Ikapitong Pahina

Nagmamahal, Gigi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Year 1998 

 

"May mga nakalimutan ka bang mga gamit? I mean babalik ka pa naman dito pero syempre mga isang buwan din tayo sa Bulacan." Tanong ni Jem sa'kin na nakaupo sa may couch dito sa dorm ko. Kagaya ng napagkasunduan, sabay kami uuwi sa'min this summer. Parehas na kasi naming miss doon. Grabe noh? Halos buong buhay namin andun na kami pero ilang buwan lang kaming andito gusto na naming bumalik kaagad. 

 

"Wala naman na. Ikaw baka may nakalimutan ka. Isipin mo na para makadaan pa tayo sa dorm niyo malapit lang naman dito." Unfortunately, hindi kami magka-roommate. Pero malapit lang naman tinutuluyan namin so napupuntahan namin ang isa't isa. Wala namang kaso yun sa mga roommate namin. 

 

"Let's go! Baka maiwan pa tayo ng bus." Agad ko nang binitbit mga dala ko at sinara yung pinto. Nauna naman na yung kasama kong umalis. 

 

"Uy nag-message sila MJ. Ingat daw tayo." Pinakita niya yung sinend na message sa pager. Recently lang kami nagkaroon ng ganito kasi noong high school bawal pa eh. May ganito rin naman magulang ko kaso ang hassle gamitin so they prefer telephones. Besides, mas magandang marinig yung boses ng kausap mo. 

 

"Teh may nagmessage din yata sa'yo." Chineck ko yung pager ko at si Ning pala. Kagaya ni MJ, sinabi niyang ingat daw ako sa biyahe. Enjoyin ko raw summer ko. Nireplyan ko naman siya. 

 

"Nakikita mo sa TV at magazine yung mga upgraded na pager? Ano ba tawag dun?"

 

"Cellphone? Bakit gusto mo ng ganun?" Marami na ring nagsisilabasang bagong device na mas malaki sa pager. 

 

"Aba oo naman. Mukhang marami kang magagawa roon. Kaso mahal nga lang." 

 

"Pagtrabahuan nalang natin. O kaya hilingin mong regalo pag naka-graduate na tayo." Syempre hindi 'to mabibigay sa'min agad-agad. Kung may common sa families namin, ito yung tinuruan kaming pagipunan yung mga bagay na gusto mo. Hindi basta ibibigay lang. 

 

Sa pagk-kwentuhan namin, hindi naming namalayang nakarating na kami sa bus station. Galing namin noh? Naguusap habang naglalakad. Bumili muna ako ng babauning pagkain at inumin habang nakapila siya sa bilihan ng ticket. Buti hindi masyadong crowded ngayong oras na 'to kaya umuusad naman kami. Maya-maya lang hinihintay nalang namin yung bus pa-Bulacan. 

 

"Sana hindi ako matae sa kalagitnaan ng daan." 

 

"Baliw ka tumae ka na ngayon habang wala pa yung bus." 

 

"Wala pa akong nararamdaman eh. May mga tissue naman tayo noh." 

 

"Meron naman. Saka mags-stop over naman yung bus sa gasolinahan. Doon ka nalang maglabas ng sama ng loob." 

 

"Eh paano kung sa gitna nga ng daan tumawag si kalikasan." Ano ba naman 'tong usapan na 'to. Feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga tao rito. Kalokang Jemimah 'to. 

 

"Alam mo, mag-diaper ka nalang bili ka." Nakasimangot naman ang gaga. Buti na lang dumating na yung bus kaya natigil na yung usapang poopoo namin. 

 

Time Skip 

 

Huminto muna yung bus para magpa-gasolina muna at para umihi yung ibang pasahero. Kasama na ako roon. Nauna na muna ako para mabantayan ni Jem yung mga gamit namin. Pagkatapos siya naman magc-cr at ako naman magbabantay. Habang papunta sa restroom may napansin akong babaeng umiiyak sa may convenience store. Hindi ko na masyadong nakita yung mukha niya kasi naka-facemask siya. Pero kita ko kung gaano kamaga yung mata niya. Kung ano mang dahilan ng pag-iyak niya, for sure napakabigat nito. Nakakaawa naman si ate. Kinapkapan ko yung pantalon ko kung  may naiwang tissue dito para mabigay ko sa kanya. Kaso wala. Panyo lang meron ako. I was still hesitating kung ibibigay ko ba sa kanya 'to kasi never akong nagbigay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 31: take your time po, otor-nim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 10: yieee, cute talaga ng friendship nilaaa! 😍🥰 thank you po sa updates, otor-nim!! ^^
kang_ddeul
#3
Chapter 9: wahh hindi ko rin po ma-imagine~ kung gaano kahigpit yung mga tao nung araw compare sa ngayon (〒﹏〒) parang maiiyak na lang ako sa gedli huhu
kang_ddeul
#4
Chapter 8: yieee ang supportive talaga ni gi kay ning <33
kang_ddeul
#5
Chapter 7: naiintriga na talaga me kay mahal HAHAHA 👀
kang_ddeul
#6
Chapter 5: yieeee!! hala pero sinetch itey kaya 👀 thank you po sa update, otor-nim! 🤗
Kwon_Aeri
#7
Chapter 4: gigi sino yan?? 👀
kang_ddeul
#8
Chapter 4: ayyy may mahal 👀
kang_ddeul
#9
woahhhh 😍
Min2kmj #10
nakita ko to sa twitter, excited to read this po<3