Lintek na Alien Biology!

love you to the moon and to kwangya
Please Subscribe to read the full chapter

“Anong ibig sabihin ng tinatangi?”

 

Huminto si Karina sa pagbabasa at ngumiti sa'kin. “You don't know what it means?”

 

Tumango ako. Sa tatlong taon na kasama ko ang best friend ko na si Karina, hindi na ako masyadong nahihiya magtanong sa kaniya tungkol sa mga salita na hindi ko pa alam. Hanggang ngayon kasi, medyo hirap pa rin ako pagdating sa mga malalalim na Tagalog.

 

Natutuwa nga siya minsan kasi bakit parang mas magaling pa raw ako mag English, eh hindi ko naman 'to masyadong pinrioritize nung unang tapak ko rito. 

 

Sinabi ko na lang na dahil mas mabilis ito matutunan.

 

Namaster ko agad kasi 'to within 11 months, at 1 year and a half naman bago ako maging fluent na fluent sa Tagalog. Salamat na lang talaga sa enhanced na utak ko, dahil kung hindi, baka abutin pa 'ko ng limang taon. #FastLearner

 

“Hindi ba 'to kagaya ng sinasabi madalas ni Ningning?” Hinarap ko si Karina. Pareho kaming nakaupo sa kama niya habang nagbabasa ng kaniya kaniyang libro. “'Yung tanga?”

 

Bigla siyang tumawa nang malakas at hinampas ako sa braso. Buti hindi siya nasaktan. 

 

“No!” sabi niya pagkatapos tumawa. Aliw na aliw na naman siguro 'to. “That's not what it means kasi, Winter. Hindi naturo sa'yo yan ni Yeji?” 

 

Umiling ako.

 

Si Yeji 'yung Tagalog tutor ko sa school. Not officially, pero sa dalas ng araw na sinasamahan niya ako sa library dati pa para turuan ako, halos parang cinareer niya na talaga 'to. Wala naman akong problema dito. In fact, thankful pa nga ako kasi uy, libreng lesson 'to! 

 

Convenient pa siya kasi pinahinto na ni ate Jisoo 'yung official tutor ko six months ago. Fluent na rin naman daw kasi ako at halos parang native level na nga ako. Ang problema lang, may mga malalalim na words pa rin kasi na hindi ko alam. Sabi naman ni ate na 'wag ko na raw masyadong isipin dahil pati nga siya, hindi niya rin alam ang mga salitang 'to.

 

Pero gusto ko talaga ito matutuhan. 

 

“Tinatangi is like...” nilayo ni Karina ang tingin at ngumuso, habit niya tuwing nag-iisip siya. “A special someone. One and only, gano'n. It's not really a deep word though, alam ko nga eh.” she giggled.

 

“Bakit hindi sa'kin naturo yan ni Ms. Joy?” yung tutor ko dati.

 

“I'm sure naturo niya 'yan.” Tinabi ni Karina 'yung book niya at pinatong 'to sa nightstand. “Hindi ka lang talaga nakikinig sa kaniya.”

 

Sinimangutan ko lang siya at nagpatuloy sa pagbabasa. Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko na lumapit pa si Karina sa'kin at sinandal ang katawan habang pinapatong ang ulo niya sa balikat ko. 

 

Inaantok na siguro 'to. Napangiti ako. She's naturally clingy sa mga sleepovers namin lalo na kapag pagod siya. 

 

“Winter,” pagtawag niya sa atensyon ko. Siniksik niya lalo ang katawan sa'kin.

 

Hindi ko siya nilingon. “Hm?”

 

”Aren't you sleepy? We should probably sleep na.”

 

“Kailan ba 'ko inantok, Karina?” tumawa ako nang mahina at tumingin sa kaniya. 

 

Never akong inantok, pero nakakatulog naman ako kung kailan ko gusto. Ang gulo, 'di ba? 

 

At nasabi ko na ba na alien ako?

 

Kung hindi pa, edi sasabihin ko.

 

Alien ako. 

 

Hehe.

 

From Kwangya, to be exact.

 

Three years ago, dinala ako ng parents ko dito sa Earth para iligtas ako sa pagsabog ng planeta namin. Hindi sila nakahabol sa'kin dito dahil isang pod lang ang nahanap nila nung mga panahon na 'yon. 

 

Pero hindi naman ako masyadong apektado nung nalaman ko na hindi na makakahabol pa ang mga magulang ko. Hindi family oriented ang mga tulad namin, at mas nakafocus lang talaga sa pag-aaral.

 

Kumbaga, walang nabubuong malalim na "bond" ang bawat "pamilya" sa Kwangya. Ang mga magulang ay tanging tagapag-alaga at guro lang ng anak nila. Pinapakain, tinuturuan kung ano ang tama at ang mas makabubuti para sa planeta, pero bukod doon, wala na. Walang family nights gaya dito, walang picnic dates, walang kahit ano. Bale ang routine namin do'n dati ay kain, aral, tulog, and repeat. 

 

Pero tingin ko naman ay minahal ako ng mga magulang ko kahit na I looked at them more as my teachers rather than my parents. 

 

Nag-sacrifice nga sila 'di ba?

 

Pagdating ko dito sa Earth, saktong sa isang gubat dumiretso ang pod na sinasakyan ko at agad naman itong napansin ng isang maliit na pamilya na nagcacamping doon. 

 

Sila ate Jisoo at ang kaniyang mga magulang na mama at papa ko na rin ngayon. 

 

Long story short, inampon nila ako at tinuring na isa talaga sa pamilya nila. Pinakain, dinamitan, at minahal nila ako na para bang tunay na bunsong anak at nakababatang kapatid ni ate Jisoo. 

 

Syempre, sa una ay gulat na gulat ako at hindi sanay sa mga affections na binibigay nila. Hindi kasi ako nasanay noong nasa Kwangya pa ako. Pero as the years passed by, natuto na rin ako mag reciprocate.

 

“Hey, I just realized,” tumingin sa'kin si Karina na nanlalaki ang mga mata. “that you could be a superhero!”

 

“Superhero?” tinaasan ko siya ng kilay.

 

I met Karina two months after I landed here. Fifteen years old ako, at siya naman ay sixteen. Hindi pa ako masyado marunong mag Tagalog no'n, at siya naman ay sobrang conyo pa rin (up 'til now). Siya 'yung nag encourage sa'kin na pumasok sa school niya.

 

“Yeah! May super abilities ka! You can easily beat the bad guys even in your sleep.” 

 

Yep. May "powers" din ako due to the Earth's yellow sun. Magkaiba kasi ng sun ang Kwangya at Earth.

 

Super strength, super speed, super hearing– basically a super everything. Hindi ko lang siya ginagamit kasi bawal. Delikado raw, sabi ni ate Jisoo, at hindi namin gusto na makuha ang atensyon ng gobyerno o ng kung anong authorities.

 

So I do everything that will make me ordinary. Average lang ang grades sa bawat subjects kahit na member ako ng Science Guild sa Kwangya at mas matalino pa ata ako sa professors sa school, hindi athletic at mabagal tumakbo kahit na halos indestructible naman yung balat ko at mas mabilis pa tumakbo sa sports car na humaharurot. 

 

I try my best to act as "normal" as everybody else.

 

Except with Karina. Never with Karina. 

 

Sakaniya, mas gusto niya 'yung totoong ako lang. 'Yung Winter na Minjeong ang pangalan, from Kwangya, mailap sa living things, at hindi kayang ipronounce ang 'nakakapagkabagabag’ 

 

Akala mo naman kaya niya rin. Ang lakas pa mang-asar!

 

“Yeah, like Superman.” Nag nod si Karina, at parang bata sa sobrang excitement. “You basically have the same abilities.”

 

“Karina, alam mo, matulog ka na.” tinapik ko siya sa noo. Mahina lang, syempre. Baka tumalsik bigla ulo nito eh.

 

Ba't naman kasi gugustuhin ko maging superhero? Hindi ba alam ni Karina na dahil sa mga superheroes na 'yan, kaya nagkakaroon rin ng villains? Nananahimik 'yung Earth tapos biglang magkakaroon ng superhero. Tas bigla na lang lilitaw mga kalaban! Wala naman dati 'yang mga 'yan!

 

“But gising ka pa,” halos mag whine na siya. “Gusto ko sabay tayo.”

 

Kumurap ako habang nakatitig lang kay Karina. “Matutulog na rin kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
🥺🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
538 streak #2
Babalik pa kaya ulit
howdoyouknowmee
538 streak #3
When kaya again
gorjus_huya #4
Chapter 9: oh, minjeong. so dense.
gomtokkim
2149 streak #5
Chapter 9: Karina ayaw matawag na ate hahahahaha
TakuyaKen
#6
Chapter 9: haha when will Win gain feelings or haha baka di pa lang nya alam but she love Karina
idk7564 40 streak #7
Chapter 9: sana magets mo winter HAHAHAHA
yukimin
#8
Chapter 9: ayan nakakaramdam na siya BWHAHAHAH
dork_seulgi_k
860 streak #9
Chapter 9: geh kayanin niyo mga ante hsjshskshsk
yeppeungom
#10
Chapter 9: Jusko ang dalwa sana kayanin mo wintot