Unang Pahina

Nagmamahal, Gigi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Year 1998

 

Gigi's POV 

 

"Magandang araw klase. Ngayon na gaganapin ang debate bilang proyekto niyo sa asignaturang ito. Alam niyo naman na kung paano ang sistema ng pag-grado natin dito. Inaasahan kong susunod kayo ayon sa pamantayang binigay ko sa inyo. Maliwanag ba?" Matapos ang introduction ng prof namin sa Panitikan, hinanda na namin sarili namin kasi kami ang mauunang sasalang sa debate. 

 

"Sige kung malinaw na, simulan na natin sa unang paksa. Ang reinkarnasyon ba ay totoo? O hindi?" Ayan yung pagd-debatehan namin. 

 

"Magpakilala na ang mga pinuno ng proposisyon at oposisyon."

 

"Magandang umaga po. Ako si Nicole Jewel Sy, pinuno ng proposisyon." I heard about her. Ngayong ko lang siya naging classmate this semester. From business-related course siya sa pagkakaalam ko. Balita ko Chinese-blooded din siya, well halata naman sa apelyido. She's a Buddhist din, so she has quite an advantage para sa topic na 'to. 

 

"At ako naman po si Gillian May Delgado, pinuno ng oposisyon." Nagpakilala na rin iba naming ka-grupo bago mag-start itong debate. As usual, proposition team ang mauuna. Tumayo na yung leader nilang si Nicole. 

 

"Ang reincarnation ay ang konseptong kung saan ang isang namatay na nilalang ay muling mabubuhay sa panibagong anyo sa susunod nitong buhay. Ito ay kadalasang  pinaniniwalaan ng mga relihyong kagaya ng Budismo, Hinduismo, Jainismo at Sikhismo. Maliban sa mga ispiritwal na mga pahayag, mayroon ding mga kasong naitala ang mga dalubhasa na magpapatunay na maaaring totoo nga ang reinkarnasyon..." 

 

"Guys jot down their arguments. Mag-isip na rin kayo ng mga pwedeng itanong at i-rebutt." Sabi ko naman sa mga ka-grupo ko na ginagawa ko rin naman. Nagpatuloy lang sila sa page-explain ng kanilang side until their allotted time has ended. It's our turn to discuss our arguments opposing the idea of reincarnation.

 

"Kagaya ng paliwanag ng kabilang panig, ang reinkarnasyon ay kung saan ang kaluluwa ng mga namatay ay isisilang muli sa mundo sa ibang katawan. Maaaring tao ito, hayop, o halaman. Ngunit kami ng aming mga ka-grupo ay hindi sang-ayon sa ganitong konsepto. Una sa lahat, walang obhetibong patunay na ang ganitong mekanismo ay tunay ngang nangyayari..." Nagpatuloy lamang kami ng grupo namin sa pagbibigay ng argumento hanggang sa natapos na rin kami. Binigyan kami ng 5 minute break para mapag-usapan kung ano ang itatanong sa kabilang side pati na rin mga ibabato naming rebuttals. 

 

"Tapos na ang limang minuto. Bumalik na sa dating pwesto ang parehong panig. Magsisimula ang batuhan ng tanong sa proposisyon." Agad namang tumayo itong si Nicole na may dala-dalang papel. She looks so prepared for this. 

 

"Marami kaming gustong itanong pero ito ang pinaka-pumukaw ng interes namin. Tungkol ito sa memory loss. Paano ninyo nasabing ang mga pananaw at interpretasyon tungkol sa reinkarnasyon ay bunga lamang ng mga memory error?" She now looks on my direction, mukhang ako yata ang gusto niyang sumagot. Well, that's not a problem for me. 

 

"Ang memory error ay kung saan nakakabuo ng mga false memory ang mga tao. Hindi niya malaman kung saan nanggaling ang mga nabubuong ala-ala na ito at nagkakataon pa ngang namamali sila ng pagkilala sa mga ito. Ayon sa isang eksperimento, ang mga naniniwala sa reinkarnasyon ang mas nakakaranas ng memory error. Dahil sa isang ideyang maaaring maging totoo para sa kanila, mas nagiging pamilyar sila dito at kalaunan ay nakakabuo ng mga karanasan sa sarili nilang utak." 

 

"Gusto bang iparating ng mga argumento ninyo na ang reinkarnasyon ay gawa-gawa lamang ng mga tao? Na kaya nabuo ang ganitong konsepto dahil sa imahinasyon ng mga tao?"

 

"Kagaya ng sinabi namin kanina, kung walang matibay na ebidensiya na sumusuporta rito ay posible ngang likhang-tao lang ang reinkarnasyon." Kagaya lang din ng iba't ibang paniniwala. Pero syempre hindi ko masasabi yun. Baka ma-hotseat pa ako ng mga tao rito.

 

Natapos na rin ang first round ng tanungan at kami naman ang susundo na magi-interrogate sa kanila. This time si

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 31: take your time po, otor-nim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 10: yieee, cute talaga ng friendship nilaaa! 😍🥰 thank you po sa updates, otor-nim!! ^^
kang_ddeul
#3
Chapter 9: wahh hindi ko rin po ma-imagine~ kung gaano kahigpit yung mga tao nung araw compare sa ngayon (〒﹏〒) parang maiiyak na lang ako sa gedli huhu
kang_ddeul
#4
Chapter 8: yieee ang supportive talaga ni gi kay ning <33
kang_ddeul
#5
Chapter 7: naiintriga na talaga me kay mahal HAHAHA 👀
kang_ddeul
#6
Chapter 5: yieeee!! hala pero sinetch itey kaya 👀 thank you po sa update, otor-nim! 🤗
Kwon_Aeri
#7
Chapter 4: gigi sino yan?? 👀
kang_ddeul
#8
Chapter 4: ayyy may mahal 👀
kang_ddeul
#9
woahhhh 😍
Min2kmj #10
nakita ko to sa twitter, excited to read this po<3