Halatado na rin sa boses ni Ate Yeri ang pagkairita at pagkataranta habang dumadampot ng kung ano-ano sa shelves. "Ang welcoming nila, lalo na si Boss Kangta. Pumapayag nga siya na i-keep natin 'yung mga nakukuha natin. Never siyang nag-demand. Tapos 'yung ibang mga nakatira rin sa hotel– wala naman silang reklamo."

 

 

 

Nakaupo lang ako dito sa counter. Kanina pa ako kating kati na bumalik sa hotel. Hindi pa rin kasi sa akin nagsi-sink in 'yung sinabi ni Ate Wendy na kailangan naming umalis sa hotel soon. 

 

 

 

"Lahat naman tayo ganun ang akala eh. Pero nagsimula kaming magka-doubts nung may na-point-out si Irene na parang hindi tama." Halata na rin sa boses ni Ate Wendy na mahirap din para sa kanya 'yung ganitong kalagayan namin. Ngayon pa nga lang kami nakakabawi sa sakit, sa trauma. Tapos ito nanaman? 

 

 

 

"So, si Irene ang unang nakapansin?"

 

 

 

Hindi ko magawang sumabat. Kailangan kong malaman lahat ng dapat ko pang malaman. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.

 

 

 

"Sa amin lang ni Ate Taeyeon at Ate Sunny sinabi ni Irene nung una. Nagtataka siya kung bakit parang sagana sina Kuya Kangta sa proteins kung puro vegetables ang mayroon sa hotel. Nag-volunteer si Irene sa garden para mas malaman niya. Sinama rin niya sina Lia para hindi siya mahalata. Noong una, akala raw niya na may accessible na farms malapit sa hotel kaya kami lumabas noon nina Ate Taeyeon para i-check. Pero wala."

 

 

 

"Don't tell me...?"

 

 

 

Napatalon ako pababa sa counter. "Ate Wendy, please, bumalik na tayo."

 

 

 

Lumapit sa akin si Ate Wendy at pinasa ang duffel bag na puno ng mga nakuha niya. "Okay lang sila. Kailangan natin mag-stay dito sa labas para hindi makahalata sina Kuya Kangta. Susubukang kumbinsihin ng mga kasama natin 'yung ibang nakatira sa hotel. Kapag bumalik tayo ng maaga, baka mas lalong lumaki ang hinala nila. Hindi rin naman masasabi kaagad sa iba dahil malaki ang chance na gumagana pa ang surveillance cameras ng hotel."

 

 

 

"Hinala? Nasa radar na nila tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Yeri.

 

 

 

Hinila kami ni Ate Wendy papunta sa staff room dahil may mangilan-ngilang mukbangers ang nagsimulang pakalat-kalat sa labas. Baka nakarinig ng mga boses. Boses namin. 

 

 

 

"Hindi namin sure before kung pinaghihinalaan na may alam na tayo pero na-confirm namin nung nakaraang gabi nung bigla na lang siyang gumawa ng ganoong klase ng announcement." Mahina ang boses ni Ate Wendy pero parang mas naririndi ako sa mga revelations niya ngayon. 

 

 

 

"Wala tayong proof kung totoo man 'yang mga 'yan. I don't think na enough na 'yung observations ni Irene."

 

 

 

Tama naman si Ate Yeri, pero parang unti-unting nagco-connect lahat ng mga nangyari sa hotel. Never kaming sumabay sa ibang nakatira sa hotel na kumain kahit na every meal ay sa lobby silang lahat nagsispagkainan. Hindi ko pa nakikita 'yung mga pagkain nila since sabay-sabay kaming lahat kumain sa kwarto namin. Ibig sabihin, from the start, may kutob na sina Ate Irene?

 

 

 

"I don't know if this can be considered as proof pero pabawas na ng pabawas ang mga taong nakatira sa hotel. Ngayon, bakante na ang fourth floor. Inalok nga ng kapatid ni Kuya Kangta na lumipat tayo doon."

 

 

 

"Pero ang sabi nila umaalis daw ng kusa kasi 'yung iba may nahanap na raw na lilipatan tapos 'yung iba nagsasawa na sa same environment?"

 

 

 

Ate Wendy gave Ate Yeri a knowing look pero mukhang confused pa rin siya. 

 

 

 

Wait. 

 

 

 

"Walang nakakita ng mga pag-alis nila." 

 

 

 

"Yes, Win. Wala sa ni isang napagtanungan namin kung may nakakita ba o nakapaghatid man lang sa mga umalis sa labas."

 

 

 

"Paano 'yung mga weird markings and signs na nagkalat sa paligid malapit sa hotel? Pinakita sa akin ni Ate Taeyeon 'yung map na nagawa niya. Sila Tito Kangta rin ba ang may pakana nun?"

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊