Beware of Ningning

love you to the moon and to kwangya
Please Subscribe to read the full chapter

a/n: italic english = speaking in kwangya's language

 

Sa gitna ng destruksiyon ng planetang Kwangya, sa puso ng lungsod ng Kandor, makikita ang isang ina kaharap ang labing limang taong gulang na anak. 

 

“Here, take this with you..” 

 

Nilapat ni Minjeong ang kanyang palad sa harap ng ina. Walang luha na makikita sa kanyang mukha, ngunit nakikita ang pagkabalisa nito. 

 

Isang kwintas.

 

“Minjeong,” tawag ng babae sa kaniyang anak. “Promise me, you'll take care of this. You have to keep it with you at all times.”

 

Tumango si Minjeong habang hinahayaang isuot ng ina ang kwintas sa kaniyang leeg. 

 

“I promise, mother.” a ni Minjeong. 

 

Hinigpitan niya ang pagkahawak sa kwintas bago sumakay sa sasakyan na magdadala sa kaniya sa kabilang planeta.

 

Nung ang pinto'y nagsara, daliang pinikit ni Minjeong ang kaniyang mga mata at tuluyan nang nawalan ng malay. 

 

Sa susunod pang tatlong buwan.

 

 

 

“Asan na 'yung sweets ko? Sabi mo bibigyan mo 'ko.” 

 

Magaang tumawa si Karina habang nag d-drive. “Backseat. Later mo na lang kainin.”

 

Kaya ko namang ubusin lahat 'yon nang hindi napapansin ni Karina, pero isa sa mga tinuro ni ate Jisoo ay ang maging masunurin.

 

Natural na may superiority at god complex ang mga Kwangyans, dahil na rin siguro sa angking talino ng bawat tao doon. Sanay sila na laging nakakalamang sa kahit anong species sa iba pang mga planeta, at mahilig din itong magyabang. Sabi ni ate Jisoo, para raw maiwasan ko 'to, ay kailangan kong maging polite at bawasan ang pagiging reklamador. 

 

Binawasan ko ang pagiging reklamador ko.

 

Hindi naman ako sigurado kung polite ba ako.

 

“Saan tayo kakain?” Gutom na rin naman na ako. 

 

“Nag-aya si Giselle kanina,” sagot ni Karina, “she said she wants to try the new café just a few blocks away from our school.”

 

”Saan? Anong pangalan?”

 

“SYNK Dive Café. Why? Gusto mo ba somewhere else na lang? Maybe we can just... take out?”

 

I tilted my head, “May donuts ba dun?”

 

”Of course!” Karina scoffed. Ay wow, dapat ba expected ko na 'yun? “Hindi naman ako papayag na dalhin ka doon kung wala.”

 

“Bakit?”

 

“Hm?”

 

“Bakit hindi ka papayag?” Pakiramdam ko, naimbento lang ang word na "weird" para kay Karina. 

 

She shrugged, “Because I know you love donuts. You're always looking for it everytime we go out.” tawa niya, “Even at McDonald's.”

 

“Ah,” okay. Hindi ko ba alam kung ano ang sasabihin ko. “Pwede ko na ba kainin 'yung sweets?”

 

“Nope.” iling niya.

 

“Hindi naman ako mamamatay.”

 

“I know, silly!” tawa ni Karina at umiling ulit habang kagat ang labi. “But I feel like you should probably try the donuts first. Baka mawala appetite mo.”

 

Saan mapupunta? Aba, ewan ko rin dito kay Karina. Ang gulo talaga minsan.

 

Hindi na ako umangal sa kung ano man ang gusto ni Karina. Hinayaan ko na lang siya mag drive habang nagk-kwento tungkol sa mga pinagawa sa kanila ng professor niya kanina. Nag offer ako na kaya kong dalhin sa Mercury 'yung teacher niya, pero sabi niya illegal daw 'yun. Kailangan ko pa talaga mag basa ng mga batas dito sa Earth. Sa tatlong taon ko dito, hindi pa ako ganun ka expert when it comes to laws. 

 

Ano pa ba ang bawal dito? Parang napakarami naman! 

 

 

Earthlings + Winter 🧍‍♀️🧍‍♀️🧍‍♀️👽

 

Ningling: san n kau,, d2 n kmi gcell hehehe

Gi(ni)ling: i thought you guys are on the way na @Rinaling @Winterrestrial

Winterrestrial: parking

Ningling: lol san kau nkahanp?? wla aq nak8a kanina

Winterrestrial: ha

Gi(ni)ling: she meant saan daw kayo nakahanap ng parking lot? iniwan lang ni ning yung car niya sa gilid ng kalsada lmao 🤣 sana ma tow ;P

Winterrestrial: ah 

Winterrestrial: ano yan

Gi(ni)ling: what?

Winterrestrial: ;P

Ningling: hahahahaha qt mu win uwu

Rinaling: Hi, guys! Kakapark ko lang! Kita na namin kayo!!

Rinaling: Btw, @Winterrestrial, you should probably hide your phone na. Nasa kalsada ka.

Winterrestrial: 👍

Ningling: hoy! san k nkahanap,, parking??

Rinaling: Somewhere, LOL. I hope your car gets towed.

Gi(ni)ling: tama behavior, rina 🤣🤣

Ningling: tanginanyo

Rinaling: Language!! Winter might see!

 

 

Word(s) of the day - “Hey, Winter! Try this!” “Winter, this one too!” “Gosh, Winter. Tikman mo 'to!” “I swear, you'll like this one.” “Winter–”

 

Nasa loob na kami ng café ngayon at kumakain na ng mga inorder namin. As per usual, magkatabi kami ni Karina habang si Giselle naman ay nasa harap niya at sa'kin naman si Ningning. 

 

Kanina pa ako sinusubuan ni Karina ng mga pagkain niya. 

 

Wala naman akong problema rito. Masarap naman talaga eh. Ang gusto ko lang malaman, ay kung bakit niya 'to inorder kung ako lang din naman ang papakainin niya. 

 

“We get it, Rina. Masarap 'yung croissants mo.” Giselle groaned at sumandal sa side ni Ningning na sobrang busy sa pagpicture ng orders niya. “You've been shoving it on Winter's face for almost an hour now,”

 

“14 minutes.” Pag correct ko. 

 

“Hyperbole,” rebut ni Giselle habang dinuro sa'kin ang tinidor niya. “I'm going to teach you more about Hyperbole.”

 

“Hyperbole is the use of exaggeration as a rhetorical device or figure of sp–”

 

“Okay, nevermind then.” Tinusok ni Giselle ang cheesecake niya, at tumawa naman si Karina.

 

“Gosh, you're so cute.” nanggigigil na sabi ni Karina while cupping my face. Binitawan niya ito agad nung biglang umubo si Giselle at ngumisi.

 

Sinong ngumingisi pagtapos umubo?

 

Hays, ang tagal ko na palang hindi nagkaubo. Siguro sakitin ako kung nasa Kwangya pa rin ako ngayon.

 

Huminto na si Karina sa pagsubo ng mga pagkain sa bibig ko at nakipag "chikahan" (thank you sa word, Ningning) na kay Giselle tungkol sa ewan ko ba. Ngayon, ngumunguya na lang ako ng donut ko habang tinititigan si Ningning.

 

'Di pa rin siya tapos magpicture.

 

“O bakit? Gusto mo kiss?” Biglang nguso ni Ningning nung napansin niya ang tingin ko sa mukha niya.

 

Lumingon si Karina at tumingin saming dalawa ni Ning.

 

Kumurap lang ako kay Ningning, at walang kung ano mang expression sa mukha. 

 

Ngumiti ako kay Karina at tinuro ang donut hole na nasa harap ko. “Anong flavor nito?” 'di ko alam kasi hindi naman ako ang nag order, kung hindi si Giselle. Sabi niya magugustuhan ko raw 'to.

 

Nagustuhan ko nga pero sobrang liit! Hindi manlang umabot sa lalamunan ko!

 

“Blueberry Hill. Why? Gusto mo pa ba?”

 

”Wow, sige, Winter! Ayaw mo ng kiss ko?” singit ni Ningning at sinapak ako sa balikat. Tumunog 'yung kamao niya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
539 streak #1
🥺🥺🥺🥺
howdoyouknowmee
539 streak #2
Babalik pa kaya ulit
howdoyouknowmee
539 streak #3
When kaya again
gorjus_huya #4
Chapter 9: oh, minjeong. so dense.
gomtokkim
2150 streak #5
Chapter 9: Karina ayaw matawag na ate hahahahaha
TakuyaKen
#6
Chapter 9: haha when will Win gain feelings or haha baka di pa lang nya alam but she love Karina
idk7564 40 streak #7
Chapter 9: sana magets mo winter HAHAHAHA
yukimin
#8
Chapter 9: ayan nakakaramdam na siya BWHAHAHAH
dork_seulgi_k
860 streak #9
Chapter 9: geh kayanin niyo mga ante hsjshskshsk
yeppeungom
#10
Chapter 9: Jusko ang dalwa sana kayanin mo wintot