Ang Gripo ni Yeji

love you to the moon and to kwangya
Please Subscribe to read the full chapter

Sabado na naman.

 

Walang pasok.

 

Pero anong ginagawa ko sa school ngayon? Hindi ko rin alam. 

 

Basta pagkagising ko kanina, may narinig akong nagsabi na ‘Sobrang mag e-enjoy si Winter kung nandito siya’ from the school at syempre, nacurious ako. 

 

“Winter?” Magkasalubong ang kilay ni Yeji nung makita niya ako sa labas ng gate. Nakauniform siya dahil ang district lang naman nila ang may pasok tuwing Sabado since ginagamit nilang time for dance practice ang Thursday. 

 

“Hello,”

 

“Anong ginagawa mo dito?” Inadjust niya pa yung bag niya at tiningnan ang kasuotan ko.

 

T-shirt, PJ's, at fluffy slippers. Kakagising ko lang kanina! Hindi ko kasalanan na may naghahanap sa akin sa ganitong oras.

 

Binaba ko ang tingin sa flip flops ko at ngumiti kay Yeji. “Hindi ko rin alam. Uuwi ka na ba?”

 

“O–oo.”

 

“Okay.” at tumalikod na ako. 

 

Uuwi na lang siguro ako. Baka ibang Winter naman ata ang tinutukoy nung babae na narinig ko kanina. 

 

“Wait, Winter!”

 

Mabilis akong lumingon kay Yeji. 

 

“Sabay na tayo?”

 

“Pauwi?”

 

“Yeah, kung pwede?”

 

Matagal akong nakatingin kay Yeji habang pinag-iisipan ang gusto kong gawin. Bakit takot na takot sa eye contact ang mga homo sapiens?

 

“Sa'n ka ba nakatira?” tanong ko.

 

At sinabi na ni Yeji ang address nila. Walking distance lang naman ito mula sa school kaya naglakad lang kami. 'Di ko na sinabi sa kanya na magkaibang way pala ang bahay namin sa bahay nila dahil alam ko na mahihiya lang siya pag nalaman niya.

 

Tahimik lang ako the whole time na naglalakad kami, at siya naman, sabihin na lang natin na pati ako kabisado ko na ata ang pangalan ng members sa dance troupe nila at kung ano ang laman ng kanilang birth certificate. Heejin, 18, muscles na tinubuan ng mukha. Chaeryeong, 16, madalas natutula in the middle of the routine. Yves, 18, puro ‘Jumbo Hotdog’ ang sinasayaw. Hyeju, 17. Etcetera, etcetera.

 

Paano kaya si Karina kung naging District Five Pavlova siya? Alam ko na magaling siyang sumayaw, kasi minsan pinapakita niya sa'kin ang pinaggagawa niya sa Toktok? Taktak? Tatak? Tongtong? Dubsmash? Ewan, nakalimutan ko 'yung pangalan ng app. 

 

Basta may kumakanta dun na got my mind on your money and your money is in mine. Kung mali ang lyrics ko, wala akong pake. 

 

“Gusto mo pumasok sa loob?”

 

Ay nakarating na pala kami sa bahay nila Yeji. 

 

Tinignan ko ulit ang damit ko.

 

Bakit ba hindi ako nagpalit ng mas maayos na damit kanina? Pang-tulog ko pa 'to eh.

 

Nag dalawang isip ako. Pwede naman ako tumanggi kay Yeji at umuwi na lang, o kaya pwede ko rin gawin ang advice ni ate Jisoo kagabi. Saad niya, I should try harder to come off as human daw. Nagkwento raw kasi 'yung kapitbahay namin slash best friend niya sa kanya nung nakaraan. Si ate Jennie. 

 

Ang sabi nito, tuwing sumasama ako sa mga hangouts, road trips, at get together nila, parang hindi niya raw ako nakikitang nag CR. Ang weird, no? Bakit ko siya hahayaang makita ako habang umiihi o tumata– anyway, hindi pala 'yun ang point niya. Pinaliwanag ni ate Jisoo na ang ibig sabihin pala ni ate Jennie, ay 'yun bang never akong sumabay sa kanila na gumamit ng comfort room sa ilang beses na naming gumala. 

 

Buti na lang daw, pinagtakpan ako ni ate Jisoo. Namamahay raw kasi ang pwet ko. Maselan daw at hindi basta basta naglalabas ng sama ng loob kung saan saan lang. Ang bastos talaga ng bunganga.

 

Pero in my defense, iba naman kasi talaga ang urinary system at bowel movement ko nung napunta ako dito sa Earth. Hindi gano'n ka weak ang urinary bladder ko at matagal rin ako bago tu– bakit ba tungkol sa pagtae ko ang kinukuda ko ngayon? Balik tayo sa main problem at hand.

 

Kailangan kong iimprove ang pagiging mapagpanggap ko. Kailangan nila ng more human? Sige.

 

“Pa-CR.” sabi ko kay Yeji.

 

Nagulat si Yeji sa sinabi ko. Wala ba silang CR?

 

Tumawa si Yeji at inaya ako. “Oh– sige, um, pasok ka. Tara.” 

 

Sinundan ko siya papasok sa loob ng bahay nila. 

 

 

 

1... 2... 3... 4...

 

12... 

 

21... 22...

 

Gaano ba katagal mag CR ang mga homo sapiens? Ako kasi, two seconds lang dahil palihim ko na ginagamit ang super speed ko. Ba't ko naman pipiliin na magtagal sa CR on purpose kung kaya ko naman madaliin?

 

Kaya nga lang, wala ako sa bahay ngayon. Hindi ako pwedeng magsabi na mag c-CR ako at lalabas agad na para bang pumasok lang para kumustahin ang bowl. 

 

Bowl? Anong Tagalog ng toilet? Kubeta?

 

54... 55...

 

Pwede na ba lumabas? 

 

1 minute....

 

1 minute and 4 seconds...

 

Ayan, okay na siguro?

 

Naglakad ako papalapit sa lavatory para maghugas ng kamay kahit na wala naman talaga akong ginawa dito sa loob. Sinubukan kong buksan ang gripo gamit ang "normal" na lakas ko (ibig sabihin, light as a feather ang pagkahawak ko) pero hindi 'to umikot.

 

Inulit ko ulit pero dinagdagan ko ng sobrang konti 'yung lakas (hina, hehe) ko. 

 

Wala pa rin.

 

Naiinis na 'ko.

 

Pinihit ko ng may force this time.

 

.

 

Natanggal 'yung gripo!

 

Hinampas ko ang palad ko sa bibig ko sa gulat, at agad agad na binulsa 'yung gripo. Buti nalang talaga malalim ang bulsa ng mga PJ's ko! 

 

Kabado akong lumabas ng CR at tumakbo papunta sa sala kung nasaan si Yeji. 

 

Naghihintay siya sa'kin sa may sofa.

 

Anong sasabihin ko? Magsosorry ba ko?

 

‘Sorry, naattach ako masyado sa gripo niyo. Pwede akin na lang?’

 

‘Uy, hahaha, 'yung gripo niyo nasira ko ata.’

 

‘Parang walang faucet 'yung lavatory niyo, hahaha. So weird.’

 

‘Ganyan na yan bago pa 'ko pumasok sa CR niyo.’

 

Bahala na! Mukhang mayaman naman sila Yeji. Sigurado ako na marami silang gripo sa kusina nila.

 

“Hi, Yeji.” bati ko sabay ngumiti na parang anghel.

 

Tinaas niya ang tingin niya sa'kin. “Uy, tapos ka na pala! Sorry pala about sa gripo sa CR ha?”

 

Hahahaha, gagi. 

 

“Ha? B–bakit ka nag sosorr

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
🥺🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
538 streak #2
Babalik pa kaya ulit
howdoyouknowmee
538 streak #3
When kaya again
gorjus_huya #4
Chapter 9: oh, minjeong. so dense.
gomtokkim
2149 streak #5
Chapter 9: Karina ayaw matawag na ate hahahahaha
TakuyaKen
#6
Chapter 9: haha when will Win gain feelings or haha baka di pa lang nya alam but she love Karina
idk7564 40 streak #7
Chapter 9: sana magets mo winter HAHAHAHA
yukimin
#8
Chapter 9: ayan nakakaramdam na siya BWHAHAHAH
dork_seulgi_k
860 streak #9
Chapter 9: geh kayanin niyo mga ante hsjshskshsk
yeppeungom
#10
Chapter 9: Jusko ang dalwa sana kayanin mo wintot