Cravings & Curse

The Happy Couple House
Please Subscribe to read the full chapter

Summary: Stressed si Winter. Ang cravings niya ay… flowers.






 

Winter





 

GC: HCH Leads

 

Taeyong: Boss @Winter and everyone in the haus, di ako makakapasok today, bossing. Migraine + vertigo… nakakakita na ako ng mga guhit guhit saka sumasakit mga parts ng katawan ko. Tenkyu! Bow!

 

Winter: Okay

 

Ten: hoy yong, pumasok ka daming job orders ngaun kulang tayo ng tao

 

Taeyeong: Di ko keri. Nahihilo ako. Di ako makatulog sa sobrang sakit ng ulo ko.

 

Ten: ano ba gamot jan sa vertigo??

 

Taeyong: Walang gamot… need ko lang mamahinga. Amen.

 

Yujin: Meron kaya!

 

Taeyong: Wala sabe eh.

 

Ten: bilhan kita sa mercury

 

Taeyeong: Wag. Malayo yun. Sasakay ka pa ng spaceship.

 

Winter: Patingin ka @Taeyong

 

Winter: Pa-admit ka na rin

 

Taeyong: Tenchu boss <3

 

Ten: paadmit sa ward?

 

Taeyong: Sakit ng ulo ko, di ko na mabasa mga message mo @Ten





 

Napapailing na lang ako sa mga messages na nakikita kong nagppop up sa phone ko.

 

Ang kukulit talaga.

 

Aware ako sa dami ng pending na job orders ngayon sa shop.

 

Madami ring kailangang habulin na deadline.

 

Di ko rin inaasahang absent pa si Taeyong ngayong araw, combo combo ba naman yung nilista niyang mga sakit niya, sino ba naman ako para hindi siya payagan mag-sick leave diba?

 

Mabigat ang sasaluhin naming trabaho ngayon nila Ten at baka kinakailangan din naming mag-overtime.

 

Pero mamaya ko na po-problemahin yan dahil napapangiti na ako nung nakita kong may reply na sa akin si Karina.

 

Sabi niya kaninang umaga bago pumasok sa work, siya naman ay meron daw big presentation sa upper management.






 

Winter: Good luck today, babe!

 

Max Level Pepita: Copy, babe. Thank you.

 

Max Level Pepita: Ingat ka today ha. I love you.

 

Winter: Basta tandaan mo yung sinabi ko ha.

 

Max Level Pepita: Alin dun? ;)





 

Natigilan ako at napatingin sa kawalan.

 

Ano nga ba yung sinabi ko?

 

Bakit ko ba biglang nasabi na may sinabi ako?

 

Ay, basta.

 

Ito tayo eh, ang hirap ng biglang impromptu na mag-aadvice.






 

Winter: Basta remember yung first step.

 

Max Level Pepita: Okay

 

Winter: Just do that first step and you will do great.

 

Winter: I love you!

 

Winter: Yung vitamins mo ha, don’t forget

 

Max Level Pepita: Okay. See you later hon, love you!







 

Wew.

 

Mamaya ko na rin iisipin kung ano yung first step.

 

Sana gets na ni Karina.

 

Maya maya ay may message na naman na nag-pop up.

 

Ang daming active ha?








 

GC: My Safe Space ♡


 

Single Selle (by choice): Nag-resign na ako.

 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7: congrats

 

Ms Rina's Wife: Ba’t ka nagresign????

 

Ms Rina lang: Why? @Single Selle (by choice)

 

Single Selle (by choice): Ayoko na. I can't stand them.

 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7: what about sitting?

 

Ms Rina lang: What happened?

 

Single Selle (by choice): [sent a photo]




 

Team Lead: follow up sa report

 

Aeri Giselle Uchinaga: Wow!

 

Team Lead: sinend ko yun nung sunday pa

 

Aeri Giselle Uchinaga: So mag-sstart ako ng sunday ganun ba?

 

Team Lead: no, what i mean is nung sunday ko pa nasabi

 

Aeri Giselle Uchinaga: So, you mean dapat kasama ang Sunday sa lead time?

 

Aeri Giselle Uchinaga: When you request, please pakiayos ang pagkasabi, hindi yung “follow up sa report” lang.

 

Aeri Giselle Uchinaga: I’m putting in my two weeks notice.




 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7:: HAHAHAHHA loveeet

 

Single Selle (by choice): Ughhh, sobrang nakakainis sila

 

Single Selle (by choice): Are you hiring? @Ms Rina lang

 

Ms Rina lang: Hmm, let me check.

 

Single Selle (by choice): No, I mean sa happy couple house. Ayoko na ng company. @Ms Rina's Wife???

 

Ms Rina lang: Ohh. Ask @Ms Rina's Wife

 

Ms Rina's Wife: Gusto mo magwork sa shop?!

 

Single Selle (by choice): Why not?

 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7: luhhh, marunong ka ba magpako pako @Single Selle (by choice)?

 

Single Selle (by choice): Anong pako pako? Required ba yun?? @Ms Rina's Wife

 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7: hammer hammer

 

Ms Rina lang: No, hon, diba you’re looking for an admin?

 

Ms Rina lang: Hon?

 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7: honak, tawag ka @Ms Rina's Wife

 

Single Selle (by choice): May requirements ba?

 

Single Selle (by choice): What does an admin do?

 

Single Selle (by choice): Ano kailangan kong aralin?

 

Single Selle (by choice): Anong kailangan kong gawin?

 

Single Selle (by choice): Safe naman ba to work there?

 

Single Ning Looking Ready To Mingle Available 24/7: all of the above

 

Ms Rina’s Wife: Check ko






 

Na-pressure naman ako sa sunod sunod na tanong ni Giselle.

 

Bigla bigla kasing nag-reresign.

 

Hahanapan ko na sana siya ng pwede niyang gawing trabaho sa shop nang biglang pumasok naman si Ten sa office ko.

 

Naalarma ako nung nakita kong bagsak ang balikat niya at mukhang problemado.

 

“Boss, pinapabalik yung isang dining set natin na kakadeliver lang kay Mr. Herrera.”

 

“Huh? Bakit binalik? May damage ba?” Concerned na tanong ko.

 

Nagkamot ng ulo si Ten. “Kasi boss, nalaman… babae daw gumawa.”

 

Ako lang naman ang gumawa nun.

 

Made by yours truly.

 

Nanlumo ako sa nalaman.

 

Ito na naman.

 

“Complete refund daw ang gusto.” Dagdag pa ni Ten.

 

Dun na ako nakaramdam ng inis. “Anong complete refund, hindi pwede-”

 

Mabilis kong hinanap ang contact number ni Mr. Herrera sa client information. “Ako na bahala. Kakausapin ko na lang. Thank you, Ten.”

 

Agad kong tinawagan ang client namin na nagpagawa ng customized dining table set.

 

Sila Taeyeong kasi ang humarap dito pero ako ang tumapos ng mga pieces, which I worked so hard for.

 

Akala ko naman okay lang ang lahat.

 

Char, ang drama ko.







 

Mr Herrera: Sino ‘to?

 

Winter: Hello Mr. Herrera, this is Winter Kim from Happy Couple House shop. Narinig ko po ngayon na pinapabalik niyo yung mga pieces today.

 

Mr. Herrera: Winter? Ikaw yung gumawa nun ‘no? Babae ka e diba?

 

Winter: Yes.

 

Mr. Herrera: Aba’y hindi pupwede kasi yun hija, sigurado ka ba sa mga materyales, hindi ko trusted ang kwalidad nito. Saka nga babae ka, marunong ka ba talaga? Yung design na pinagawa ko sa table, dapat ang ginamit mo ay-

 

Winter: As a professional, I’m sorry po, di po ako tumatanggap ng advice sa mga uninformed amateurs.

 

Mr. Herrera: Sinong amateur? Aba’y marunong ka pa sa akin ha.

 

Winter: Yes po, marunong ako. Kayo po, clearly hindi dahil diba nga po nagpagawa po kayo sa amin? Yung nirerequest niyo pong complete refund, hindi po pwede. We already invested time and effort on the job. I can give you a half refund, 50%, and that’s more than enough. Have a good day, Mr. Herrera.

 

[call ended]







 

“Paki-add sa blacklist.” Utos ko kay Ten pagkatapos ng call.

 

Nag-salute pa si Ten. “Yes, boss. Right away!”

 

I will not serve that kind of man again.

 

Napapikit ako ng mata habang hinihilot ang sentido ko.

 

Wala pang alas-diyes ng umaga ha!

 

Ang daming nangyayari!

 

Sa line of work ko na halos dominated by men, hindi na bago sa akin ang mga encounters na ganitong ist at misogynistic na ugali ng ibang kalalakihan.

 

Maraming nagugulat pag sinasabi kong ang trabaho ko ay woodwork or carpentry.

 

Mas lalo silang nagugulat pag sinasabi kong I own a workshop.

 

Maraming di nagtitiwala.

 

Pero we let our work speak for itself, nag-struggle kami nung una pero ang masasabi ko ngayon, steady na ang business namin.

 

Nag-browse muna ako ng phone bago magpatuloy ulit sa trabaho.

 

Na-hit ako ng ad ng Tiffany Flower Shop.

 

Ah, yung favorite na flower shop ni Kuya Kyunghoon.

 

I think umorder na rin ako dito dati ng flowers na gift para kay Karina.

 

Naka-sale daw.

 

Napangisi ako.

 

Malapit na naman nga pala ang Valentine’s day.

 

Wait-

 

Kailan ba ako huling nakatanggap ng flowers?

 

Matagal akong nag-isip.

 

Naalala kong kapag nagreregalo si Karina, ang madalas niya lang na ibigay sa akin ay pagkain, gadgets, games, clothes, but never flowers.

 

Well, hindi ko naman talaga kasi gusto ng flowers dati, mas pipiliin ko yung mga bagay na nakakain o di kaya ay nagagamit.

 

Pero sa stress ko ngayon, parang gusto ko tuloy…

 

Nagtitingin tingin pa ko sa website nang biglang bumukas ulit ang pinto ng office ko at pumasok naman si Yujin.

 

Napatayo ako nung nakita kong nag-papanic ang kaitsurahan niya.

 

Ano na naman ang nangyayari?

 

“Ate Winter…” Bungad na sabi ni Yujin.

 

Para pa siyang nanginginig.

 

Bigla akong kinabahan.

 

“Si Ate Francine...” Patuloy ni Yujin.

 

Nanlaki ang mata ko.

 

Nakita ko si Ate Francine kanina, isa sa mga sales staff namin, dumalaw sa shop ngayon kahit naka-maternity leave. Masaya pa ang pag-uusap namin dahil balak daw niya magpagawa sa shop ng mga gamit para sa baby niya.

 

“Anong nangyari kay Ate Francine?!” May halong panic na tanong ko.

 

Naisip ko si Mr. Herrera.

 

Baka sumugod pala at pumunta dito sa shop.

 

Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa pintuan kung nasaan si Yujin.

 

“Jin, ano bang nangyari-”

 

“Pumutok! Yung panubigan! Ni Ate Francine! Kailangang isugod sa ospital!” Sunod sunod na na siwalat ni Yujin.

 

Pumutok daw ang panubigan.

 

Ay.

 

Manganganak na.
















 

Nung gabing yun sa bahay namin, mahigpit ang yakap ko kay Karina habang nasa kama.

 

Feeling ko ang pagod ko ay 3 months worth ngayong araw.

 

Kinuwento ko ang lahat kay Karina ang mga nangyari sa shop. Mula sa pag-absent ni Yong kaya mas bumigat ang trabaho, yung reklamo ni Mr. Herrera, at ang pagsugod namin sa ospital kay Ate Francine dahil biglang nanganak.

 

Tahimik lang na nakikinig si Karina na mas lalong hinigpitan ang yakap niya sa akin pabalik.

 

Nung natapos na akong mag-kuwento, pinagsalikop niya ang pisngi ko para bigyan ako ng halik sa labi, minasa-masahe niya rin ako sa sentido at leeg. “Anong sabi nating gagawin at the end of a stressful workday?”

 

I groaned at sumiksik ako sa leeg niya. “Matutulog…”

 

Pinalo ako ni Karina sa braso. “Hon…”

 

Natawa naman ako. Tinaas taas ko ang kilay ko sa kanya. “Make… love?”

 

Karina glared at me. “Sest.”

 

Hinapit ko siya palapit sa akin at natatawang niyakap. “Oo na sest, alam ko na… kailangang gawin talaga natin?”

 

Tinulak ako ni Karina palayo at tinaasan ako ng kilay. “Ayaw mo?”

 

“Eto na po, gagawin na.” Napilitan akong bumangon sa kama at magcross-legs paharap kay Karina.

 

Ginaya niya ang posisyon ko.

 

Hay, ang asawa ko talaga.

 

Kung ano anong nababasa.

 

“Do it.” Utos ni Karina sa akin.

 


Tinitigan ko siya ng masama.

 

Ano pa bang magagawa ko?

 

Tapos pumikit na ako.

 

Deep breath….

 

One, two, three…

 

Inhale….

 

Hoo….

 

Exhale….

 

Hoo….

 

At nagsimula na akong kumendeng kendeng.

 

Shake, shake, shake it off!

 

Shake the stress away!

 

Wooshoo!

 

Wooshoo!

 

Narinig ko ang pagtawa ni Karina. Pinagpapalo niya ko. “Sest, ano ba… you can just shake your limbs, you know? Di naman kailangang mag-sasayaw.”

 

Lately, Karina’s been into… ewan ko ba kung anong tawag dito.

 

Meditation ritual daw.

 

Kapag stress daw kami sa work, may sinasabi siyang kailangan daw namin iwan physically and mentally ang job stress at the end of the day.

 

Eme, eme.

 

Kaya eto, kumekendeng ako ngayon sa kama.

 

Tawa pa rin siya ng tawa and I can’t help but feel happy too whenever she’s laughing like this.

 

Sa totoo lang, uuwi lang ako sa bahay and seeing her, nawawala na agad ang kung ano man ang stress ko sa nanggaling trabaho.

 

Just her being by my side takes it all away.

 

Hindi ko na napigilan.

 

Mabilis ko siyang hinapit sa akin for a kiss.

 

Medyo rough ang paghila ko sa kanya kaya napahawak siya sa dalawang balikat ko to steady ourselves.

 

Sus, mas nakakawala ng stress ‘to kesa mag-shake it off!









 

Patulog na kaming dalawa habang magkayap nang bigla akong may naalala.

 

Karina yawned beside me, looping her arms lazily around my waist. “I can’t believe na nanganak na si Ate Francine… at sa shop pa naabutan. Buti nandun kayo.”

 

Pinakita ko yung phone ko sa kanya.

 

Kailangan ko na magpahiwatig at magparamdam.

 

Ehem, sest, baka naman.

 

Malapit na mag-Valentine’s day.

 

Flowers ko, ehem, ehem.

 

“Babe, tingnan mo ‘to ang cute… ang gaganda.” Pinakita ko kay Karina yung website ng Tiffany’s Flower Shop. “Diba?”

 

Namumungay na ang mga mata ni Karina habang nakatingin sa mga pinapakita ko. “Mhmm.”

 

Maya maya ay tulog na siya.





























 

“Boss. May padala si Ma’am Rina.”

 

Napa-angat ang ulo ko nung dumating si Yong na may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

 

Nagningning agad ang mga mata ko sa nakita.

 

Huh….

 

Sest ko…

 

Galing Tiffany’s Flower Shop nga.

 

Talaga bang pinadalhan ako ni Karina?

 

Dahil sinabi ko sa kanya kagabi?

 

Message received ganun?

 

Nag-align ang bluetooth naming dalawa?

 

Kinilig agad ako.

 

Pinatanong ni Yong yung mga bulaklak sa ibabaw ng table.

 

Tinanguan ko naman siya at pinasalamatan.

 

Tiningnan ko ulit yung eleganteng bouquet ng flowers na padala ni Karina.

 

Hindi man ito yung favorite ko na sunflower pero anything will do as long as it’s from my wife.

 

Kinuha ko yung phone ko para i-text siya at pasalamatan.












 

Winter: Babe, thank you sa flowers. I love you.













 

Mabilis na nag-ping ang phone ko. Nakareply agad si Karina.
















 

Max Level Pepita: Hon, para kay Ate Francine yan. Diba nanganak siya kahapon?






 

Matagal kong tinitigan ang text ng asawa ko.

 

Yung flowers…

 

Para kay Ate Francine daw.

 

Nanganak kahapon.

 

Oo nga naman.

 

Syempre, hindi para sa akin.

 

Hindi naman ako yung nanganak kahapon diba?

 

Tumunog ulit ang phone ko.






 

Max Level Pepita: I forgot to write a card. Can you write a congratulations card hon? Then put our names na rin. Paki-deliver na rin sa hospital, please. Nagmamadali ako kanina, sa shop ko tuloy napadeliver.


 

Max Level Pepita: love you!



















 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
This ends the happy couple's journey for now :) (Season Finale lol)
I don't know when I will be back but hopefully if I do, with completed stories na.
Thank you and see you!!!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2148 streak #1
Chapter 2: Miss ko na si Tita Susan Q
nabs_infp
#2
Chapter 10: Hahahaha. Si Yujin ba pinagawa niya?
nabs_infp
#3
Chapter 2: TITA SUSAN 😭😭😭
katarinapsyche
#4
Thank you gae fairy at completed naman ‘to. 😭✊🏻
jushshhh #5
Chapter 7: tita susan ano ba HAHAHAHA
Enterusername_here
#6
Chapter 19: AAaaahhh, done na naman mag re-read. Basta pag gusto ko ng wholesome na nakakakilig na puro fluff lang, ito talaga binabasa ko agad.
boss123 #7
rereading instead of reviewing for stats quiz bukas 💔 missing them so much
arkiminjeong
#8
Chapter 19: Done reread. Babalik balikan ko talaga ang Still Into You and Happy Couple House. Nakakawala ng pagod, nakakapawi ng lungkot. Best stress reliever talaga! 💖
Young_DP
#9
Chapter 7: HAHAHAHAHA tita susan ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
idkwhatnametouse #10
Chapter 12: sweet huhu rereading imy