Ikalabing-dalawang Pahina
Nagmamahal, Gigi
Year 1998
After that week-long celebration of the University's foundation, we're back to normal na ulit. Ayun aral na naman. Hay buhay estudyante nga naman. Dahil isa akong computer science major, kailangan kong masterin itong mga encoding na 'to. Parang nakakapangsising kunin 'tong kurso na 'to putsa. Pero no choice kundi tumuloy. Ayoko namang mag-shift pa kasi back to zero ako nun. Nako kung may ka-course lang sana ako sa mga tropa ko ngayon sana may karamay ako. Kaso wala eh, Ethics lang yata yung subject na magkakasama kaming apat.
"May naintindihan ba kayo sa discussion ni sir?" Kakatapos lang ng Programming class namin and to answer Yesha's question, mayroon naman. Konti nga lang.
"Nako bakit ba kasi ako nag-computer? Akala ko maglalaro lang tayo eh." Reklamo ni Sam. Sa totoo lang, same. Nahuhumaling din kasi ako sa mga computers and games na nalalaro rito kaya noong pumipili ng courses, isa ito sa ginamit kong factor aside sa practicality. Anyways back to Sam tayo kasi tinuloy pa sinasabi niya. "Nakakainggit kasi mga kuya ko na naglalaro most of the time samantalang ako minsan lang payagan." Huhulaan ko ah. Hindi siya pinapayagan dahil babae siya. Ano pa nga bang aasahan mo. "Kaya noong nalaman kong may course na ganito pinilit kong makapasok dito. Well medyo gulat pamilya ko pero no choice sila dito ako pumasa eh."
"So bale ang naging puhunan mo sa course na 'to ay yung pag-suppress sa'yo na hindi makapaglaro ng computer?" Yesha asked ang Sam nodded. "Well then, I don't know if this would be a good advice especially mula sa'king nahihirapan din. Pero I think you could use that as an inspiration para mas lalo kang ganahan sa comsci. Tingnan mo, after natin maka-graduate for sure makakahawak ka na ng computer nang walang pumipigil sa'yo." She has a point. I'm looking forward to Sam's endeavors.
Comments