The Sad Couple House

The Happy Couple House
Please Subscribe to read the full chapter

Winter



 

Sabi ni Karina, magaling daw ako mag-handle ng mga bagay bagay o kahit anong sitwasyon.

 

Handlebar yarn?

 

Mabilis daw kasi ako mag-desisyon saka mag-troubleshoot.

 

Kumbaga, alam ko agad ang gagawin kapag nakakita ng potensyal na problema.

 

Sa isip isip ko, oo tama naman ang asawa ko, mabilis nga ako makaisip ng solusyon sa kahit ano.

 

Pero… ayun nga lang, minsan may pagka-shunga din yung naiisip ko.

 

Kagaya nung naaksidente ako sa shop at nadala sa ER, mabilis ako sa desisyon na wag sabihin agad kay Karina.

 

Shunga ‘yun.

 

Pero may mga positive din naman akong napag-desisyunan sa buhay ha.

 

Una sa lahat, ang pinakatama kong ginawa…

 

Ang pakasalan ang bestfriend ko.

 

Si Karina Yu.

 

She’s my best decision ever.

 

Siguro, dahil sa kanya kaya kinakaya ko ang mga ganap ko sa buhay.

 

Nakakapagisip ako ng matino.

 

Nakakagawa ako ng paraan sa lahat ng problema sa life.

 

Mukha lang akong strong kung tutuusin… pero mostly ang pinaghuhugutan ko ng lakas, pag naaalala kong meron akong partner for life, na laging nandiyan para sa akin…

 

Na laging nakasuporta…

 

Na laging mahal ako…

 

Ilang taon na nga kami?

 

Magna-nine years?!

 

Bigla kong naisip yung nine tails ni Gumiho.

 

Sobrang tagal na pala namin!

 

Sa buong siyam na taon na yun, laging alam ko ang gagawin lalo na pag tungkol sa asawa ko.

 

Ngayon lang hindi.

 

For the first time in our relationship, I don’t know what to do.


















 

“Sa Mexico, hon.”

 

Napatigil ako saglit sa pag-lotion ng braso ni Karina isang gabi sa kwarto namin.

 

Nakaisip agad ako ng plan sa utak ko. “Oh? Mga 2 hours away lang pala, babe. Hatid kita. Pwede rin ako mag-stay sa hotel dun na malapit ng ilang days, magtitingin tingin na ako.”

 

Pinagpatuloy ko ang pag-apply ng lotion kay Karina.

 

Arms, done!

 

Legs part next.

 

Wings, to follow. Joke!

 

O diba, nakasanayan na namin ito, every night feeling nasa beach kami lagi na nag-aapply ng sunblock.

 

Ngayon lang pala nasabi sa akin ni Karina kung saan ang location ng business trip niya kasi ipapadala daw sila dun ng company.

 

Ayaw pa kasi niya sabihin sa akin nung nasa office siya kanina. Sabi niya pag-uwi na lang daw.

 

Ang lapit lang pala.

 

Sa Pampanga lang.

 

Akala ko naman sa malayo. Kinabahan tuloy ako.

 

Para namang nabunutan ako ng tinik nung sinabi niya na yung place.

 

Naramdaman ko ang kamay ni Karina na pumatong sa kamay ko para patigilin ako sa ginagawa sa legs niya.

 

Napaangat din ang tingin ko sa kanya.

 

Ang seryoso ng itsura niya ngayon…

 

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko.

 

Inagaw ni Karina yung bote ng lotion sa kamay ko at hinigit ako sa braso.

 

Naglagay siya sa palad niya at nagsimula na niyang applyan ako ng lotion.

 

“Hon naman… Mexico...” Mahinang sambit ni Karina habang patuloy lang siya sa paghimas sa akin ng marahan.

 

Matagal akong di naka-react sa sinabi niya.

 

Deep inside, nung sinabi niya yung Mexico… nakutuban ko na.

 

Pero kasi… nagbakasakali ako na baka naman sa Mexico, Pampanga lang.

 

Bakit naman totoo na dun nga talaga sa malayo?

 

“Ikaw…talaga ang ipapadala?” Pag-make sure ko lang. Baka naman…

 

Tumango si Karina. “Remember yung nag-overtime ako dati na inabot ng gabi? They say nagpapa-help lang dun sa MX account… pero parang tinransfer na completely sa team ko.”

 

Tumango tango lang ako pero di ko pa rin ma-process ang mga sinasabi ni Karina.

 

Marami pa akong tanong.

 

“Required daw yun?” Tanong ko.

 

Tumingin muna sa akin si Karina bago hinigit naman yung legs ko at nagsimula ng magpahid ng lotion doon.

 

Pinapanood ko lang yun mainit na palad niya habang humahaplos haplos sa balat ko.

 

“Unfortunately. I don’t think may choice kami.” Sabi ni Karina with a heavy sigh. “They’re sending the whole team.”

 

Buti pa si Lady may choice.

 

“Gano ulit katagal?” Tanong ko ulit.

 

Please, please, please…

 

“5 msfn…” Pag-murmur ni Karina kahit di ko gaanong narinig.

 

Napabuntong hininga ako in relief. “5 weeks lang pala eh.”

 

Napatigil si Karina sa ginagawang pagpahid ng lotion. Tinitigan niya ako. “5 months, babe…”

 

“5 MONTHS?!” Bulalas ko.

 

Bakit naman.

 

5 months?!!

 

Saglit.

 

5 months, 5 months…

 

Ang tagal naman ‘non!

 

Madami na agad pumasok sa utak ko.

 

In 5 months…

 

Dadaan yung wedding anniversary namin.

 

Dadaan birthday ni Popcorn, ni Hopia…

 

Dadaan birthday ni Selle…

 

Ni mama, ni papa…

 

Ni lolo, ni lola..

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
This ends the happy couple's journey for now :) (Season Finale lol)
I don't know when I will be back but hopefully if I do, with completed stories na.
Thank you and see you!!!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2148 streak #1
Chapter 2: Miss ko na si Tita Susan Q
nabs_infp
#2
Chapter 10: Hahahaha. Si Yujin ba pinagawa niya?
nabs_infp
#3
Chapter 2: TITA SUSAN 😭😭😭
katarinapsyche
#4
Thank you gae fairy at completed naman ‘to. 😭✊🏻
jushshhh #5
Chapter 7: tita susan ano ba HAHAHAHA
Enterusername_here
#6
Chapter 19: AAaaahhh, done na naman mag re-read. Basta pag gusto ko ng wholesome na nakakakilig na puro fluff lang, ito talaga binabasa ko agad.
boss123 #7
rereading instead of reviewing for stats quiz bukas 💔 missing them so much
arkiminjeong
#8
Chapter 19: Done reread. Babalik balikan ko talaga ang Still Into You and Happy Couple House. Nakakawala ng pagod, nakakapawi ng lungkot. Best stress reliever talaga! 💖
Young_DP
#9
Chapter 7: HAHAHAHAHA tita susan ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
idkwhatnametouse #10
Chapter 12: sweet huhu rereading imy