Chapter 1

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

“Scrim mamaya ah, 8pm at 9pm, meron ding 10 pm, get ready nalang.”

 

“Sige, sige. Dinner muna ako”

 

“Sige”

 

 

“Winter, anak, kain na!”

 

Umalis na ako sa Discord server at bahagyang insinara ang laptop ko. Mabilis akong bumaba para kumain. Kanina pa kasi ako tinatawag. Sorry Mama, hindi pa kasi tapos yung game. Huhu.

 

Nang makababa ako nakahain na ang pagkain at nakaupo na si Mama. Nilapitan ko siya at binigyan ng yakap at halik. Nagsimula na kaming kumain, at grabe.

 

Ang saraaap talaga ng luto ni Mama!

 

 “Ang OA mo anak! Kumain ka nga nang normal,” Natatawang sabi niya. Mama naman! Hindi mo ba alam na hindi ko namang sinasadyang mapapikit habang hinihigop yung sabaw. Hindi ko rin kasalanang ang sarap ng timpla!

 

“Mama, hindi naman ata bago sayo na ganito reaksyon ng mga nakakatikim ng luto mo,”

 

Tumawa nalang siya at nagbikit-balikat. Oh kita mo. Alam niya naman pala.

 

Nagpatayo si Mama ng karinderya sa garahe namin last year. Nung una, ayaw niya pa, kasi daw matrabaho at nakakapagod mag negosyo magisa. Kahit anong kumbinsi ng mga kamaganak namin (na sarap na sarap din sa luto niya), ayaw talaga patibag! Gusto niya lang daw maging part-time housewife, full-time mother.

 

Pero nung ako na sumubok na kumbinsihin siya, bumigay din. Ang galing ko lang!

 

Sinabi ko kasi na tutulungan ko siya sa pagasikaso at magiging bonding na din ito para sa aming mag-ina. Totoo naman. Hindi ko naman siya hahayaan kung magbubukas talaga siya nang kusa. Mukhang pinagisipan naman niya ito nang mabuti at dinahan-dahan ang proseso, nung una take-out take-out lang ng mga iba’t ibang putahe, mga ilang buwan ang lumipas at napagdesisyunan na namin na maginvest sa mga table at sa paggamit sa aming garahe bilang karinderya.

 

Ang lakas lang! Sustenstong-sustento na kami sa kita ni Mama dito. Hindi pa naman namin inexpect ito. Pandagdag income lang naman ang goal namin kasi buwan-buwan naman nagpapadala si Papa dito. Pero ayon, I share the same sentiments with my lovely kapitbahays. O diba!

 

Masayang-masaya akong bumubunga ang hard work ni Mama. Kahit mga construction workers na taga kabilang baryo pa ay dumadayo upang magtanghalian, minsan kahit hapunan pa! Tapos maguuwi pa sila para sa kani-kanilang mga pamilya. Ang cute lang.

 

Nagkusa na akong maghugas ng mga pinagkainan namin, kaunti lang naman tsaka medyo maaga pa. Alas sais palang, baka nga pwede muna ako bumanat ng tulog bago maglaro. Nakinig nalang muna ako sa pinapatutog ni Mama sa labas habang naghuhugas.

 

Kung tayo ay matanda na

 

Sana, ‘di tayo magbago

 

Kailan man, nasaan ma’y

 

Ito ang pangarap ko

 

Makuha mo pa kayang

 

Ako’y hagkan at yakapin, mmm

 

Hanggang pagtanda natin?

 

 

“Ate Winter!”

 

Napangiti ako nang makilala kung kaninong boses ito. Agad akong lumingon at sinalubong ako ng mahigpit na yakap ng paborito kong pinsan.

 

“Uy! Elizabeth!”

 

Bumaklas siya agad sa yakap at sinamaan ako ng tingin.

 

“Ate ano ba! Sabing ayaw kong natatawag na Elizabeth! Gusto mo bang tawagin kitang Te-“

 

Tinakpan ko agad ang kaniyang bibig gamit ang kamay ko na may sabon pa bago niya pa matapos ‘yung sasabihin niya.

 

“Ito naman, hindi mabiro. Bakit kasi ayaw mo sa Elizabeth? E halos wala namang pagkakaiba sa Liz?”

 

“Ate ano baa, may sabon pa oh!” Daing niyang sabi. Tinawanan ko lang ang tira-tirang sabon sa mukha niya at tinulungan siyang tanggalin ito. Inirapan lang ako at tumakbo paakyat sa second floor. Aba talaga. Ako ang ate dito ah? Tinapos ko ang pagbanlaw para agad na makasunod sa kanya sa taas.

 

“Ma! Akyat ako ah? Samahan ko lang si Liz!”

 

Hinugasan ko ‘yung natitirang sabon sa kamay at dali-daling nagpunas.

 

“Sige!”

 

Naabutan ko siyang nakaupo lang sa gilid ng kama at nagmamasid sa kwarto ko. Nginitian niya lang ako pagpasok ko at nagpaalam kung pwede maggalaw ng kung ano-ano sa kwarto. Mas bata sa akin si Liz nang tatlong taon. Pero mas matangkad siya ng… ilang inches nga ba yun? Oo, more than 1 or 2 inches ata.. or 3.. ah basta! Huwag na nating alamin. Pinsan ko siya sa kapatid ni Papa, naninirahan ang pamilya niya sa probinsiya at dahil gusto niyang magaral dito sa lungsod, dito siya sa amin tutuloy. Close na close kami kasi yung iba kasi naming mga pinsan either mga baby palang o pamilyado na, o kaya naman ay nagtratrabaho na, kumbaga parang kami nalang yung naiwan sa batch na ito. Pati yung isa pa. Close naman kami sa iba naming mga pinsan, pero iba talaga yung kaunti lang yung pagitan sa edad. Kaya eto kami ngayon, nagpapalipas oras lang nang magkasama.

 

“San ka galing, Liz?”

 

Nakahiga na siya sa kama pagkatapos pagdiskitahan ‘yung mga gamit ko. Wala naman akong out of the ordinary dito, siguro ‘yung kalat ko lang.

 

“Lumabas lang kasama mga tropa ko, ate.”

 

Tiningnan ko siya na nagtataka. Hindi naman malabas si Liz ah?

 

“Ikaw? Sumama sa gala? Anong himala?”

 

“Eh kasi wala naman akong homework na ginagawa, ang boring lang dito sa bahay, paulit ulit nalang ‘yung nakikita ko!”

 

“So ayaw mo akong nakikita?

 

Napaupo siya nang sinabi ko yon.

 

“Ate naman! Hindi ganon!”

 

Ayan na naman siya sa pagmamaktol niya. Para talagang baby! Baby damulag.

 

“Bored na bored ako sa bahay, Ate Winter. Labas tayo!”

 

“Sige bukas, paalam tayo.”

 

Tumango lang naman siya at bumalik sa pagkakahiga. Naupo nalang din ako sa tapat ng computer ko. Buti naman at naisipan din netong pinsan ko lumabas-labas. Kadalasan kasi ayaw niya kasi raw wala siyang kakilala at nakakapagod lang. Wala naman akong problema kung ganun style niya. Nakakapanibago lang.

 

“Ate, ano pinagkakaabalan mo ngayon?”

 

“Wala naman masyado, bakit?”

 

Summer na kasi, syempre ayoko naman magabala ng kung ano-ano kasi pahinga ko naman to sa eskwelahan. Tumutulong lang ako sa baba, pero other than that, dito lang ako sa kwarto ko, naglalaro, tumutugtog minsan, natutulog, ganun.

 

“Ate, okay lang ba na kasama natin si ate ko?”

 

Napatigil ako nang sinabi niya yun. Pero hindi ko siya nilingon.

 

“Okay naman, bakit?”

 

“Ah, wala naman, baka hindi okay sayo eh.”

 

“Bakit hindi?”

 

Hindi niya sinagot ang narinig ko siyang pinagpatuloy ang pagkakalikot ng mga gamit ko.

 

“Ate” bilang tawag niya sa akin.

 

Liningon ko na siya this time.

 

“May nagchat sayo, ay meron pang isa… ate bakit ang dami mong kachat?”

 

Inabot niya sakin yung cellphone ko at nakita kong ang nagkanda warla-warlang mga notifications ko. Ang iingay talaga ng mga to. Kakatapos lang namin maglaro kanina, talagang walang preno ang daldal! Hindi ko rin naman kasi mamute baka mamaya biglang magemergency. Mahirap na.

 

“Mga kaibigan ko lang, Liz. May laro kasi kaming mamayang 8pm.”

 

“Naglalaro ka padin niyan, ate? Akala ko nagquit ka na?”

 

Akala ko din. Hehe.

 

Masisisi mo ba ako? Hindi ko pala kayang hindi makita ang sniper ko sa araw-araw. Feel ko manghihina ako. Charot. The school year before this summer kasi, gusto ko sana magfocus sa 4th quarter, tutal last quarter na yun ng last year ko sa Junior High School. Kaya ayon, binatak ko lang naman mga grades ko. Worth it naman, aba dapat lang! Hindi ko nakita ang the love of my life na si Manta Ray ng ilang buwan! Pero ayun, after din ng moving-up ay napabalik din ako sa paglalaro, tutal bakasyon naman na, sulitin ko na!

 

Binuksan ko na ang mga messages ko sa phone.

 

 

Toten

 

Toten: ter asan ka na? warm up tayo para sa scrimmmm

 

Tenter: Wait lang! One game ka muna, magchecheck lang ako messages.

 

Toten: oki

 

 

Toten and Tenter. Real name Ryujin and Winter. Magkasama na kami nito mula diaper days, kasama si Ning. Magkakapitbahay lang kami at close mga magulang namin, kaya hindi na nakakapagtaka na halos pati mukha namin pwede na magkapalit-palit. Ang sabi pa, nung bungal days namin, hindi namin maibigkas yung Ryujin at Winter nang maayos. Kaya ayun, Toten at Tenter ang dinig ng mga tao sa paligid namin. Kay Ning naman kasi, walang issue, Ning lang eh. Dinala na rin namin yung palayaw hanggang ngayon, remembrance daw. Pero ako, ayaw ko. Hinahayaan ko nalang yung mga kamaganak ko na yun ang tawag sa akin. Nakakasawa din magsaway. Ang baduy kaya!

 

 

Team Aeszone

 

Yujin:  8pm – 9pm: Anarchy

        9pm – 10pm: Seraphim

        10pm: Katarina.

 

Yujin: That’s our schedule mamaya. Get ready tayo!

 

Ryujin: noted capt! @Winter, @Yuna, @Chaeryeong, warm up tayo dali daliii

 

Yuna: g 7pm, may tinatapos lang.

 

Ryujin: ikaw Chaer?

 

Chaeryeong: yup going online na.

 

Yujin: Winter?

 

Winter: Same kay Yuna.

 

Eto namang team ko, si Toten ang nakadiskubre. Kapag kasi naglalaro ako ng CODm, madalas ay solo lang, off mic at off speaker, chill lang, ganun. Ayoko kasi makipagdaldalan, kaya nga ako nagsolo para quiet lang. Kapag naman kasi nagoon ako ng speaker, trashtalker ang bungad. Hindi pa nga nagsisimula yung laro! O kaya naman magjowang ang goal lang ay makapagbebe time in-game. Sa ibang lugar niyo dalhin yan! Parang awa niyo na.

 

Nung una ay ayaw ko pa ngang sumali, kasi seryoso, okay na ako sa pagsolo rank, tsaka wala naman akong balak talaga seryosohin ang larong to, kaya nga laro ang tawag. Nakumbinsi naman ako ni Tots, masaya naman daw, maraming kang makikilala at sabay-sabay daw kayong magiimprove sa laro. I-try ko lang daw, kapag hindi ko nagustuhan, walang samaan ng loob. Mukhang okay naman siya. Tsaka parang nung time na yun ay medyo ginanahan ako makipaghalubilo sa iba.

 

Kaya heto ako ngayon.

 

Mga teammates ko, sila Yuna, Chaeryeong, at Yujin. Ang sabi sa akin ni Tots, may something daw sila Yuna at Chaeryeong, obserbahan ko daw tuwing maglalaro kami nang sabay-sabay. Oo nalang ako. Kakapakilala palang eh chismis agad ang sinabi nito sa akin. Langya talaga. Sabay daw silang naghahanap ng team at saktong naghahanap din si Tots kaya sabay-sabay silang naghanap ng Team Captain na naghahanap ng members. Si Yujin, Team Captain namin. Ang intimidating daw nung una, pero nung nakaclose na nila, ang bait bait daw. Kapag daw nagkita-kita kami nang minsan ay ililibre kami. Grabe, daming pera, matakaw pa naman ang Tots ko.

 

Last akong sumali sa team, dahil nga, kinumbinsi lang ako nung isa na isa nalang kulang nila para makabuo ng lineup. Sixth man nalang daw ang kulang, pero basta’t makabuo ng lima ay pupuwede na.

 

At bilang si Yujin ang Team Captain, siya ang nagaayos ng mga laro namin. Saka na daw kami maghanap ng clan kapag nagkaroon na ng chemistry ang team. Matatag naman ang loob ko sa part na ‘yun. Kaya ko namang kahit anong role. Naks!

 

 

Ning

 

Ning: Tenterrrrrr

 

Winter: Stop calling me that.

 

Ning: arte mo shunga!

 

Winter: Ano kailangan mo

 

Ning: anong plano mo ngayong bakasyon?

 

Winter: Wala naman masyado, labas tayo?

 

Ning: uy game! miss ko na kayo ni Ryujin.

 

Winter: Sige! Pagplanuhan natin. Wait lang, may scrim kami ni Toten.

 

Ning: goodluck <33

 

 

Mas bata sa akin si Ning ng isang taon, samantalang si Tots ay kasing edad ko lang. Hindi naman ito nagissue sa samahan namin, pero minsan napagkakaisahan din namin si Ning kasi nga, pinakabata siya. Asar talo pa. Hindi na kami napaghiwalay ever since. Kahit school ay pare-parehas lang din. Muntik nga lang ako lumipat this upcoming school year. Pero hindi naman natuloy at sama-sama parin kami. First year of Senior High kami ni Tots, pati ‘yung jowa niyang si Lia, at si Ning naman ay upcoming Grade 10.

 

Tapos pagkatapos ng upcoming school year, gragraduate na si Ning sa Junior High. Tapos graduating na kami ni Toten sa Senior High. Grabe lang, ang bilis talaga ng oras. Parang gusto ko nalang bumalik sa mga panahon na wala kaming ibang inatupag kundi magtakbuhan sa kalye sa tapat namin at mapagalitan kasi muntik-muntikan na madali nung humaharurot na motor. Kasalanan ba namin na pinaglihi sa sama ng loob yung mamang yon?

 

“Ate Winter, may tanong ako…”

 

Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ng pinsan kong andito pa pala. “Oh, ano yun?”

 

Para siyang kinakabahan na ewan. Nakayuko at kinakamot yung gilid ng kuko.

 

“Uy, Liz.. Okay ka lang? Ano ‘yun?”

 

Tiningnan niya ako nang deresto sa mata at parang may pagaalala sa kaniyang mukha. Hindi na muna ako nagsalita, baka big deal para sa kaniya ito at bumebwelo pa siya. Hinayaan ko muna siya saglit habang tinitingnan siya na para bang inaanyayahan siyang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. Nanatili kami sa ganun hanggang sa bigla siyang umiwas ng tingin at napatayo na.

 

“Next time nalang pala, ate. Una na ako.”

 

Hala siya.

 

Baka hindi pa siya handang sabihin. Okey lang naman. Nginitian ko siya at tumango.

 

“Ingat, may pako dun sa may kusina malapit sa pinto ng kwarto niyo. Lumuwag kanina eh.” Ngumiti naman siya pabalik at binigyan ako ng matamis na halik sa pisngi.

 

“Okay, bye bye ate Winter!”

 

 

 

 

 

[ aezo snowin JOINED THE LOBBY]

 

aezo ryutoten: Oy, ter! G ka na?

 

aezo chryeong: Hi Winter!

 

aezo snowin: Hello? Hello? Rinig ako?

 

aezo yunaganda: Oo, Winter. Rinig ka.

 

aezo captyuj: Game? Anong mode?

 

 

“SND!!”

 

“HP o Domi!!”

 

 

Patay tayo diyan.

 

After a few games here and there, nabuo naman agad ang chemistry naming lima kasi may kanya-kanya naman kaming mga roles. Kaso nga lang sa mga pagkakataon na ganito, nagkakaalitan sa kung anong mode ng laro ang gusto.

 

More on wits kasi ang Search and Destroy.

 

More on gun skills naman ang Hardpoint o Domi.

 

Habang nagaaway sila, ganito ang mga roles sa isang game.

 

Si Tots ay Slayer ang role. Dahil ang hinihingi ng role na ‘yon ay malupit na close-range gun skills, aggresibo ang paglaro nito. Hindi pwedeng nananatili lang sa isang lugar buong laro. Parang sa totoong buhay lang. Kiti-kiti ‘yan. Kaya syempre, Hardpoint or Domination ang gusto laruin ni Tots.

 

Si Chaeryeong naman ay objective. Nakapokus ang role niya sa pagatupag ng mga bagay sa laro na hindi masyado kinakailangan ng barilan. Pero ang role na ito ang pinakamahirap imaster. Kinakailangan ng utak ang role na ito. Kaya naman Search and Destroy ang gusto nitong laruin.

 

Si Yuna at Yujin naman ay Anchor. Kabaliktaran ng role ni Tots, madalas ay nananaliti ang mga Anchor sa magandang pwesto sa mapa at nakatutok sa mga lugar na madalas daanan ng mg

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺