Shaw Tea

love you to the moon and to kwangya
Please Subscribe to read the full chapter

Enai Nævis, rɑ.ðʌs Nævis, im ʤu ʒæ e.wʌʃ kyvis rrup kɹiʝæ ɹ̩θ, vot raogrhys, rrup gæ.vrig, osh n̩.ðiv.ja͡ʊ– “Winterrrr!”

 

Agad akong dumilat nung marinig ko ang sigaw ni ate Jisoo mula sa sala. 

 

Huminga ako nang malalim at isa isang hinipan ang mga kandila na nakapalibot sa akin sa sahig kung saan ako nakaupo. Ano ba yan, nagdadasal ako eh!

 

“Winterrrrr!” Inulit pa ni ate ang pagsigaw. Alam niya naman na rinig na rinig ko siya kahit nasa Europe pa ako! “Lika rito!”

 

Pamaktol kong binuksan ang pinto ng kwarto ko para lumabas at dumiretso sa baba kung nasaan si ate. 

 

 

“Bakit po?” mahinahon kong tanong. 

 

Ngumiti si ate at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa. Suot na rin niya ang uniform niya for work. Usually, nasa office na si ate tuwing ganitong oras, pero ngayon, mukhang hindi naman siya nagmamadali. Hindi ba siya late?

 

“‘Di ba may pasok ka mamayang 9:15?”

 

“Opo,” tumingin ako sa wall clock sa gilid ng pinto. 

 

8:42 AM na.

 

“Ba't di ka pa naka-ayos?” ngumuso siya sa damit ko. Nakapajama pa rin kasi ako.

 

“Ikaw, 8:00 AM pasok mo, ba't di ka pa umalis?” tanong ko pabalik sa kaniya.

 

Hinawakan ni ate Jisoo ang dibdib niya na para bang offended sa nasabi ko. Mali na naman siguro ang tono at pagbanggit ko... hays. Minsan kasi, napagkakamalan akong suplada dahil hindi ko masyadong kontrolado ang tono ng boses ko at ang sinasabi ko.

 

Sabi naman ni Karina, "it's fine" lang naman daw. Hindi raw ako suplada, kundi "brutally honest" lang.  

 

“Asan 'yung "po" mo?”

 

“Bakit 'di ka pa umalis po?” Inulit ko. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit andito pa siya...

 

“Mali!”

 

“Ate, magaling na 'ko sa grammar!” daing ko at kinamot ang ulo. “Alam ko na tama ang sinabi ko.”

 

“Kung sa'n sa'n mo lang nilalagay 'yung "po" mo eh.” At this point, nang-aasar na lang talaga si ate. Trip na trip niya kasi ang paggamit ko ng po at opo dahil medyo nalilito pa rin ako dito. 

 

“Ano ba kailangan mo kasi?”

 

“Wala, ginising lang kita. May pasok ka pa 'di ba? Hindi ka ba malelate?”

 

Gaya ng sinabi ko kanina, nasa work na si ate ng ganitong oras. Kaya hindi niya rin alam na 8:44 na ako kumikilos.

 

Gamit ang super speed.

 

Tapos 8:45 makakarating si Karina dito dala ang sasakyan niya, at ready to go na kami.

 

Then 15 minute drive sa school. Ganyan lang ang routine namin 

 

“Ah, naligo na kasi ako po.” Nagpipigil na naman si ate ng tawa, which means na may mali na naman siguro sa paggamit ko ng po. Saan ba kasi 'to ilalagay? Hindi ba sa pinakahuli ng sentence? “Magbibihis na lang ako.”

 

Oo, ehem opo, hindi alam ni ate na ginagamit ko ang powers ko, kahit wala namang tao sa paligid ko. Siguradong papagalitan ako nito.

 

“Ay ganun? Sumasabay ka pa rin ba kay Korina?”

 

Buti hindi siya nagtaka kung bakit pajama ang sinuot ko pagtapos maligo.

 

“Karina nga 'yun, ate.” pagtama ko. Kilala niya naman si Karina. Niloloko niya na lang talaga siguro ako.

 

Tumaas ang kilay ni ate Jisoo at dinampot ang blazer niya na nasa armrest ng inupuan niya kanina. “'Yun nga sabi ko. Sabay ba kayo o gusto mo ako na maghatid sa'yo?”

 

“Wag na po.” Ayan, tama na yung grammar ko 'di ba? “Parating na rin si Karina po.”

 

Pagkatapos namin mag usap ni ate, nag paalam na rin siya agad para pumasok at iniwan ako sa bahay. Pumasok na pala siya kaninang umaga at bumalik lang dahil naiwan niya pala 'yung phone niya. Ilang minuto lang rin bago dumating si Karina at bumusina sa harap ng gate namin.

 

 

As usual, sinalubong ako ni Karina ng yakap. Sanay naman na 'ko dito, pero ang hindi ko inexpect ay ang paghalik niya bigla sa pisngi ko. Tinanong ko siya kung para saan yun, sabi niya trip niya lang daw. Pagkatapos, binigay niya na ang box ng DCW (Daily Calories for Winter) na lagi naman na naglalaman ng donuts. 

 

Kinain ko 'to on the way sa school habang sinusubuan na rin si Karina. 

 

Bago rin yung ganito.

 

Never nanghingi sa'kin si Karina ng food na galing sa DCW dahil hindi naman siya mahilig sa donuts. Pero ngayon, parang mas mabilis pa siya mag nguya kesa sa akin sa ilang beses niyang binuka ang bibig niya para lang masubuan ko. 

 

Ang weird niya lately.

 

 

“You know, you don't really have to walk me to class, Minjeong.” sabi ni Karina habang naglalakad kami papunta sa building ng Beethoven. Nakasabit ang bag niya sa isang balikat ko. “Baka ma-late ka pa,”

 

“Bakit ngayon mo lang sinabi?”

 

Napatawa siya.

 

Lagi ko naman na kasi siyang sinasabayan papunta sa room niya. 

 

So anong bago?

 

“Sungit mo talaga,” she giggled.

 

“Sorry. Hindi ko sinasadya.” Inikot ko ang braso ko sa balikat ni Karina. Nakaakbay na ako sa kanya. “Di naman ako nagsusungit sa'yo, eh.”

 

“Yeah. I know you don't really mean that to sound rude. Knowing you, you're probably just genuinely confused.” Tapos she nudged me. Ano nga ulit ang Tagalog ng nudge? 

 

Bakit ba kasi mas inaral ko ang English?

 

Ah, basta. Syempre, kunwari tumalsik ako nang kaunti for effects. Baka kasi isipin ng mga students sa hallway pinaglihi ako sa bato.

 

“So bakit nga?”

 

“Hm?”

 

“Bakit ngayon mo lang sinabi na hindi pala required na ihatid kita sa room mo.” Akala ko talaga required 'to.

 

“Wait, you thought it was required?” Takang tanong ni Karina at huminto sa paglalakad para harapin ako.

 

I nodded.

 

Umiling naman siya. “Why?”

 

“Sabi ni Ningning.” Kibit balikat ko. “Kung gusto raw kita, required daw na ihatid kita hanggang sa room niyo.”

 

“Hold on, you like me?!” Gulat na gulat? Para namang timang! (nalaman ko rin ang word na yan kay Ningning). 

 

Muntik na ako mapatalon sa boses niya. 'Yung super hearing ko! Masyadong masakit sa tenga!

 

“Oo.” Magkatapat na naman ang mga kilay ko. “Tsaka si Ningning. Tapos si Giselle. Minsan si Yeji rin.” sabi ko at lumingon kay Karina, bago idagdag; “Ayaw ko naman kay Ryujin kasi lagi akong ginugulo.” sumbong ko.

 

Bakit ba mukha siyang litong lito? 

 

“Winter, what–”

 

“Minjeong ang tawag mo sa'kin. That's my name.”

 

Napatigil siya. “When you said you liked me... you mean...?”

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
🥺🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
538 streak #2
Babalik pa kaya ulit
howdoyouknowmee
538 streak #3
When kaya again
gorjus_huya #4
Chapter 9: oh, minjeong. so dense.
gomtokkim
2150 streak #5
Chapter 9: Karina ayaw matawag na ate hahahahaha
TakuyaKen
#6
Chapter 9: haha when will Win gain feelings or haha baka di pa lang nya alam but she love Karina
idk7564 40 streak #7
Chapter 9: sana magets mo winter HAHAHAHA
yukimin
#8
Chapter 9: ayan nakakaramdam na siya BWHAHAHAH
dork_seulgi_k
860 streak #9
Chapter 9: geh kayanin niyo mga ante hsjshskshsk
yeppeungom
#10
Chapter 9: Jusko ang dalwa sana kayanin mo wintot