The Happy Couple House Got Talent

The Happy Couple House
Please Subscribe to read the full chapter

Winter




 

Winter: kasi parang di ko yata kaya

 

 

Mythic Pepita: 😂😂😂

 

 

Winter: tinatawanan mo ko?

 

 

Mythic Pepita: No, hon. Masaya lang ako na you miss me already just as much :>

 

 

Mythic Pepita: I-plan natin ng maayos okay? Hindi agad agad

 

 

Mythic Pepita: I’ll call you later pagka-arrive. I love you. I can’t wait to kiss you again








 

Ayun.

 

Hindi naman pala ako si Hancock na pwede lang lumipad at sumunod papuntang Mexico agad agad diba.

 

Sabi ni Karina baka mamaya pa daw silang mga 12-1AM makarating.

 

Anong oras pa lang ngayon, 8AM pa lang.

 

Nung sinabi ko na gusto ko sana magbakasyon, tapos baka pwedeng si Selle muna ang mag-asikaso sa shop - alam kong may pagka-impulsive.

 

Kakagaling ko lang kasi ng iyak ‘nun.

 

Hindi ko pala basta basta maiiwan lang yung shop ng ganun na lang.

 

Baka sakalin ako ni Selle pag sinabi kong manager agad yung role niya tapos aalis muna ako.

 

O pwede kayang mag-manage na lang ako ng shop from Mexico?

 

Ang kaso lang hindi ako makakatulong sa mga construction, dumadami pa naman yung clients namin.

 

Si Hopia at Popcorn, pwede naman siguro kila mama muna.


Ang kaso lang ang dami kasing aso ni mama na matatapang baka lang ma-stress sila sa bagong environment na naman.

 

Pwede din kaya iwan kay Selle?

 

Masasakal na talaga siguro ako ni Selle.

 

Hmmm.

 

Nagtingin na din ako ng flights. Hindi pala biro ang presyo pa-Mexico.

 

Hindi rin naman kasi ako nagbibiro.

 

Gusto ko talagang pumunta.

 

Yung extrang ipon ko na lang ang gagamitin ko. Hindi ako papayag na galawin yung pera sa joint account namin ni Karina.

 

Pero….

 

Napatingin ako sa orasan.

 

Alas otso pasado na pala!

 

Kailangan ko ng pumasok sa shop.

 

Nagmadali akong pumunta sa kwarto para kunin ang mga gamit ko pero napatigil din ako nung napansin ko yung lockscreen ng phone ko.

 

Bumungad yung selfie ni Karina na sinend niya sakin at ginawa kong wallpaper.

 

Ito yung time na nasa kung saang coffee shop siya para sa meeting outside daw.

 

Nakabagsak yung mahaba niyang buhok at nakasuot ng pormal na gray na blouse.

 

Kaso yung pose niya, nakatongue-out tapos nakatingin sa camera.

 

Sabi niya sa akin pagkasend sa akin nun, ang boring daw saka miss na daw niya ako.

 

Hays!

 

Mas lalo ko lang siyang mamimiss ng ganito eh.

 

Saka yung isa ko pang napansin sa lockscreen… yung time.

 

Sunday.

 

Sunday pala ngayon!

 

Sarado ang shop ko.

 

 

Walang pasok.

 

Wala akong pupuntahan.

 

Anong gagawin ko naman dito sa bahay buong araw?!










 

Nag-check ako ng phone at nagulat ako sa dami ng messages.

 

Isa isa ko na ring nireplyan.










 

Ate Yoona: Umalis na pala si Rina. How r u?

 

Winter: Okay naman po Ate Y! Musta trip mo sa Thailand? hehe

 

Ate Yoona: U sure u ok? :) Was really nice! If pupunta kayo dun ni Rina, I can recommend a lot of good places

 

Winter: Okay naman hehe namimiss syempre pero kakayanin. :) Sige ate salamat

 

Ate Yoona: Aww, keep yourself busy okay? :) Take this time to do a lot more for yourself. Just don’t forget to communicate a lot with her.

 

Winter: Will do! Thanks so much ate yoons











 

Mama: san na si rina

 

Winter: Umalis na po, ma. Kaninang 6am.

 

Mama: kaw na lang magisa jan?

 

Winter: Opo. Pati sila hopia at popcorn

 

Mama: pahiram ko ulit si unding saka si bulldozer

 

Winter: Ma wag na si bulldozer! Mas matapang yun kay unding diba?

 

Mama: oo















 

Giselle: Winter punta ko diyan

 

Winter: Kelan?

 

Giselle: Di ko pa alam, not sure kung today tho

 

Winter: Okay

 

Giselle: Di ka nagsi-seen sa gc sabi ko mag-aapply na ko sa shop

 

Winter: Okay pagusapan natin

 

Giselle: Hahaha the real question is okay ka lang ba?

 

Winter: Okay lang naman

 

Giselle: Weh? Gusto mo ituro ko sa’yo yung phone tingz?

 

Winter: GISELLE AYOKO ALAM KO NA YAN

 

Giselle: Edi wag! Gosh

 

Giselle: But alam naman na ni Rina kung pano gawin yun so ;)

 

Giselle: U just go with the flow like a fish














 

Yujin: Te Win!!!!!!!!!!!!!!!

 

Winter: Ow

 

Yujin: Ka-miss kayo ni Ate Rina hehe

 

Yujin: Nga pala umalis si Ate Rina? San siya punta ulit? Spain?

 

Winter: Mexico. Layo ah

 

Yujin: Lah! ANg LAYO PALa. Miss mo na? hehehe

 

Winter: Hehehe oo

 

Yujin: Sows! Punta ka rin dun?

 

Winter: Baka

 

Yujin: Ay grave true love

 

Winter: Malamang!

 

Yujin: Sana all. Sana ako din ganyan



 

 

 

 

 

 



 

1 new message request from Susana Edita Marquez

 

Tita Susan: musta








 



 

Naka-idlip ako at pagkagising ko, nakita ko 1130AM pa lang.

 

Ano ba naman, akala ko gabi na.

 

Mas gusto ko kasi sanang matulog na lang buong araw.

 

Lunch na pala kaya pumunta na akong kitchen.

 

Usually pag Sunday, madalas kaming magluto ni Karina ng bagong recipe.

 

Pero ngayon wala ako sa mood gumawa ng kahit ano.

 

Ayoko ngang gumalaw.

 

Naisip kong mag-corned beef na lang.. meron pa yata kami nung Delimondo.

 

Naitigilan ako sa pwesto… bigla akong na-hit ng memories.

 

Sa kitchen… with Delimondo.











 

“Sest? Corned beef na lang tayo? Tapos luto na lang ako ng egg.” Suggest ko kay Karina isang umaga na magbbreakfast kami.

 

“Sige, hon. Meron diyan yung Delimondo. Kaso nandun sa pinakataas ng cabinet. Wait-”

 

Akma sanang kukuha si Karina ng upuan para umakyat doon at abutin yung corned beef sa taas ng cabinet namin pero mabilis ko siyang napigil sa braso.

 

“Babe, ako na. Ako na. Sabi naman ni mama may pagka-unggoy daw ako nung bata.” Pag-offer ko.

 

Natawa lang si Karina sa sinabi ko at inalalayan na lang ako.

 

Hindi ko na kailangan ng upuan para tuntungan. Inakyat ko lang yung countertop namin para abutin yung taas ng cabinet.

 

“Hon, be careful ha.” Sabi ni Karina na nakahawak sa may hips ko.

 

“Babe, ano gusto mo? Meron dito ranch style tapos meron ding tapa-” Nasangga ko yung isang can kaya bigla nahulog yun at di ko na nasalo.

 

Bigla din nahulog ang puso ko nung umaray si Karina.

 

, , .

 

Mabilis akong bumaba mula sa pagtuntong ko sa countertop. “Sest!!! Oh my god, I’m sorry, I’m sorry.”

 

Tahimik na naka-hawak lang si Karina sa may bandang kilay niya at nakapikit.

 

No….

 

Nilapitan ko siya at maingat na ininspect yung noo niya.

 

Kumabakabog na rin ang dibdib ko sa pag-alala.

 

Tinanggal ni Karina saglit yung pagkahawak sa noo niya at kumurap kurap.

 

Napansin ko na parang medyo namumula na yung part sa may dulo ng eyebrow niya.

 

Gusto ko na maiyak.

 


Nasaktan ko siya.

 

“Sest… I’m sorry.” Lumapit ako kay Karina para yakapin siya, hinipan hipan ko rin yung bandang kilay niya na natamaan ko ng Delimondo.

 

“It’s fine.” Tipid na sagot ni Karina.

 

“M-masakit?” Kinakabahan ulit na tanong ko.

 

Natawa ng mahina si Karina. Tinitigan niya ako at nilapit ang mukha sa akin. “What do you think?”


 

“Ehh, sorry na sest…” Paghikbi ko. Naiiyak na talaga ako. Ayaw na ayaw ko kasing nasasaktan siya.

 

“It’s fine nga, babe.” Hinigit ako ni Karina palapit sa katawan niya at niyakap.

 

Naramdaman ko na lang na pinihit niya ako paikot hanggang sa mapasandal ako sacounter.

 

Nilagay niya yung dalawang kamay niya sa parehas na gilid ng bewang ko.

 

Magkadikit na ang mga katawan naming dalawa.

 

Ngayong di na nakahawak si Karina sa may noo niya, kitang kita ko na nagkasugat nga.

 

Aangatin ko na sana yung kamay ko para haplusin yun pero mabilis na nahuli ni Karina ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

 

Nung napatingin ako sa mga mata niya, wala naman ng bahid na nasasaktan siya, intense lang ang pagtitig niya sa akin.

 

Napalunok ako.

 

“Sorry na, sest-

 

Dahan dahang nilapit ni Karina yung labi niya sa akin.

 

Nung nagsalita siya, damang dama ko yung mainit niyang hininga.

 

“Hon, I told you to be careful...”

 

Nag-iwas ako ng tingin pero naramdaman ko rin agad yung daliri ni Karina sa chin ko nung marahan niyang pinihit ang mukha ko paharap sa kanya.

 

“Sorry na talaga, babe…” Mahinang ulit ko.

 

Mabilis akong binigyan ni Karina ng halik sa ilong. “Hmp. Puro sorry. Hon, you know that song?”

 

“Ha?” Distracted na sabi ko habang nakatingin sa labi ni Karina.

 

Playful na tinaas taas ni Karina ang kilay niya sa akin at bigla siyang kumanta. “What are you willing to do ~”

 

Nilapit niya yung labi niya sa bandang tenga ko, kinagat yung earlobe ko, bago binulong ulit yung susunod na line ng kanta. “Kiss it, kiss it better, baby ~”

 

Nagtayuan ang balahibo ko sa ginawa niyang yun at kumalat yung init ng bulong niya sa buong katawan ko.

 

Inangat ko yung isang kamay ko para hawakan siya sa pisngi.

 


Di ko na kaya, hinapit ko na siya para halikan.

 

Malalim ang kiss namin pero nung naalala ko yung kanta, tinanong ko siya while kissing her. “Yung kanta ba yan ni Beyonce?”

 

Karina giggled in my lips and just kissed me hard again.

 

The Delimondo laying on the ground… forgotten.












 

Nangingiti tuloy ako habang hinahanda yung lunch ko na Delimondo.

 

Pero nawala agad yun nung naalala ko na naman… ang tagal ulit bago ko makita ang asawa ko.

 

Ang tagal ulit bago ko siya mahahawakan, mahahalikan, at makakasama.

 

Namimiss ko na naman siya kahit wala pang isang araw.

 

Unless, matuloy yung naisip kong pagbabakasyon sa Mexico.

 

Pero kailan pa kasi?

 

Ang dami ko pang aayusin at aasikasuhin.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
This ends the happy couple's journey for now :) (Season Finale lol)
I don't know when I will be back but hopefully if I do, with completed stories na.
Thank you and see you!!!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2148 streak #1
Chapter 2: Miss ko na si Tita Susan Q
nabs_infp
#2
Chapter 10: Hahahaha. Si Yujin ba pinagawa niya?
nabs_infp
#3
Chapter 2: TITA SUSAN 😭😭😭
katarinapsyche
#4
Thank you gae fairy at completed naman ‘to. 😭✊🏻
jushshhh #5
Chapter 7: tita susan ano ba HAHAHAHA
Enterusername_here
#6
Chapter 19: AAaaahhh, done na naman mag re-read. Basta pag gusto ko ng wholesome na nakakakilig na puro fluff lang, ito talaga binabasa ko agad.
boss123 #7
rereading instead of reviewing for stats quiz bukas 💔 missing them so much
arkiminjeong
#8
Chapter 19: Done reread. Babalik balikan ko talaga ang Still Into You and Happy Couple House. Nakakawala ng pagod, nakakapawi ng lungkot. Best stress reliever talaga! 💖
Young_DP
#9
Chapter 7: HAHAHAHAHA tita susan ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
idkwhatnametouse #10
Chapter 12: sweet huhu rereading imy