XVIII.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Unfair talaga!"

 

 

 

Kanina pa ako ginugulo dito ni Ningning sa higaan ko. Paano ba naman kasi, pagkarating na pagkarating namin kaninang madaling araw, ginising kaagad ni Ryujin 'tong babaeng 'to para painggitin ng mga nangyari sa amin. Buti na lang at hindi niya sinama 'yung 'dramarama sa tanghali' namin ng kapatid ko. 

 

 

 

"Niiiiiiiing!" Pagmamaktol ko habang nakahiga. Tinalukbong ko na ang kumot sa buong katawan ko. "Magpatulog ka!"

 

 

 

Pero wala talagang balak ang kaibigan kong magpatulog. Hinila ulit ni Ningning ang nakatabon sa akin kumot bago nag-bounce-bounce sa bed. Ginawa pa ngang trampoline!

 

 

 

Sa ingay ng kaibigan ko, wala ng nagawa sina Ate Irene at Ate Seulgi kung hindi makitulog kina Ate Wendy. Si Ate Taeyeon naman ay nakisiksik ngayon kina Ate Yuri. Panigurado nandun ngayon si Karina sa room nina Ningning at Giselle.

 

 

 

"Pero kasi, bes! Nakasakay kayo ni Ryujin sa yate! Napakadaya kasi sa ating tatlo, 'di ba ako ang may pangarap ma-date sa yate?! Tapos kasama niyo pa jowa ko! Oh eh 'di kayo ang ni-date ni Gi?! See?! Napakadaya talaga, bes, eh!"

 

 

 

Gusto ko sana na wala sa utang namin ang date-date na 'yan, pero who am I kidding? Sinabi ko na nga kay Karina na mini date namin 'yung kagabi eh. Bonus part na lang 'yung pag-atchoo niya sa pagmumukha ko.

 

 

 

"Anong nginingisi-ngisi mo? Naiisip mo nanaman momol niyo ni Karina, 'no?"

 

 

 

"Ningning!"

 

 

 

Humagalpak nanaman sa tawa si Ningning. Hindi na niya ako tinigilan nung naikwento ni Ryujin kung paano nabuhay ang buong yacht.

 

 

 

Power of momol.

 

 

 

"Pero bes! I-promise mo na isasama niyo na ako kapag bumalik kayo doon! I-promise mo!"

 

 

 

"Oo na!" Hinila ko ang kamay ni Ningning at pinag-intertwine ang pinky fingers namin bago ko mahinang tinulak ang balikat niya. "Shoo ka na! Maghahabol pa ako ng tulog."

 

 

 

"Matutulog ka pa ba eh maliwanag na?"

 

 

 

Napatingin kaagad ako sa bintana. Hala? Sumikat na ang araw!

 

 

 

Ningning!

 

 

 

"Tara na lang sa baba, bes! Kwento ka pa!"

 

 

 

"Puntahan mo na lang sina Giselle at Ryujin. Mas matutuwa ka pa." Nag-cross pa ng arms 'tong katabi ko at parang batang nagta-tantrums. "Itigil mo 'yan. Mas matutuwa ka kung sa kanila ka pupunta."

 

 

 

"At bakit? Paano mo nasabi?"

 

 

 

Sorry, Giselle. Sorry, Ryujin. "Hindi nila sinabi sa'yo na nag-shopping sila ng mga abubot sa mga maleta at cases na nakuha namin sa yacht?"

 

 

 

Parang si The Flash kung tumalon paalis sa kama si Ningning bago nagtatatakbo sa labas. 

 

 

 

"GISELLE! RYUJIN!"

 

 

 

Ah! Finally! Peace and quiet!

 

 

 

Naalimpungatan ako ng gising nang may biglang umungot sa likod ko kasabay ng pagyakap sa bewang ko.

 

 

 

Si Karina. 

 

 

 

Memorize ko na ang presence ng girlfriend ko. Hindi ko alam kung dahil sa amoy niya, o baka sa way ng pagyakap niya sa akin. Kasi naman! Ramdam ko siya! As in! Ramdam na ramdam!

 

 

 

Babangon na sana ako kaso ang lakas ng pwersa ng isang Karina. Kung makapigil, malala.

 

 

 

"Don't. Go back to sleep, baby."

 

 

 

Wala na. Nagising na diwa ko. Kasi naman! Paano ako makakabalik ng tulog neto?

 

 

 

Hay nako, Karina. Sa isang salita mo lang talaga ay hulog na ako. Yes po, mamahalin. Yes po, pagsisilbihan, Yes po, haharanahin. Yes po, poprotektahan.

 

 

 

"Stop moving, baby. Go back to sleep. Please."

 

 

 

Eh paano nga ako makakabalik ng tulog?! 

 

 

 

Hinawakan ko ang kamay ni Karina at pinag-intertwine ang mga daliri namin. Ang cute-cute ng mga daliri ng jowa ko. Ang iikli compared ng sa akin. Sabi nga noon ni Ate Yuri, ang gaganda raw talaga ng mga kamay naming magkapatid. 

 

 

 

"Now, you're playing with my hand? Hindi ka na ba babalik talaga sa sleep?"

 

 

 

Lord. Pagsubok nanaman ba 'to? Kasi kung oo, never akong naging strong. Bakit naman ganito ka-attractive ang morning voice ni Karina?

 

 

 

Ay teka– 

 

 

 

Morning pa ba?

 

 

 

"Anong oras na?"

 

 

 

"Hmm?"

 

 

 

Nag-clear muna ako ng throat bago nagsalita ulit. Baka hindi lang niya ako naintindihan. "Anong oras na?"

 

 

 

"Can you repeat that again, baby?"

 

 

 

Bakit ba ang landi-landi ngayon ng jowa ko?! OABDIWJDJSKA more!

 

 

 

Ramdam na ramdam ko ang pagsiksik ni Karina sa likod ko. "I didn't quite get that, baby."

 

 

 

"Anong oras na po, baby?"

 

 

 

Walang reaction. 

 

 

 

Walang sagot. 

 

 

 

Ang daya! Bakit ako kapag–

 

 

 

"Aray! Karina! Masakit!" Napabangon ako bigla. Pinagsusuntok at pinagsisipa ba naman ako?! Nakaupo ako ngayon habang hinihimas ang kawawa kong balikat at balakang. 

 

 

 

"It's your fault!"

 

 

 

Hindi ko gaanong makita ang kahitsuraan ni Karina. Nakabalot na ng kumot ang buong katawan niya habang sumisipa pa rin sa higaan. 

 

 

 

Kinikilig ba siya?

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊