Winter Spears Pt. 2

The Happy Couple House
Please Subscribe to read the full chapter

Winter


 

In my defense, nung napaso ako si Karina ang una kong naisip.





 

Si Yujin lang ang kasama ko sa shop nung nangyari ang aksidente.

 

Wala sila Yong at Ten dahil lumabas saglit.

 

Mas nauna pa sa akin nag-react si Yujin nung nakita niya yun.

 

“Ate Winter!!!!! Hala! Ohmygod! Ang sakit nyan, ohmygod.” Paikot ikot si Yujin sa harap ko na nakahawak sa ulo at nagpapanic.

 

Pinapanood ko lang siyang maghisterikal habang matamang nag-iisip ng kung anong susunod ko na gagawin.

 

Naisip ko agad si Karina.

 

Dapat kasi uuwi na ko eh.

 

May nagawa pa tuloy akong katangahan.

 

Mas lalo din ako na-distract sa pagkawindang ni Yujin.

 

Ang ingay niya at panay ang tanong sa akin kung paano ang first aid.

 


Grabe ba talaga ang damage?

 

Oo, masakit nga.

 

“Ate Winter, halika na dali! Dadalhin kita sa ospital!” Sigaw ni Yujin.

 

Kinabahan ako nung nakarinig ng ospital.

 

Mabilis hinila ni Yujin ang isa kong kamay pero agad akong tumutol. “Kailangan pa ba don?”

 

“Oo, kailangan, sobrang kailangan, dali na, Ate.” Mabilis ang mga galaw ni Yujin na hinanap agad ang susi ng kotse niya.

 

Hindi mapakali sa pwesto si Yujin at tingin ng tingin sa akin at sa sugat ko habang nag-ddrive papunta sa ospital.

 

“Kumalma ka nga, Jin.” Saway ko sa kanya. Binalik ko ang tingin sa bintana.

 

Sugat lang ‘to… na medyo malaki.

 

Parang kagat lang ng…

 

Wala akong maisip na comparison.

 

Ganto ba kumagat si Ningning?

 

Ramdam ko pa rin ang sobrang hapdi pero hindi ko naman masyado iniinda yun.

 

Madalas naman na kasi akong nagkakaroon ng mga minor injuries habang nagtatrabaho sa shop.

 

Usually, mga maliliit na cuts lang at galos.

 

Ito na siguro ang pinakamalala so far.

 

Mas nangibabaw lang ang irita ko sa sarili dahil dapat pala umuwi na lang ako at hindi ko na pinilit tapusin yung isang piece.

 

Kasama ko na dapat sana si Karina ngayon.

 

“Natext ko na sila Kuya Yong. Ate Win, sino pa kailangan kong sabihan? Si Ate Rina, yung mama mo, yung mama niya-”


 

Mabilis ang paglingon ko kay Yujin.

 

May nabuo agad akong desisyon.

 

“Jin, please. Wag na muna kay Rina.” Pakiusap ko.

 

Mamaya na lang siguro pagkatapos ng lahat.

 

Nasa bahay lang ang asawa ko at ayokong magulantang siya na bigla bigla akong dinala sa ospital.

 

May tendency pa naman si Yujin na gawing big deal ang lahat pag nagkkwento.

 

Kagaya ngayon.

 

Mas nagpapanic pa siya kaysa sa akin.

 

Ayoko lang mag-alala muna ang asawa ko.

 

Nakita ko na kung paano siya mag-alala nung nasaktan ako dati… nag-aalala lang ako na baka masyado siya mag-alala.

 

Baka kapag okay naman na ko, pwede ko na ring hindi banggitin ang pagdala sakin sa ospital?

 

Tama naman, diba?











 

Mali lahat ng ginawa kong desisyon kagabi.

 

Mula sa pag-iisip na wag sabihin kay Karina sa una pa lang at ang pagtago sa kanya ng mga bagay na nangyari.

 

Pati na rin ang pagtago ko sa kanya kung gaano kalala ang aksidente ko kahapon.

 

At pati na rin ang pagbaliwala ko sa tunay kong naramdaman na nasaktan din naman ako kahit papaano.

 

Nakapag-reflect naman na ako at pinangako kong hindi ko na gagawin ulit yun.

 

Lesson burned… ay learned.

 

Hays.

 

By noon, hinatid ako ni Karina sa shop pagkatapos namin dumaan sa ospital for my medical appointment kaninang umaga.

 

Nag halfday leave pa siya sa office para lang samahan ako.

 

Pinaglutuan pa niya ako ng baon.

 

Nakita ko na agad yung tatlo kong kasama sa shop na nakasilip sa bintana nung nag-park kami sa tapat.

 

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Karina na napansin din yun.

 

Tinaasan ko siya ng isang kilay habang inaalis ang seatbelt. “Di mo talaga sasabihin kung sino nagsabi sa kanila? Si Yujin ‘no? Syempre.”

 

“Nope. Not her.” Tanggi ni Karina, maganda ang ngiti niya sa akin.

 

Napatitig tuloy ako nang matagal sa kanya.

 

Nung nakita ko kung paano umiyak si Karina kagabi, feel ko mas doble yung sakit sa akin kasya nung napaso ako.

 

Naisip ko agad na ayaw na ayaw ko ng makita ang asawa ko na umiiyak sa kahit ano pang dahilan.

 

Gagawin ko ang lahat para hindi na mangyari yun.

 

Ayaw ko na alalahanin masyado dahil iba talaga yung kirot kapag nakikita kong umiiyak siya.

 

I leaned in to kiss my wife goodbye.

 

Umangat ang isang kamay ni Karina para hawakan ako sa pisngi at tumugon din ng halik.

 

Ramdam ko ang mas diin ng halik niya sa akin.

 

Nung naghiwalay kami, pinanliitan ko siya ng mata. “Si Yong ‘no? Or si Ten?”

 

Natawa ulit si Karina and gave me another peck on my lips. She rubbed her thumb on my cheek bago inalis yun. “Not them too. Hon, wag mo na alamin and I have to go.”

 

I pouted at sumandal lang sa pwesto.

 

Parang gusto ko pa siyang makasama ng matagal ngayon. “Wag na kaya tayo pumasok…”

 

“Babe, don’t tempt me. And I really have an important meeting. I’ll see you later? I trust na wala na kong marereceive na texts na nasa ospital ka na naman ha?”

 

“Fine. Promise. Love you, sest.” Binuksan ko na ang pinto para lumabas.

 

“I love you too.” Rinig kong sagot ni Karina.

 

Nung sinara ko yung pinto, hindi pa muna ako tumabi at kinatok ko pa yung bintana ng kotse.

 

Binaba naman yun ni Karina. She looked amused. “What?”

 

Pinasok ko pa nang kaunti yung ulo ko sa loob at t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
worldrecord
This ends the happy couple's journey for now :) (Season Finale lol)
I don't know when I will be back but hopefully if I do, with completed stories na.
Thank you and see you!!!

Comments

You must be logged in to comment
gomtokkim
2148 streak #1
Chapter 2: Miss ko na si Tita Susan Q
nabs_infp
#2
Chapter 10: Hahahaha. Si Yujin ba pinagawa niya?
nabs_infp
#3
Chapter 2: TITA SUSAN 😭😭😭
katarinapsyche
#4
Thank you gae fairy at completed naman ‘to. 😭✊🏻
jushshhh #5
Chapter 7: tita susan ano ba HAHAHAHA
Enterusername_here
#6
Chapter 19: AAaaahhh, done na naman mag re-read. Basta pag gusto ko ng wholesome na nakakakilig na puro fluff lang, ito talaga binabasa ko agad.
boss123 #7
rereading instead of reviewing for stats quiz bukas 💔 missing them so much
arkiminjeong
#8
Chapter 19: Done reread. Babalik balikan ko talaga ang Still Into You and Happy Couple House. Nakakawala ng pagod, nakakapawi ng lungkot. Best stress reliever talaga! 💖
Young_DP
#9
Chapter 7: HAHAHAHAHA tita susan ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
idkwhatnametouse #10
Chapter 12: sweet huhu rereading imy