Ang Donut ni Winter

love you to the moon and to kwangya
Please Subscribe to read the full chapter

Kanina pa kami dinimissed ng professor namin, pero hanggang ngayon, nasa loob pa rin ako ng room. Inaantay ko kasi matapos si my favorite classmate Chaewon sa kung ano mang ginagawa niya dahil may itatanong ako tungkol sa sinabi niya sa akin nung nakaraan. Nag back out daw ang isang member nila sa Mathletes at kinausap niya ako kung pwede daw ba na ako na lang muna ang fill in sa pwesto kasi pansin niyang magaling din raw ako sa Math.

 

Sabi ko sa kanya, pag-iisipan ko muna.

 

Napag-isipan ko na, at ayokong sumali.

 

Ang panget ng Math dito sa Earth. Hindi ako nag eenjoy kagaya sa Kwangya.

 

“Winter, 'yung shawty mo nasa labas.”

 

Inangat ko ang tingin ko at sabay lumingon kung saan nakaturo ang daliri ni Ryujin. Nasa may corridor si Yeji, sa harap ng room namin. Mag-isa lang siya, at nakatayo lang habang naghihintay. Mukhang wala naman siyang dalang cup ng tea? Akala ko pa naman nandito siya para bigyan ako no'n since namention ko sa kaniya 'yung tungkol dito.

 

Umirap ako kay Ryujin, “Wala naman siyang dalang Shaw Tea.” 

 

Nanlaki naman ang mga mata nitong kaklase ko at parang kabadong tinignan ang direksyon kung nasaan si Yeji.

 

Bakit kaya siya nandito? 

 

“Huy, gaga. Bakit ka ganyan sa baby mo?” nakasimangot na sabi ni Ryujin.

 

“Anong baby? May baby ako?” inikot ko pa talaga ang buong katawan ko as I looked around. 

 

“Oo, si Yeji.”

 

Napahinto ako. “Mas matanda sa'kin si Yeji.”

 

Tumawa siya.

 

Totoo naman! Paano ko magiging baby si Yeji eh mas nauna siyang pinanganak kesa sa akin. Tsaka hindi ko nga manlang nakita ang life partner ko sa Kwangya, meaning, hindi ako pwede mag operate ng birthing matrix. 

 

“Edi ikaw pala ang baby?”

 

I looked blankly at Ryujin. Neutral nanaman ang reaksyon ko. “Ryujin, mukha ba akong sanggol?”

 

Bakit ba kailangan may baby? Anong trip nito ni Ryujin?

 

“Mukha kang baby. Baby ni Yeji, yieee!” asar niya, then tinulak ang braso ko. Hindi ako gumalaw, instead, yung katawan niya ang tumalsik ng kaunti. “Aray, ha! Nag g-gym ka ba?”

 

“Malambot ka lang talaga.” sagot ko bago tumayo kasama ang bag ko. 'Di ko na siya nilingon ulit. Naglakad na lang ako palabas ng room at nilapitan si Yeji.

 

Mukhang matagal pa naman si Chaewon at dahil kinakausap pa siya ni Minju sa loob. Bahala na siya diyan, mamaya ko na lang siya sasabihan na hindi ako sasali sa kulto nila.

 

“Sabi ni Ryujin, may Shaw Tea ka raw. Asan?” bungad kong tanong kay Yeji.

 

As usual, nagulat siya. Pansin ko, magugulatin talaga si Yeji. Parang halos lahat ng lumalabas sa bibig ko, nagiging dahilan para magulat siya.

 

“W- wala naman, Win.” she laughed nervously. “Hindi naman kita aayain lumabas kung mero'n.”

 

Anong correlation no'n? Ang gulo talaga ng mga tao kahit kailan! “Ako parang gusto ko tumikim. Bago ba 'yun?”

 

“Ha? Tumikim? Bakit m–”

 

“Hey, Minjeong.”

 

Pansin ko rin, lagi nalang lumilitaw si Karina out of nowhere tuwing magkausap kami ni Yeji. May radar ba siya? Sa pagkakaalam ko, 1:30 pa ang dismissal ng klase nila. 

 

Tinantsa ko ang oras. 1:00 ang out namin, at siguro inabot ako ng 30 minutes kakaantay kay Chaewon. Tama lang pala ang labas ni Karina.

 

“Uy, Karina. Hi.” Bati ni Yeji.

 

“Hi.” Tipid na sagot naman ng best friend ko. Tumango lang siya kay Yeji at ngumiti na sa'kin. “Hey, akala ko kanina pa dismissal niyo? Ba't ngayon ka lang lumabas pala?”

 

Hinarap ko si Karina, habang si Yeji naman, nakatayo lang at tinitignan ang pag-uusap naming dalawa.

 

“Hintayin ko kasi dapat si Chaewon, kaya lang nagbago na isip ko.” saad ko, at dahil naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ng isa sa mga kasama ko, humarap naman ako kay Yeji. “Bakit ka nga pala nandito?”

 

Umayos ng pagkakatayo si Yeji, then she smiled at me. “Kausapin lang sana kita about sa ano, 'yung... hangout natin. Ilang beses na pala tayo nag reschedule, so tanong ko lang if kaya ba sa Saturday na lang? Para sure na rin.”

 

I looked at Karina, but tinaasan niya lang ako ng kilay as if she's daring me to say the correct answer. May tamang sagot ba sa tanong ni Yeji? Wala naman 'di ba?

 

“Sige, sa Saturday. Sure ako.” Uy, alliteration. Favorite ko 'to dati nung nag-aaral pa lang ako ng English hehe. Wala, chair– ano nga ulit 'yung laging sinasabi ni Ning? Share ko lang? 'yon. Share ko lang. Ata? Nakalimutan ko. 

 

Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Karina sa tabi ko. Tahimik lang naman siya at pinagmamasdan kami. 

 

“Great! See you na lang when I see you!” ang lawak ng ngiti ni Yeji nung tumakbo siya papalayo. 

 

Hinabol lang ng mga tingin namin ni Karina si Yeji. 

 

“I hope you know na she just asked you out on a date.” banggit ni Karina. “You know? Like in the movies you watched with me?”

 

Huh? Anong movies? The Conjuring? Parang hindi naman. Ay, si ate Jisoo pala ang kasama ko nun.

 

Ah, baka gaya nung sa mga cliché na romcoms. Favorite ni Karina yung mga gano'n. “Hangout lang sinabi niya.”

 

Wala nang sinabi pabalik si Karina tungkol dito. Inayos niya na lang ang bangs ko at kinuha yung bag na nakasabit sa isang balikat ko na halos malalaglag na. 

 

Nakakatuwa lang kasi sa aming dalawa, ako ang literal na may super strength. Kayang kaya kong buhatin ang bag ko, bag niya, at pati na rin si Karina mismo. Pero hinayaan ko na lang siya. I just let her do what she wants. Gusto niya magbuhat eh. Edi buhat well.

 

“Gusto mo sa garden nalang tayo mag lunch?” Karina blurted ou

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
🥺🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
538 streak #2
Babalik pa kaya ulit
howdoyouknowmee
538 streak #3
When kaya again
gorjus_huya #4
Chapter 9: oh, minjeong. so dense.
gomtokkim
2149 streak #5
Chapter 9: Karina ayaw matawag na ate hahahahaha
TakuyaKen
#6
Chapter 9: haha when will Win gain feelings or haha baka di pa lang nya alam but she love Karina
idk7564 40 streak #7
Chapter 9: sana magets mo winter HAHAHAHA
yukimin
#8
Chapter 9: ayan nakakaramdam na siya BWHAHAHAH
dork_seulgi_k
860 streak #9
Chapter 9: geh kayanin niyo mga ante hsjshskshsk
yeppeungom
#10
Chapter 9: Jusko ang dalwa sana kayanin mo wintot