Chapter 5

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

Parang ano....

 

Parang mas naging presko yung hangin dito sa loob ng kwarto ko..

 

Hindi dahil lumabas na si Chaewon ah! Kakabati lang namin!

 

Baka nagiwan siya ng purifier somewhere... Ewan ko lang..

 

Pero seryoso..

 

Feel ko kinailangan namin yun para mag move forward.

 

I'm really happy we had that talk.

 

Kahit mostly siya lang naman nagsalita.

 

I'm glad. Sobra pa sa sobra. Okay. Mamaya ko nalang siguro iisipin ulit. Baka maiyak na naman ako! Bakit ba ang iyakin ko?

 

Anyway...

 

Ayun nga.

 

Ang lamig dito bigla!

 

Tapos...

 

Nung chineck ko phone ko...

 

Nagchat si KTR Karina sa akin...

 

Waaaah!

 

 

 

Okay. Okay! Kalma! Kalma.

 

Nag goodluck lang naman siya. Baka nagalingan sa akin nung previous round. Nanuod siya nun diba? Naks! Ako lang to! Your one and only, Snowin! Ror!

 

Kasi diba, Winter, si Winter ako, tapos snow, kasi nga winter... tapos ano... add mo sila.... teka, add? Fuse! Fusion! Basta! Edi snowin! Astig no? Heh. Anyway. Asan na ba tayo? Focus nga!

 

Ah. Nagchat si magandang doctor sa akin. 

 

 

 

Katarina Yoo

 

Katarina Yoo: Hi, goodluck sa game mamaya!!

 

Winter Kim: Hello. Thank you!

 

 

 

Boom! Panis! Mga five minutes ko pinagisipan yang nireply kong yan. Astig tingnan no? Okay na siguro yan. Mamaya kapag may sabihin pa akong iba, humaba pa yung usapan. May laro pa ako, sorry! Talk to you later? Ay. Joke lang!

 

 

Team Aeszone

 

Yujin: @Chaeryeong, @Ryujin, @ Winter, @Yuna tara warm-up.

 

Winter: Nasa Discord call ako, sali kayo!

 

Yuna: Okicks.

 

 

Meron din pala messages galing sa GC naming tatlo nila Tots at Ning.

 

 

The Big, The Bold, and Ning

 

Ning: Sabi ni Mama next week na daw tayo magenroll.

 

Ryujin: Mama?

 

Ning: Mama ni Winter.

 

Ryujin: ah okay.

 

Ryujin: tayo-tayo lang?

 

Ning: ay. hindi ata pwede yon, sasama si Mama ko.

 

Winter: Mama ko?

 

Ning: mama ko nga.

 

Ryujin: naguguluhan na ako...

 

Ning: same..

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

[aezo snowin JOINED THE LOBBY]

 

 

Coordinator: Goodevening everyone! Unang-una, congratulations to both teams dahil nakaabot kayo sa semi-finals! Always remember na we're here to have fun but at the same time to experience competitive gaming. Goodluck to each one of you!

 

 

Semi-finals (Best of Three)

HP - SND - DOMI

Fixed Map (Except for SND)

vs. VOX Athena

 

aezo captyuj: Guys, malakas daw ito sila, sabi ng friends ko. Don't be discouraged ah! We can still fight. Pero don't forget to have fun. Treat ko padin!

 

Nasabi ko na ba sa inyo kung ano mga favorite maps ko? I don't think so. Okay, brief ko lang kayo saglit.

Para sa Domination, Standoff! Yun lang ang correct answer. Siguro close second ang Summit.  Siguro hilig ko small maps para sa domination. Kasi ang pinakaayaw ko, Crossfire, Raid. Yan! Sobrang hirap kasi magcapture ng flag. Daming umeepal na anchor. Edi kayo na magaling maghanap ng magandang pwesto!

 

Search and Destroy, alam naman na ng lahat pero ulitin natin kasi I can't stress this enough; Crossfire! Siguro 90% ng mga highlights ko na galing SND nasa mapang Crossfire ko na-record. Ganun kalala. Pati pala Highrise! Okay. Siguro hindi para sa lahat yung mga paborito ko... Pero bakit ba! This is me talking as a sniper main. Bahala kayo diyan. Very close third ang Firing Range. Dami kasing kung ano-anong sniping spot dito, magugulat ka nalang talaga bigla kang namatay tapos yung pumatay tayo nasa kabilang dulo ng mapa nakasilip sa sobrang liit na butas.

 

Hardpoint, Firing Range! Madali lang kasi makuha mga points dito, except of course, yung una. Nasa pinakagitna ba naman ng mapa. Ang ayaw ko lang naman sa mga mapa kapag hardpoint, yung mga mahirap kunin. Yung tipong ginawa mo na lahat lahat, hindi ka parin makapasok sa point. Best example niyan ay Crash.

 

 

 

 

First Game: Hardpoint Crash

 

So... yeah. I have a bad feeling about this. Pero kailangan ko lang gawin yung makakaya ko. Kahit naman pinakaayaw ko tong map na to, it doesn't mean ganun na rin para sa lahat. 

Favorite kaya to ni Chaeryeong at Ryujin! Obviously, kasi objective si Chaer, at kapag nakapwesto na siya, mahirap nang palagan. For Ryujin, slayer siya, at... Ewan. Feel ko lahat naman ng close range maps ay favorite ng slayer. 

 

Round starts in..

 

 

3....

 

 

 

2..

 

 

 

 

1...

 

 

 

Let's go.

 

 

 

 

 

 

 

Sabi sa inyo eh.

 

Ang ganda lang ng laro naming team! Halos naging full-time objective na ako kasama si Chaeryeong kasi hindi naman namamatay si Yuna at Capt sa mga pwesto nila. Isa pa yan si Ryujin! Halos hindi matibag yung pazig-zag zig-zag niya. Nung isang gabi eh tinatawanan ko pa siya kasi ang kulit tingnan nun. Effective naman pala talaga! Nakakalito kasi siya tingnan from an enemy's perspective, parang kiti-kiti. Feel ko iritang-irita na yung mga kalaban sa kanya. 

 

121-43. Naka-isang reset na yung points at kasalukuyang nasa 3rd hardpoint kami ni Chaer. Yung sa may sari-sari store daw. Kung ano-ano na nga lang pinapangalan sa mga lugar dito in-game. Super helpful naman siya pagdating sa mabilisang comms.

 

Merong transform shield na nakapwesto sa entrance na nakaharap sa mid, kaya ang binabantayan naming dalawa ni Chaeryeong ay yung nasa kanan at nasa likod na entrance. Siguro kapag nahold namin tong pwesto namin ngayon, around 10 seconds nalang sa next hardpoint ay mananalo na kami. Sana magpatuloy-tuloy na tong momentum namin.

 

aezo captyuj: Let's move, guys. Tapusin na natin to.

 

Nagsimula na kami gumalaw ni Chaeryeong papunta sa fourth hardpoint. Nasa bandang dulo ito ng mapa kaya mahalagang makuha namin agad to. Kung hindi, baka sa kabilang dulo pa kami ng map magspawn, mahihirapan kami ma-reclaim yung point. 

 

Pagdating namin sa point, may nakalatag na na transform shield sa main entrance ng point, ang problema? Sa kalaban ito. Sinubukan namin ni Chaeryeong pumasok sa back entrance pero may nakapwesto na palang mga kalaban sa loob ng hardpoint. Na-double kill pa kami. Naku po.

 

aezo chryeong: Hirap kami makapasok ni Winter! Ryujin baka pwedeng paback-up...

 

aezo ryutoten: Sige, wait lang.

 

 

 

Oh my God...

 

Nahihirapan kami..

 

Mga ilang beses rin namin sinubukan makuha ulit yung point, only to be killed ng mga anchors nila. Nakuha na rin pala nila yung mga magagandang pwesto from our anchors. Kahit si Ryujin ay medyo nahihirapan sa pagpatay ng mga kalaban dahil nga karamihan ng mga kalaban ay nasa loob naman ng hardpoint. Tapos sa kabilang dulo ng mapa pa kami nagspaspawn. Mukhang we'll let them take this point.

 

aezo captyuj: Tara next hardpoint nalang, nahihirapan tayo kunin yung point.

 

aezo yunaganda: Sige, dito na ako nagspawn. Pwesto ako sa balcony.

 

Pumwesto na rin kami ni Chaeryeong sa loob. Naglapag na rin ako ng trophy system para hindi kami basta bastang natatapunan ng throwables.

10 seconds nalang natitira sa previous hardpoint. Based on how everyone plays, magsisimula na silang pumunta dito. Kailangan namin tong depensahan no matter what. Mahirap na kung makuha pa nila ito.

 

134-101.

 

aezo yunaganda: God. Pinapaulanan nila ako ng thermites. Feel ko mamamatay ako. Extra bantay sa balcony, guys.

 

Nilipat ko yung trophy ko sa pwesto ni Yuna. Buhay pa naman yung kay Chaeryeong. Pwede na muna yun para sa amin.

 

Yung mga sumusubok umakyat sa balcony ay napapatay ni Yuna.

Yung mga papunta palang galing mid at long B ay bantay-sarado kay Capt.

Yung mga hindi napapatay ni Ryujin sa baba na nakakaakyat ay naaabangan namin ni Chaeryeong. 

 

Okay. Ganto lang. Wooh. Hold lang. Hold lang.

 

 

aezo ryutoten has been killed by VOX.A Gaia

 

Mas madaming nakakaakyat sa amin ni Chaeryeong dahil nadali si Tots. Sinamahan pa ng mga throwables na hindi maubos ubos. Jusko naman! Lima lang naman sila pero bakit parang limang daan yung sumasabog?

 

aezo yunaganda: ! Nasira na yung trophy dito! Ilang thermite ba hawak ng mga to?

 

aezo yunaganda has been killed by VOX.A Cheska

 

aezo captyuj: What the hell! Ang kukunat nila! 

 

Nagkusa akong bumaling sa dating pwesto ni Yuna. Mukhang may mga kalaban din na dito dadaan dahil alam nilang namatay na yung bantay dito. Chaeryeong, kayanin natin!

 

aezo ryutoten: Gagi! Sa kabilang dulo ako nagspawn!

 

aezo yunaganda: Ako din, oh my God!

 

 

Uy... Hala...

 

Tuluyang naclaim ng mga kalaban yung hardpoint. Naubusan kasi kami ni Chaeryeong ng bala at sumakto pa na umakyat nang sabay-sabay ang mga ito. 

Si Capt nalang ang natira at dahil dun na malapit sa point nagrerespawn ang mga kalaban, nadali rin siya maya-maya.

Sabay kaming nagrespawn ni Chaeryeong sa kabilang dulo ng mapa.

Matatagalan kami mareclaim yung point ulit dahil malayo talaga ang pinagrespawn-an namin at malaki ang mapa.

Kung makarating man kami sa point, malamang sa malamang ay nakapwesto na yung mga kalaban sa loob.

We'll back off nalang, ani Capt.

 

 

Parang lang may nagswitch sa atmosphere naming magkakampi. 

Ang bigat bigla.

142-137 na yung score. 

Reset ulit. Sa pinakagitna yung hardpoint.

Naunahan kami sa pwesto nung mga kalaban, at nasa mga iba't ibang areas na sila according sa mga kanya-kanyang role. 

May anchor na sa yellow house at sa third floor ng highrise building.

Yung slayer nila ay palibot-libot nalang sa mid, tapos yung objective at support nila ay magkasamang nakadapa sa hardpoint.

Mukhang naf-frustrate na rin yung team sa nangyayari sa laro ngayon.. Pano kasi.. We were up by so much, tapos biglang nakakahabol yung kalaban.. Yung feeling.. para bang may malaking bato na nakapatong sa dibdib habang naglalaro. Ang hirap tuloy makapagconcentrate kasi hindi namang pwedeng basta basta kaming susuko, kami nga kasi yung lamang. I'm sure ganun rin para sa mga teammates ko.

 

Parang alam namin na kahit ilaban namin like we always do, talo.

 

Patuloy sa pageencourage sa amin si Capt, pero nawalan na nang tuluyan ang momentum, pati ang individual performance ay medyo sumablay na... Kaya isa lang naman ang kahahantungan naming lahat.

 

 

Defeat

 

 

142-150.

 

 

aezo captyuj: Guys, andiyan pa kayo? How's everyone? It's okay! We fought hard.

 

aezo yunaganda: Parang nawala ako bigla sa laro, Capt. Sorry.

aezo chryeong: Ako rin, Capt. Atin na yung last hardpoint bago magreset eh... Sayang.

aezo ryutoten: Capt. feel ko may sira yung shotgun ko.. Bigla ako naghitmark maniac! 

 

Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Ryujin. Buti nalang ganiyan kaibigan ko, sinusubukan pagaanin ang loob ng lahat. Sabihin man ng iba na mababaw, pero iba kasi yung matatalo ka sa isang bagay na alam mong you take pride in doing. 

 

aezo captyuj: Win? You there?

 

aezo snowin: Ah, opo Capt. Sorry rin pala...

 

aezo captyuj: Ano ba kayo? Bakit kayo nagsosorry? It's alright, guys! 

 

Humugot ako ng malalim na hininga. Oo nga naman. It's just a loss. Tsaka may dalawang games pa para makabawi. May chance pa naman sa SND, right?

 

 

 

 

 

 

Wrong.

We lost after a tough fight on our part.

We really did try. May mga ilang kills pa nga ako na highlight worthy. May mga team plays rin kami na ang ganda ng execution.

Kaso yung pagbagsak ng atmosphere namin ay natuloy hanggang sa SND. Kapag talaga dinatnan ka nung lumulubog na feeling na yun, hindi ka na tatantanan until who knows when.

4-6.

We did well overall. Kinapos lang. I think we need more practice, pero ang ganda kaya ng laro namin! Sadyang palong palo lang yung kalaban.

 

 

Coordinator: Winning by two to nothing, the winner for this bracket's semifinals is VOX Athena! Congratulations! Good game to both teams. Congrats din, Team Aeszone!

 

VOX.A Cheska: Thank you! Good game, Team Aeszone!

 

aezo captyuj: Good game, VOX! Congrats!

 

Nagsimula na kaming magleave sa room na ginawa ng mga coordinators. Pinagmasdan ko lang yung character ko sa lobby screen ko. Hay. Ang ganda ni Artery talaga. Nakuha ko lang din to sa Lucky Draw eh. Sobrang saya ko pa nung nakuha ko to, unang draw ko kasi yun. Sorry na. Kapos lang sa pera. Iniinggit inggit ko pa si Ryujin gamit to, gusto niya rin kasi makuha, kaso ang nakuha niya, yung icon lang na picture ni Artery. Sabi ko sa kanya okay na yun, choosy pa ba siya? Sinungitan lang naman ako ni gaga. 

Nagulat akong may biglang nagsalita sa headset ko. Wala pa palang nagleleave sa Discord call namin.

 

Yujin: Uy, guys. 

 

Yuna: Hi Capt.

 

Chaeryeong: Hello, hindi pa tayo magleleave?

 

Ryujin: Ayaw mo na ba sa akin, Chaer?

 

Chaeryeong: Arte mo pangit.

 

Winter: Bakit pa tayo andito?

 

Yujin: Ang tamlay niyo lahat pakinggan! Okay lang ba kayo?

 

Ryujin: Eto, maganda padin.

 

Yuna: Epal naman.

 

Chaeryeong: Eto po... Medyo malungkot! Hahaha.

 

Tumawa nang mahinhin si Capt bago magpatuloy.

 

 

Yujin: Look, guys, this is the most experience we've gotten as a team. Baguhan pa nga lang tayo eh! Have you guys seen the comments sa live ng last round? They were rooting for us! Some were asking kung may page daw ba tayo or what our personal accounts were. And I'm sure, there were people who were watching us kanina that were solely rooting for us. Tsaka kahit ganun ang naging kinalabasan ng laro, nakita ko ang improvement natin, hindi ba yun ang pinakamahalaga?

 

Tumango l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺