Jowa ni Winter, Katarina

love you to the moon and to kwangya
Please Subscribe to read the full chapter

May nagbago sa mga kilos ni ate Jisoo lately. Hindi naman ako gano'n ka oblivious para 'di ito mapansin, at malakas din ang pakiramdam ko na may kinalaman 'to sa phone call nila ng dad ni Karina nung isang araw.

 

Kagabi, sobrang late niya nang nakauwi galing sa trabaho niya at halatang pagod na pagod. It's not the first time this happened, so usually, alam ko na ang gagawin tuwing ganito. Nagkukusa ako na lumabas para bumili ng ice cream o kahit anong snacks para ibigay sa kaniya para matanggal naman ang pagod niya kahit papaano. Sanay na siya rito, at minsan pa nga, siya na rin ang nag-uutos sa akin.

 

Pero last night, imbis na utusan ako para lumabas, biglaan siyang tumayo at nag prisinta na magluluto na lang daw siya. 

 

Syempre, nagtaka ako. Ayaw na ayaw ni ate Jisoo na nagluluto nang gano'ng oras. Nakakatamad daw at sayang lang naman sa energy – dagdag hugasin pa. Then sinabi ko na kaya ko namang lumabas pa at siguradong makakauwi nang buhay, but hindi siya nagpatinag. May pancit canton naman daw sa cupboard at 'yun daw ang gusto niyang kainin. Samahan ko na lang daw siya sa kusina at ‘chikahin’ siya about sa mga ganap ko.

 

At eto pa. Bago ako matulog nung gabing 'yon, sobra akong nagulat sa ginawa niya. 

 

Niyakap niya ako at sabay na bumulong. Mahal na mahal niya raw ako. 

 

Na-weirduhan naman ako. Gaya ko, hindi affectionate si ate Jisoo. Minsan nga ay binibiro ko pa siya na para siyang nakatira sa Kwangya dahil madalas siyang umiilag tuwing may naglalambing sa kaniya gaya nila ate Lisa, Roseanne, at Jennie.

 

Akala ko hanggang doon na lang ang changes kay ate. Naisip ko kasi na baka exhausted lang talaga siya kagabi at kailangan ng masasandalan – pero mali pala ako. 

 

Kanina pagkagising ko, nandun siya sa kusina at nagluluto ng almusal. Dapat nasa trabaho na siya at that hour. Tinanong ko kung absent ba siya, ang sagot niya naman, marami raw ang development sa company na pinagtatrabahuhan niya kaya pinayagan sila ng boss nila na sila mismo ang mag adjust ng schedule nila dahil medyo maluwag na rin ito. Pinili niya raw 'yung 10:00 AM to 6:00 PM para maaabutan niya na ako bago ako pumasok at siya na rin daw ang maghahatid sa akin.

 

“Ate, pa'no si Karina? Sabay kami lagi pumapasok eh,” Nagdadalawang isip ako kung dapat ko bang dagdagan ng ‘po’ ang sinabi ko.

 

“Nakausap ko na siya kanina lang. Pauwi na lang kayo magsabay,” Hinanda ni ate ang mga almusal sa mesa.

 

Nag-usap na sila? Bakit 'di man lang ako sinabihan ni Karina?

 

“Ba't naman gusto mo ako ihatid nang biglaan?” Tanong ko sa kanya at kumuha ng isang bacon then dropped it on my plate. “Akala ko ayaw mong dumadaan sa school kasi kilala ka ng mga tao dun?”

 

“Wala, trip ko lang. Bakit, ayaw mo bang kasama ang favorite ate mo?”

 

“Ikaw lang naman ang ate ko. Wala akong choice.”

 

Dumaan sa isip ko yung isa sa mga mentors ko noong nasa Kwangya pa ako. Parang siya ang Ate Jisoo ko doon pero mas strict.

 

“Sus, love na love mo nga ang ate,” Tumawa pa siya.

 

Ano ba, kadiri. 

 

Well, in a good way. Nandidiri ako out of fondness...? I think. Of course, I love ate Jisoo. Pamilya ko 'yan eh. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kagabi niya pa nilalantad na love na love niya ako and vice versa as if naman na mawawala siya sa mga susunod na bukas.

 

Nilagyan ni ate ng singanag? Sigangag? Basta, 'yung rice na pinrito – ang plato sa harap ko. Sobrang maasikaso niya na rin ngayon.  

 

”Ate, anong meron sa'yo... po?” Alam ko talaga sa dulo 'yung ‘po’ eh.

 

“Ano?” Confused na tanong niya. Umupo na siya sa seat niya para kumain din.

 

”Ang weird mo.”

 

“Nagsalita ang alien,” Hindi niya sinagot ang tanong ko. Bahala siya diyan. 

 

 

'Di ko na masyadong inisip ang nangyayari sa ate ko ngayon. Kung ‘trip’ niya lang talaga maging sweet, okay sige, go ahead. Nakakagaan din naman ng pakiramdam pag may ate kang maasikaso. 

 

After we're done eating, pinagmadali ako ni ate Jisoo na maligo na raw kung ayaw kong ma-late. Para namang wala akong super speed – hala! hindi ko na pala 'to magagamit kung nandito na palagi si ate Jisoo! Ibig sabihin nun kailangan maaga na talaga ako maligo.

 

Although bihira akong antukin at makulangan ng tulog kahit magpuyat ako, masarap pa rin mag sleep-in since kaya ko naman kumilos at mag ready for school within two seconds. Pero dahil nga kailangan ko mag act more human around ate Jisoo, siguro hindi na 'to pwede. 

 

Goodbye nalang to my morning routine. Hays.

 

 

 

“Okay, eto. Since alam mo na ang meaning ng term na ‘jowa’ laro nalang tayo.” suggest ni Ningning.

 

Wala talaga 'to sa mga plano namin ngayong araw. But coincidentally, parehong absent ang teachers namin. Biro pa nga ni Ning, baka nagdate siguro 'yung dalawa. 

 

Kaya nandito kami ngayon sa may maliit na grass field ng campus. Madalas na dito tumambay ang mga students tuwing may free time sila so napag-isipan na lang namin ni Ningning na dito muna kami habang naghihintay for our next subject. 

 

Nakahiga siya sa damo at halatang komportable pa siya sa posisyon niya. Malinis naman kasi 'to kaya wala siyang problema. Ako naman, naka upo lang, at crisscrossed pa. Crisscrossed ba ang tawag dun? Ewan, basta. 

 

“Anong laro?” 

 

“Jojowain o totropahin. Pretty self-explanatory na 'to, bes.” sabi ni Ningning at hinampas ang tuhod ko nang mahina. “Magsasabi ako ng pangalan, tapos sasagutin mo kung gusto mo ba silang jowain o tropahin. Gets?”

 

Self-explanatory daw pero inexplain niya pa. Okay, Yizhuo Ning.

 

Since wala rin naman akong magawa at bored na rin ako, tumango na lang ako. “Sige, gets.”

 

“Yown! Eto,” She sat up at nilagay ang hintuturo sa ilalim ng chin niya. “Ryujin Shin. Jojowain o totropahin?”

 

“Kakatayin–”

 

“Gaga! Wala naman yan sa choices!” Grabe, ang lakas ng tawa ni Ningning. Pinaglihi sa payaso! “Pero sige, consider. Next, si... hmm,”

 

Tahimik lang akong inaantay kung sino ang sasabihin niya. 

 

“'Yung crush mo raw sabi ng mga classmates mo! Si Yeji!” excited na banggit niya at pinalo pa ang balikat ko. “Jojowain o totropahin?”

 

“Kakausapin.”

 

Napangiwi si Ningning sa sagot ko at sinipa ang tuhod ko. Kanina niya pa ako pinapalo at sinisipa! “Ano ba 'yan, ang lame ng mga answers mo, tapos wala pa sa choices! May date kayo sa Saturday 'di ba? Chinika sa akin ni Giselle kasi chinika sa kaniya ni Karina.”

 

Ano 'to, pass the message?

 

“Okay.” Iniinis ko nalang siya at this point, hehe. 

 

She rolled her eyes at kitang annoyed na siya sa akin. Pero tuloy pa rin siya sa trip niya. Inayos niya ang pagkakaupo at nag

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
🥺🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
538 streak #2
Babalik pa kaya ulit
howdoyouknowmee
538 streak #3
When kaya again
gorjus_huya #4
Chapter 9: oh, minjeong. so dense.
gomtokkim
2149 streak #5
Chapter 9: Karina ayaw matawag na ate hahahahaha
TakuyaKen
#6
Chapter 9: haha when will Win gain feelings or haha baka di pa lang nya alam but she love Karina
idk7564 40 streak #7
Chapter 9: sana magets mo winter HAHAHAHA
yukimin
#8
Chapter 9: ayan nakakaramdam na siya BWHAHAHAH
dork_seulgi_k
860 streak #9
Chapter 9: geh kayanin niyo mga ante hsjshskshsk
yeppeungom
#10
Chapter 9: Jusko ang dalwa sana kayanin mo wintot