Ikalabing-isang Pahina

Nagmamahal, Gigi
Please Subscribe to read the full chapter

 

Year 2022

 

"Mama! Tita! Uso po ba yung mga band night sa inyo noon?" 

 

"Oo naman! Nako andami pa man ding mga sikat na banda noon. Bakit mo pala natanong 'nak?" 

 

"Kasi raw may hinahanda na university namin na band night for incoming freshmen. Tapos syempre encouraged kaming umattend. Baka kasi bago yung idea ng mga ganito sa inyo baka hindi niyo ako payagan." Luh ano tingin ng pamangkin ko sa'min? Nako kahit mga trip nilang kabataan ngayon alam na alam ko. Huwag ako. 

 

"Ano ka ba anak. Para naman kaming mga lola kung ituring mo. Syempre pwede ka namang pumunta basta nagpaalam ka." Hindi naman striktong magulang si ate Momo saka responsableng bata naman 'tong si Karu. Kaya madali lang siyang payagan sa mga ganito. 

 

"Sige po! Btw kailan pala dating nila tita Xiao?" 

 

"Ay oo nga pala! Sila Xiao bukas na ang dating! Ay yung asawa mo pala kailan ang balik?" 

 

"Anytime this week." You heard that right, yung mahal na kausap ko sa phone ay yung asawa ko. 

 

Year 1998

 

"Hala excited na ako sa band night! Sino nga ulit yung mga bandang darating?" 

 

"Ang pagkakatanda ko ano ito. Hungry Young Poets, Sugar Hiccup, Prettier Than Pink saka Eraserheads ang nasa line-up. Syempre andito rin yung mga banda ng Kwangya." Wow bibigatin mga andito ah. Mukhang maraming pondo ang student council ngayon ah. 

 

"Teka 'di ba may kanta sila na puro hmmm lang yung lyrics?" Tanong ni MJ. 

 

"Ang pagkakaalala ko yung Five Years 'yun right?" Wow familiar pala si Ning sa mga ganito. 

 

"Nakikinig ka rin pala sa mga banda?" Hindi naman masamang maging curious 'di ba?" 

 

"What do you take me for? Syempre naman."

 

"Teh ano ka ba hindi lang naman tayong mga mahihirap o middle class ang mahilig sa ganito noh. Baka nga may collection pa siya ng mga CD o tape eh. 'Di ba Ning?" Tanong ni Jem. Nako for sure manghihiram na naman 'to. Gawain niya yan eh since high school. 

 

"May iba akong mga tapes na regalo sa'kin. Hindi nga lang yata kumpleto." 

 

"Ayun! Pahiram please." Sabi na eh. 

 

"Sure!" 

 

"Tutal nasa usapang banda na rin tayo, familiar ba kayo sa mga songs ng mga aattend na banda? Para naman hindi tayo nangangapa sa mismong araw ng concert." Tanong ko. Ang alam ko lang kasi yung mga sikat na kanta nila. Kahit sino naman alam yung Huling El Bimbo noh. Pero gusto ko mag-explore ng mga kanta nila baka sakaling ipatugtog nila sa band night. 

 

"Well, yung mga popular songs nila alam naman natin and for sure ipapatugtog nila 'yan." Banggit ni MJ at biglang nagsalita si Ning. She looks so excited sa ganitong usapan. 

 

"Wait since wala naman tayong gagawin na, what if we familiarize ourselves with some of their other songs? Pwede tayong maghanap sa mga magazine o kaya tumingin sa mga record store." She suggested to us and we all agreed. 

 

Time Skip 

 

Andito kami ngayon sa dorm ni Ning, at kasalukuyang naghahalungkat ng mga kanta sa mga magazine na inipon niya. Ngayon ko lang nalamang mahilig siyang mangolekta ng mga ganito. Tapos yung ibang tape yata na regalo sa kanya ng mga kamag-anak andito rin. Ich-check namin kung may mga hindi pa kami napakinggan na songs nila sa mga tapes at CD niya rito sa dorm. 

 

"Uy ito parang ngayon ko lang narinig 'to. Wishing Wells mayroon ba diyan sa CDs mo?" 

 

"Wait hanapin ko, oh andito oh." 

 

"Okay ilista ko na." Para kaming may project na ginagawa. Kami ni MJ ang nakatoka sa paghahanap ng mga kanta sa magazine at si Jem yung naglilista. Si Ning naman kinakalkal yung mga gamit niya. Nako yung mga pinanggagagawa namin para lang sa band night na 'yan. Ang hirap humanap ng bagong kanta unless naka-radyo ka o TV. Hindi naman automatic na lalabas kaagad yung gusto mong hanapin. 

 

"Ano 'tong Personal Flirt? Grabe naman 'tong title na 'to. Mayroon ba diyan Ning?" 

 

"Wait let me see. Ngayon ko lang din narinig yan eh." 

 

"Saka ito ang weird ng title parang email." Tapos may parang butthole pang kasama. Ang wild ah. 

 

"Teka lang ah andami pala nilang side tracks paano kung ipatugtog nila 'to edi nganga na tayo sa concert." 

 

"Oo nga. Teka hindi naman siguro magpapatugtog ng mga holiday song noh? May mga nakikita ako ritong mga Christmas Party eh. " 

 

"Huwag na yang mga yan. Hanapin nalang natin yung mga possible hanapin saka yung mga sure na ipapatugtog sa band night. Andami na ring mga nakalista rito na wala sa mga albums ni Ning oh."

 

Medyo natagalan kami sa paghahanap ng mga bagong kanta. Well hindi naman naming kayang hanapin lahat pero I think these songs are enough. Saka ang saya rin palang mag-explore ng mga bagong kanta. Matrabaho pero ang worth it. Currently, nakahiga lang kami sa malaking kama ni Ning at nakikinig ng kantang sinalang niya sa speaker. 

 

Now Playing: Lightyears by Eraserheads 

 

Alam mo yung wala naman kaming ginagawa pero nae-enjoy parin namin yung moment? Literal na nakahilata lang talaga kami at nakatingin sa kisame. Ewan ko ba kung sino magsisimulang magsalita sa aming apat kasi parang na-immerse na kami sa kanta. 

 

Natapos na rin yung kanta at nag-decide na akong magsalita para kumustahin mga kasama ko. Mamaya nakatulog na pala ako nalang gising. 

 

"Guys andiyan pa kayo?" Pero mukhang ako yata yung inaantok kasi medyo matamlay na boses ko. Narinig ko silang nag-hum at nag-angat pa ng kamay 'tong si Jem. 

 

"Grabe parang ayoko nang tumayo muna."

 

"Same tinatamad ako..." 

 

"Pwede namang hindi muna. Pahinga muna tayo kahit saglit lang." 

 

"Okay but papatugtugin ko na ulit yung speaker. Mas magandang tumunganga nang may background music." Natawa naman kami kay Ning. May pagka-witty rin pala 'to. 

 

Now Playing: Alapaap by Eraserheads 

 

At patuloy lang kami sa ganitong posisyon namin. As in walang gumagalaw. Wala akong ibang naririnig kundi mga hininga namin at yung kanta. Maybe I could hear some of my inner thoughts too. 

 

I never thought I'll find a group of friends like this. Ang akala ko noon si Jemimah lang talaga yung magiging ka-close ko tapos acquaintances nalang yung natitira. Pero mukhang gumawa ang tadhana ng paraan para magkita-kita kaming apat. Who would have thought na yung kalaban ko sa debate noon magiging ka-close ko rin? At oo nga pala, it's been like a few months palang pero andami na rin naming memories. First time

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 31: take your time po, otor-nim! ^^
kang_ddeul
#2
Chapter 10: yieee, cute talaga ng friendship nilaaa! 😍🥰 thank you po sa updates, otor-nim!! ^^
kang_ddeul
#3
Chapter 9: wahh hindi ko rin po ma-imagine~ kung gaano kahigpit yung mga tao nung araw compare sa ngayon (〒﹏〒) parang maiiyak na lang ako sa gedli huhu
kang_ddeul
#4
Chapter 8: yieee ang supportive talaga ni gi kay ning <33
kang_ddeul
#5
Chapter 7: naiintriga na talaga me kay mahal HAHAHA 👀
kang_ddeul
#6
Chapter 5: yieeee!! hala pero sinetch itey kaya 👀 thank you po sa update, otor-nim! 🤗
Kwon_Aeri
#7
Chapter 4: gigi sino yan?? 👀
kang_ddeul
#8
Chapter 4: ayyy may mahal 👀
kang_ddeul
#9
woahhhh 😍
Min2kmj #10
nakita ko to sa twitter, excited to read this po<3