XIV.

Bitten
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

 

 

 

"Ate?"

 

 

 

Sina Ate Wendy ngayon ang lumabas kaya nandito ngayon ang kapatid ko, busy sa kanyang sketchpad. 

 

 

 

Hindi kami pinayagan na sumama sa mga lumabas ngayon. Hindi naman kami namilit, pero halatang masama ang loob ni Ryujin sa kapatid niya. 

 

 

 

Ang nakaka-surprise pa, hindi si Ate Taeyeon ang nanermon sa akin. 

 

 

 

Kundi si Ate Irene. 

 

 

 

"Oh, Win? Himala? Hindi mo kasama sina Ning ngayon?"

 

 

 

Dumapa ako sa bed nina Ate Irene at nagpangalumbaba. "Nag-iinarte sa baba si Ryu kasi napagalitan ni Ate Seul. Si Ningning, kasama sina Yeji at Lia na tumutulong ngayon kina Ate Irene sa patch garden. Si Giselle at Karina– hindi ko alam kung nasaan sila. Galit yata sa akin si Karina eh."

 

 

 

Ibinaba ni ate ang hawak niyang pencil at humarap sa akin. 

 

 

 

Nakangiti. 

 

 

 

Good sign 'yun, 'di ba?

 

 

 

"Bukas. Gusto mong sumama sa akin sa labas?"

 

 

 

Napakurap ako ng ilang beses. 

 

 

 

Seryoso ba si ate? Eh halos paghahampasin nga ako ni Ate Irene kaninang madaling araw nung tinanong ko sina Ate Wendy kung pwede sumama.

 

 

 

"Reverse psychology ba 'to?"

 

 

 

Nakatingin pa rin si ate sa akin, eyebrow raised, mukhang amused na amused sa kahitsuraan ko ngayon. 

 

 

 

"Gusto mo bang sumama o hindi?"

 

 

 

"Ate ha? Red flag ka ba? Grabe 'yung manipulation powers mo."

 

 

 

Dinampot ni Ate Taeyeon 'yung sketchpad niya sa table at dumapa sa tabi ko. 

 

 

 

Hindi pala random drawings ang pinagkakaabalahan niya kanina. 

 

 

 

Nag-drawing siya ng map. 

 

 

 

"Based sa mga nadaanan namin last previous runs, minarkahan ko 'yung mga spots na may mga flags na nakakabit. Pati na rin 'yung mga doors na may X-signs."

 

 

 

Based sa drawing ng kapatid ko, nasa gitna ang hotel na tinutuluyan namin ngayon. Medyo kinabahan ko sa mga marks na nakapalibot sa naka-drawing na hotel. 

 

 

 

"Surrounded ang hotel ng mga flags at X-marks."

 

 

 

Tumango ang kapatid ko. "Napag-usapan na namin 'to nina Ate Yuri, Ate Hyoyeon, at Ate Sunny mo. Gusto naming turuan kayo ng mga kaibigan mo sa paggamit ng baril o kahit na pana, kahit na rin kung paano ang sitwasyon sa labas ng hotel."

 

 

 

Teka. Naguguluhan ako. 

 

 

 

"Pero ate, bakit kayo grabe kung makatanggi kanina nung nagpaalam kami na sasama sa mga lalabas?"

 

 

 

Sinara ng kapatid ang sketchpad niya bago bumangon at umupo. "Sina Ate Irene mo ang hindi pumayag. Winter, hindi pwedeng wala kayong idea kung anong mayroon sa labas. Hindi lang puro biters o lurkers o walkers o kung anong pang tawag niyo sa kanila ang nasa labas. Marami pang iba."

 

 

 

Mukbangers. 

 

 

 

"Bakit biglang nagbago ang isip mo? What's the catch?"

 

 

 

Natawa ang kapatid ko sa sinabi ko. "Anong what's the catch? Nasobrahan ka na yata sa panonood ng movies dito. Walang catch. Gusto ko lang na matuto ko. Gusto ko na hindi lang dapat fear ang need ipairal. Gusto kong malaman mo lahat bago ako mawala."

 

 

 

Napatayo ako at napalayo sa kapatid ko sa sinabi niya. "No. Ayaw ko ng ganitong conversation. Ekis. Box box. Nye nye."

 

 

 

"Winter..."

 

 

 

"No, ate. Ang pangit ng datingan. Hindi nakakatuwa. Hindi ako natutuwa."

 

 

 

Napa-brush up ako ng buhok sa inis. 

 

 

 

Nangangati akong sabunutan ang kapatid ko!

 

 

 

"I'm just pointing out the possibilities dahil hindi malabong mangyari 'yun. Nangyari na kay Ate Joy at Ate T- Tiffany mo, 'di ba?"

 

 

 

Nag-crack ang boses ni Ate Taeyeon pagkabanggit niya ng pangalan ni Ate Tiffany. 

 

 

 

"Alam ko, pero 'yung pag-uusap natin ngayon, para ka kasing nagpapaalam eh. Ate naman? Iniisip mo kaagad na mawawala ka. Paano naman ako?"

 

 

 

Nalasahan ko ang maalat-alat na tubig ba dumapo sa mga labi ko. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. 

 

 

 

"Kaya nga I have to make sure na you're ready when that happens."

 

 

 

"Bakit ka nagmamadali? Ano? Dahil gusto mo na kaagad na makita si Ate Tiffany? Ganun ba 'yun? Ate! Hindi lang ikaw ang nasasaktan! Hindi lang–"

 

 

 

"Oo!" Nagulat ako sa biglang sigaw ni Ate Taeyeon. "Miss na miss ko na siya! Gustong gusto ko na siyang makita ulit! Heck, gustong gusto ko na ulit siyang mayakap, mahalikan! I miss her so much that it's hurting me every freaking second of every freaking minute of every freaking hour of every freaking day, Winter!"

 

 

 

"Ate..."

 

 

 

"Masakit na nakikita ko ang ibang taong kayang ngumiti! Masakit makitang nasa moving on phase na ang mga kapatid niya! Kasi ako? Hindi ko kaya! H- Hindi ko kaya! Winter, hindi ko na kaya..."

 

 

 

Bumalik ako sa bed at mahigpit na niyakap ang kapatid ko. 

 

 

 

"Lagi akong nagvo-volunteer lumabas p- para hindi m- makita sina Irene kasi t- they reminds me s- so much of h- her. Ang sakit, Winter. Nung nakausap k- ko silang magkapatid, akala ko m- magiging okay na. Hindi p- pala. Hindi pa rin."

 

 

 

Bumubuhos na rin ang mga luha ko. 

 

 

 

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

 

 

 

Hindi ko alam kung paano mapapagaan kahit na konti man lang ang nararamdamang sakit ng kapatid ko.

 

 

 

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap kay ate. 

 

 

 

"Mahal na mahal ko siya, Winter. Mahal na mahal ko siya." 

 

 

 

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakayakap sa kapatid ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng mga binti ko, pero wala akong pakialam. Hindi ko man masabi sa kanya ang mga tamang salita para ma-comfort siya, gusto ko namang maparamdam sa kapatid ko na nandito ako. Gusto kong maparamdam sa kanya na hinding hindi ko siya iiwan. 

 

 

 

Nakatulog na yata si ate.

 

 

 

Kumalma na ang paghinga niya. Rinig ko na rin ang mahinang pag-snore niya.

 

 

 

Hindi ko muna pagtatawanan hilik mo, aking kapatid.

 

 

 

Hinayaan ko munang natulog si ate sa bed nina Ate Irene pero kumot na niya 'yung pinangkumot ko sa kanya. Baka kung ano pang– Nevermind.

 

 

 

Pababa ako sa lobby ngayon gamit ang elevator pero kung minamalas nga naman, may asungot pa akong makakasabay pababa.

 

 

 

"Uy! Wintot!"

 

 

 

Ano raw?!

 

 

 

"Saan punta natin, Wintot?"

 

 

 

At may gana pang umakbay?!

 

 

 

"Excuse me lang ha?" Inalis ko ang arm ni Mark sa balikat ko at naglakad palayo sa kanya pagkabukas na pagkabukas ng elevator. 

 

 

 

"Huy! Sandali! Sama ako!"

 

 

 

Mas lalo kong binilisan ang paglalakad, pero nakakainis na ang haba-haba ng mga biyas ng mokong na 'to.

 

 

 

Kaya ngayon?

 

 

 

Aakbay nanaman sana si Mark sa akin pero buti na lang fast and aking reflexes kaya nahampas ko siya ng covered katana ko bago binalik ulit sa likuran ko. 

 

 

 

Akala niya ha.

 

 

 

"Aray naman! Bakit ba angsungit-sungit ko? Tanghaling tapat oh. Sinasabayan ba ng init ng ulo mo ang init ng araw?"

 

 

 

"Ano ba kasing problema mo? Bakit ka ba dikit ng dikit sa akin? Tuko ka ba nung past life mo?" Nakabusangot kong tinanggal ang nakasabit kong katana bago sumalampak sa sofa dito sa lobby at nag-crossed arms. 

 

 

 

Umupo naman kaagad si Mark sa tabi ko. Pinandilatan ko siya kaagad nung nakita kong iaangat nanaman niya ang braso niya. Subukan lang niyang idikit sa akin kahit na dulo ng balahibo niya. Ipapakilala ko talaga sa kanya ang katana ko.

 

 

 

"Time of the month mo ba ngayon? Kukumustahin lang sana kita eh. I saw what happened earlier kasi. Ate Irene's scary pala?"

 

 

 

"Isumbong kaya kita? At hindi ako nireregla ngayon 'no! Tapos na kaya ako."

 

 

 

"Sabihin mo lang. Okay lang naman na mag-sungit si Ate Irene. Her masungit side balances out with her ganda." Nag-de kwatro si Mark ng upo bago sumandal sa sofa. 

 

 

 

"Kung lalandiin mo si Ate Irene, umatras ka na lang, Mark. Baka balatan ka pa ng buhay ng jowa niya."

 

 

 

"Kapag nag-compliment ibig sabihin ba nun lalandiin na? I just know how to appreciate beauty. Like you." Kitang kita ko ang pagharap niya sa akin at pagkindat bago mas lalong nag-lean sa sofa at tumawa ng malakas.

 

 

 

Pwede bang isungalngal ang katana ko sa ngala-ngala ng katabi ko?

 

 

 

Umiling na lang ako sa pakulo ng kasama ko.

 

 

 

Tanaw ko mula sa pwesto namin sina Ning, Yeji, at Lia na nagdidilig ng mga halaman. Hindi na nila kasama si Ate Irene. 

 

 

 

Si Ryujin naman ay kasama nina Jeno at 'yung ibang lalaki

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
seaweedenthusiast
Thank you! Na-appreciate ko kayong lahat! Votes ang subs? Y'all are amazing. Salamat po sa pagbabasa :>

Comments

You must be logged in to comment
Young_DP
#1
Chapter 23: 😭😭 hindi pala mukbangers kumagat
Young_DP
#2
Chapter 12: Emotional damage
Young_DP
#3
Chapter 8: Ay ganern
Young_DP
#4
Chapter 3: HAHAHAHA surprise!!
bewiechan #5
Chapter 23: FR
IncorrectPass #6
Chapter 23: Tanginang lamok yan— this is a good read tho, i love it so much, didn't even expect the ending wtff 😭
IncorrectPass #7
Now this foreword got my attention lmaooo 😭
taexx_ss
#8
Chapter 23: parang kailangan ko mg sequels beke nemen
taexx_ss
#9
Chapter 9: gagi liaaaaa
jamesaidenliu29 #10
Chapter 23: Naiyak ako tas kagat lng pala ng lamok Yun winter HAHAHAHAH langya kudos Kay author Ang galing mo po 😊