Shake, Rattle & Roll

The Happy Couple House
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Winter’s praning phase.


 


 

Winter


 

“Babe, kuha kaya tayo ng bagong aso.” Nagsimula na kong mag-search sa phone ko ng mga breed ng aso na pwedeng maging guard dogs.

 

Habang ginagawa ko ito ay kanina pa ko pasilip silip sa bintana ng kwarto namin.

 

Tahimik lang ang lugar namin dito sa village lalo na pag gabi.

 

Wala namang kakaiba ngayon.

 

Lumabas na ang mga top searches sa google.

 

German Shepherd, Rottweiler, Doberman.

 

"Why?" Rinig kong tanong ni Karina. Nag-angat ako ng ulo at tiningnan ang asawa ko na nasa kama at may ginagawa sa laptop niya. Katabi at hinihimas himas rin niya si Hopia na nakasiksik sa kanya habang natutulog.

 

"Yung pwedeng guard dog, babe. Okay ba yung Rottweiler? Matapang daw yun eh." Patuloy ko.

 

Nag-search na rin ako ng about sa mga Rottweiler dogs.

 

The Rottweiler is the quintessential guard dog. It is strong, fearless, and has an intimidating physical appearance. It is intelligent enough to be able to determine what is and what is not a threat and then react accordingly.

 

Tamang tama.

 

Satisfied ako sa lumabas na result ng na-search ko.

 

Mukhang ito ang kailangan ko.

 

"Hon, kaya nga natin kinuha si Pop diba?"

 

Pagkasabi ni Karina ng pangalan ng aso namin na si Popcorn, nakitang kong umangat ang ulo nito mula sa hinihigaang dog bed sa gilid ng kwarto namin.

 

Well, oo nga naman.

 

Kung tutuusin kasi, okay talaga na protection dog ang american bully na breed kaya kinuha namin si Popcorn.

 

Pero kasi…

 

Tumalon si Popcorn mula sa dog bed at nagsimulang lumapit sa akin.

 

Nagulat pa ako nung medyo nadulas pa ito sa nakakalat na basahan sa floor.

 

Nung nakalapit na ito sa akin, binunggo nito ang ulo sa legs ko at humiga na sa may bandang paanan ko.

 

Umalis naman ako mula sa pwesto sa pagkakaupo ko sa may bintana at tinabihan ko na si Popcorn sa sahig at binigyan ito ng pets sa ulo.

 

Pero kasi… hindi ko ma-imagine si Popcorn na magiging guard dog namin.

 

Iba yata ang personality nito mula sa angkan niyang mga matatapang na aso.

 

Una sa lahat, masyado itong malambing.

 

Pangalawa, kung kumahol ito ay… meron bang pabebeng aso? Ganun siya.

 

Pangatlo at higit sa lahat, hindi nga ito makatulog kung hindi katabi ang Winnie The Pooh na stuffed toy na laruan niya.

 

Napabuntong hininga na lang ako.

 

Siguro, may pinagmanahan.

 

Yung amo.

 

Napasulyap ako saglit kay Karina at lihim na natawa.

 

Bumalik ako sa pagse-search.

 

"Why? Ano bang ginagawa mo? Come here.” Tinapik ni Karina yung tabi ng kama.

 

Tumayo na ako sa sahig at binuhat si Popcorn para ibalik ulit sa dog bed niya.

 

Nung pa-bounce akong tumabi kay Karina sa kama, nagulat pa sa akin si Hopia at umalis na rin palayo.

 

Umakbay sa akin si Karina at hinilig ang ulo ko sa balikat niya.

 

“Eto sest oh…” Pinakita ko na sa kanya yung phone ko at ang mga nabasa kong balita kanina na nakakabahala.

 

Uso daw ang kidnapping ngayon.

 

Maraming mga nawawala, kadalasan ay mga babae pa.

 

Maraming nanghihimasok sa mga bahay bahay.

 

Simula nung nagsama kami ni Karina sa isang bahay, kahit nung estudyante pa kami, never pa akong nag-overthink nang malala o di kaya ay nabahala sa security naming dalawa.

 

Nung nakatira kasi kami sa dorm nung college, halos katabi lang ng tinitirahan namin yung apartment ng mismong landlord/landlady dahil kakilala ito ni Tita Esme. Marami din kaming mga kasamang ibang renters sa building. Meron ding security guard din at malapit lang din naman kami sa university.

 

Ngayon namang nakatira kami sa village, safe naman din kung tutuusin. Mag-iisang taon na rin kami halos dito at wala namang kung anong kababalaghan o kaya’y nakita kaming hindi okay so far.

 

Mababait din naman ang mga kapitbahay.

 

Pero yung news kasi.

 

Nung nabasa ko yun, dun ako nagsimulang mag-alala.

 

Tahimik lang na binabasa ni Karina yung article sa phone ko habang hinihimas himas ang balikat ko.

 

Napaangat ang ulo ko at tiningnan ko siya sa mukha. “Babe, hatid sundo ulit kita bukas ha. Ako na muna sa kotse.”

 

Isa lang ang kotse namin at si Karina ang madalas gumagamit nun pag papasok at uuwi galing sa office.

 

Yung motor ko lang ang gamit ko pag pupunta sa shop dahil medyo malapit lang naman ito mula sa bahay.

 

Nung una, hinahatid at sinusundo ko naman si Karina sa office niya pero nagpumilit siya na kaya naman niya daw mag-isa at mas marami pa kong magagawa sa shop at sa bahay kung hindi ko siya laging susunduin.

 

Kumunot ang noo ni Karina. “Babe, hassle, diba?”

 

“Eh basta. Bukas.” Final kong sagot. Ipipilit ko talagang ihatid siya. Binalik ko ang tingin sa phone ko at inexit yung news article.

 

Bigla ring pumasok sa isip ko sila mama.

 

Chinat ko siya agad para paalalahanan din na mag-ingat.






 

Winter: Ma, ingat kayo lagi diyan, lagi niyo po i-lock ang gate

 

Mama: bakit?

 

Winter: Basta po ma, delikado ang panahon ngayon

 

Mama: aba e bakit ba kami ang iniisip mo at kayo ni rina ang dalawa lang na magkasama jan. kayo ang magingat sinasabi ko sayo sabi ko naman ay kailangan sana ay may kasama kayo kahit papaano paano ba ang ginagawa nyong pagiingat naku wag na kayo maglalabas at dapat ay laging may kasama pag aalis yung aso niyo ba ay nangangagat

 

Winter: Hindi po nangangagat si Pop ma

 

Mama: naku ipahiram ko sayo si unding

 

Winter: Ma diyan na lang po si unding para mabantayan kayo

 

Mama: hindi madami pa ako aso, dalin ko jan sa makalawa

 

Winter: Ma, wag na!

 

Mama: dalin ko

 

Winter: Kakagatin lang ako nun ni unding ma!

 

Mama: ok






 

Mukhang di na namin kailangang kumuha ng bagong aso.

 

Ipapahiram daw ni mama si Unding, yung aso ni mama na malaki at nakakatakot.

 

Hindi ko rin gaanong ka-close kasi bago lang yun at tuwing dumadalaw lang kami ni Karina sa bahay ko nakikita.

 

Huhu.

 

Medyo kinakabahan kasi ako dun.

 

Ang tapang tapang naman kasi ng aso na yun eh.

 

Kaya yata ipagtanggol ang buong village.

 

Inangat ni Karina ang ulo ko gamit ang daliri niya at tingnan ako ng derecho sa mata. “Hon.. I can take care of myself, you know.”

 

“Nyaw nyaw nyaw of myself, nyunow?” Hindi ko mapigilang pang-aasar ko sa kanya. Napasinghal din ako at sinimangutan siya. “Sest! Hindi pwede, aba. Delikado nga ngayon. Ang hina hina mo kaya, di ka nga manalo ng arm wrestling sa akin.”

 

Nag-cross arms si Karina at nagtaas ng isang kilay sa akin. “Oh talaga? Sa pagkaka-alala ko, ikaw yung hindi manalo sa akin eh.”

 

Hala siya! Binabaligtad ang mga pangyayari!

 

Mukhang magkakasubukan pa yata kami ngayong gabi.

 

Umayos ako ng pwesto sa kama at nilagay ang isang unan sa pagitan namin. Tinukod ko ang siko ko dito. Hinamon ko si Karina. “Game dali, let’s see.”

 

Nag-stretch naman ng leeg si Karina at pinaikot-ikot ang braso. “Baka mapahiya ka babe, may audience tayo oh.”

 

Napatingin ako sa sinasabi niyang audience namin.

 

Si Hopia ay mukhang bored na nakaupo sa dulo ng kama at nakatingin lang sa aming dalawa.

 

Si Popcorn naman ay at interested na nakatingin sa amin mula sa ibaba ng kama at maya maya ay tumalon na rin.

 

Nagkibikit-balikat lang ako at ni-ready na ang sarili sa arm wrestling match.

 

May papatunayan lang ako dito sa asawa kong feeling yata ay kayang kaya niya ang sarili niya.

 

Nung napatingin ako kay Karina, nakangisi lang siya sa akin.

 

Ang yabang talaga!

 

Pinagsalikop na namin ang dalawa naming kamay.

 

Di ako worried dito.

 

Lagi kaya akong nagwo-workout!

 

Nagwe-weight training pa nga ako.

 

Sa shop, ang bigat lagi ng trabaho namin.

 

Itong asawa ko, ano?

 

Nagyo-yoga nga siya, oo.

 

Pero madalas sitting pretty.

 

Eh jusko, parang ilang seconds lang ay mapapatumba ko na ‘to-

 

Mabilis na naitumba ni Karina yung kamay ko.

 

Nanliit ang mata ko sa kanya.

 

“Teka, distracted ako. Ulit nga.” Sabi ko.

 

Ang daya ah, wala pa nga.

 

Imposible namang ganun ganun lang yun?

 

Di pa nga ako focused.

 

“Sus.” Sabi lang ni Karina pero nilagay niya ulit yung kamay niya sa unan para sa rematch namin.

 

Nag-focus na ako this time.

 

Tiningnan ko na rin ang asawa ko ng seryoso.

 

Three, two, one…

 

Mas nagtagal ang kamay namin na magkahawak na walang natutumba.

 

Pero, wait, teka, teka, parang ang lakas ng force niya-

 

Natumba ulit ni Karina ang kamay ko.

 

Napamaang na lang ako sa kanya.

 

Siya naman ay nag-celebrate na lumapit sa mga babies namin at niyakap nang mahigpit ang mga ito.

 

“Isa pa.” Firm na sabi ko at niready na ulit ang kamay ko sa unan.

 

Kalmado lang akong tiningnan ni Karina at natawa ng pakutya. “Baby.”

 

“Baby…” Ulit ko, nakataas ang isang kilay sa kanya. “Isa pa.”

 

Feel ko kasi nadaya talaga ako.

 

Takang sinilip ko yung braso ni Karina.

 

Kailan pa siya nagkaroon ng muscles?

 

“Last na ha.” Hinawakan na ulit ni Karina yung kamay ko.

 

“Oo.” Pagpayag ko.

 

Last na talaga ‘to dahil tsamba lang yung dalawang pagkapanalo niya.

 

Hinalikan ni Karina yung kamay k

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
This ends the happy couple's journey for now :) (Season Finale lol)
I don't know when I will be back but hopefully if I do, with completed stories na.
Thank you and see you!!!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2148 streak #1
Chapter 2: Miss ko na si Tita Susan Q
nabs_infp
#2
Chapter 10: Hahahaha. Si Yujin ba pinagawa niya?
nabs_infp
#3
Chapter 2: TITA SUSAN 😭😭😭
katarinapsyche
#4
Thank you gae fairy at completed naman ‘to. 😭✊🏻
jushshhh #5
Chapter 7: tita susan ano ba HAHAHAHA
Enterusername_here
#6
Chapter 19: AAaaahhh, done na naman mag re-read. Basta pag gusto ko ng wholesome na nakakakilig na puro fluff lang, ito talaga binabasa ko agad.
boss123 #7
rereading instead of reviewing for stats quiz bukas 💔 missing them so much
arkiminjeong
#8
Chapter 19: Done reread. Babalik balikan ko talaga ang Still Into You and Happy Couple House. Nakakawala ng pagod, nakakapawi ng lungkot. Best stress reliever talaga! 💖
Young_DP
#9
Chapter 7: HAHAHAHAHA tita susan ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
idkwhatnametouse #10
Chapter 12: sweet huhu rereading imy