Bitten
Description
Hindi pa bumababa 'yung lutang plus high feeling pagkatapos makita ni Winter si Harry Styles tapos naka-witness agad siya ng kagatan moments pagtapak na pagtapak niya sa labas ng Arena.
"May kagatan event ba?"
Foreword
"Huy! Anong meron?" Mabilis akong pumagitna sa mga kasama ko pero mukhang pati sila ay hindi rin alam ang nangyayari.
"Beh, nagkakagatan sila..." Mahinang bulong ni Ryujin bago dahan-dahang kumapit sa braso ko.
Teka nga-
Nanginginig ba 'to?!
"Sali kaya tayo? Baka may pri-"
Naputol 'yung dinadada ni Ningning dahil biglang nagsigawan ang mga tao sa paligid namin.
Hindi masayang sigaw.
Hindi kinikilig na sigaw.
Sigaw ng nanghihingi ng... tulong?
"Wonder pets, wonder pets, kikilos na~"
Wait-
Bakit nakatingin na sila sa amin?
"Ililigtas ang kwago ng sama-sama~"
"Takbo!"