XIX.
BittenBago ko simulan... May nagtatampururut yata HAHAHA kaya to Twt user @aesparapapa: AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA thankyousomuchnaappreciatekanamintalagaikawangnagsisilbingilawsagabingmadilimikawangnagsisilbingtabosadrumnamalalimkaibigankangtunayngmgapresongnakulongsapagnanakawngpusongaespa!
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinabi ni Tito Kangta nung nakaraang gabi. Ilang araw na ang lumipas pero wala pa rin naman 'yung sinasabi niyang mga taong nangangain ng tao. Kasi kung meron man na dumating ngayon, ako na mismo ang magbibitbit kay Karina para ipa-register ang membership niya.
Walang tigil kasi kung makakagat ng balikat eh!
Katulad ngayon!
"Rinaaaaa!" Busy akong nag-aayos ng bag kasi finally, sasama ako kay Ate Wendy at Ate Yeri sa labas. Pero wala akong matapos-tapos sa mga ginagawa ko. Si Karina kasi, umatake nanaman ang pangangati ng gilagid. "Maghanap ka na lang kaya sa baba ng snacks o kung ano? Kanina ka pa kagat ng kagat sa mga braso ko eh. Pati kaninang umaga, kinagat mo ako sa balikat para lang manggising."
"Hindi mo na ba ako love?"
"Nasosobrahan ka na ng pagsama kay Ningning. Bawas-bawasan mo. Delikado sa health."
"Nagsasawa ka na ba sa akin?"
Natawa ako sa hitsura ngayon ng girlfriend ko. Tuluyan ko ng binitiwan ang bag na hawak ko. Hindi ko lang din naman maayos-ayos.Kinulong ko ang mukha ni Karina sa magkabilang palad ko at dinampian siya ng halik sa labi. "Kapag favorite ko, never ko nang pagsasawaan. At ikaw, baby ko, ang pinaka-favorite ko sa lahat."
"Kasi naman..." Mas lalo pa siyang nag-pout. Mukha tuloy siyang na-squeeze na pugo. Cute na squeezed pugo.
"Kasi naman ano?"
Hindi sumagot si Karina at basta na lang tumalon na parang palaka at umupo sa lap ko bago nag-snuggle sa akin, nakasiksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko habang nakapulupot na ang mga kamay sa balikat ko. Automatic naman na niyakap ko siya sa bewang.
"Rina? Baby? May problema ba– Aray!" Nangagat nanaman! Shems! Ramdam na ramdam ko ang pagbaon ng mga ngipin niya sa shoulderblade ko! Hihiwalay sana ako sa pagkakayakap sa kanya kaso mas lalo niyang hinigpitan ang kapit sa akin.
"I love you"
"I love you as much, baby, pero may problema ba?"
"Kasinapanaginipankonamaykumagatsayonaibataposyoufellinlovesakanyataposiniwanmoako."
"Baby, kalma. Rapper ka ba? Dahan-dahan."
Mas lalong siniksik ni Karina ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko. Medyo nakikiliti na ako kasi ramdam na ng balat ko ang paglabas-pasok ng Oxygen at Carbon dioxide sa sistema niya.
"Kasi napanaginipan ko na may kumagat sa'yo na iba tapos you fell in love sa kanya tapos iniwan mo ako."
Sandaling nag-loading ang utak ko sa sinabi ni Karina bago hindi ko na napigilang tumawa ng tumawa. 'Tong isang 'to naman na nakakapit sa akin na parang koala, sinimulan nang paghahampasin ako.
"Se-Seryoso?!" Isang pasada nanaman ng tawa ang hindi ko napigilan. Kasi naman– HAHAHAHAHAHAHAHA!
"Winter! Stop laughing!"
Mas lalo kong hinila si Karina palapit sa akin kahit na wala nang nage-exist na space sa pagitan namin. "Ikaw lang, Karina. Kahit na sungitan mo pa ako, kahit na ilang beses mo pa akong pagtaasan ng kilay, kahit paghahampasin mo pa ng ilang beses ang braso ko, kahit na singahan mo pa ang mukha ko ng paulit-ulit. Ikaw lang. Sa'yo lang ako. Sa'yo lang ako magpapakagat."
"I don't know if kikiligin ba ako o maiinis sa mga sinabi mo."
I leaned forward. Ramdam na ng mga labi ko ang init na nagmumula sa paghinga ng kaharap ko. "Choose the latter, dahil wala akong ibang mamahalin kung hindi ikaw, Karina."
Hindi ko na hinintay na magsalita si Karina, and in
Comments