Ikawalong Pahina

Nagmamahal, Gigi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Year 2022 

 

"Hay na-miss ko ring maging estudyante minsan. Naayos mo na ba mga gamit mo?" Tanong ni ate Momo kay Karu. Itong April kasi start na ng pasukan nila sa Japan. Iba ang school system dito pati na rin schedule nila. Kung sa Pilipinas June nagsisimula, sa kanila April. Pero ang balita ko nagbabago na eh dahil na rin sa pandemic. Mayroong mga schools nagsisimula sa August, mayroon din sa July, September at October? Ang gulo na roon noh? Aba'y ewan matagal na rin akong hindi nakakabalik doon. 

 

"Oks na po lahat." 

 

"Tandaan mo Karu ah, senior ka na. Mahirap yang year na yan. Kung kailangan mo ng tulong andito naman ako. Pati mga tita mo andito rin. Saka yung mga alipores mo magdamayan kayo huwag sariliin ang problema. Klaro ba tayo?" Napangiti naman ako sa pinsan kong 'to. Hindi siya kagaya ng mga toxic na nanay na pine-pressure anak nila. I mean matalino naman din si Karu pero kasi may mga magulang na kahit isang mali magagalit na. Mas mahalaga yung mental health ni Karu para sa kanya. Suportado rin siya sa kung ano mang kursong kukunin ng anak niya. Puro na nga tanong sa'kin lalo na't literature balak niyang kunin. Grabe noh? Buti mga bata ngayon may choice na sa gusto talaga nilang gawin sa buhay. 

 

"Okie po ma~~" 

 

"Speaking of alipores, nasaan na yung isa? Nasa bakasyon parin pamilya nila?" 

 

"Pauwi na raw po. Paalis palang daw ng LA." 

 

"Naks sinulit ang 2-linggong bakasyon after school ah." Nabaling naman tingin niya sa'kin. "Oh yung asawa mong nasa Europa asan na? Kailan siya uuwi? Para naman kunin ka na niya." 

 

"Aba ewan ko sa kanya... charot lang! Tapusin lang daw niya work niya at bebe time na raw kami pag-uwi niya." Nagm-message message naman kami at video calls kapag free siya roon. Pero miss ko na yung mga yakap at halik niya. Parang hindi ko na kakayanin kapag wala siya sa aking tabi. Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Ay ewan. 

 

Year 1998 

 

Ang bilis ng oras, natapos na kaagad bakasyon namin. Anong ginawa namin? Andami jusko. Mula paglangoy sa mga resort hanggang pag-akyat ng bundok ginawa na namin. Pero buti nalang hindi naging boring summer ko. Ang iniimagine ko lang kasi noon nakatambay lang ako sa bahay tapos nood lang ng mga pinapanood ni mama sa TV. Lalabas-labas lang minsan ng bahay para bumili sa tindahan. Pero dahil may kaibigan akong nagngangalang Jemimah, nadadawit ako sa mga gala nila. Hindi naman ako nagrereklamo, Kahit na hinihila niya ako ngayon sa kung saan mang lupalop siya patungo. 

 

"Uy saan ba tayo pupunta? Kanina mo pa 'ko hinihila." 

 

"Ay hehe. Sorry." Agad naman siyang bumitaw. "Andito narin naman na tayo." Akala ko kung saan. Sa may conference room lang pala. May meeting and announcement kasi ngayong pinangungunahan ng mga nasa Student Council. Ngayong buwan kasi yung foundation day ng school namin. Saktong pasukan talaga noh? Edi parang tatlong months din kaming magbabakasyon kasi maraming free time this month. Pero naaawa rin ako sa mga officers kasi kahit summer need nilang mag-meet sa school para lang paghandaan 'tong foundation namin. 

 

Pero bakit nga ba ako dinala ng babaitang 'to rito? 

 

"Bakit hinila mo pa ako rito? Kahit sabihan mo lang ako sasama naman ako eh." 

 

"Nako kasi andito ako para maghanap ng potential bebe. Ikaw baka gusto mo rin?" Jusko naman 'tong babaitang 'to. 

 

"Hooyy ang sabi ng mama mo bawal ka pa!" Pasigaw kong bulong para hindi mapunta sa'min yung spotlight sa room. 

 

"Kaya nga potential 'di ba? Hindi pa ngayon syempre malagot pa ako. Kapag graduate na tayo saka tayo lalapit hihi." Ang kalog naman nito. 

 

"Sure ka bang available pa yang mahahanap mo next next next year? Baka may syota na yan ah." 

 

"Ano ka ba ang nega naman neto. Hindi yan. Saka kung meron man, edi hanap nalang ng iba 'di ba?" 

 

"Hay Jem bahala ka. Basta huwag ka lang masaktan." Since when did she even start thinking about these? Noon high school naman hindi siya ganito. Masyado sigurong nakulong puso niya kasi pinagbabawal siya. Well, kung saan siya sasaya samahan ko siya. 

 

"Ano ka ba hindi noh. Kaya ko 'to." Sabay akbay sa'kin. "Ikaw? Wala ka bang bebeng gusto?" 

 

"Teka nga ang pangit ng bebe ano ba yan." 

 

"Bakit? Ang cute kaya. Parang bibe hihi." Siraulo ba siya?

 

"Saka.. parang ayaw ko muna. Saka na..." 

 

Time Skip 

 

"Girl! Balita ko may mga pa-booths at contest sila!" Andito na kami naglalakad sa hallway kasama sila MJ at Ning. Lunch na namin. 

 

"Lagi namang may ganun 'di ba?" 

 

"Ano ba kayo? Last year wala masyadong ganap. Freshman pa man din tayo noon sayang magandang welcome sana." 

 

"Nagkaproblema kasi sa mga admin noon. Buti nalang yung mga senior bumawi sa'tin kaso few month after na." Napatingin ulit ako kay Jem na halatang ipapalit na yung topic. 

 

"Ahhh oo! Omg si Jem naaalala ko!" Nagsitawanan kaming lahat, pati si Ning na tahimik.  

 

"Speaking of which, gusto kang makita ng ibang freshman kasi na-tsismis na rin sa kanila yung ginawa mo noon." 

 

"Yes, and may showdown portion na raw hinahanda mga seniors. Ikaw daw balak na ibida." I looked at Ning and hindi ko lang maiwasang mapangiti. Bakit nga ba? Just what I though back then, ibang-iba siya sa first encounter namin. She's more glowing than before. 

 

"Hayyy bakit ko nga ba kasi ginawa yun noon parang tanga naman eh." 

 

"Well on the good side, famous ka na and it'll surely be memorable pag tanda mo." I patted her back, assuring her. Paniguradong hindi mauubusan ng kwento si Jemimah sa mga anak niya in the future. 

 

"Anyways, bilisan na nating kumain balita ko yung susunod nating prof strict daw." Oo nga pala, naging magk-klase kami sa isang subject. Tadhana nga naman. 

 

Natapos na namin lunch namin nang maaga at dumiritso sa room. Mga 5 minutes before time. Tabi-tabi kaming lahat sa may bandang likuran. Maya-maya lang dumating na rin yung masungit na prof daw. Mukha ngang masungit. Pero maganda. Parang makukuha ka na sa isang tingin eh. 

 

"Okay so good afternoon! Bagong school year, bagong presidente, bagong buhay! I'm Ms. Eneri your professor in Ethics." Ang ganda pa ng speaking voice niya grabe. Teka nga bakit ako nagkakaganito? 

 

"So from your looks, mukhang na-chika na sa inyo ng mga seniors niyo about sa'kin. Am I right?" Wala

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 31: take your time po, otor-nim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 10: yieee, cute talaga ng friendship nilaaa! 😍🥰 thank you po sa updates, otor-nim!! ^^
kang_ddeul
#3
Chapter 9: wahh hindi ko rin po ma-imagine~ kung gaano kahigpit yung mga tao nung araw compare sa ngayon (〒﹏〒) parang maiiyak na lang ako sa gedli huhu
kang_ddeul
#4
Chapter 8: yieee ang supportive talaga ni gi kay ning <33
kang_ddeul
#5
Chapter 7: naiintriga na talaga me kay mahal HAHAHA 👀
kang_ddeul
#6
Chapter 5: yieeee!! hala pero sinetch itey kaya 👀 thank you po sa update, otor-nim! 🤗
Kwon_Aeri
#7
Chapter 4: gigi sino yan?? 👀
kang_ddeul
#8
Chapter 4: ayyy may mahal 👀
kang_ddeul
#9
woahhhh 😍
Min2kmj #10
nakita ko to sa twitter, excited to read this po<3