Ika-anim na Pahina
Nagmamahal, Gigi
Year 2022
"Wrong timing naman nito mukhang uulan pa." Noong nasa kalagitnaan na kami ng pagpasyal sa Universal Studios, napansin naming makulimlim yung kalangitan.
"Universe naman namamasyal mga tao huhu."
"Guys sulitin nalang natin bago pa tuluyang umulan." Sabi ko kaya kahit mandidilim na yung itaas nagpatuloy kaming maglibot-libot. Maya-maya lang nakaramdam na kami ng patak ng ulan. Agad kaming naghanap ng masisilungan.
Year 1998
"Naku basang-basa kayo! Pumasok na kayong dalawa!" Sabi sa amin ng kasambahay yata nila.
"Ahhh ate, uuwi na po ako sa dorm." Nakakahiya namang maki-stay sa malaking bahay nila.
"Mamaya na ija! Makakabiyahe ka pa ba sa ganitong panahon? Pumasok muna kayo jusko." From their interactions mukhang close naman sila ni Ning.
"Gigi upo ka muna rito habang kumukuha sila manang ng twalya." Sinunod ko naman siya. Habang hinihintay sila manang naglilibot-libot ako sa sala nila. You know what i'm feeling right now? Para akong taga-lupang nakapasok sa palasyo ng mga diwata. Ang laki kasi eh tapos andaming mga dekorasyon na nagpapakita na may lahing Chinese talaga sila. Andaming porcelain na naka-display, mga ginto pati Chinese paintings. Napansin ko rin yung portrait nilang pamilya sa medyo kalayuan tapos if that's not enough, may portrait pa silang tig-isa. Yung tatay niya, nanay niya and I guess kuya niya. Bukod-tangi mga itsura nila. Ang gaganda't gagwapo ng lahi nila. Tapos mayaman pa. Ano pa bang kulang sa kanila?
"Ito na mga twalya. Saka kumuha na rin ako ng damit para sa inyong dalawa. Nako bakit kasi ngayon pa yang lakad ng kuya mo sinama pa driver. Nabasa kayo tuloy."
"Ay ok lang bang makihiram ng damit?" Pumasok na nga ako sa palasyong 'to pati damit nila susuotin ko pa?
"Go lang Gi. Baka magkasakit ka pa niyan." Well ano pa bang magagawa ko?
Time Skip
Nakapagpalit na ako ng damit at nakapagtuyo na. Request naman nila Ning na dito muna ako mag-stay habang hinihintay tumila yung ulan. Kahit pa matulog pa ako rito okay lang daw kaysa sa hayaan akong maging basang-sisiw pauwi. Ang thoughtful niya pala. Dati kasi akala ko masungit siyang nilalang. I guess na-judge ko siya noon. Actually simula noong nakakasama ko na siya may napapansin ako sa kanyang iba compared sa first time na nakita ko siya.
"Mga ija hintay lang ah. Patapos na itong niluluto naming hapunan. Dito ka na rin kumain Gigi!" Sabi sa'min ni manang.
"Sige po baba nalang po kami mamaya. Kailangan niyo po ba ng tulong?" Nagkakasundo rin sila ni Ning. Hindi siya kagaya ng ibang mayaman na mababa tingin sa mga kasambahay. Tumutulong pa sa bahay.
"Ay hindi na. Samahan mo nalang bisita natin dito. Gigi musta ka naman dito?" Tanong pa sa'kin.
"Ayos naman po manang. May pinag-uusapan lang po kaming project." Totoo naman. We took this chance to finish our presentation. Ok naman na yung mga nakalap na info ng mga ka-grupo namin and
Comments