Chapter 8

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

Monday na. Himlay....

 

Charot! Dapat madami tayong energy ngayon!

 

Ang aga ko masyado nagising, mas naunahan ko pa alarm ko. Ewan ko kung bakit. Sobrang lapit lang naman kasi ng school namin kaya hindi ko kailangan bumangon ng maaga. Pero parang iba ngayon.

 

Kailangan ko na ata bumangon.

 

Naghilamos ako bago bumaba.

 

"Good morning Ate Winter!" Bati ni Liz habang ngumunguya sa paborito niyang tinapay. Mukhang maganda ang gising ng lahat sa bahay, dapat ako din!

 

"Good morning!" Bati ko pabalik. "Good morning, Winter! Milo ka?" Bati ni Chaewon galing sa kusina. "Good morning Insan! Oo! Thank you!" Medyo malakas kong sambit pabalik. Maingay na naman kasi sa paligid. Mukhang nagsisimula na rin yung araw ng mga kapit  bahay.

 

"Asan si Mama?" Umupo ako sa tabi ni Liz at dahan-dahang kumuha ng isang kababayan. Hinayaan nya lang naman ako at ngumiti pa. Wow! Mukhang good mood siya. Kung normal na araw to, titingnan niya ako nang masama.

 

Ano kaya meron?

 

"Nasa tapat lang ata ate, baka maaga daw siya magbukas ngayon kasi baka may mga dumaan para magalmusal." Sagot niya. May mga lumabas pa na butil ng tinapay. Dugyot ha! Inabot ko nalang sa kanya ang tissue habang tumatawa.

 

"Ma! Good morning!" Naabutan ko siyang nagwawalis sa tapat. Sinandal niya ang walis sa pader bago ako salubungin ng yakap. May bonus pang kiss sa cheek!

 

"Morning nak, aga mo ah? Kain ka na dun, nagtitimpla ata si Chaewon ng mga inumin."

 

"Tulungan kita dyan ma?" Baling ko sa walis na sinandal niya. "Hindi na! Maghanda ka na para sa eskwelahan, hatid ko kayo.."

 

Excited akong bumalik sa dining area namin at naabutang nakahain na yung almusal at yung mga inumin. Hindi katagalan ay dumating na din si Mama para sumabay sa pag kain.

 

Nagusap-usap lang kami tungkol sa school at mga plano, one time kasi na nagcheck ako ng social medias, may nakita akong post na maraming mga bagong clubs at orgs ang nadagdag. Hindi ko pa sure ano sasalihan ko. Pero sure ako na meron, masaya rin kasing may ibang ginagawa sa school maliban sa acads. Tanong ko nalang si Ryujin at Ning mamaya.

 

Marami pa kami ibang pinagusapan, nasa kalagitnaan sila kwentuhan tungkol sa isang meme sa FB na hindi magets ni Mama kaya ineexplain ng magkapatid nang lumipad sa ibang direksyon ang isip ko.

 

Ano na kayang mangyayari sa team?

 

Buong summer, naging competitive ang paglalaro namin and to say the least, sobrang nagenjoy ako. Among other things, tulad ng pagkaroon ng bagong kaibigan in Capt, Yuna, and Chaeryeong.

 

Ngayon kayang medyo magiging busy kami, paano na?

 

Napagusapan naman namin na magkakaroon lang ng mga changes. Huwag na raw kami magdisband, ani Capt. Sayang naman daw kasi, tsaka friends naman na kami lahat sa team. Okay ang lahat sa naging suggestion. Lie low nalang daw muna until magkaroon ng time. Tsaka pwede namang magyaya-yaya ng rank games kung gusto, o kaya magkita-kita tapos gumala ganun.

 

Buti nalang ganun yung naging kinalabasan. Hindi ko pa naman naeexperience yung ayawan na ng team kasi first time ko lang naman maging parte nito, pero parang hindi ko kakayanin!

 

Malulungkot siguro ako nang sobra.... Pero yun nga, buti nalang hindi!

 

 

 

 

 

 

Wala masyadong ginawa sa school, puro orientations lang at overview ng mga topics na pagaaralan yung diniscuss. Grabe, Senior High School na talaga ako!

 

Pumukaw sa interes ko yung date ng club fair. Pinost daw sa FB page ng school yung iba't ibang mga clubs at orgs na pwede salihan, pati yung mga links sa FB pages nila para magkapagbasa-basa kung interested. May isang club talaga akong gusto salihan, and knowing Ryujin, baka ito din salihan niya. Hindi ko lang alam kay Ning. Mamaya siguro pagusapan namin.

 

Last class na at orientation lang ang ginagawa ng Prof. Hindi naman na siya nagtagal at dinismiss na kami agad.

 

Nakasalubong ko si Ryujin sa tapat ng Guidance Office. May bitbit pa na turon! "Ano gawa mo dito Tots?" Nabigla siya sa bigla kong pagsalita. "Ah, kukuha na agad akong locker, ikaw ba?" Oo. Yun din pinunta ko dito eh.

 

Sabay na kaming nakakuha ng locker. Hindi na namin kinuhanan si Ning, nakikishare lang naman kasi siya sa mga locker namin. Oo! Bawal yun! Pero dati pa naman namin yun ginagawa, at wala pa namang nakakahuli sa amin. Sayang naman din kasi kung kukuha pa, mas lalo na ngayon at mas onti ang mga libro ng Senior High.

 

Naglalakad na kami sa patio. Nagulat kami ni Ryujin nang payagan kami ni Kuya guard umalis ng campus, dati kasi, hangga't hindi pa talaga oras ng dismissal, mapapabulok ka talaga sa loob. Nakakapanibago!

 

"Tots, susunduin ko pala si Chaewon, sama ka?" Tanong ko kay Ryujin. Baka gusto niya sumama.. Tsaka para may kasama ako! Napatigil siya sa pagkain ng turon at tinginan ako nang may pagtataka. "Bakit mo susunduin? Lalayo ka pa eh diyan lang yung bahay niyo. Sayang pamasahe." Agresibo niyang giit. Sabi ko nga hindi siya sasama...

 

First day palang naman... wala namang masama kung sunduin ko pinsan ko, diba?

 

"Gusto mo lang makita si Karina eh, ginawa mo pang palusot si Chaewon." Pinalitan ng ngisi ang busangot niya kanina. Tiningnan ko siya nang masama, "Hoy! Si Chaewon kaya nagpapasundo." Tinapik niya ako sa balikat at nauna na maglakad. "Sure.... sure. Una na ako!" Ay. Agad agad?

 

"Hindi mo iintayin si Lia?" Curious kong tanong. Lagi niya kasi inaantay para makapagbonding sila bago sunduin si Lia. Yamanin yan! "Nauna na siya kanina nung pumunta ako sa Guidance. Naghanap na ng place. Date daw kami. Hehe. Bye!" Nagmamadali niyang sabi.

 

Ang cute talaga nila. Sige, Tots! Enjoy!

 

 

 

 

 

 

Winter Kim: Oy

 

 

Chaewon Kim: hi winter

 

 

Winter Kim: Uwian niyo na ba?

 

 

Chaewon Kim: lapit na. sunduin mo ba talaga ako?

 

 

Winter Kim: Oo nga....

 

 

Chaewon Kim: yieeeeee ang pacute mo talaga

 

 

Winter Kim: Kung mangaasar ka huwag nalang..

 

 

Chaewon Kim: hehe Joke lang eh!

 

Chaewon Kim: sama mo pla si liz kung gusto niya

 

 

Winter Kim: Mamayang 2 pa siya eh.

 

Winter Kim: Gusto mo pagkasundo ko sayu sunduin natin siya?

 

 

Chaewon Kim: andaming sundo sundo na nangyayari!

Chaewon Kim: may pamasahe ka?

 

 

Winter Kim: Tingin mo saken?

 

 

Chaewon Kim: ok

 

 

 

 

 

 

"Kuya, sa SRCC po."

 

 

 

 

 

 

Napatingin ako sa convo namin ni Chaewon. Bumabalik na yung pagkashunga niya! Ang mahirap sa kanya, mahilig siya mangasar. Tulad ng ganyan! Tapos kapag siya yung inaasar, parang wala lang para sa kanya. Tatanggapin niya lang ganun. Unfair! Sinusumbatan ko kasi ng kung ano ano. Dapat siguro unbothered lang ako gaya niya. Para siyang si Ning, pero madalas walang pake.

 

Pero hindi naman mawawala yung pagiging responsable niyang ate kay Liz at pamangkin kay Mama. Kung makahanap siya ng bagay na pwede siyang makatulong, gagawin niya. Buti nalang bumalik na kami sa dati naming trato sa isa't isa. Ay. Iniisip ko na naman. Tama na nga!

 

 

 

Winter Kim: Dito na ko

 

Chaewon Kim: Mmmkay palabas na

Chaewon Kim: may sasabihin pala ako hehehehe

 

Winter Kim: Bilisan mo na!

 

 

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺