Chapter 4

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

Hanggang bahay ay kinukulit ako ni Chaewon sa kung anong nangyari..

 

Wala namang nangyari! Ayaw lang ako tigilan! Kala mo hindi siya may kasalanan bakit ako ganto!

 

Bakit? Ano ba meron sakin?

 

Wala naman. Nagkarealization lang ako.

 

Gusto ko nalang pala maging non-showbiz gf. 

 

Charot!

 

Okayyy! Let's be real. I don't know KTR Karina. Maganda lang siya.. that's all! Masama bang magandahan sa maganda? 

Binawian ko tuloy siya at tinukso kay Yena. Namula si shunga. Oh ano. Akala mo sa akin?

 

Lintik lang ang walang ganti!

 

 

 

 

"Ahh kaya number ni Yena tong binigay mo sa akin?"

 

"Oo! Hindi naman ako ang nagpabigay! Sumunod lang ako sa pakisuyo sa akin!"

 

Natahimik siya at napatingin sa phone. Namumula na siya. Bakit ba kasi ang puti puti mo, insan? Pano kita pagtatakpan kung sobrang halata na kinikilig ka?

 

"Winter... hindi ko alam ano irereply ko!"

 

"Kahit ano lang yan! Huwag mo na artehan, baka mailang sayo!"

 

"Wiinnterrrrrr" Luh! Bakit nagpapacute to!?

 

"Ayan! Huwag ganiyan! Subsob kita sa pader kapag ginawa mo yun ulit!"

 

"Tulungan mo nalang ako.. hindi ko talaga alam. Nakakahiya naman kasi pinatext mo!"

 

 

Ano?! Witty kaya. 'Ako to si Chaewon ng buhay mo!'

 

 

Kasi ano..

 

 

Ano..

 

 

Ay..

 

 

Ewan ko rin. Huhu.

 

 

"Oo na!"

 

 

 

Kakatapos lang namin magtanghalian at kasalukuyan akong nakasandal sa headboard ng higaan ko. Pinainom muna ako ni Mama ng nabiling Advil bago niya ako pinaakyat. Muntik ko pa makalimutan na may binili nga pala kami nung lumabas kami. Ininom ko ito at umakyat na sa kwarto. 

 

 

 

Alas sais na halos nang maalimpungatan ako. Nakahiga na ako galing sa pwesto ko kaninang nakasandal. Hindi na ako muntik matumba nung tumayo ako. Hindi na rin makirot yung mga templo ko. Mukhang tumalab yung payo ni doc. Naks! Ang galing! I feel like wonderwoman!

 

Naabutan ko ang magkapatid sa dining table na naghahanda na para sa hapunan. Napatingin sa akin ang aming bunso. "Hi ate!" Bati niyang may kasamang ngiti. Napatingin din ang ate niyang naglalatag na ng mga plato sa table. "Buti nalang po nagising ka, tinatamad ako umakyat eh" Dagdag ni Liz. "Hi Winter, kamusta pakiramdam mo?" Bumalik ang atensyon niya sa mga platong nilalatag niya. "Okay na ako, nakatulong yung gamot tsaka tulog," Narinig ko ang mahinang pagbungisngis ni Chaewon na sinamahan ng nagtatakang mukha ni Liz. Bahala kayo diyan. Kakagaling lang nung tao eh ready na ulit siya mangasar! Asan na ba nanay ko! Need ko lambing!

 

Nakita ko siya sa garahe at nagsisimula na magligpit sa karinderya. Lumapit ako kaya napatingin siya sa direksyon ko. "Oh anak, okay ka na?" Pinahid niya ang kamay sa kanyang suot na apron at lumapit. "Opo, hug ako ma.." Niyakap ko na siya agad bago pa siya makasagot. Binalik naman niya ito agad at sinamahan pa ng halik sa ulo. Heh. Yehey.

 

 

 

 

 

 

Pagbukas ko ng Discord, si Capt. palang yung andun.

 

 

[win#0101 JOINED THE CALL]

 

 

Yujin: Uy Winter! Balita ko nagkita kayo ni Kat. Okay na ba ulo mo?

 

 

Wow. Ambilis lang ng balita!

 

 

Winter: Opo, okay na...

 

 

Yujin: Ikaw Winter ah.....

 

 

Winter: Capt...... Huwag naman ganiyan

 

 

Yujin: Tsansing ka ha...

 

 

Winter: Capt naman! 

 

 

Yujin: Hahahahaha okay! Hindi na nga!

 

 

Andito na kami sa game lobby ni Capt at naghihintay ng iba pang mga players. Dalawa palang din yung nakapasok sa kalaban namin. Ano clan nila? HYD? Ano meaning nun? Ah basta. Chineck ko nalang yung page kung saan maglilivestream yung tournament sa computer ko. Ayun! Cinopy ko ang link ang sinend sa GC namin nila Ning at Tots. Pati na rin sa magkapatid. Pati na rin kay Mama. Baka lang gusto niya.

 

 

 

 

 

 

 

Coordinator: Goodevening, everyone! So today, round two na tayo. Nakalivestream ang bawat game niyo from this point on. Kung gusto makiwatch ng friends niyo, punta lang sila sa Facebook page namin. Pakiusap lang na ang pagwatch ng livestream habang nakasali sa call ng either team is strictly prohibited. Huwag na tayo mandaya. Let's have fun guys!

 

Inexit ko na ang window kung saan nakabukas yung livestream at finullscreen ang Discord call naming team.

 

 

 

 

 

Round Two (Best of Three)

HP - SND - DOMI

Fixed Map

vs. HYD Uraeus

 

 

 

First Game: Hardpoint Firing Range

 

Wheeew. Game na ulit! Magho-Holger 26 ako dahil malaki ang Firing Range. Mas magkakaroon ng advantage kapag kaya namin silang palagan from long range. Tsaka isa pa, overpowered tong baril na to. Meta abuse lang! Charot.

 

 

 

Round starts in 

 

 

 

 

3

 

 

 

 

2

 

 

 

 

1

 

 

 

Ding! 

 

 

 

 

aezo captyuj: Take trailer, Yuna. Second floor woodhouse ako.

 

 

aezo Yuna: Copy.

 

 

aezo snowin: Take ko tower.

 

 

Nasa pinakagitna ng mapa ang first hardpoint, at kahit anong anggulo ay pwede kang madali dito. Umakyat ako sa tower na nasa tabi lang ng hardpoint para masupportahan si Chaeryeong sa objective habang binabantayan yung mga tagusan kung saan madalas dumadaan ang mga kalaban. Risky nga lang siya, pwede kang paulanan ng granada. Agad-agad naman akong naglagay ng trophy system para maiwasan ang mga ito.

 

Patuloy ang laro, ang ganda ng laro ni Ryujin ngayon! Walang makalapit na kalaban dahil sa pagslay niya. Lockdown namin halos ang first hardpoint. 30 - 10

 

 

 

HYD marie has been killed by aezo ryutoten 

HYD syvie has been killed by aezo yunaganda

aezo captyuj has been killed by HYD Martha

 

 

 

aezo captyuj: Huh? Bakit nasa likod ko na yun?

 

 

 

aezo yunaganda: Nagswitch na ata spawn, Capt. andito na ako sa next hardpoint.

 

 

 

aezo captyuj: Ay, dito na ako nagspawn. Thanks hehehe.

 

 

 

aezo chryeong: Ang galing ng bantay natin sa first hardpoint! Thanks guys. Rotate na ako!

 

 

 

Bumaba na ako ng tower nang may nakasalubong akong dumadaan ng mid. Sinimulan ko siyang barilin, kaso naunahan niya ako.

 

 

 

 

aezo snowin has been killed by HYD marie

 

 

 

 

Ang kunat niya lang. Sorry akin.

 

 

 

aezo snowin: Guys may papunta diyan! Sa mid dumaan.

 

 

 

HYD marie has been killed by aezo ryutoten

HYD syvie has been killed by aezo ryutoten

 

 

 

Uy gagi. Bakit parang galit na galit to si Tots?

 

 

aezo captyuj: Nice one, Ryujin! Ganda ng laro natin ah?

 

 

aezo chryeong: Baka nakakalimutan niyong nakalivestream tayo, baka nanunuod si jowa!

 

 

aezo yunaganda: Ay oo nga pala! Pasikat pala dapat tayo!

 

 

Hindi naman sumagot si Ryujin at patuloy lang sa pagsla-slay. Partida talaga. Hindi niya kailangan tumapak sa hardpoint dahil hindi ito ang main role niya. Papatay patay lang. Sarap ng buhay mo ah!

 

Nagrespawn ako sa malapit at nakahanap agad ng pwesto. Itong mga barrels sa likod ng trailer ay isa pang cheat code na spot kasi andaming mga daanan na nakikita. Mahal na mahal to ng mga anchor namin. 

 

Nagsimula na kaming magrotate sa third hardpoint. Mukhang maaga matatapos ang laro sa hardpoint. Ang ganda lang ng energy naming lahat!

 

 

aezo captyuj: Good job sa second hardpoint guys! Huwag makampante. Apak lang!

 

 

59 - 15. Nasa trailer ang third hardpoint. Tutulungan ko nalang si Chaeryeong sa loob. Kapag kasi sabay-sabay pumasok ang mga kalaban eh madali lang maovertake ang pwesto niya kaya —

 

 

 

Nevermind.

 

 

 

Nakapwesto na pala siya sa loob. May matching trophy system tapos dalawang pang transform shield. Natawa ako, bahay-bahayan ata nilalaro niya?

 

 

aezo chryeong: Oh! Tinatawa-tawa mo diyan Winter! Eto ang buhay objective, tulungan mo padin ako dito!

 

 

aezo snowin: Oo na! Bakit pala dalawa yang shield mo? Sino naglapag ng isa pa?

 

 

aezo yunaganda: Ako, kawawa naman siya eh.

 

 

aezo captyuj: Yuna? Anchor ka diba? Diba dapat yung operator skill mo pangdamage? Annihilator o Sparrow?

 

 

 

Oo nga no? Ibig sabihin ba nun nag transform shield siya para mabigyan niya ng extra si —

 

 

 

 

Ay. Ang tamis naman. Hehe. Hindi nalang ako magtalk.

 

 

 

aezo ryutoten: Wala ito si Yuna! Ano ba yan! Kinikilig ako!

 

 

 

Hahaha ako din! Itong dalawa talaga. May paganyan-ganyan pang nalalaman. Lahat na kami humahagikgik habang naglalaro!

 

 

 

aezo yunaganda: Issue ka Ryujin! Sorry, Capt. Hindi ko ata napalitan...

 

 

 

aezo captyuj: Of course! I believe you! Hahahahaha.

 

 

aezo chryeong: Capt ano ba yaaaaaan!

 

 

aezo snowin: Hahahahaha ang cute niyong dalawa. Chaer may papasok!

 

 

HYD Martha has been killed by aezo snowin.

 

 

aezo snowin: Okay na pala. Hehe.

 

 

Parang kontrolado na nila ang mga nangyayari sa labas. Isa-isa nalang kasi ang nakakapasok at nagaagawan nalang kami ni Chaeryeong sa kills. Si Ryujin ay may nainom ata talaga at halos inaangkin na yung lahat ng kills! Grabe lang magpasikat si shunga!

 

Mukhang nawalan na rin ng gana yung kalaban namin. Nilalaro nalang nila hanggang dulo. Sa fourth hardpoint natapos ang laro. 150 - 31. 

 

 

 

 

 

Second Game: Search and Destroy Raid

 

 

Usually, yung mga medyo mahina sa respawn games ay mga halimaw mag SND. Sila kasi yung mga spam SND sa rank dahil ito ang nagbibigay ng pinakamataas na points kapag nananalo sa lahat ng modes ng games. Kaya medyo inexpect na namin na mapapalaban kami. At hindi kami nagkamali. Natalo kami sa first round. Attacking side sila at nakaplanta agad sa B site.

 

 

Hindi namin nadefuse agad kaya panalo sila.

 

 

Ang fast-paced ng laro nila compared sa laro nila kanilang hardpoint! 

 

 

Second round na at patay na kami ni Ryujin tsaka Capt. Tatlo pa ang natitirang kalaban. Yung dalawang may something (Yie!) ang natira sa amin. Magkasama sila sa may Gallery. Naghihintay lang ata sila na may magplanta nang magsalita si Capt.

 

 

aezo captyuj: Oh, my friends just texted me. Watching na daw sila, kakagaling lang din nila sa scrim.

 

 

 

aezo ryutoten: Ohoy! Tuwa naman yung isa diyan.

 

 

[Bomb has been planted]

 

 

Nako. Sa A plinant. Nagsimula na tumakbo ang dalawa papunta sa A site. Ano daw? Sino matutuwa? Ako ba? Bakit naman? Suuuus. Anong bang mangyayari kung talagang nanunuod si KTR Karina... I mean silang mga Katarina?

 

Gaganda ba ang buhay ko? Matutulungan ba ang mga mahihirap? Mabibigyan ba ng trabaho lahat ng mga nawalan at mga naghahanap? Maaayos ba yung bulok na sistema ng edukasyon? Uunlad ba bansa natin niyan? Mangyayari lang naman kapag yung pinipiling iboto na kanditato ay kayang iparamdam sa atin ang katatagan ng loob na mangyayari ang mga ito at nangangakong gagawing posible ang lahat ng makakabuti para sa atin. Ayusin niyo nga! Teka, bakit ba bigla akong napunta dun. Basta! Andami ko tuloy sinabi. Ano na ba nangyayari sa laro?

 

 

Ay. Sinugod na pala nung dalawa yung site. Wala na kasing oras.

 

 

HYD marie has been killed by aezo chryeong

aezo chryeong has been killed by HYD Martha

HYD Martha has been killed by aezo yunaganda

aezo yunaganda has been killed by HYD syvie

 

 

Ayun lang.

 

Ayos na nga! Na 2-0 na kami oh! 

 

 

 

 

Round starts in 

 

 

 

3

 

 

 

 

2

 

 

 

 

1

 

 

 

 

Tumakbo ako agad papunta sa garden kung saan kitang kita yung pool. Makikita ko dito kung may magtatangkang pumunta ng A.

 

 

 

 

 

Meron nga.

 

 

 

 

 

Scope in....

 

 

 

 

 

Bang!

 

 

 

 

HYD syvie has been killed by aezo snowin

 

 

 

Hindi na ako naghintay ng iba pang lalabas dahil malamang nagulat yun na may nadali akong isa sa kanila at hindi na tutuloy. Pumasok ako sa loob ng money room papunta sa kitchen kung saan overlooking yung mid para tingnan kung may magpapakita dito.

 

 

 

Wala.

 

 

 

aezo captyuj: Meron sa pool! Nakatago sa headglitch!

 

 

Bumalik ako sa nauna kong pwesto kung saan kita yung pool.

 

 

 

Ayun si shunga oh. Kitang-kita.... yung noo.

 

 

 

Scope in.....

 

 

 

 

Bang!

 

 

 

 

HYD marie has been killed by aezo snowin

 

 

 

 

Headglitch pa! 

 

 

 

 

How does it feel matamaan ng bala sa gitna ng mga mata?

 

 

 

 

Charot.

 

 

 

Kala mo talaga hindi rin ako nagheheadglitch.

 

 

 

 

Kaya ko rin yon!

 

 

 

 

 

aezo ryutoten: Capt galit na....

 

 

 

aezo captyuj: Kaya nga....

 

 

 

Ako ba ha? Ako ba? Tsss. Hindi naman. Hindi naman ako galit. Masaya kaya ako! Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalaro. 

 

 

 

aezo yunaganda: Guys, planting ata sa B, paback up ako dito.

 

 

aezo captyuj: Sige. Tara.

 

 

We all made our way papunta sa B site. Bumaling ako pabalik sa base namin at dumaan sa route kung saan masamahan ko si Yuna. Si Chaeryeong ay nasa may mid, at yung dalawa ay nagsisimulang mag-flank. 

 

[Bomb has been planted]

 

 

aezo captyuj: Guys, surpise natin sila. Sabay sabay tayo pumasok.

 

 

aezo chryeong: Game!

 

 

aezo captyuj: Eto countdown ako... Three... Luh Ryujin wala pa nga!

 

 

 

 

aezo ryutoten has been killed by HYD grace

 

 

 

aezo yunaganda: Ayan! Ang shunga shunga mo kasi! Wala pa nga eh!

 

 

 

aezo captyuj: Hahahahaha! Go na guys go na!

 

 

 

Sabay sabay naming pinasok ang area kung nasaan ang B site. Four versus three ito kaya advantage sa amin. 

 

 

aezo chryeong has been killed by HYD Martha

HYD grace has been killed by aezo snowin

aezo captyuj has been killed by HYD Martha

HYD esther has been killed by aezo snowin

 

 

 

aezo captyuj: Andun sa mismong site, nakabantay sa bomba!

 

 

 

 

aezo snowin: Yuna bigay mo na sa akin—

 

 

 

 

HYD Martha has been killed by aezo yunaganda

 

 

 

 

...

 

 

 

 

 

Huy...

 

 

 

 

....  Yung kill....

 

 

 

 

 

Yung..

 

 

 

 

 

 

Ace ko..

 

 

 

 

 

 

Huhu...

 

 

 

 

aezo ryutoten: Hala ka Yuna inagawan mo ng ace si Winter!!!

 

 

 

 

aezo yunaganda: Ay hala! Hahahahaha! Sorry! Hindi ko napansin! Muntik na rin ako mamatay eh. Sorry sorry! Ikaw na magdefuse oh

 

 

 

Inako ko na ang pagdefuse ng bomba. Hmp! Talagang sayang! Isa nalang yun! Joke. Okay lang. Dami pa round oh. Hehe.

 

 

 

[Bomb defused]

 

 

 

2-1. Bigla akong naexcite maglaro! Andami ko lang napatay this round. Alam niyo kasi, may mga araw talaga na lahat ng bala mo tatama, may mga araw din na hindi. Ganun talaga para sa aming mga sniper main, pero pwede rin sa shotgun. In my case, walang araw na hindi tatama lahat ng bala ko. Charot!

 

 

 

 

Round starts in 

 

 

3

 

 

 

 

 

2

 

 

 

 

 

 

1

 

 

 

 

 

 

Garden ulit. This time nagsmoke yung kalaban sa may pool kaya wala ako halos makita. Mukhang magrurush sila ng A. Binalitaan ko si Capt tsaka si Tots na nakabantay dito. Nagets ni Yuna na nakabantay sa B at ni Chaeryeong na nakabantay sa mid ang signal kaya nagsimula na si Chaer bumaling sa side namin at si Yuna naman ay nagsimula na magflank. Mukhang wala na rin silang balak pascore-in yung kalaban.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

3-4. Attacking side na kami. 

 

 

 

aezo captyuj: Rush B tayo. Tatlo deresto sa site, dalawa makipagsabayan sa mid.

 

 

 

aezo yunaganda: Winter, tayo na magmid.

 

 

 

aezo snowin: Okay.

 

 

 

aezo ryutoten: Oks. Shotgun ako ah?

 

 

 

Round starts in 

 

 

 

3

 

 

 

 

 

2

 

 

 

 

 

 

1

 

 

 

 

aezo snowin: Yuna huwag ka muna dumerederesto baka may snipe...

 

 

 

 

aezo yunaganda has been killed by HYD syvie

 

 

 

aezo yunaganda: Ay ! Sorry late yung reaction ko Win..

 

 

 

 

aezo snowin: Asan yun?

 

 

 

 

aezo yunaganda: Nasa kitchen siya..

 

 

 

Hindi na ako sumilip pa. Kumaliwa nalang ako papuntang Gallery para bantayan yung tatlong nagsama sama sa B site.

 

 

 

[Bomb has been planted]

 

 

 

aezo captyuj: Pwesto nalang tayo. Advantage natin to. Bantay nalang tayo sa mga magflaflank. Isa magbantay sa mid.

 

 

aezo chryeong: Ako na sa magbantay sa mid.

 

 

 

Inako ko na ang pagbantay sa mga nagflaflank. Tambay nalang ako dito sa gallery habang pinapaubos naming yung oras sa bomBA JUSKO MARIOSEP!

 

 

 

HYD esther has been killed by aezo snowin

 

 

 

 

San ba galing yun?!

 

 

 

 

Ang bata bata ko pa para atakihin sa puso!

 

 

 

aezo yunaganda: Jusko ka Winter pati ako nagulat! Hahahahah!

 

 

 

Bgla bigla naman kasi susulpot.... buti napindot ko agad yung baril...

 

 

 

aezo ryutoten: May footsteps na dito sa laundry room... Ay andami nila dito!

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺