XV.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Ready ka na? Sure ka bang enough na 'yung kinain mo kanina? Hindi ka ba nanghihina?"

 

 

 

"Pre, ang OA mo naman. Sa pagkakaalam ko, si Ningning ang OA sa atin, hindi ikaw."

 

 

 

Pinandilatan ko ng mata si Ryujin bago humarap ulit kay Karina. 

 

 

 

Balak ko sanang makipagtalo kagabi kay Karina na 'wag na siyang sumama pero planado na pala. Nakapagpaalam na pala siya sa kapatid ko na sasama siya. Kay Karina ko pa nga nalaman na si Ryujin at Giselle ang makakasama namin kasama ang kapatid ko at si Ate Sunny.

 

 

 

"I have you. You have me. We will be fine." 

 

 

 

"Ate Sunny! Stop the car! Oh, my gosh! Let me out!"

 

 

 

Akala ko ba ako ang OA? Natawa lang si Ate Sunny samantalang walang imik ang kapatid ko sa harap. Parang kiti-kiti si Ryujin sa tabi ko samantalang grumble ng grumble si Giselle sa tabi ni Karina.

 

 

 

Pero kasi! 

 

 

 

"We're here."

 

 

 

Wow.

 

 

 

Akala ko pupunta kami sa isang residential area. 'Yung maraming bahay. 'Yung maraming cupboards, cabinets, refrigerators, o garages!

 

 

 

Hindi ganito.

 

 

 

Na-welcome kaagad ako ng lakas ng hangin pagkababa na pagkababa ko ng sasakyan. Nakaka-miss ng ganito kapreskong hangin.

 

 

 

"Salt air, and the rust on your door~" Biglang kanta ni Ryujin.

 

 

 

"I never needed anything more~" Dugtong kaagad ni Giselle.

 

 

 

"Whispers of 'Are you sure?'~" Dugtong ko with matching pilantik pa ng kamay.

 

 

 

"Wala nga si Ningning pero grabe ha? Lakas makahawa sa jowa ng kamandag." Napailing na lang si Ate Sunny sa kahitsuraan namin ngayong tatlo. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong patulan 'yan, Karina? Baka matulad ka diyan sa kaibigan mo na nahawaan ng virus ng jowa. Sinasabi ko sa'yo, habang maaga pa, pwede pang mag-back-out. Wala ng lunas 'yang mga 'yan."

 

 

 

Pero ngumisi lang ang jowa ko. "With Winter, I am absolutely certain."

 

 

 

Uod sa earth! Itabi niyo na! Mas magaling akong mangisay-ngisay sa sahig dahil sa kilig!

 

 

 

Hinawakan ni Karina ang kamay ko at hinalikan bago sumunod sa dalawang ate, 'yung dalawa sa likod namin ay busy magkwentuhan ng mga beach experiences nila. 

 

 

 

Samantalang ako?

 

 

 

Bakit ko nga ulit ayaw pasamahin ngayon si Karina? Hay nako, past Winter. Buti na lang you're a very good listener sa jowa mo. Kapag pinairal mo ang busangot, hindi ka kikiligin ng ganito! Take note!

 

 

 

Tama ba ang train of thoughts ko sa sitwasyon namin ngayon?

 

 

 

Si Karina kasi–

 

 

 

Oo! Sinisisi ko ang girlfriend ko! 

 

 

 

Paano ba naman kasi? Naglalakad lang naman kami dito sa beach pero bakit parang 'tong katabi ko ginawa namang runway ang shore? Hindi pa nakakatulong 'yung gentle breeze na nagpapasayaw ngayon ng buhok niya. Kung artista lang 'tong si Karina, paniguradong may sariling fan-base ang long hair niya.

 

 

 

God really took His time creating this most beautiful woman. 

 

 

 

My woman.

 

 

 

Sorry, Ate Taeyeon. Hindi na ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko. Hindi na ako 'yung dating nauuto mo na kumendeng sa tuktok ng lamesa kapag may party tapos isisigaw kung gaano ka kaganda.

 

 

 

"Why are you widely smiling?" Nagulat ako sa biglang pagkurot ni Karina sa tagiliran ko. Pwede naman ako kalabitin (o i-kiss, ehe). "Don't tell me you're thinking of someone else? Was it Lia? Or maybe that Mark guy? Seriously, Winter–"

 

 

 

Hinila ko siya palapit sa akin bago mabilis na hinalikan ang pisngi niya. Ngumisi lang ako sa kanya bago tumingin sa direction nina ate. Baka kasi kapag nagsalita pa ako, baka masabi ko lang na bagay sa kanya 'yung maglakad-lakad sa beach na scenario, tapos kapag hindi makapagpigil ang bunganga ko, baka makabanggit pa ako ng topic about bikinis.

 

 

 

"Kung ganyan lang din kayo palagi eh 'di sana sinama ko na lang jowa ko."

 

 

 

"Me, too. I miss Ning already."

 

 

 

"Tama na muna chikahan diyan! Tulungan niyo muna kami dito!" Tumakbo na kami palapit kina Ate Sunny na busy nagtatanggal ng parang tarapal yata na pinantakip sa.... rubber boat?

 

 

 

Binitawan ko muna ang kaya ni Karina bago lumapit sa kapatid ko. "Ate, gumagana pa ba makina nito?"

 

 

 

Umiling si Ate Taeyeon. "Hindi na. Ilang beses na naming sinubukang ayusin 'to ni Sunny pero mukhang palyado na talaga ang makina."

 

 

 

"Hindi na natin kailangan 'yang makina." Lumingon kami sa nakangising si Ate Sunny na may hawak na dalawang pansagwan. May hawak na rin si Giselle at Ryujin na tig-isang pansagwan. Hinagis niya sa akin ang isa. Buti na lang nasalo ko. Si Karina nga nasalo ko, ito pa kaya? Basic.

 

 

 

Kaya ngayon?

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊