XVI.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Kung ano mang pinagpipindot niyo dito, o kung dahil sa kalikutan ni Win–" Tinignan nanaman ako ni Ate Sunny ng makahulugan bago binalik any atensyon niya sa consoles. "At least, alam na natin na gumagana pa 'to. Bumaba na muna kayo doon kina Giselle. May nahanap daw silang mga pwede pang pagkain. Mukhang magtatagal pa tayo dito."

 

 

 

Hinila ko na kaagad pababa ng hagdan si Karina bago pa may masabi nanaman si Ate Sunny. Grabe lang naman din kung makangisi 'tong katabi ko. Proud pa yata sa nagawa namin.

 

 

 

"Uy, pre! Tignan mo 'to! Ang dami nilang pagkain dito!"

 

 

 

"Finder's keepers."

 

 

 

Parang mga batang namimiyesta sa sahig sina Ryujin at Giselle sa dami ng mga nakapalibot na snacks sa paligid nila. Tinapik lang naman ni Ate Taeyeon ang balikat ko bago umakyat para samahan si Ate Sunny. Umupo rin naman kami ni Karina sa tapat ng dalawa.

 

 

 

"Aside from these, may iba pa ba kayong mga nahanap na still useful?"

 

 

 

"Duda namin 'yung karamihan sa mga gamit na dapat nandito, nandun sa dagat, palutang-lutang lang. Sabi ni Ate Taeyeon na susubukan daw mamaya na kunin 'yung mga 'yun. Hindi na siguro inintindi ng mga nandito noon na simutin mga lagayan ng pagkain nila. Kanya-kanya na lang ng dampot ng mga gamit."

 

 

 

Bubuksan ko sana 'yung isang chichirya kaso hinampas ba naman ni Giselle ang kamay ko! Aba!

 

 

 

"Your sister said that we should take all of these back. She was right about you and your snack addiction."

 

 

 

"Titikman lang eh!"

 

 

 

Tinawanan lang ako ng mga kasama ko bago nila pinagtulung-tulungang ilagay sa loob ng malaking duffel bag ang mga pagkain. 

 

 

 

Mag-volunteer kaya akong magbitbit ng bag pabalik?

 

 

 

"Paano niyo pala napaandar 'to kanina?"

 

 

 

Mabilis kaming nagkatinginan ni Karina bago ako unang umiwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng tenga hanggang batok ko. Kasalanan talaga 'to ng kalandian ng jowa ko!

 

 

 

"Hold on." Kitang kita ko kung paano mag-change from total confusion to sudden realization ang pagmumukha ni Giselle. Naka-smirk pa siya sa amin habang binubulong kay Ryujin ang piece of information na na-formulate ng nakakaasar niyang utak.

 

 

 

Nanlaki ang mga mata ni Ryujin bago kami pinagtuturo ni Karina. "Hoy?! Seryoso?! Nag-something-something kayo doon?! Gagi ka, Winter! Doon mo pa talaga binalak pagsamantalahan si Karina! Napaka-unromantic mo talagang tukmol ka!" 

 

 

 

"Anong pinagsasabi mo?! Hindi ko magagawa–"

 

 

 

"Win!"

 

 

 

Nahawakan ko kaagad si Karina sa bewang habang 'yung isang kamay ko ay nakakapit sa paa ng table malapit sa amin. Masakit nga lang sa ulo. Hindi ko naiwasang hindi mauntog sa dulo ng lamesa. Mabilis din namang nakakapit si Giselle sa sofa at nahila niya sa kwelyo si Ryujin kaya hindi pumadausdos.

 

 

 

"Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan?" 

 

 

 

Umiling si Karina bago nakita ko ang pagkunot ng noo habang nakatingin sa akin. Hinawahan niya ang noo ko ng marahan. "Namumula. Ask natin sina ate if may first-aid kit somewhere."

 

 

 

Pero bago pa kami makatayo, naramdaman nanaman namin ang pag-alog ng yacht. Ramdam na ramdam ang paglakas ng alon sa labas. 

 

 

 

"Okay lang kayo?"

 

 

 

Hindi makabitaw sina Ate Taeyeon sa railings ng hagdan. May mga life-vests na silang suot. Nakakapit na kaming dalawa ni Karina sa lamesa pero ngayon, 'yung isang arm na ni Karina ang nakakapit sa waist ko.

 

 

 

"Sobrang lakas na ng hangin at ulan sa labas." Halata sa boses ni Ate Sunny ang pagkainis. "Pabigla-bigla naman kasi 'tong panahon. Ang clear nga ng langit kaninang umalis tayo."

 

 

 

"Wala na tayong magagawa, Sun. Siguraduhin na lang natin na matibay 'tong yacht na 'to. Kayong apat, kaya niyo bang pumunta sa loob ng cabin? Mas safe doon. May nakita sina Giselle na vests na pwede niyong gamitin. Mag-stay muna kayo doon habang ganito pa ang panahon."

 

 

 

"Paano kayo, ate?"

 

 

 

Ngumiti ang kapatid ko sa akin. Madalas na talaga akong kabahan sa ngiti ni ate eh. "We'll be fine. Nasa taas lang kami ni Sunny. Susubukan pa rin naming i-discover kung paano 'to paandarin. Sayang naman. Sayang din sa oras. Sige na. Dahan-dahan kayo ha? At Karina, 'yung kapatid ko. Please."

 

 

 

"Ate..."

 

 

 

"Kami, Ate Sunny, wala bang pa-bilin diyan? Ikaw representative ng kapatid ko." At may gana pa ngang ngumisi 'tong dalawang 'to.

 

 

 

Nag-shoo lang ng kamay si Ate Sunny sa dalawa. "'Wag tangek. Kaya niyo na 'yan. May mga jowa na nga kayo eh."

 

 

 

"Wow, I feel the care."

 

 

 

Napailing na lang ako sa mga kaibigan namin bago dahan-dahang tumayo. Bumalik na rin ang dalawang ate sa taas. Hindi ko na alam kung si Karina ba ang nakaalalay sa aming dalawa o ako,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊