Chapter 7

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

Bangag na bangag akong nakaupo sa bench sa harap ng bahay nila Ryujin.

 

Nasa tabi ko kanina si Liz na busy sa selpon niya, pero nung inanyayahan kami ni Tita papasok, agad na tumayo si Liz at nagpatuloy sa loob. Medyo may singaw kasi yung init dito sa labas kahit na nakapasok sa anino ng puno yung bench.

 

Nagpaiwan lang ako sa labas, para kasing pipikit na yung mata ko magisa! Kailangan ko ng hangin para magising nang tuluyan.

 

Kasi naman, pinagising ako nila Ning kay Mama nang maaga. Bibili na daw kami ng books sa school. Last week na kasi ng May, kaya walang pagaatubiling nagmamadali na sila para makumpleto na ang mga gamit para sa school.

 

Dededmahin ko nalang sana ito pero dinadaganan ako ni Liz para manggising.

 

Napagusapan na pala nilang sabay-sabay naming gawin tong pagbibili ng libro. Pa-joke ko pang nireklamo sa chat namin na hindi pa ba sila nagsasawa sa mukha ng isa't isa eh nung isang gabi kakasleepover lang. Tinawanan lang naman nila ako at kinulit na magayos na.

 

Nung isang gabi pa din ako late natutulog.

 

Bakit?

 

Maraming dahilan!

 

Andami ko kasing iniisip!

 

Ngayong papalapit nang papalapit yung pasukan, iniisip ko kung paano yung magiging Senior High life ko. Isip isip ko, wala naman siguro masyadong magbabago. Parehas lang naman kasi yung campus na napapasukan ko, at sila-sila pa din naman yung mga kasa-kasama.

 

Pero ngayon palang, may iba na talaga akong mararamdaman.


Dahil ba another step na naman ito sa buhay?

 

Ay. Ang OA naman pakinggan.

 

Pero normal lang naman siguro maanxious sa mga ganito diba?

 

Ewan ko ba!

 

Sabi sabi pa ako sa sarili ko na yung mga worries na ganito dapat hindi muna inaalala, hindi ko rin naman pala masusunod. 

 

Sorry na!

 

Pero ever since naman ay naiisip ko na ito.

 

So....

 

Hindi ito yung main reason bakit napapagabi na ako ng tulog simula nung sleepover.

 

Saan ba ako magsisimula?

 

Siya kasi eh...

 

Huwag na nating sabihin kung sino.

 

Saying her name gives her power.

 

 

 

 

Karina Karina Karina Karina Karina

 

 

 

 

Sabing huwag sabihin!

 

 

Kaasar!

 

 

 

Hindi ako nakareply sa kanya nung gabing yun!

 

Kasi after ko masamid (which is totally her fault),

 

Kinuha nung mga kasama ko sa kwarto yung phone ko at tinago ito. Sabi nila kakaselpon ko daw yung dahilan bakit pulang pula ako. Brining up pa ni Chaewon yung ulo kong sumakit nung one time na nagpuyat ako kakalaro. Mas lalo tuloy ako pinulis ng mga kaibigan ko. 

 

Hinayaan ko nalang sila. Buti at hindi nila nakita yung mga hirit ni Karina sa chat. Ang magiging ending lang naman nyan, pagtutulungan nila ako sa asaran. Si Lia naman ay nakataas lang ang kilay sa akin bago malisyosang tiningnan yung cabinet kung saan nilagay ni Ryujin cellphone ko. Kanina pa to.

 

Hindi ko nalang rin pinilit makuha yung phone ko, mapapagalitan kasi ako ng mga shungang to.

 

Pero hindi rin naging effective yung pagkuha nila.

 

Andami ko lang lalo naisip.

 

 

Ganun ba talaga siya? Maharot?

 

O kaya naman, baka friendly lang siya na ganun yung style?

 

Ang totoo nga nyan, medyo close na ata kami...

 

Friends na siguro kami...

 

Tapos feel ko kung magkikita kami ulit, hindi na magiging awkward.

 

Ganung type ng medyo close.

 

Yan ang iilan sa mga naiisip ko.

 

O diba. Parang ewan lang.

 

 

 

Naalala ko na naman tuloy yung sinabi niya tungkol sa kita kita na yan.

 

Anuba!

 

 

Nagsorry nalang ako sa kanya nung umaga nang makuha ko yung selpon ko, okay lang naman daw.

 

After nun hindi pa kami nakakapagusap ulit.

 

Dapat ba i-chat ko siya?

 

Parang kasi siya lagi nagchachat sa akin kung makikipagusap o makikipaglaro...

 

Ayaw ko naman mafeel niya na wala akong pake...

 

Magkavibes naman kasi talaga kami.

 

Except sa mga hirit niyang ganun, tulad nga nung isang gabi!

 

Sige. Mamaya. I-chat ko siya.

 

Maya-maya ay narinig ko na ang pagbukas ng gate.

 

"Ter, bakit hindi ka pumasok?" Sabi ni Ryujin na sinundan ni Liz. Inabot ni tots yung lock ng gate galing sa labas bago kami nagsimulang maglakad.

 

"Papahangin lang. Inaantok pa kasi talaga ako." Medyo bumabalik na yung wisyo ko sa pagpapahangin kanina. Pero gusto ko parin talaga humilata sa kama. Hindi po ba pwedeng mamayang hapon na tayo mamili?

 

"Ah ganun? Tara daan tayo ng 7-11, bili kita ng Milo." Liliko na siya sa kanto na dederestong 7-11 nang hilain ko siya pabalik sa direksyon papuntang school. "Okay lang, medyo okay na ako sa pagpapahangin kanina."

 

Tumango lang siya at binaling at atensyon sa phone niyang nagriring.

 

Hinanap ng mata ko si Liz na nahuhuling maglakad dahil busy sa selpon. Inakbayan ko siya at sinabayang maglakad.

 

"Hello? ..... Ah weh?" Napatingin siya sa akin na parang excited sa sinabi nung nasa kabilang linya. "Sige sige sabihin ko.... Okay okay. Malapit naman na kami. Okayy. Bye bye. Hehe. Mwa."

 

Ah. Si Lia!

 

"Ano sabi Tots?" Curious kong tanong kay Ryujin na ngiting ngiti. Sige pre. Kumalma ka muna.

 

"Andun na daw sila. Sumama daw sa kanya sina Yuna at Chaeryeong! Gusto daw nila makita yung school natin." Wow! Oo nga pala. Same sila ng subdivision sa lugar nila. "Talaga ba? Nice!"

 

Kinulong ko yung braso ng dalawa kong kasama sa magkabila kong kamay at nagskip na papunta sa school namin. Excited na ako!

 

 

"Kumpleto na yang sayo Win?" Tanong ni Yuna bago umupo sa tabi ko. Mukhang tapos na sila ni Chaeryeong magmasid sa campus namin. Umalis daw muna si Chaeryeong para bumili ng mga palamig sa tawid.

 

"Oo, mas onti siya sa books ng Junior High..." Sagot ko sa kanya. Nagtunog atang malungkot dahil nung kinita ko yung mata ni Yuna, para siyang nagaalala. "Okay ka lang?" Tumango lang ako at maluwang na ngumiti. "Oo! Medyo hindi lang nagsisink in na Senior High na ako. Hehe. Salamat sa pagalala." Binalik niya yung ngiti ko.

 

Dumating na si Chaeryeong na maraming bitbit na mango shake na nakaplastic. Saktong lumabas na din sa Loob sila Ryujin, Lia, Ning at Liz.

 

"Tapos na kayo? Gusto niyo maglunch?"

 

"Tara! Dun tayo sa karinderya nila Winter! Masarap dun!" Pagdedesisyon ni Ning magisa. Grabe. Pano ang input ko? Joke.

Mukhang payag naman din si Yuna at Chaeryeongat parang  amaze na amaze sa energy ng kaibigan namin. First time nga pala nila magkita.

 

 

 

 

 

 

"Salamat po!" "Thank you! po!" Ngiti ni Chaeryeong at Yuna kay Mama na inihain ang sinigang na baboy sa gitna ng table namin. Tatlong square na table ang pinagdugtong dugtong para mag mukhang isang long table ang naoccupy naming walo. Sumabay na kasi si Chaewon sa pag kain.

 

Nasa kanan ko si Liz na katabi si Chaewon sa kabilang side. Magkatabi si Yuna at Chaeryeong sa tapat namin at si Ryujin sa kaliwa ni Chaeryeong. Nasa magkabilang dulo ng table si Ning at si Lia.

 

Tahimik kaming nagsimula na kumain ng mga iba't ibang mga putahe na meron yung karinderya. Etong sinigang ay bagong luto talaga ni Mama para daw sa amin. Tsaka hindi rin daw masarap ang sabaw kapag hindi mainit init. True!

 

Hanggang sa kalagitnaan ng pag kain namin ay walang nagsasalita. Pero hindi nakaligtas sa pagobserba ko ang extrang pagaalaga ni Chaeryeong kay Yuna.

 

Nagkatinginan pa kami ni Tots nang pinaglagyan niya ito ng ulam at refill ng sabaw ng sinigang. Mukhang napansin niya rin. Napagdesisyunan naming mamaya nalang sila asarin. Para kasing nagmomoment talaga sila. Ayaw naman namin makaistorbo.

 

Komportable lang kaming nanatili sa katahimikan, kahit si Ning ay nakafocus lang sa pag kain.

 

Nang makaramdam kami ng pagkabusog, nagsimula na kaming magusap tungkol sa iba't ibang mga bagay.

 

Nabanggit ni Ryujin yung pagiging schoolmates ng ibang members ng Katarina at ni Chaewon. Napatingin si Yuna at Chaeryeong sa kanya at tumango lang siya bilang pag kumpirma.

 

At bilang pinakabata sa grupo, tuloy-tuloy ang buhos ng mga tanong nina Yuna at Chaeryeong kay Liz.

 

 

Saan ka nagaaral? Sa CDSA po.

 

Anong grade ka na? Incoming Grade 9 po.

 

Bakit ang tangkad tangkad mo? Hindi ko din po alam.

 

May crush ka na?

 

 

"Hoy! Bawal pa yan sa baby namin!" Bulyaw ko sa dalawa. Nagtawanan naman sila sa naging reaksyon ko.

 

Pero joke joke lang naman yun. Alam naman ni Liz na tukso tukso lang namin sa kanya yang bawal magkacrush crush. Basta't hindi chararat at maayos ang buhay, at tsaka dadaan muna sa amin ni Chaewon. Tss.

 

"Uy nga pala, may nakwento sa amin si Lia nung isang araw, totoo ba yun, Ryujin?" Biglang pagbukas ni Chaeryeong ng topic. Mukhang tapos na din ang lahat kumain dahil malinis na ang mga kanya-kanyang mga plato.

 

"Ang alin?" Mukhang nabasa rin ni Chaewon yung isip ko dahil nagsimula na siya maggather ng mga plato para ipagpatong patong.

 

"Tumutugtog kayo?"

 

Nagkatinginan kami ni Ryujin. Parang nagintayan pa kami kung sino sa aming dalawa ang sasagot. Ikaw na magsabi! Umiwas lang siya ng tingin at tumulong sa pagliligpit. Tinulungan na din siya ni Lia. Natawa ako habang umiiling. Sige na! Ako na!

 

"Oo, idea yun ni Ryujin since... " Tiningnan ko siya ulit. Nagthumbs up siya sa akin. Mukhang okay lang naman sa kanya sa sabihin ko sa dalawa. "Anniversary nila ni Lia." Pagpapatuloy ko.

 

Hinampas bigla ni Yuna si Chaeryeong. "Grabe naman! May sweet bone ka pala Ryujin!" Komento niya habang palokong niyuyugyog yung balikat ni Ryujin. Nakahawak lang din si Chaeryeong sa braso niyang nahampas. Ang bayolente naman pala nito ni Yuna!

 

Nang makaalis na sila, nagpakwento pa sa akin si Mama kung saan ko nakilala yung mga bagong dating. Sinabi ko sa kanya na nakilala ko sila sa laro at nalaman lang namin yung common friend namin na si Lia recently.

 

Mukhang tuwang tuwa naman siya sa kwento ko at sinabing napakaganda daw nung dalawa. Tumango ako. Totoo yan!

 

Aakyat na sana ako nang tawagin ulit ako ni Mama.

 

"May gagawin ka ba mamaya, nak?" Napaisip ako. Wala naman. Aayusin ko nalang siguro yung mga libro ko at babalutan ng plastic cover. O kaya naman ay magsearch nalang ako ng mas eco-friendly na alternative. Pero bukod dun, wala naman.

 

"Wala naman po, bakit?" Bumalik ako sa upuan na nasa tabi niya.

 

"Tatawag daw si Papa mo, namiss ka daw! Kasama niya ngayon yung tatay ng mga pinsan mo. Itanong mo din sila kung gusto nila."

Nanlaki ang mata ko.

 

Si Papa! Miss ko na din siya. Kahit naman na hindi namin siya masyado kasama ngayon, dati naman nung bata ako ay talagang nabigyan niya ako ng atensyon. Yun nga lang hindi sapat yung kinikita niya sa dati niyang trabaho kaya napapalayo pa siya sa amin. Kasama rin tatay nila Chaewon at Liz.

 

Naging okay naman ang ganitong setup. Pero miss ko na talaga siya. Nagtungo na ako sa kwarto ng dalawa kong pinsan para masabi sa kanila. Tuwang tuwa si Liz at napatalon talon pa sa pwesto! Si Chaewon naman ay maluwag na ngumiti. Grabe lang yung pagkakaiba nilang dalawa.

 

Umakyat muna ako sa kwarto para magpahinga. Bukod sa kulang ako sa tulog, napagod ako sa ginawa namin ngayon! Mag-nap kaya ako? Kaso pagod lang nararamdaman ko. Walang antok.

 

Ah! I-chat ko kaya si KTR Karina?

 

Sige. Sige. Sige. Sige. Hehe. Hehe.

 

Ay. Parang ang excited ko naman.

 

Hindi naman.

 

Winter Kim: H

 

Ay. Nasend agad.

 

Winter Kim: i

 

Winter Kim: Nahuli! :0

 

Katarina Yoo: Hello :P

 

Wow. Ginaya niya emoticon ko dati.

 

Char! Inangkin?

 

Winter Kim: Laro tayo?

 

Katarina Yoo: Oh.

 

Katarina Yoo: Tara. 😄

 

 

Wala namang bago. Magaling padin siya. Pero hindi ako magpapatalo! Nagbida-bida na din ako! Kala niya siya lang? Kaya ko din!

 

 

 

KTR Karina: SND tayo?

 

aezo snowin: Okay..

 

 

Choosing Map...

 

Raid.

 

Okay. Kaya naman.

 

KTR Karina: What gun gagamitin mo?

 

aezo snowin: Sniper syempre.

 

 

Round starts in

 

 

3..

 

 

 

 

2..

 

 

 

 

 

1..

 

 

 

 

Bang!

 

 

 

KTR Karina: Oh! Hahahaha. Anong nangyari?

 

aezo snowin: Kainis! Naunahan ako. Hahaha nafirst blood pa nga.

 

aezo snowin: Babawi ako!!! 

 

 

Okay. Medyo napahiya ako dun. Ambilis lang kasi nung kalaban. Hindi ako nakaadjust agad!

 

First game. First game palang. Hehe.

 

Ganun padin. Kwentuhan habang in-game. Buti nalang may option na friends only yung mic, walang nakakarinig sa usapan namin. Weird naman nun kung andaming makikinig na hindi namin kakilala.

 

 

 

 

Bang!

 

 

KTR Karina: Nice one, Winter!

 

 

Napahagikgik ako nang may naaalala sa boses niya. Huhu. Ano ba tong isip ko!

 

 

aezo snowin: Hahahaha.

 

KTR Karina: Why are you laughing?

 

aezo snowin: May naisip lang ako...

 

KTR Karina: Mind sharing?

 

aezo snowin: May kaboses ka kasi!

 

KTR Karina: Sino?

 

aezo snowin: Yung nagviral na nagni- 'nice one, baby!' Hahahaha!

 

Hindi siya nakasagot. Parang iniisip niya pa ata. Hindi niya pa napanuod yun?

 

KTR Karina: That? 

 

KTR Karina: Ang layo kaya!

aezo snowin: Hindi kaya! Kaboses mo kaya!

 

 

Brrrrrt!

 

 

KTR Karina: Aish! Namatay tuloy ako! Nakakaasar ka talaga! Hindi ko kaboses yun no!

 

aezo snowin: Hehehehe oo kaya.

 

KTR Karina: K.

 

Tinawanan ko nalang siya. Hindi nalang siya nagsalita. Naasar siguro. Nakakatuwa naman siya asarin. Andali mapikon! May isa pa akong kakampi na natitira, tatlo pa sa kalaban. Sila magpla-plant kaya nagiintay lang ako dito sa pwesto.

 

[Bomb has been planted]

 

Wala parin imik si KTR Karina. Baka nagexit muna ng game at pumunta sa ibang app. Chat ko nalang siguro siya kapag start nang next round....

 

Sa B plinanta ng mga kalaban. Malayo-layo ito sa pwesto ko kaya napatakbo na ako papunta dun. Mukhang ganun din ginagawa ng natira kong kampi.

 

Nakapatay siya ng isa! Mukhang sinugod niya na ang mga kalaban. Sumugod na din ako para magkaback-up siya.

 

Ayun. Masasandwich na siya.

 

 

Scope in....

 

 

Bang!

 

 

Sapul.

 

 

Isa pa.

 

 

Scope in...

 

 

Bang!

 

 

Sapul.

 

 

Boom. Panalo sa round. Hehe.

 

Sayang. Hindi nakita nung kasama ko yung astig na double kill na yun! Highlight worthy yun eh!

 

 

Asan na ba kasama yun?

 

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺