Chapter 6

Nasa Sniper Main ang True Love
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

"So si Chaewon, Karina, Yena, at Giselle nasa iisang school lang?" Bulong na tanong ni Ryujin. 

"Oo nga, nakita ko dun sa billboard na nadaanan natin nung ginagala natin yung school. Paabot nga ng bagong bote ng Joy! Ubos na ito oh." 

Kumuha si Ryujin ng isang bote sa mga boteng nasa kaliwa niya. Kami ang nagvolunteer maghugas ng plato sa karinderya ngayon.

Kaninang umaga, dumating si Tots nang biglaan. Sabi niya may sasabihin daw siya sa akin, pero mamaya na daw. Ewan ko ba dito, hindi nalang sabihin agad. 

Kaya habang naghihintay sa mamaya, tumulong muna siya sa pag-serve karinderya at dito, sa paghuhugas ng mga plato.

Tuwang-tuwa pa nga yung ibang customer sa bagong mukha sa karinderya. San daw nakukuha ni Mama yung mga cute niyang tumutulong. Aba! Parang wala akong narinig na ganyan nung ako tumutulong ah!

Yung iba ay nagtangka pang ireto si Ryujin sa mga binata nilang anak. Buti nalang nahatak ko agad siya papalayo. Jusko! Ako yung nahihiya para sa kanila. May jowa na to! Patay talaga ako dun.

"Ahh. Yun ba yung binalikan niyo? Grabe ka ah, hinanap mo talaga?" Sabi niya habang inaabot ang boteng hawak. Tumingin na siya sa akin nang may nanlolokong ngiti. 

"H-hindi ah! Diba nga may naiwan si Chaewon!? Binalikan lang namin yun!" Nilagyan ko ng sabon galing sa bagong bote yung sponge at pinutol ang pagbanlaw ni Ryujin sa isang plato para basain nang onti yung sponge.

"Eh bakit ikaw yung madaling madali nun?" Bumaling ang tingin niya sa hinuhugasan niya.

"Alam mo, aminin mo nalang." Yumuyugyog na yung mga balikat niya sa kakapigil ng tawa.

"Ewan ko sayo. Tapusin mo na yan. Tapos na ako magsabon." Pinutol ko ulit ang paghugas niya at hinugasan ang mga kamay ko. Pinunasan ko muna kamay ko sa towel na nakasabit sa hawakan ng ref bago sumandal sa tabi ni Ryujin.

 

"Eh sila Capt kaya? San nagaaral? Pati yung isa? Ano ulit name niya?" 

"Si Yeji? Hindi ko din alam eh. Hindi ko naman nakita sa listahan name nilang dalawa."

"Ahh. Baka hiwa-hiwalay sila ng school. Pero biruin mo yun? Schoolmate ni Chaewon yung mga Katarina?"

Tumango nalang ako bilang sagot. Oo nga naman, sino ba namang mageexpect dun? Eh nagkakilala lang kami nung scrim, tapos nung coincidence sa K-BBQ place.

Ang galing nga eh. Parang tadhana. Uy, naks!

Pero hindi ko na sinabi yun. Aasarin na naman ako nito eh.

 

"Oh, eh ano plano mo?" 

"Anong plano? Dapat ba meron?" 

"Ewan ko. Crush mo ba si Karina?"

"Gagi ka. Pano ko magiging crush yun? Hindi ko pa nga masyado kilala."

"Kaya nga?"

"Huh?"

"Hindi mo pa siya masyado kilala kaya crush palang... malay mo magka-hmph!" Pinahid ko ng sabon ang mukha niya. Ano ba pinagpipilit nito?! Eh hindi nga?!

"Aray ko ha!"

"Ang kulit mo kasi! Hindi ka na natapos dyan..." 

"Oo na! Hindi rin tayo tapos sa usapang yon ah!"

 

 

 

 

 

Binuksan ko ang sirang pinto sa kwarto ko para dito kami tumambay ni Ryujin. At para magkaroon din ng konting katahimikan ang buhay naming dalawa. 

Grabe lang kasi yung ingay sa baba! Mas marami ang pumunta ngayon dahil tanghaling tapat. Tapos sinabayan pa ng patugtog ni Mama.

Parang ang dami kong energy ngayong araw. Dapat marami akong magawa. Since kalagitnaan na ng summer, naisip kong mas maging productive. Dapat pala gumawa ako ng mga agenda ko na dapat maaccomplish bago matapos ang bakasyon.

Simulan natin.

 

Mental notes:

i-contact ang pwede magayos ng pinto mamaya.

Magsearch ng soundproof pads sa Shopee. 

Itanong si Chaewon tungkol sa sched niya sa school 

 

Ano pa ba?

Dapat ba isulat ko to?

Sige.

 

Umupo ako sa upuan sa may table at naglabas ng ballpen at papel. Simulan ko na agad. Baka makalimutan ko pa.

"Ano sinusulat mo diyan, Ter?" Siyasat ni Ryujin sa sinusulat ko.

Agad ko itong tinakpan bago niya pa mabasa. Delikado na.

"Luh. Grabe. Nasaktan feelings ko dun ah."

"Huwag kang maarte. Ano yung sasabihin mo?" Tinaasan niya ako ng kilay bago umupo sa kama. Iniisip niya pa ata pano niya idedeliver yung sasabihin niya. Pinagpatuloy ko nalang yung pagsusulat ko.

 

Mga gagawin!

Ichat si kuya magaling sa pinto Soundproof pads Chaewon sched (ps. only curious!) Liz, Ning, and Ryujin sched (kasi baka maissue yung previous^^) Reminder sa mga books na bibilhin for school

 

"Patulong ako, Winter" Simula ni Ryujin

"Saan?" Tuloy lang ang pagiisip ko ng mga pwede pang ilagay. Hmm...

 

Maggrind sa CODm habang may pagkakataon pa! Advance read? Yaw ko nga

 

"Malapit na anniversary namin ni Lia..."

Napatigil ako sa pagsusulat.

Hinarap ko na siya.

"Kelan nga ulit yun?"

"Sabi na eh. Fake friend ka talaga! Bakit hindi mo alam?"

Nakailag ako agad nang akmang hahampasin niya ako.

"Sorry naman! Nakalimutan ko lang!" Nagpeace sign pa ako sa kanya. Bumalik naman siya agad sa dati niyang pwesto.

"Sa May 21 pa naman... pero ano.. may naisip akong pwedeng gawin pero tinitingnan ko pa kung kebs siya."

Ano na ba ngayon?

Ah. May 10. Malayo pa naman. Halos two weeks pa.

"Oh, ano yung naisip mo?"

"Ehh, baka may naisip kang iba?" Pagaalanganin niya.

Ay.

Tinginan ko siya nang matulis.

 

Umupo ako sa tabi niya at kumapit sa kanyang mga balikat.

"Tots, ano sa tingin mo yung mas maaappreciate ni Lia? Yung sasabihin kong idea o yung original na idea mo?" Napatingala pa siya sa dingding na parang pinagisipan yung sinabi ko.

"Gaga bakit mo pinagiisipan! Kahit na ano pa yan, basta galing sayo, magugustuhan niya yan. Kasi yun yung pinakaimportante, yung manggaling sayo. Hindi na mahalaga kung papalpak ba o hindi yung naisip mo. Kaya huwag mo na masyado isipin." Pagpapatuloy ko. Napatingin siya sa akin na nanlalaki ang mata. Ayan. Mukha ng realisasyon.

 

"Oh, so ano nga?"

Humugot pa siya ng hininga bago sumagot.

"Tugtog sana tayo... Just like before... nanunuod kasi siya ng mga jamming natin noon diba? Nababanggit niya minsan namimiss niya daw manuod ng ganun natin... Kaya ayun... Naisip ko yun." Hopeful ang mga mata niya nang sabihin niya yun. Pano ko naman tatanggihan to? 

 

Tsaka isa pa, it's a good idea. A great one nga. 

Matagal tagal na din nung huling nagbonding kami nang ganun. It's about time.

 

"Kaso kulang tayo ah... Wala tayong magba-bass, tapos drums.. tapos sino kakanta?"

Umiling siya sakin bago magpatuloy.

"Ang balak ko... kahit tayong dalawa lang. May mga downloadable naman na backtrack ng separate na instruments kung kakailanganin natin. So ayun kahit tayong dalawa lang... lead tsaka rhythm... tapos yung kakanta..." Napakagat siya ng labi.

"Si Ning ba?"

"Ayaw niya. Alam mo naman."

"Sabi ko nga. So sino?"

 

"Ako?"

 

Napatingin ako sa kanya.

 

Ikaw? Sabi ko sa kanya gamit mga mata ko.

 

Mabagal siya tumango. Oo, bakit?

 

Sabay kaming napatawa.

 

"Ter naman!" Kumuha siya ng unan sa tabi niya at hinampas-hampas sa akin.

Tinatawanan ko lang yung istura niya. Para siyang iiyak na eh.

"Grabe ka talaga sa akin! Kalimutan na nga natin yun! Tsaka nagpractice na ako!"

Mas lalo ko lang siya tinawanan. Patuloy lang din ang paghampas niya sa akin ng unan.

 

Pano ba naman kasi?!

 

Hinihingal na kami nung tuluyang napatigil kami sa kakatawa. 

Okay, ganito kasi yun. Quick story time.

May rason kasi kung bakit si Ning ang laging kumakanta sa mga jamming namin dati. 

One time kasi, sinasabihan kami ng mga nanay namin na tugtugan sila. Kahit ano lang daw. Tapos si Ning at Ryujin noon ang talagang kumakanta sa aming tatlo. Kaya ko rin naman sumabay, pero pagtugtog ng instrumento talaga ang hilig ko. 

Nung gabi bago yung mini-performance namin sa harap ng aming mga magulang, umuwi si Auntie na maraming dalang chocolate. Ayun. Binanatan namin ni Ryujin, kasabwat pa yung dalawa kong pinsan na magkapatid. Sabi pa namin eh inggitin namin si Ning sa pasalubong, umuwi kasi siya agad.

Sinabayan pa namin ng sobrang malamig na tubig. Buti nalang nasabi sa amin ni Mama na may nailagay siyang pitser sa freezer. Ilagay daw namin sa ref pagkatapos. Baka daw magyelo to at hindi namin mainom.

Kinabukasan, nagulat si Ning nung kinausap niya si Ryujin! Akala niya daw kumausap siya ng mamang matagal nang naninigarilyo. Hindi na makakanta si Ryujin. Baradong barado ang lalamunan ni gaga!

Yung sa akin din pala.

Yung sa magkapatid din pala.

Ayun. Napasolo performance tuloy siya.

Tumugtog nalang kaming dalawa ni Ryujin. 

Pero kahit na medyo napaadjust kami on the spot, tuwang tuwa naman ang mga magulang namin! Kahit yung magkapatid ay grabe kung makapalakpak, hindi kasi sila makasigaw eh. Gawa daw kaming banda!? Syempre natuwa kaming tatlo. Ang kaso, pass daw yung magkapatid dahil wala daw talaga silang alam sa mga instruments.

Kaya may dalawa pa kaming kinuha para makumpleto ang banda. Rhythm Guitarist, Lead Guitarist, Bass, Drums, Singer. Oh diba, naks!

Minsan, si Ryujin ang mago-organ. Kaya niya din kasi yun. 


"Oo sige tara. Anong kanta ba?" Pagpapatuloy ko sa usapan namin. Parehas kaming nadistract ng memory na yun. 

"Alala mo yung tinutugtog natin dati? Yung kanta na ma-reverb kaya medyo mellow talaga pakinggan. Umay na umay nga tayo nun kasi sobrang sweet ng lyrics.."

 

Napaisip ako. Tinutugtog namin dati?

 

Uhm.....

 

Ma-reverb....

 

Buong banda pero mellow...

 

Hmm..

 

Oh?

 

Parang may umilaw na light bulb sa ibabaw ng ulo ko nang marealize ko ano tinutukoy niya.

 

Okay, gets.

 

"Gets? Memorize mo pa ba yun?"

Tumango ako. Syempre no! 

Nagusap pa kami tungkol sa kung anong plano sa pagtugtog. Marami pa naman kaming oras para magpractice. Tsaka tinutugtog naman namin dati kaya madali nalang ito kung sakali.

Madaming mga ideas si Ryujin sa pasurpise niya...

Mukhang pinagisipan niya talaga to...

Ang effort effort naman ng kaibigan ko!

Nilalanggam na ako dito oh! 

Nginitian ko siya at itinaas thumb ko para sabihing bet ko ideas niya.

"Game! Pano pala si Ning?"

"Siya na daw hahanap ng place. Ayusin lang niya talaga!" 

Tumawa na kami ulit. Loko-loko kasi yun si Ning, pero malaking tulong din yung personality niya. Marami siyang kakilala, kaya hindi yun mahihirapan maghanap.

Dagdag natin sa agenda natin...

 

Mga gagawin!

Ichat si kuya magaling sa pinto Soundproof pads Chaewon sched (ps. only curious!) Liz, Ning, and Ryujin sched (kasi baka maissue yung previous^^) Reminder sa mga books na bibilhin for school Maggrind sa CODm habang may pagkakataon pa! Advance read? Yaw ko nga Practice para sa anniv ng RyuLia! <3 <3

 

 

 

 

 

 

 

Nakaalis na si Ryujin nang mabuksan ko ulit phone ko. Hawak-hawak ko sa kaliwang kamay ko ang listahan na nagawa ko kanina.

Ready na ako for the rest of summer!

 

Tumayo ako para lumapit sa pinto ng kwarto ko.

First, ipapaayos ko ulit yung lintik na pintong to!

 

Nilabas ko ang phone ko para ma-chat si kuya.

Para alam ko kailan siya makakapunta dito.

 

 

Ganun padin, pagbukas ko ng cellphone ko ay sinalubong ako ng mga group chat messages.

 

 

Pati...

 

 

[Katarina Yoo sent you a message.]

 

Napakamot ako sa mata.

 

Nagchat siya ulit?

 

 

Katarina Yoo

 

Katarina Yoo: Hi Winter. Laro?

 

 

Napalingon ako sa paligid ko.

 

Kita niyo to?

 

Chinat ako ng idol niyo! Niyayaya ako maglaro!

 

Heh. 

 

Anong oras na ba?

 

4:11 P.M.

 

Hmm....

 

Sige. Hanggang dinner lang.

 

 

O kaya pwede ituloy after.

 

Luh.

 

Ang feeling.

 

5 minutes ago yung chat niya. Replyan ko na ba?

 

Ay teka. Diba streamer siya?

 

Napaupo ako agad sa computer chair ko para icheck yung FB page niya. Parang nakakahiya naman kasi kung biglang may duo siya sa live.

Okay. Hindi siya live.

Baka chill gaming lang siya ngayon.

 

Sige. Tara! 

 

Winter Kim: Hello! Tara tara.

Katarina Yoo: Okay. Tapusin ko lang to. Last round.

 

 

Wow. Ambilis magreply.

Open na nga ako.

 

 

Katarina Yoo: Hi. Namatay ako hahaha. Hindi pa tapos. Pero mananalo naman na kami.

Katarina Yoo: Gusto mo ba mag open mic mamaya? Or...

 

 

Ehhhhhh!

 

Wait lang!

 

Ang straightforward niya!

 

Hindi ko kinakaya!

 

Bigla naman akong kinabahan.

 

Diba kaba yun?

 

Kapag bumibilis kabog sa dibdib?

 

Ewan!

 

 

 

Winter Kim: Okay lang, sgie.

 

 

Ay. Bakit ba kasi ang galaw ng kamay ko?!

 

I-correct ko ba...

 

Bahala na.

 

 

Winter Kim: Sgie*

 

 

Argh! Ano ba!

 

 

Winter Kim: Sige*

Katarina Yoo: Hahahaha. Kaya mo yan. Game na!

 

 

Tumalon ako sa kama at sinubsob ang mukha sa unan. Nakakahiya! 

 

Hindi na ako nagreply at bumalik nalang sa game. Quotang quota na talaga ako dito sa kanya.

 

Ayan. Naginvite na siya.

 

God bless me.

 

 

 

[aezo snowin JOINED THE LOBBY]

 

KTR Karina: Hii!

 

aezo snowin: Hello....

 

 

 

 

 

Tumawa siya. Bakit siya tumatawa? May nakakatawa ba? Tsaka bakit walang nagsasalita? Ganun na ba ang conversation namin? Tsaka bakit ang lalim ng boses niya? Ano bang tubig ang nilalaklak nito?

 

KTR Karina: Sorry, is it too awkward?

 

aezo snowin: Ahh.. Hindi! Hindi po... Nahihiya lang ako..

aezo snowin: Ano.. Gusto ko rin naman maglaro ngayon.. Kaya okay lang! 

aezo snowin: Tara po! Game!

 

KTR Karina: God you're so..

KTR Karina: Okay. Gusto mo ba magrank? o Battle Royale?

 

Ano daw si God? Hindi ko narinig...

 

Anyway...

 

Hmm...

 

Oo nga no?

 

Simula nung nagjoin ako ng team, hindi na ako nakakapag-BR. Mainly kasi Minsan nalang kapag trip namin ni Tots at kapag sumasali sa amin si Ning.

 

Both nalang kaya?

 

aezo snowin: Uhm.. Battle Royale muna? Kunwari yun yung warm-up tapos.. tapos rank tayo! Pabuhat ako... Hehe.

 

KTR Karina: Hahaha. Okay. BR muna.

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang galing niya! Ako kasi baril baril lang nagagawa. Parang walang wala lang ako sa laro. Okay lang naman siguro, buti nalang sinuggest ko na warm-up na muna.

Pero parang wala lang naman ito sa kanya. Binabalandra niya lang lahat ng makakasalubong namin!

 

 

 

KTR Karina: Okay ka lang diyan?

 

aezo snowin: Oo, ikaw? Ikaw kaya kumalaban sa kanila... Wala nga ako napatay eh...

 

KTR Karina: Ay! Na-KS-an ba kita?

 

aezo snowin: Hindi hindi! I mean wala akong nabawasan sa kanila...

 

 

 

Tsaka hindi nababawasan yung health ko kanina pa. Para kasi siyang supplier sa ospital. Hindi nauubusan ng meds!

 

 

 

KTR Karina: Oh, bakit nabawasan yang health mo?

 

aezo snowin: Ah, nalaglag kasi ako. Onti lang naman, okay lang! May mga natira pa naman ako ditong-

 

KTR Karina: Here, take these.

 

aezo snowin: Okay po...

 

 

 

 

Tapos ang galing niya mag-call out! Feel ko tuloy professional na professional kaming magka-duo. Naks! Magka-duo!

 

 

 

 

KTR Karina: Winter, may kalaban sa South East 160! Right behind that rock.

 

Para akong tinaasan ng balahibo nung sinabi niya pangalan ko... Ang lalim kasi ng boses eh!

Humarap ako sa sinasabi niyang direction. Ayun nga siya, kita yung paa niyang nakasilip..

 

 

 

Scope in...

 

 

 

 Bang!

 

 

 

Sapul! 

 

 

 

KTR Karina: Nice one, W-winter...!

 

aezo snowin: Thanks! Maganda yung call-out eh. Hehe.

 

 

 

 

Habang naglo-loot, nagtratravel, o naghahanap ng kalaban, naguusap lang kami about sa iba't ibang mga bagay. Minsan ay inaaway pa ako nang walang dahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
icebearina
Short update munaaaa. Kamusta? Masyado bang slow-paced? 😆 feel free to comment your thoughts

Comments

You must be logged in to comment
TakuyaKen
#1
Chapter 10: waiting s next chap
TakuyaKen
#2
Chapter 1: hahaha ang intense ng laban naaalala ko ung mga laro namin haha
Psykotato #3
Chapter 10: Hindi ko inexpect na ganito ang personality ni Chaewon, sa pov kasi ni Winter ang chill at tahimik niya most of the time pero jusko grabe din pala confidence ni akla gandang ganda sa self niya😂😂😂. Author sana di mo to ginhost na story
Psykotato #4
Chapter 7: Owemji Karina fell first👀🥴
Psykotato #5
Chapter 4: Kaya pala ang awkward nila Winter at Chaewon sa chapter 1 alam mo tangina lang talaga ang mga tao minsan
Psykotato #6
Chapter 2: Kapyu full time leader part time cupid ka pala
Psykotato #7
Chapter 1: Gagi ramdam ko yung pagkaintense sheeeeesh
jmjslrn #8
Chapter 10: ang ganda ng story kahut di aki naglalaro dama ko ung gameplay lol, more interaction narin sana ng winrina sunod🤣🙏
Emgeelex
#9
Chapter 10: Ang tagal naman pala nung last update, hindi ko namalayan isang buwan na ang nakalipas 😅 kaya pala namimiss ko na sila 🥺
Emgeelex
#10
Chapter 10: Imma comment the thought that I miss this na po hahaha balik ka na po please 🥺