Chapter 3

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

Kakasikat palang ng araw nang magising ako. Mukhang wala pang gising sa mga kasama ko sa bahay… Napagdesisyunan kong ako na muna bibili ng pandesal. Pagtapos ko maghilamos at magsipilyo ay binuksan ko na ang garahe para hindi na ito gawin ni Mama mamaya kapag magbubukas na siya. Ang aliwalas ng panahon! Malamig rin ang simoy ng hangin at nagsisimula nang magingay ang mga manok ng aming mga kapitbahay.

 

Ang ganda lang ng gising ko.

 

"Ate 20 pesos pong pandesal tsaka 10 pesos po ng kababayan.... Eto po bayad... Thank you po!" Dumukot ako ng isang kababayan. Ang sarap lang! Matakaw kasi si Liz dito. Kailangan makakuha ako kasi hindi siya namimigay nito. Kala mo talaga pera niya pinangbili.

 

Habang naglalakad pauwi, nadaan ko yung school namin. Uunti pero may mga tao parin na papunta dito kahit summer. Baka mga transferee o may mga summer class. Pumasok ako saglit dahil magdadalawang linggo na akong hindi nakakapunta dito. Namiss ko lang bigla. Malaki ang patio pagpasok ng gate at may tindahang bubungad sayo sa bandang kanan. Nagbebenta sila dito ng mga rebulto at mga rosary. Never pa ako nakabili dito. Sabi kasi ni Mama masyado daw mahal ang mga tinda, yung isang daan na isang rosaryo lang sobrang dami na sana kung sa tabi-tabi nalang. Katabi nito ang simbahan. Dito ako nag-first communion, first confession, first pagsali sa mga magbabasa ng mga readings, lahat na! Nasa kaliwa naman ang puno ng Acacia na sobrang tanda na. Dito kami umiikot-ikot kapag naghahabulan kaming tatlo nila Ning at Tots simula nung kinder kami. Katabi ng puno ay isa pang gate, at katabi ng gate ang Adoration Chapel. Kapag natapos kami sa paghahabulan sa puno at wala parin mga mama namin, dito kami tumatambay kasi malamig sa loob. Syempre nagdadasal pa rin kami. Thank you for the aircon. Ganun.

 

Naalala ko pa na dito unang nakita ni Ryujin si Lia. Grade one kami nun. Per usual, pumunta kaming Chapel para magpalamig. Napatingin yung nagdadasal sa loob sa amin dahil sa ingay ng pagpasok. Nakatingin parin siya nung pwepwesto ako sa pinakadulo, yung katapat ng aircon, nang biglang may malakas na tunog na parang tumama yung tuhod sa tiles. Ouch. Napatingin ako sa kung saan galing yung kalabog, si Ryujin pala. Napatid sa may entrace. Ang kwento niya, nakatingin kasi siya sa kay ate girl at hindi sa dinadaanan niya. Ngiti-ngiti pa siya habang kwinekwento yun. Kala mo hindi muntik mapilay!

 

Nang malaman ni Ryujin na taga kabilang section lang si ateng nagdadasal, sinimulan niya nang guluhin ang buhay nito. Char! Transferee pala ito kaya hindi pa namin nakikita ever since. Ang nangyari, sinubukan ni Ryujin makipagkaibigan, ayaw magpagulo ni ate, mas lalong ginulo ni Ryujin, hanggang sa bumigay siya at pumayag makipagkaibigan, naging kaibigan din namin, and the rest is history. Magiisang taon na sila. Naks!

 

Palapit na ako nang palapit sa entrance ng main building. Para itong haunted house kasi halos walang tao, si kuya guard nakabantay lang dito. "Hi kuya!" Masiglang bati ko sa kanya. Nakuha ko ang atensyon niya at napangiti siya sa direksyon ko. "Uy, Winter. Naparito ka?" Napunta ang tingin niya sa bitbit kong supot. "Ah bumili lang po ako ng pandesal tapos napadaan ako dito. Gusto mo kuya? Kuha ka!" Binuksan ko ang supot na may lamang paper bag ng pandesal. Nahiya pa siya nung una pero kumuha din ng isa at nagpasalamat.

 

Nagsimula na akong bumalik sa bahay, baka kasi nagaalala na si Mama. I'm here po! Binilhan ko kayo ng pandesal bilang isang very beautiful and kind daughter.

 

Naabutan ko siyang na nagwawalis sa tapat namin. Mukhang hindi niya pa narerealize na papalapit na ako kaya tumakbo na ako at sinalubong siya ng yakap.

 

"Winter? Ang aga mo pala nagising? San ka galing?" Gulat niyang tanong. "Opo, galing ako sa panaderya, hindi pa kasi kayo gising kanina. Inako ko nalang." Tumango nalang siya at sinenyasan na akong pumasok. Naabutan ko sa kusina ang magkapatid. At gaya ng karaniwan, nakabunsangot na naman si Liz samantalang si Chaewon ay payapang tinitingnan ang kapatid niyang onti nalang ay babagsak na ulit ang ulo.

 

"Good morning sa inyong dalawa. Bumili ako pandesal. Liz, tama na kakasimangot. Ito oh kababayan." Nanlaki naman ang mata nito at tiningnan ako na parang hindi naniniwala. Grabe ah! Maniwala ka naman! Pagmamahal ko yan oh! Nakasubo na siya ng isang piraso nang tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. "Chank chew ahe!" Ayan. Ngiti ngiti na siya. Hindi ko nalang pinansin yung mga tumatalsik na kababayan. Binalik ko ang yakap niya bago siya kumalas.

"Umalis ka pala?" Tanong ni Chaewon. Ay grabe siya! "Wow, good morning ah?" Napunta ang kamay niya sa batok at kinamot ito. "Ah, sorry. Good morning Winter, salamat sa tinapay." Bumalik na siya bago pa ako makasagot. Hahaha. Hiya siya eh.

 

"Anong inumin niyo?" Pumunta ako sa kusina para paghandaan sila nito. Minsan lang to! "Milo po sa akin ate. Thank you!" Sabi ni Liz habang patuloy na ngumunguya sa pagkain niya. "Chaewon? Kape sayo?" Walang sumagot. Tatalikod na sana ako nang biglang nasa harap ko na siya. Aga-aga nanggugulat! Mukhang nagulat din siya sa bigla kong paglingon kasi hindi parin siya sumasagot "Uy, okay ka lang?" Tanong ko ulit. Ano ba nangyari dito? "Ako na, Ter. Ikaw na bumili ng tinapay eh," mahinhin niyang sagot. Wow! Meron bang competition ng paramihan ng gawaing bahay? Hinawakan ko ang pulso niyang nagsimula nang kunin yung lalagyanan ng mga sachet ng kape. "Ako na, insan. Let me. Okay lang." Malumanay kong sabi. Lumambot ang tingin niya at tumango na lang. "Thank you... kape akin..." Bumaling na siya at sinamahan na si Liz sa dining table.

 

Dumating na din si Mama sa dining area at nakiupo sa magkapatid. Automatic na gagawan ko na rin siya ng kanyang sariling inumin. Kabisa ko pa yung timpla na gusto niya. Sobrang onti lang daw dapat ng asukal. Ewan ko ba paano niya natitiis ang pakla. Ayaw na ayaw ko nga dito kaya nagmi-Milo nalang ako. Parehas kami ni Liz.

 

Nang matapos ko ang pagtimpla ay naupo na ako kasama sila. Mukhang may kanya-kanya silang iniisip dahil halos hindi nila ako mapansing papalapit na sa kanila. Ang tahimik! Binigay ko na ang kanilang mga inumin at nagsimula na rin dumukot ng pandesal sa supot. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumikim na si Mama sa tasa niya. "Anak! Ang tamis naman nito!" Bulyaw niya. Hala. Baka Milo nabigay ko. Tinikman ko ito para kumpirmahin pero sinalubong ako ng pakla. Matamis pa to sa lagay na to? "Ma! Ang pait!" Kape ito. Mas sigurado pa sa sigurado. Pero hindi siya kasing pait ng alam kong timpla ni Mama. Napatingin naman kami parehas kay Chaewon na napangiwi. "Ante, ito ata yung sayo. Mas sobra pa sa pait." Binigay niya ang tasa niya at inamoy ito ni Mama. "Mmm! Akin nga to. Kay Chaewon ata ito anak. Ito Chaewon oh." Nagpalit sila ng tasa habang nagrerecover pa ako sa pait. Uminom ako sa baso ko. Ayaaan. Sarap! Iba talaga ang tamis ng Milo pati laman loob ko nabuhay! Milo, baka naman!

 

Nang matikman ni Chaewon ang kanya, napatingin siya sa akin na parang tuwang-tuwa. Anong meron? Tinuro niya ang baso niya at ngumiti. Naalala mo? Binunganga niya. Ahh. Gets. Tumango ako. Of course no! Anong klaseng pinsan ako kung hindi ko maaalala timpla ng kape niya diba? Muscle memory kaya yun at one point.

 

 

 

 

Andaming notifs ng phone ko pagbukas ko nito. Hindi ko pala siya nacheck buong umaga.

 

 

[Unknown Number] hello? si Yujin? who's this?

 

[Team Aeszone] 5 messages

 

 

Natext ko pala yung sinend sa akin ni Capt.

 

 Hi. Si Yujin nagbigay ng number mo sa akin. Sabi niya itext daw kita. Ang sinend ko. Ewan ko ba, hindi ko rin alam ano dapat kong sabihin kaya ni-relay ko nalang sinabi ni Capt sa akin. After nun, hindi ko na nacheck. Mabilis lang pala siya nakareply,  kanina pa yung message eh. May biased idea ako sa kung sino ito. Pero binalewala ko nalang yung idea. Mamaya hindi naman pala tapos assuming lang ako..

 

 

Okay, fine. Sana kay KTR Karina yung number.

 

Itatanong ko sa kanya ano sikreto niya sa paglalaro ng CODm. Kung natutulog pa ba siya. Kasi kung hindi siya natutulog kakalaro, bakit ang ganda niya? I mean, bakit hindi siya mukhang bangag. Ganern. Ano ba tong iniisip ko?

 

 

Team Aeszone:

 

Yujin: [Photo attachment]

 

Yujin: Guys, mini-tournament. Gusto niyo sumali? 16 teams siya. Ako na bahala sa regis fee. Small-scale lang naman siya. For teams na gusto lang ng experience. Game kayo?

 

Ryujin: omg libre! Syempre g!

 

Yuna: Sure ka Capt? G ako pero pwede naman ako magambag.

 

Chaeryeong: Banned ba top clans diyan capt?

 

Yujin: Oo. Bawal yan sila. Pinili ko talaga na walang top clans. Mageenjoy lang tayo, bawal palong palo.

 

Winter: G ako! Magambag ako Capt!

 

Yujin: Okay na guys, mura lang naman. Next time nalang kayo magbigay.

 

Yujin: Win, gawin mo nalang pinapagawa ko.

 

 

Fineeeeeeee.

 

 

Winter: Opo....

 

 

 

Char! Rereplyan ko talaga no! Mamaya magmukha pa akong snobber. Ayaw ko naman maging ganun impression ko. Magpapakilala ba ako? Huwag kaya muna? Pano kung maweirduhan siya? Siguro nga weird na ako sa paningin niya. Dalawang beses ko ba naman siya masabihan na type ko. Ay isa lang pala, si Ning pala nagsabi nung isa. Shunga talaga. Ano nalang iniisip nun sa akin?

 

 

Winter: Hi, this is Winter...

 

Winter: Sorry.. Hindi ko alam bakit pinapatext ka sa akin..

 

[Read]

 

[Typing...]

 

Hala hala hala! Bakit ambilis? Wait lang! Lipat muna tayong ibang app. Uhm. Okay sa Twitter. Twitter! Bilisan mo naman magload! Ayan. Scroll. Scroll. Uy si Analyn! Wala akong pake sayo! Charot. Parang nung isang beses hindi ako tuwang tuwa dun sa tweet niya. Okay punta sa profile niya. Scroll. Scroll.... Anu ba! Ayoko na. Ang kalat ni Analyn sa mga tweets niya. Next! IG? Ano ba meron sa IG... Uy nagpost si Ryujin! Pictures pala namin nung gumala kami. Hindi man lang ako tinag ni shunga! Ay taray. Ang candid naman ng mga pictures. Ay bruha! Yung isang picture close up ni Ning! Teka. Bakit nga ba ako ulit andito? Hindi pa ba siya nagrereply?

 

[Typing...]

 

Hala ano bang ginawa ko?! Bakit parang ang haba ng tinatype niya? Essay ba to? Baka sabihin niya, Your daughter.....  Charot! Lord patulong! Kung tungkol ito sa time na pinagtakpan ko si Liz kay Mama nung natapon niya yung palayok na may kangkong, sorry na! Mukha naman kasi talaga binangga ng tumatakbong aso. Nadapa kaya si Liz nun.

 

 

 

 

Unknown Number: Oh okay. This is Yena btw. Hi Winter :)

 

 

 

 

 

Ay.

 

 

Ha..

 

 

Hanudaw...

 

 

Sino daw siya?

 

 

I can't read!

 

 

Box box!

 

 

 

Capt! The math is not mathing!

 

 

 

 

 

Yujin

 

Winter: Capt!

 

Yujin: Yes Win?

 

Winter: Si Yena pala ito.... Bakit siya binigay mo sa akin Capt?

 

Yujin: Sino ba dapat?

 

 

Ay. Mali!

 

 

Winter: Bakit pala** Sorry!!!

 

Yujin: HAHAHAHAHA wala. Bigay mo sa pinsan mo. Alam kong nakita mo rin nakita ko nung nagdinner tayo.

 

 

 

Wooh. Okay, hindi siya nagbigay ng meaning sa unang sinabi ko. Teka. Oo nga noh? May pangaasar pa ako kay Chaewon na naudlot. Nakita rin pala ni Capt. yun. Hehe. Handa ka sa akin Chaewon Kim. Yena pala!!!

 

 

 

Yujin: Yung sinasabi mong isa.... Work for it, Winter.

 

 

Ay... sabi ko nga po.

 

 

 

 

Team Aeszone

 

Yujin: Hi guys! Next week ang mini-tourna. No pressure! For fun and experience lang to. Practice pratice tayo kapag free ha? Let's getit!

 

 

D-7

 

[win#0101 JOINED THE CALL]

 

Ryujin: Hi Ter!

 

Winter: Oy Tots, asan yung iba? Lalaro ba sila?

 

Ryujin: Ay hindi ko lang alam. Naghihintay lang ako dito ng makikisali maglaro eh, arat soundtrip!

 

Winter: Sige sige. Ikaw na bahala sa song.

 

Playing:  Hinahanap-hanap Kita by Rivermaya

 

Winter: Hahahahaha Tots!

 

Ryujin: Anooo hahahahahaha tugtugan natin to kapag kakadating lang natin galing palengke kasama sila mama dati diba?

 

Winter: Oo nga may pachoreo pa tayo nun eh, tapos si Ning grabe kung makagiling! Feel na feel!

 

Ryujin: May video ako non, Ter. Solo mo. Gusto mo send natin sa GC tapos -

 

Winter: Oo na oo na tama na! Game na painvite!

 

 

 

 

 

D-5

 

[win#0101 JOINED THE CALL]

 

Yuna: Hi Winter!

 

Winter: Hi Yuna, Chaer! Lalaro kayo?

 

Chaeryeong: Oo pre, sali ka?

 

Winter: Okay sige. Pathird-wheel muna ha?

 

Chaeryeong: Pinagsasabi mo diyan Win?!

 

Winter: Hahahahahah game game!

 

 

 

D-3

 

Team Aeszone

 

Yujin: Hi guys! Nakikibalita ako sa mga ibang team leader sa GC, I-lilive stream daw yung second round hanggang finals! Wala share ko lang. Magkakaexposure tayo if ever. Let's G!

 

 

 

 

D-1

 

[win#0101 JOINED THE CALL]

 

Yujin: Hi Win? Si Ryujin?

 

Winter: Hi! Nagchat siya sa akin punta daw siya sa bahay namin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺