Chapter 2

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

“Tortang talong po…. Opo… Tapos sabaw …. Tapos sinangag na rin po”

 

 

“Ate isa pa ngang order ng pinakbet!”

 

 

“Ate sabaw pa nga dito!”

 

 

“Hoy! Ayus-ayusin niyo panguutos sa anak ko! Kitang iisang tao lang eh! Lumapit kayo dito kung may ipapadagdag kayo!”

 

 

Tumawa lang yung mga customer ni Mama sa sinabi niya. Nananadya talaga tong mga to eh. Ganiyan yan kapag nakikitang marami akong ginagawa, sasadyain nilang mas ramihan pa. Ang saya! Nakitawa nalang din ako. Wala naman ito sa akin. Alam kong nakikipagbiruan lang sila. Eh punong-puno pa nga ng sabaw yung lalagyanan nung nanghihingi ng dagdag!

 

“Chaewon, anak. Mamaya bili ka ng pansahog sa sinigang tsaka pinakbet, tapos bili ka na rin ng pangmeriyenda. Ito oh.”

 

Nagabot si Mama ng dalawang daan sa kanya at bumalik siya sa pagtulong sa akin sa pagasikaso ng mga customer.

 

Si Chaewon.

 

Kapatid ni Liz. Kasing edad namin nila Tots. Yun na yon.

 

Chos!

 

Close naman kami. Ata.

 

Pero hindi kasing close namin ni Liz. Asan na ba yung batang yon? May utang pa sa akin na gala. Nagyayaya siya nung isang araw tapos biglang mawawala. Galing ah.

 

“Chaewon, asan si Liz?”

 

Napalingon siya sa akin ng mabilis. Jusko! Baka mabali leeg nito ako pa masisi.

 

“O-Oh, uhm, baka nasa kwarto namin?” Balik niyang tanong.

 

“Okay,”

 

“Okay.”

 

 

EEEEEE!

 

Kaya ayaw ko makipagusap minsan eh. Ang awkward lang namin!

 

Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ko alam bakit. Pero I try to converse with her as much as possible. Ang weird naman kasi na nasa ilalim kami ng iisang bubong tapos hindi magpapansinan. Magaling naman ako sa small talk. Pwede na siguro yun.

 

Pupunta na sana ako sa kwarto nila nang biglang tinawag niya ulit ako.

 

“Winter?”

 

“Oh?”

 

“Sabi pala ni Liz, gala daw kayo…” Nasabi na pala ni Liz. Hinarap ko siya bago sagutin. “Oo, gusto niya daw lumabas labas eh.” Hintay ko siya sumagot. Parang nagaalinlangan pa siya kung sasabihin niya o hindi. Parehas na parehas sila ni Liz. “Ah. Sige. Magiingat kayo.” Sabi niya nalang.

 

Ano ba yan. Sige na nga.

 

“Sama ka?”

 

Parang nagulat pa siya nung sinabi ko yun. Ako din nagulat! Ako ba nagsabi nun?

 

“Pwede?” Ay hindi. Sige huwag na. Chos! Parang nagliwanag naman kasi yung mata niya nung tinanong niya yun. Tsaka parang ang tagal na rin nung last kami nag bonding. “Oo naman.”

 

“Okay. Sige. Thank you, Winter.”

 

Nginitian ko nalang siya at dumeresto na sa kwarto kung nasaan daw si Liz.

 

Blag!

 

“Aray! Ate Winter naman! Ang bigat bigat mo!” Reklamo ni Liz nang dinaganan ko siya. Ay grabe. Ang gaan gaan ko kaya. “Anong oras na nakahilata ka padin! Akala ko ba gagala tayo, ha?” Sumbat ko sa kanya. Napatigil siya sa kakagalaw at parang napaisip. “Ay oo nga! Ngayon na ba yun? Teka, alis ka kasi muna! Ang bigat bigat mo po talaga,” Bumalikwas na ako sa pagkakapatong at hinila siya sa pagkakahiga. “Sasama daw si Chaewon. Siya na mismo nagsabi sa akin.” Napatingin naman siya sa akin ng mabilis. Ano ba? Magbabalian ba tayo ng leeg dito? “Oh ano? Bakit ganiyan ka makatingin?” Tinaasan ko siya ng kilay. Napailing nalang siya at nagiwas ng tingin “Saan tayo pupunta, ate?” Naku. Hindi ko din alam.

 

Pero may kakilala akong may alam.

 

Maraming alam. Chos!

 

 

Ning

 

Winter: Hi Ningning ng buhay ko!

 

Ning: oh anong kailangan mo?

 

Winter: Kailangan agad? Hindi pwedeng namiss lang kita?

 

Ning: utot mo, Winter.

 

Winter: Mabango.

 

Ning: ang dugyot dugyot talaga! Ano ngaa??

 

Winter: Gagala kasi kami ni Liz, may alam kang magandang place?


Ning: uy pasama! Miss ko na ang baby ko!

 

Ning: bakit hindi nalang kayo magmall? 

 

Winter: Ewan. Hindi ako makadecide eh. Tsaka isa pa, baby KO to. Dun ka nga.

 

Ning: nyenyenyenye

 

Ning: BGC nalang tayo, ter. May gusto akong itry dun na kainan masarap daw. Text ko na si Toten.

 

Winter: Hindi pa nga ako pumapayag na kasama ka.

 

Ning: pake ko

 

 

Okay. BGC it is. Ito talagang si Ning, bored na bored na siguro to at hindi makaintay na makapagset kami nila Tots. Talagang inimbitahan sarili niya sa gala ko kasama mga pinsan ko! Chos! Okay lang naman sa akin na merge na ang bonding naming lahat. No problem! Less gastos. Hehe.

 

“Liz, sa may BGC daw tayo, game ka dun?”

 

“Uy! Sige tara, si ate Ning nagsuggest no?” Excited niyang tugon. Ayan. Mukhang excited rin siya makita yung shunga. “Oo, gusto niya sumama kasama si Tots. Okay lang?” Pagkumpirma ko. “Oo naman no! Miss ko na kaya sila. Si ate Ning marami lagi kwento, hindi boring kasama, hindi tulad mo, ate.” Biglang pagasar niya sa akin.

 

Edi okay!

 

Sorry ah!

 

Sinamaan ko nalang siya ng tingin at tumayo na para bumalik sa pagtulong sa karinderya. Quick break lang talaga yun.

 

 

 

 

“Mama, pwede po ba kami gumala? Kaming magpinsan, tapos sila Ning at Ryujin.” Mahinihing pagpapaalam ko sa kanya habang nagmemeriyenda kaming apat sa table. Kakadating lang kani-kanina ni Chaewon galing palengke bitbit bitbit ang mga gulay na pansahog at isang supot na maraming Banana Cue. Nakaupo ako sa tapat ni Liz na katabi ang ate niya, at si Mama naman nasa ulo ng table.

 

“Kelan yan?” Kalmadong tanong niya. Okay. Mukhang good mood naman siya. Cross fingers.

 

“Ay hindi ko pa po sigurado, pero baka this week po? Kayo ba? Kelan niyo gusto?” Biglang baling ko sa dalawa. Tulungan niyo naman ako dito oh.

 

“Opo ante, baka anytime this week po.” Pagsalo ni Chaewon.

 

“Okay sige, lapitan niyo nalang ako kung kailangan niyo ng pambaon.”

 

Yehey! Makakagala din! Kahit kasi Senior High na ako, baby na baby padin ako ni Mama. Alam ko naman na strikto siya sa ganung paraan kasi nagaalala lang siya sa akin. Pero I have my ways. Tulad ngayon, dapat matimingan na good mood siya bago magpaalam.

 

Naka-score pa ng baon! Ipon saved!

 

 

 

 

Team Aeszone

 

Yujin: Guys! Hindi muna ako nagset ng scrim ngayon, bukas, at sa susunod na araw. May ganap kasi kami ng friends ko, baka wala akong time makapaghanap ng laro, tsaka baka hindi rin ako makalaro. Goods lang ba?

 

Yuna: Oks! Enjoy kayo capt!

 

Chaeryeong: okiii

 

Winter: Goods lang Capt! Sakto may gala kami ni Tots.

 

Ryujin: ay meron?

 

 

Ay. Hindi niya pa pala alam.

 

 

Winter: Oo, now you know.

 

 

Hindi pa ata nasasabi sa kanya ni Ning. Ayan na, tumatawag na. “Oh, Tots,” Bati ko sa kanya. “May gala pala tayo? Saan? Kelan? Pano nangyari? Bakit ngayon ko lang nalaman?” Sunod-sunod niyang tanong. Isa-isa lang please! “Meron. May gustong puntahan si Ning sa BGC na kainan, gusto niya daw itry. Kelan? Uhh baka bukas o sa sunod na araw? Para wala tayo scrim? Pano nangyari? Ewan! Tinanong ko lang naman kasi sa kanya kung saan maganda gumala kasi magbobonding kami ng pinsan ko, tapos etong si shunga – “

 

“Sasama si Liz?” Putol niya.

 

“Oo? Pero ayun nga dapat magbobonding kami tapos – “

 

“Edi dapat sinabi mo agad! Game ako!” Masaya niyang tugon at ibinaba ang tawag.

 

Wow. Ang dami kong sinabi tapos yun lang yung napickup niya. Selective hearing lang ampeg. So ayun. Yun ang kwento ng gala naming magpinsan at ang dalawang shunga na inimbitahan sarili nila. 

 

 

The Big, The Bold, and Ning

 

 

Ryujin: excited na ako!!!

 

Ning: saan

 

Ryujin: may gala daw sabi ni Ter diba?

 

Ning: saan pake ko

 

Winter: Bunganga mo talaga Ning.

 

 

 

 

“Mama, alis na po kami!! Salamat po sa pabaon!!”

 

“Magiingat mga anak! Huwag masyado magpagabi!”

 

 

 

Kasalukuyang kinakaladkad ako ni Ning. Ang bagal mo kasi maglakad, Ter! Sabi nga ni Mama huwag masyado magpagabi diba? Bilisan mo!

 

Ang ewan lang! Nakikimama pa siya ha! “Aray ko Ning! Yung hinliliit ko kanina mo pa naaapakan!” Feeling ko paguwi ko pulang pula na to. Hindi niya man lang ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Tinatawanan lang rin ako ng iba naming mga kasama. “Guys, wala ba akong kakampi diyan? Aping-api na ako!” Pagmamakaawa ko.

 

“Dami mong arte, Ter. Mabagal ka naman kasi talaga maglakad.” Biglang sabi ni Ryujin.

 

“Oo nga ate. Gano ba kasi kabigat yang pinapasan mo at pati katawan mo bigat na bigat?” Saad ni Liz.

 

“Winter, alam mo bang hindi ka talaga pinapasama sa akin ni ante sa palengke kasi daw ang bigat bigat daw ng paa mo, baka mawala ka lang daw.” Dagdag pa ni Chaewon.

 

Mga walang hiya! Ang sabi ko pahingi kakampi, hindi mapagkampihan!

 

“Oo na! Oo na! Teka, Ning bitawan mo muna ako! Taympers!”

 

Binitawan na ako ni Ning at inirapan ako. “Umayos ka Winter, kapag lumampas distansiya natin ng 5 feet gagawin kitang tipaklong!” Pagbabanta niya. Bigla naman siyang humarap ulit sa dinadaanan at naglakad nang mabilis. “Huy! Teka lang!” paghabol ko sa kanya.

 

 

 

Merong terminal sa Vista Mall na malapit sa lugar namin. Dito namin balak sumakay dahil may mga UV Express na deresto sa terminal ng Market! Market! Sabi ni Ning na onting lakad lang galing dun at mararating namin yung kainan na gusto niyang itry. Oo nalang kaming lahat. Parang siya yung nagasikaso ng buong galaan namin!

 

Nakababa na kami at kasalukuyang nagwiwindow shopping sa mga damitan sa first floor. Kakatanghalian lang kasi naming magpipinsan nung umalis kami sa bahay. Sinadya talaga ni Mama na ganun para daw madami kaming energy bago umalis. Si Ning at Ryujin naman ay dito kakain. Pero parang mas energetic silang dalawa kesa sa aming tatlo? O dalawa?

 

Nakisali kasi si Liz sa kanila kaya kaming dalawa nalang ni Chaewon ang mukhang normal sa grupo namin. Chos! Para kaming magulang sa tatlong hindi mapakali na bata. Si Ning ay kanina pa ngumangawa sa mga nakikita niyang mga damit, si Tots naman ay gusto puntahan yung mga food stalls sa labas pero pinigilan siya ni Ning kaya nagmamaktol ito. Si Liz naman ay niyayaya akong pumunta sa Toy Town. Natawa si Chaewon nang mahinhin nang marinig niya yon kaya sinamaan siya ni Liz ng tingin. Jusko ang gulo gulo talaga!

 

“Uyy tara samahan niyo muna ako kumain pleasee!” Pagmamakaawa ni Tots. “Bakit kasi hindi ka kumain bago umalis! Shunga shunga ka talaga!” Reklamo ni Ning. Susmariosep. Dito pa talaga gagawa ng eksena. Hindi na nahiya!

 

“Hoy, tara na samahan na natin. Kakain lang naman. Babalik tayo dito agad.” Pagputol ko sa away nila. Mahirap na. Baka mamaya bigla silang magsabunutan dito sa gitna ng mall. Hindi pa naman maganda ang camera ng phone ko, hindi ko mavividyohan. Sino na ang magpapaviral sa amin? Magpinsan! Biglang nagpunitan ng anit sa harap ng Banana Peel! Naks! Ang sulsolera ko lang.

 

“Liz after kumain nila Tots punta tayo dun sa sinasabi mo,” Bulong ko sa baby pinsan ko. Para namang lumiwanag ang mga mata niya at ngumiti sa akin. “Thank you ate, may hinahanap ako eh.” Bulong niya pabalik at binilisan ang lakad para balutin ang braso ni Ryujin gamit ang kamay niya. Wow. Close na close?

 

Katapat ko si Ning na katabi si Liz sa table. Naguusap lang yung dalawa habang hinihintay si Ryujin na nagorder ng pagkain. Oorder na din daw si Chaewon ng merienda para sa aming magpipinsan. Busog pa daw si Ning. Pustahan mamaya pupulot yan sa pagkain ko.

 

“Liz, bakit maswerte yung kalenda

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺