Ikalabing-tatlong Pahina
Nagmamahal, Gigi
Year 2022
"Ayan na OMG! Dito oh!" Grabe naman pagka-ingay ni ate Momo. May hawak pang placard na nakasulat ng Sato Family. Para siyang nasa concert eh. Btw andito kami ngayon sa airport para sunduin sila ate Xiao. Before ipagpatuloy ipakilala ko muna sila. Mag-asawa sila ate Xiao at ate Yuka at may anak silang si Yani, kaedaran lang ni Karu. Malapit na malapit ang pamilya nila sa pamilya namin. Nakilala namin sila a few years after kong makalapag sa Japan. Napakalaki ng tulong nila sa'min. Kahit na hindi naman sila nanghihingi ng kapalit gusto parin namin silang tanawan ng utang na loob. Sila yung isa sa mga dahilan kung bakit after lahat ng pangyayaring iyon natutuhan kong bumangon muli. Sila rin ang naging tulay sa pagkakilala namin ng mahal ko ngayon.
"Na-miss namin kayo! Kayo naman napakatagal niyong mag-honeymoon dinamay niyo pa anak niyo." Natawa naman kaming lahat. Sa totoo lang pwede naman kaming sumama sa kanila. Kaso syempre ang goal ng bakasyon nila ay family bonding at halong landian na rin. Syempre hindi yan mawawala sa mga mag-asawa noh kahit na may edad na. So ayun hindi na kami sumama.
Speaking of which, ngayon din naka-schedule na darating yung asawa ko. Ano ba 'yan kulang na talaga ako sa physical touch. Ilang buwan din kami nagkahiwalay dahil sa trabaho niya. Kahit naman gustuhin kong sumama sa kanya hindi pwede kasi may inaasikaso rin ako rito. Pero kahit na ganoon syempre we talk from time to time mapa-chat, tawag o video call man yan. Kahit naman magkalayo kami never nawala yung connection at commitment namin sa isa't isa. Naks naman pero syempre ganyan talaga kapag mahal niyo ang isa't isa.
"Balita ko ngayon na rin dating ng asawa mo ah. Kaso mamaya pa." Sabi sa'kin ni ate Yuka after ng beso-beso.
"Oo pero hintayin ko nalang."
"Edi samahan ka na muna namin dito."
"Ay hindi na mauna na kayo matagal pa siyang darating. Saka naiwan pa roon si Karung natutulog."
"Ay oo nga pala yung batang yun. Sige una na kami. Mag-message ka mamaya Gi ah." Pagbilin sa'kin ni ate Momo bago sila magpuntang kotse. Madali lang naman ang mode of transportation sa Japan kaya hindi kami mahihirapan mamayang maghanap ng taxi.
Nagpasya na rin akong maghanap ng makakainan pansamantala tutal gusto ko na ring mag-meryenda. Sinwerte naman akong makahanap ng cafe sa malapit. Ang ganda pa ng ambiance ng lugar grabe iba na talaga ngayon. Napaka-aesthetic. There's really something about cafes noh? Makikita mo iba't ibang uri ng tao. Pero sa ngayon, karamihan ng mga nags-stay dito mga estudyanteng nag-aaral habang umiinom ng mamahaling kape.
Year 1998
August na ngayon at papalapit na ang midterms namin. Ang bilis talaga ng panahon parang kahapon lang nasa foundation week pa kami pero ngayon nagp-procrastinate na kami. Tinatapos na namin yung mga dapat tapusing requirements para diri-diritsong review nalang kami next week. Well at least, ganyan diskarte ko pati ng mga kasama ko. Naimpluwensiyahan ko kasi lol. Pero based on experience naman, effective siya. At least hindi ako nas-stress masyado pagda
Comments