Nagmamahal, Gigi

Please Subscribe to read further chapters

Description

 

A NingSelle fanfiction. 

 

Where a letter Gigi wrote to Ning 20 years ago trended in social media. From there, secrets of the past starts to unravel, including the love they shared when they were younger. Will this let them cross paths once again? Is there still a chance to restart what they have years ago? Or is everything too late for them? 

 

Language: Taglish 

Setting: Philippines; Late 90s to early 2000s and present day. 

 

Foreword

KMJuices tweeted  a while ago

 

Natagpuan ng aming team ang isang di umano'y love letter 20 years ago. Mula ito sa isang babaeng na-inlove sa kaibigan niyang babae rin. Galing ito sa isang netizen na nakapulot ng lumang bote noong nasa clean-up project sila ng kanilang eskwelahan. Tunghayan ang bittersweet na kuwento ng magkaibigan. 

 

#LoveWins 🌈👩‍❤️‍👩

 

*Photo* 

 

Date: 05/30/2002

 

Ning, 

 

Sa pinakahuling pagkakataon, gusto kong ilahad ang damdamin ko sa'yo. Alam kong sa mga oras na 'to, naghahanda ka na para ikasal sa lalaking pinagkasundo sa'yo. Sa una palang, alam kong talo na ako. Walang kahihinatnan kung ano mang mayroon tayo. Naalala ko pa noong nakiusap kang maghiwalay tayo. Sabi mo, nahihirapan ka na. Nasaktan ako, pero naiintindihan kita. Mahirap maging anak na babae sa pamilya niyo. Malaki ang expectation sa'yo at hindi mo nararanasan ang kalayaang natatamo ng ahia mo. Kailangan mapasa ang dugo niyo at mga yaman niyo sa bawat henerasyon. Kung hindi ka lang siguro matalino at mabait baka mas lalong nalimitahan mga pwede mong gawin. Hindi siguro tayo magkakakilala kung ganun. Naaalala ko parin kung paano tayo nagkakilala. Hindi pa nga tayo nagkakasundo noon eh. Sinong mag-aakalang ang dating parang aso't pusang nag-aaway mauuwi sa pag-iibigan? Sayang nga lang, hindi rin iyon nagtagal. Nakakalungkot lang isiping maraming tumututol sa mga ganitong uri ng relasyon. Wala naman tayong ginagawang masama. Kung hindi ba mapaghusga mga tao sa paligid, iba kaya magiging takbo ng kuwento natin? Kung mas nakakintindi at mapagmahal ba mga pamilya natin, magiging masaya sila para sa atin? 

 

Ano pa ba magagawa natin? Huli na ang lahat. Tanging hiling ko lang ay sana, maging masaya ka sa mabubuo niyong pamilya. Sabi mo mabait naman yung lalaki. Sana tratuhin ka niya nang tama at mahalin ka niya at ng mga magiging anak niyo. Pasensya na hindi rin ako makakapunta sa kasal niyo. Aalis na kasi ako papuntang Japan para samahan tatay ko at magtrabaho. Doon na ako magsisimula ng panibagong buhay. Kung magkikita man tayo sa future, paniguradong nakausad na tayo sa buhay natin. Let's catch up when we meet someday. 

 

Isa pa, naaalala mo ba yung debate natin tungkol sa reincarnation? Sabi ko noon hindi ako naniniwala sa ganoong mga bagay. Pero ngayon, hinihiling ko na sana, sa susunod na buhay, mabigyan tayo ng pagkakataong maging masaya sa piling ng isa't isa. Sana sa mga panahong iyon, tanggap na ang mga katulad natin at malaya na tayong ipakita ang pagmamahalan nating nang wala nang kinakatakutan. Maraming salamat sa lahat ng pinagsamahan natin sa maikling panahon. Hindi ko iyon makakalimutan. Mahal na mahal kita. Hanggang sa huli. 

 

Nagmamahal, 

Gigi 

 

10,000 Retweets

5,000 Quote tweets 

25,000 Likes 

15,000 replies 

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 31: take your time po, otor-nim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 10: yieee, cute talaga ng friendship nilaaa! 😍🥰 thank you po sa updates, otor-nim!! ^^
kang_ddeul
#3
Chapter 9: wahh hindi ko rin po ma-imagine~ kung gaano kahigpit yung mga tao nung araw compare sa ngayon (〒﹏〒) parang maiiyak na lang ako sa gedli huhu
kang_ddeul
#4
Chapter 8: yieee ang supportive talaga ni gi kay ning <33
kang_ddeul
#5
Chapter 7: naiintriga na talaga me kay mahal HAHAHA 👀
kang_ddeul
#6
Chapter 5: yieeee!! hala pero sinetch itey kaya 👀 thank you po sa update, otor-nim! 🤗
Kwon_Aeri
#7
Chapter 4: gigi sino yan?? 👀
kang_ddeul
#8
Chapter 4: ayyy may mahal 👀
kang_ddeul
#9
woahhhh 😍
Min2kmj #10
nakita ko to sa twitter, excited to read this po<3