XVII.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

So... Ano na ba ang kaganapan ngayon?

 

 

 

Siyempre wala.

 

 

 

Nandito pa rin kami sa yacht. Hindi pa rin kasi nadi-discover ng dalawa kung paano paganahin 'to. Sabi na nga ba na mali ang sinasabi ng mga matatanda na walang dulot na maganda ang internet sa mga kabataan. Kung buhay pa si Google ngayon eh 'di sana kanina pa kami nag-joyride dito sa dagat. 

 

 

 

Hapon na rin. Kapansin-pansin ang unti-unting paglubog ng araw. Ang ganda lang. Parang hindi kami niyanig ng malalakas na hangin at ulan. Parang hindi– who am I kidding? Syempre hindi ko pwedeng kalimutan 'yung outburst ko kanina. Sabi nga ni Ryujin 'dramarama sa tanghali'. Rinig na rinig kasi kami kanina habang busy silang kumakain sa labas.

 

 

 

"Winter! Quit idling and help us! Seriously!"

 

 

 

"Sungit naman ni Gigi! Nag-appreciate lang ng beauty ng nature eh." Reklamo ko bago bumalik sa pagsungkit ng mga nakalutang na mga gamit sa paligid ng yacht.

 

 

 

May mga cases na kaming nakuha. Pati na rin mga water-proofed packs. Mamaya na namin pagtititignan lahat ng laman kapag nakuntento na kami sa mga nasungkit namin. Kitang kita ko nga 'yung mga maleta na nakalubog sa ilalim ng dagat. Hindi naman pwedeng sisirin ng mga kasama ko. Ang dami kasing gumagalaw na mga mukbangers sa ilalim! 

 

 

 

"Sayang 'yung mga 'yun oh." Turo ni Ryujin sa mga nakahilerang mga maleta sa ilalim. In fairness naman kasi sa tubig, ang linaw! "Makakayanan kaya 'yan ng pamingwit?"

 

 

 

"Siyempre hindi." Ngumuso ako sa direction ng mga fishing rods sa gilid. "Kahit naman made of steel 'yang mga 'yan, mukhang mabibigat 'yung mga maleta. Dagdag mo pa na matagal ng nakababad sa tubig."

 

 

 

Pero siyempre matigas ang ulo ng kaibigan ko, kinuha pa rin ang isa sa mga fishing rods na nananahimik lang sa gilid. Nakangisi pa siya sa akin habang binababa ang hook sa ilalim ng dagat. Tinanggalan niya ng bobbers ('yung mga pampalutang na madalas iba't iba ang designs) para tuloy-tuloy ang baba sa ilalim ng hook. Tahimik lang din akong nanonood sa pinaggagagawa ni Ryujin. Ayaw ko man aminin, pero umaasa ako na baka may jackpot items sa loob ng mga maleta.

 

 

 

Sinusubukan ng i-reel ni Ryujin pataas pero halatang hirap na hirap siya. Muntikan pa nga mapadausdos deretso ng tubig! "Pre! Tulong!"

 

 

 

Napakapit din ako sa rod. Gagi! Ang bigat! "Pre, awat na! Sobra na pagbe-bend oh! Baka mabali!"

 

 

 

Hindi ko alam kung naririnig o nakikita man lang nina Karina at Giselle ang pinaggagawa namin. Pero knowing Gi? Panigurado nagsimula na 'yun mag-shopping sa mga nakuha namin. 

 

 

 

Bigla kong naramdaman na parang may nahiwalay sa ilalim. Nagkatinginan kami ni Ryujin bago sinimulang hilain 'yung maletang natanggal na yata sa pagkaka-stuck sa ilalim. Mabigat pa rin pero ramdam namin ang pag-angat ng maleta sa tubig. 

 

 

 

"Sabi sa'yo eh. Say 'thank you, master'."

 

 

 

Pero bago pa ako makasagot–

 

 

 

"RAAAAA AAAARGH UARRGGHHH!"

 

 

 

Potek! Ang bilis gumapang! 

 

 

 

"RYUJIN! KASALANAN MO 'TONG BWISIT KA!"

 

 

 

Automatic kong kinapa ang katana ko sa likod pero wala! Shems! Naka-kay Karina pala!

 

 

 

"Huy!" Papalapit na sa amin ang gumagapang na namamagang mukbanger pero parang estatwang nakatayo lang si Ryujin! "Ryu! Nasaan 'yung pabaon ni Yeji?! Dali!"

 

 

 

Aligagang lingon ng lingon ang kaibigan ko. Nalintikan na!

 

 

 

"Karina! Giselle!"

 

 

 

"Tone down your voices, you, two! We're busy!"

 

 

 

Aba at hindi pa lumingon 'yung dalawa?!

 

 

 

"W-Win!"

 

 

 

Bago pa maabot nung mukbanger si Ryujin, nagawa ko pa siyang itulak palayo. Kaso nga lang– eww! Ang slimy ng mga kamay ni kuyang mandaragat!

 

 

 

Tinapakan ko ang wrist neto. Dahil na rin siguro sa tagal ng pagkakababad sa tubig, ang bilis lang nadurog ng kamay niya! Kadiri! Ang baho!

 

 

 

Kakagatin na sana niya 'yung ankle ko pero siyempre mabilis yata footworks ko. Para tuloy akong nagpipiko na nagshu-shuffle na nagtitinikling dito. Sinubukan kong sipain ang ulo niya. 

 

 

 

Wrong move!

 

 

 

Ang dulas ng ulo!

 

 

 

Heto ako ngayon, nakasalampak sa sahig na puno ng mabahong fluid galing sa mam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊