XIII.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo o buwan na ang nakalipas. Ang alam ko lang ay pagkatapos ng araw na 'yun, parang ang daming nagbago.

 

 

 

Hindi na rin naman nakakapagtaka.

 

 

 

Ilang araw na rin kaming nagi-stay dito sa boutique hotel na nahanap ng mga ate.

 

 

 

May mga nakatira na dito nung dumating kami. Hindi naman nila pinagdamot ang hotel sa amin. Sabi nga nila, naghahanap pa raw sila ng iba pang mga survivors. Iilan lang kasi ang mga nakatira dito nung dumating kami. So far, hindi pa naman daw napapasok ng mga mukbangers ang hotel. Sabagay, ang taas kaya ng pader tapos sa kabilang gilid ay bangin na. Wala namang mala-Spiderman na mga mukbangers, 'di ba?

 

 

 

Dito sa topmost floor kami pinapili ng kwarto ni Tito Kangta.

 

 

 

Hoy hindi ako feeling close ha! Siya nagsabi sa akin na pwede ko siyang tawaging Tito kasi masyado raw formal ang Sir.

 

 

 

Si Tito Kangta ang may-ari ng hotel na 'to tapos 'yung iba ay mga dayo lang din na katulad namin.

 

 

 

Nagreklamo nga sina Ningning nung una kung bakit dito kami sa pinakatuktok pinagkwarto. Paano raw kapag may mga nakapasok na mukbangers? Saan daw kami makakatakbo palabas? 

 

 

 

Pero may magagawa ba kami? Siyempre wala.

 

 

 

Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama. Wala ngayon ang kapatid ko. Kasama niya sina Ate Seulgi, Ate Yuri, at iba pang mga taga-rito sa hotel for a run. May mini patch garden sa grounds pero hindi enough 'yun para sa aming mga nakatira ngayon dito sa hotel. 

 

 

 

Naglakad ako papunta sa veranda ng room.

 

 

 

Ang lamig ng hangin. Isa sa mga magagandang dulot ng apocalypse na 'to? Nabawasan ang pollution. 

 

 

 

Napatalon ako sa gulat ng biglang may mga brasong gumapang sa bewang ko kaya kaagad akong humarap sa may kasalanan ng pagkagulat ko. 

 

 

 

"Nanggugulat ka naman, Karina! Paano kung nahulog ako dito?"

 

 

 

Ngumiti lang ang may pakana ng pagkagulat ko bago tuluyan akong niyakap. Isiniksik pa talaga ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko.

 

 

 

"I won't let you fall. You're only allowed to fall... for me. I hate competitions."

 

 

 

Luh? Pereng tenge.

 

 

 

Kung hindi lang parang tukong nakayakap 'to sa akin ngayon, baka ako na mismo ang tumalon dito sa veranda. 

 

 

 

KASI NAMAN, KARINA YU!

 

 

 

"What are you doing here pala? Our friends are waiting by the mini pool. Zero's already swimming with Yeji and Ryujin."

 

 

 

"Pinaakyat ka ba nila dito para sunduin ako? Bababa na rin kaya ako maya-maya. Nagpapahangin lang."

 

 

 

Para kaming nagbubulungan sa sobrang soft ng mga boses namin. Naglalambing ba 'to?

 

 

 

"Naglalambing ka ba? May sasabihin ka ba? Nakakatakot pala kapag hindi ka nagsusungit– Aray!" 

 

 

 

Hinampas ba naman ako sa braso?! 

 

 

 

Hihiwalay na sana ako sa mala-tuko niyang kapit pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. Baka plano talaga ni Karina na ipitin ako hanggang sa wala ng oxygen na makapasok sa systema ko bago ihulog sa baba.

 

 

 

"Stop ruining our moment, Winter." Mas lalo niyang siniksik ang mukha sa leeg ko to the point na nararamdaman ko na yata ang paglabas-pasok ng oxygen at carbon dioxide sa ilong niya. "Can you repeat what you said to me last week?"

 

 

 

"Alin dun? Ang dami-dami ko na kayang nasabi sa'yo since last week. Gabi-gabi na nga tayong nagchichikahan kaya tayo nasesrmonan nina Ate Taeyeon at Ate Irene dito sa kwarto."

 

 

 

Yup. Kasama ko sa kwarto sina Ate Taeyeon, Ate Irene, Ate Seugi, at Karina. After that day, hindi na pumapayag ang mga ate namin na nahihiwalay kami sa kanila, unless may mga runs or other errands kaming kailangang gawin. Magkatabi tuloy kami ni Karina sa baba ng bunk bed habang si Ate Taeyeon ang nag-occupy sa taas. Sina Ate Irene at Ate Seulgi naman sa double bed.

 

 

 

"Whatever, Winter. Maybe I'll just ask Je–"

 

 

 

Pero bago pa makawala si Karina sa akin, ako naman ngayon ang naghigpit ng pagkakayakap sa kanya.

 

 

 

"I like you. I like you a lot. Hindi ko nginitian ang mga bwisit na mukbangers na 'yun para lang pumunta ka sa totoy Jelo na 'yun. Sabi mo gusto mo ako pero pupunta ka naman sa totoy na 'yun dahil ano? Dahil sinabi niya na I wanna get to know you more, Ms. Yu. I'm pretty sure you'll find me interesting, too. blah blah blah? Psh. Interesting daw. Eh ano kung malaki muscles niya? Eh ano kung–"

 

 

 

ISHDIWHDIWODNIWIW?!

 

 

 

"Best way to shut you up." Nakangisi na siyang humiwalay sa akin bago mahigpit na hinawakan ang kamay ko at sinimulang kaladkarin ako palabas ng kwarto. 

 

 

 

Unfair naman kasi! Bakit bigla-biglang nanghahalik ng ilong?!

 

 

 

"Ayan na pala ang pa-main character eh! Ang tagal niyo! Nag-momol pa kayo, 'no?"

 

 

 

"Hoy! Hi–"

 

 

 

"We don't kiss and tell. Right, bub?" 

 

 

 

Pinandilatan ko ng mata si Karina kaso tinawanan lang ako?! 

 

 

 

Hinalikan niya ulit ang pisngi ko bago pumunta kina Giselle para makipagchikahan. Bago pa ako makasunod para magreklamo, hinila ako ni Ningning sa pwesto niya at sapilitang pinaupo sa gilid ng pool. 

 

 

 

"Bes, sa amin na muna attention mo, okay? Magkatabi na nga kayong matulog, gusto mo pang sumunod na parang tuta kay Karina. Clingy much?"

 

 

 

"Hindi kaya! OA lang kasi si Karina!"

 

 

 

"At least alam na ni Jeno na off limits ang bub mo." Nguso ni Ryujin na nasa pool sa direction ng mga nakakumpol na lalaki sa 'di kalayuan. 

 

 

 

Napansin yata nila na nakatingin kami sa kanila. Ngumiti sila sa amin. Kumaway pa nga si Mark. 

 

 

 

"So... Kayo na ba?"

 

 

 

Umiling din naman ako kaagad kay Ningning. "Malay ko kung anong trip nanaman ni Karina. Kayo naman 'yung unang makakaalam kapag kami na."

 

 

 

"Ay wow. Kapag. Unahan mo na kasi, pre. Alam naman namin na patay na patay kayong dalawa sa isa't isa. Kwinarto mo na nga eh."

 

 

 

"True, beh." Pag-agree naman ni Ningning kay Ryujin. "Please lang. Be like me and my Gigi. Hindi katulad ng iba diyan na OA kung maglampungan anywhere pero wala namang label."

 

 

 

"Hindi kami nagmamadali ni Yej!"

 

 

 

"Hay nako. Sa panahon ngayon, need na nating i-grab ang opportunities na nasa harapan natin. Tignan mo 'yung nangyati kina Ate Tiffany at Ate Joy."

 

 

 

Biglang hinila ni Ryujin ang mga binti ni Ningning para ihulog siya sa pool kaya walang katapusang tili ang pinagpapakawala ng kaibigan namin. 

 

 

 

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Karina. Kahit na lagi niyang sinasabi na okay lang siya, hindi nun mapagkakaila ang mga naririnig kong mga pigil na iyak kapag gabi. Nagpapanggap na lang akong tulog dahil kailangan niyang mailabas ang sakit na nararamdaman niya. 

 

 

 

Ate niya 'yun eh.

 

 

 

Sana lang may taong malabasan siya ng sakit. 

 

 

 

Hindi naman kailangan na ako. 

 

 

 

Siguro nga dapat makausap niya ng sila-sila lang sina Ate Taeyeon at Ate Irene. Napaka-obvious kasi na nag-iiwasan sila. 

 

 

 

"Lalim ng iniisip natin ah? Baka mas nakakalunod 'yan kesa dito sa pool?"

 

 

 

Napakurap ako ng ilang beses bago napunta ang attention sa ngayon ay katabi ko ng lalaki.

 

 

 

Si Mark.

 

 

 

"May problema ba, Winter? Pwede ka namang mag-share. Ganito. Isipin mo na lang na freedom wall ako na pwedeng paglabasan ng mga inis o hinanakit mo."

 

 

 

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng katabi ko. "Hindi naman tayo close?"

 

 

 

"Feeling close talaga 'yan, Winter." Bungad naman ni totoy Jelo Jeno na kakaahon mula sa pool at tumabi sa kabilang gilid ko. "Kami ba ang pinagchichismisan niyo kanina?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊